Larawan pa lang alam mo ng may kasamaan ang laman ng post na ito. Isasalaysay kasi dito ni Jag ang mga kawalanghiyaan niya noong kabataan niya lol. Oo kayo na ang malinis at siya na ang may marungis na kaluluwa. LOL. Bakit kamo Demonic Angel? Kasi gumawa siya ng masama para sa ikabubuti ng iba. Meron bang ganun? Haha...'Yun kasi ang paniniwala niya NOON haha...Mas masama kasi pag Angelic Demon ang pamagat kasi kahit na ano pa'ng magagandang adjectives ang gamitin sa isang demonyo, demonyo pa rin ito haha...Pero paalala lang, kuwentong nakalipas ang mababasa dito kaya 'wag 'nyo siyang husgahan kung ano man ang nagawa niya noon. Mabait na kasi siya NGAYON. lol.
PROTEIN STAIN (Rated PG)
Anim kaming magkakapatid na puro lalake (hindi halatang masipag ang mga magulang ko). Panglima ako. Pero sa lahat ng magkakapatid, 'yung pangalawang kapatid ko ang pinakakalaban ko. Lagi kaming nag-aaway noon at minsan pa nga umabot pa sa pagbabatuhan ng vase. Ganoon kami maglambingan. Ang sweet noh? Grade 3 lang ako at hayskul na noon si kuya. Bossy itong si kuya. Ok lang sana 'yun kaso sa tuwing may ipag-uutos itong si tatay sa kanya ay palagi niyang ipinapasa sa akin. At dahil sa masunurin akong bunso ay wala akong magawa kundi ang magpaalipin sa kanya kahit labag sa kalooban ko. LOL.
Isang tahimik na hapon may narinig akong kakaiba sa kuwarto ni kuya. Isang tunog na animo'y asong nagkakamot ng kanyang galis * scratch scratch scratch* pero may ritmo ang tunog na nililikha nito. Akala ko nakapasok lang si rimshot noon sa kwarto ni kuya pero nung bubulagain ko sana ang aso ay ako ang nabulaga sa nakita. Si kuya pala, nakita kong nakatayo at nakababa ang shorts habang hawak hawak ang kanyang putotoy na ibinalot niya sa kurtina (he's sooo pig haha). Nahuli ko si kuyang nagtitikol. Panay ang pagpapatahimik niya sa akin noon. Pero hindi ako pumayag na basta ganun na lang. Gumawa ako ng kundisyon. Hindi na niya ako maaring utusan sa tuwing may ipag-uutos si tatay. Minsan pa nga ako na ang nang-uutos sa kanya haha kasi kung hindi siya susunod isusumbong ko talaga siya kay nanay haha...sa murang edad ay alam ko na ang mam-blackmail hahaha...
At dahil sa ginawa ko, hindi na rin nahihirapan magtanggal ng mantsa yung labandera namin dahil hindi na doon gumagawa si kuya ng mantsa at bumait na rin si kuya sa akin LOL.
LIPISTIK (Rated GP)
Grade 4 na ako noon. Problema naman ay itong si bunso namin. Nagiging ugali na kasi ng bunso namin na tumatakas ng bahay na kahit may natuyong laway pa sa pisngi ay nakikipaglaro na sa labas. Ayaw na ayaw talaga ng nanay na lumalabas kami ng bahay na di pa nakaligo at nakaayos kasi ayaw niyang makita kami ng kanyang mga amiga na dugyot na nakikipaglaro sa labas. Gusto niya maayos kaming tingnan. Pero matigas ang ulo nitong si bunso. Hindi na alam ang gagawin ni inay.
Dahil batang Ovaltine ako noon, may biglang nag pop na bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. TING! May naisip na akong paraan kung papaano masu-solusyunan ang problema ni inay kay bunso. Kinuha ko ang lipistik ni nanay at ginuhit guhitan ko ang mukha ni bunso habang himbing na himbing itong natutulog. At alam na kung ano ang sumunod na nangyari nung lumabas siya at naglaro haha. Simula noon ay natuto na si bunso...Bwahaha!
And they lived happily ever after. LOL.
Yun lang muna ang ibabahagi ko. Tinamad na akong mag-type. Kung bakit ko nasusulat 'to? Namimiss ko lang kasi ang family ko. Hiwa-hiwalay na kasi kami ngayon. Busy ang iba kong kapatid sa pamilya nila at sa trabaho. Ako, malapit na ring maging busy (naks). Marami kami, kahit magulo ay masaya naman sa aming tahanan noon.
Naalala ko noong maliliit pa kaming magkakapatid ay kumukuha si nanay ng mga katulong pero nung lumaki na at nagka-isip na kami ay pinalayas na niya ang mga ito, natatakot siya kasing baka lalo kaming dumami sa bahay. LOL. Ngayon, malungkot na sa bahay kasi tatlo na lang sila. Si tatay, si nanay at si bunso. Hays!
Extra:
I already greeted him but I just want to say it again here. Happy 65th birthday to my dad on Nov. 25. I LOVE YOU TAY!