Kapag mga ganitong undas season, talamak ang handaan ng mga paborito kong pagkain. Sinukmani o biko, maja blanca, palitaw, baye-baye, ube halaya, suman o sumang magkayakap o sumang dapa, puto, bibingka, tupig, kutsinta, kalamay at ano nga ang tawag dun sa saging na ni-nguya bago lagyan ng mantikilya 'tas hinuhulma sa takip ng Nescafe? Basta 'yun na 'yun (LOL) at marami pang iba. Pero dahil sa wala namang pwedeng gumawa ng mga nabanggit ko kasi mag-isa lang ako sa bahay at hindi ko naman madalaw ang mga mahal ko sa buhay na sumakabilang buhay na kasi nasa Mindanao sila ay hindi ko natitikman ang mga ito. Binalak ko na nga lang magpunta sa kalapit na sementeryo at manguha ng mga pagkain sa patay para makatikim lang ng mga ito LOL.
Pero imbes na sumakit lang ang dibdib ko sa kaiisip sa mga pagkaing iyon ay ibang pagkain na lang ang pinagtripan ko. Maraming salamat Seven Eleven at malapit ka lang sa bahay na tinitirhan ko. LOLZ.
Kain! :) |
Matapos ubusin ang nabiling pagkain at makapag-impake ay sumakay na ng bus at tumungo na sa bahaging Norte ng Pilipinas para makapagliwaliw. Abangan...
Musta na mga katoto? :)
10 comments:
I was expecting something solemn since araw ng mga patay. Pero bakit ganon? Parang food trip yata ang kinalabasan. hahahaha!
Hmmmm... Naglaway naman ako nang binaybay mo lahat ng mga sweets na yan at kung anu-ano pang delicacies. Hirap kapag malayo sa pinas. I think I'm almost at the point of forgetting such flavours.
At anong meron sa North? Sige, enjoy!
ang cute naman ng sinukmani :) ang saya ng food trip mo, penge ng ice cream! :)
haha puros chichirya lng baon namen tuwing undas tipid tipid lang haha
Nagutom ako sa mga pagkaing una mong binanggit :) Ganyan din ang hinahanda ng lola ko pag gantong season. Homesick lang. hehe
namimis ko din ang mga kakanin... lalo na pag undas... sa province namin uso ang pagagawa ng kakanin pag undas...
^___^
belated happy halloween sayo parekoy!
dati madalas magluto ng biko ang nanay ko tuwing undas, pero nitong mga nakaraang taon, laging pasta na lang ang niluluto nya hehe... nagsawa na yata.
at saan yang pupuntahan mo sa Norte? mag-gagala ka na naman XD
natawa naman ako sa idea na manguha nalang sa sementeryo ng mga food na un hahaha sayang di mo tinototoo kakainis ka! Charrr
nong bata pa ako, importante ang undas sa pamilya namin, yong pinaghahandaan talaga at when u say its undas, halos native foods ang handa! ngayon hindi na kailangan maghanda kasi yong kabilang puntod katabi ng puntod ng mahal mo, kusang nagooffer ng pagkain at may ihaw-ihaw pa! hahaha
sarap tumikim niyan..saan ka tumungo sa bahaging norte ng pilipinas..
Long time, no see ah! Hehe! Foodtrip ako dito samen nung Undas. Karekare ang inupakan ko. Hehe!
May braces ka na pala, men. Yaman!
Post a Comment