Isa sa mga must-visit destinations ko ang 100 Islands ng Pangasinan. Tinatalakay pa lang sa asignaturang HEKASI noong nasa mababang paaralan pa lamang ako ay pinangarap ko ng makapunta dito. Hindi ko aakalaing matutupad ang isa sa mga pangarap ko *teary-eyed* noong nagdaang undas LOL. Kaya kahit overly bagot na ako noon sa kahihintay sa mga kasamahan ay nanatili akong positibo. Ayoko na din sirain ang mood ko bagkus piniling maging masaya sa trip na iyon.
Mag-aalas onse na ng umaga nang sapitin namin ang lugar. From city proper ay sumakay kami ng tryke at 50 pesos lang ang pamasahe sa lahat. Magalang at accommodating ang lahat ng staffs na nag-assist sa amin. Nag-rent kami ng bangka worth 1400 Pesos lang which is good for 5 people. Unlimited island hopping na 'yun basta ba hanggang 6 pm lang. Kung kaya ba naman isa isahin ang 123 Islands eh sa isang buong araw bakit hindi hehehe. Ngunit subalit datapwat ay tanghali na kami dumating ay ni-request ko na lang kay mamang bangkero na dalhin na lang kami sa mga pinaka at dabests na mga isla. Buti na lang at game si kuya at pinagbigyan niya kami sa aming kahilingan.
Dinala kami ng sinasakyang bangka namin sa iba't ibang isla. May maliit, may malaki, may hugis buwaya, may hugis pagong, may hugis et*ts sawa, at marami pang iba ngunit ang pinakanamangha ako ay nung pumunta kami sa napakakipot na lagusan ng isang yungib doon. Sayang at hindi waterproof ang camera na dala ko noon. In short, hindi ko nakuhanan ng larawan ang kaloob-looban ng kwebang iyon. Kakaiba lang ang naramdaman ko ng pasukin namin ang kwebang iyon habang nakababad sa malalim, malamig at malinaw na tubig. Nakakatakot lang ang aura ng lugar kasi madilim. Naglalaro tuloy sa isip ko what if may halimaw na biglang mag-appear sa tubig. Nang mabanggit ko iyon ay biglang nagsigawan ang mga chikabebes sa takot haha! Napagalitan tuloy kami ni manong bangkero slash tour guide kasi dapat quiet lang daw kami baka kasi mabulabog ang mga paniki na natutulog doon hehehe...Galit na galit ang mga girls sa akin haha! Nang mapadako na kami sa pinakaloob ng kweba, sumilay sa aming mga paningin ang ganda na likha ng kalikasan. Ang sikat ng araw na tumatama sa tubig ay animoy mga diamante na nagrereflect sa walls ng yungib. Sinamahan pa ng naghahabaang stalactites at mapuputing stalagmites. Out of this world ang epekto sa akin noon. Masasabi kong masuwerte ako at naranasan ko ang kakaibang karanasan na iyon na alam kong hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon.
Nang makaramdam ng paglakas ng alon ay napagkasunduang lisanin na ang lugar. Isa isa kaming lumusot sa butas na singlaki lang ng butas ng balde. Mahirap lumabas doon. Kaya para mapadali ay sinabihan ko ang mga chikabebes na nasa likuran na namin ang mga lumalangoy na zombies hayun tilian na ulit sila haha! Kalokohan ko lang haha!
Mula doon ay nawili na ako sa pagpasok sa naglalawang kweba LOL. Iba't ibang kweba. May malalim. May mababaw. May madilim. May mabuhok mabato. Common denominator: maraming paniki, mapanghi. Joke!
Fruit bats in deep slumber. |
Nang makaramdam ng gutom ay tumambay muna kami sa isang isla at pinagsaluhan namin kasama sina manong bangkero ang bucket meal at iba pang pagkain. Note: Magdala ng sariling pagkain para makatipid. Medyo pricey ang mga pagkain sa isla.
Isa din sa kakaibang experience na narasan ko ay ang sumisid sa mga kabibe LOL. Ang lalaki lang. Nakakatakot ang mga giant clams na bumubukabukaka (Whutta term haha). May singlaki ng isang salbabida doon na hindi ko kinaya at pakiramdam ko ay lalamunin ako.
Pagkatapos nun ay nagpakasawa na kami sa pictorial haha!Katawan kung katawan. Ilang kilong baboy ang bibilhin 'nyo? LOL.
Si mamang bangkerol LOL |
O siya lilipad na muna ako sa kabilang ibayo para gumala naman sa Pampanga...Abangan... Babuh!
---oooOOOooo---
Extra's:
Ipagpaimanhin 'nyo po kung hindi ko kayo masyadong nadadalaw sa mga bahay bahay 'nyo. Babawi na lang ako 'pag medyo nakaluwag luwag na :)
13 comments:
di pa ko nakakapunta ng hundred islands. hehehe
hindi nag-uupdate yung blog mo sa blogroll. buti nakita ko sa ibang blog na may update.
Gusto kong makabalik sa hundred islands kasi last na punta ko dyan, pulubing istudyante lang ako, walang camera pangkuha ng pics
Naka punta na din ako ng 100 Islands! Ang ganda diba :)
Aliw ako sa jump shot mo para talagang nga fly fly :)
Naka punta na din ako ng 100 Islands! Ang ganda diba :)
Aliw ako sa jump shot mo para talagang nga fly fly :)
waaah! inggit much lang ako ahahaha! dream ko din na maka visit sa hundred islands parekoy T_T
yung pasalubong ko ha, don't forget :D
ang saya naman ng adventure mo ...hindi pa ako nakakarating jan sana mabisita ko yan ...wish wish wish
ang galing ng picture mo yung lilipad ka.. tanong lang.. after that shot?! san ka bumagsak?? hehehe.astig!
ang daya nung pumunta kaming hunderd islands di namin napuntahan yung kweba na sinasabi mo tsk sabagay apat na islands lang yung napuntahan namin yung mga malalaki lang tsk kainggit.
at ang astig lang ng fly fly shot mo =D
Napunta na din ako dyan. Maganda nga dyan :) Sexy ng katawan oh. lol
Namasyal na naman si kuya jag! hehehe nice! Kaya lang ayoko na muna magpunta ngayon sa beach, may masamang karanasan na ako dyan 3 weeks ago.Anyway ingat ingat lang sa paglangoy! :)
I like the last photo. ;)
ako rin hindi pa nakakapunta sa hundred islands. ako na loser.
one of the place im really proud of as a filipino
Ganda naman doon. Sana makapunta din ako..
Post a Comment