Saturday, October 20, 2012

Usapang Kuryente at Buhay

Sabi nga learning is a continuous process in life. At bilang isang electrical engineer, minabuti kong sumama sa isang seminar for electrical practitioners na ginanap sa isang hotel sa Ortigas. It's been so long na din na hindi ako uma-attend ng mga ganitong seminars and conventions . Naisip ko kasi kailangan ko lang mag-update sa propesyon ko.


Sa seminar na 'yun hindi lang solusyon sa power quality problems ang natutunan ko o ano ang kaibahan ng voltage sa current harmonics o kaya bakit minsan may occurence ng ground potential rise and etcetera. Natutunan ko din ang mga simpleng bagay bagay  sa ating mga buhay tulad ng:

1.0. Yung salitang brownout ay hindi talaga existing sa Pilipinas. Ang tamang gamit talaga ay blackout. Kung bakit nauso ang brownout? Noong unang panahon kasi sa Estados Unidos everytime daw na nagkakaroon ng voltage fluctuation at dahil noon ay incandescent bulb lang gamit, nagkukulay brown ang ilaw 'pag medyo hindi sapat ang boltahe na dumadaloy sa isang sirkito, kaya brownout.

2.0. Nagkakamali rin pala ang mga matatalino (oo naman tao lang eh). Naalala ko noong bata bata pa ako sinabi ni Ernie Baron na kaya daw hindi nakukuryente ang mga ibon 'pag dumadapo sa mga kawad ng kuryente kasi may special insulation daw ang mga paa nito. Pero mali siya...iyon po ay dahil iisang linya lang ang dinadapuan nila at walang potential difference na maaring pagdaluyan ng kuryente. Nagkakaroon lang ng pagdaloy ng kuryente kung may dalawang linya o kaya isang linya at ground. Pero 'pag sumabit pa sa kabilang linya ang dumapong ibon sa isa pang kawad ng kuryente, that's the time na magiging inasal na sila kasi ang katawan mismo ng ibon ay nagsisilbing conductor na dinadaluyan ng kuryente papunta sa kabilang linya...

3.0 Marami pa akong natutunan sa seminar na iyon pero may isang bagay ang tumatak sa isip ko at natutunan sa sarili. Natutunan kong kailangan ko pa palang matuto sa maraming bagay sa buhay...maraming marami pa talaga hindi lang bilang isang inhenyero kundi pati na rin bilang isang tao. Sa panahon ngayon, marami ang nayayamot sa buhay dahil sa hirap na dinaranas dito. Yung iba sinisira ito at kung minsan humahantong pa sa pagkitil nito.Maganda ang buhay at mahiwaga. Tayo na't alamin at tuklasin ito kalakip ang patnubay ng Poong Maykapal :)



Life is precious...let's enjoy it! Kung hindi kukuryentehin ko kayo. LOL

13 comments:

CheeNee said...

napa AHA ako sa post mo ha.. now i know!! ang galing naman ng seminar.. buti may natutunan ka. ako kasi natutulog lang pag gnyan..hehe

Archieviner VersionX said...

Mukhang marami kang natutunan ah. Kailangan ko nadin magseminar para makakuha ng CPE at marenew ang license at syempre para matuto :)

MEcoy said...

wow ganun pala un oh nice

Genskie said...

aba super dami ngang kaalaman :)

ZaiZai said...

Ok, ok, enjoy ko na ang life, ayaw ko makuryente! Haha :) Ganun pala ang pinagmulan ng word brownout, ang galing :)

Con said...

O yeah! Bigla tuloy ako nakuryente sa huling sinabi mo kuya jag :)

Con said...

O yeah! Bigla tuloy akong nakuryente sa huling sinabi mo kuya jag!

Superjaid said...

wow ganun pala yun nice. matanong nga to sa tatay ko kung alam nya pareho kayo ng work eh. anyway..nakakatuwa naman at nakinig ka talaga sa seminar. sipag! hihi

Mr. Tripster said...

O yan, eh di mas marami ka na ngayon na alam! Hehehe!

I think you should make it a point to attend at least one seminar every year. Mahalaga din yon para mag level-up. Many say that they disregard seminars and conferences kasi dagdag gastos lang para makinig ng bagay na pinagdaanan mo na sa kolehiyo.

The problem is, we're not always in school and the world and its ways keep on changing, modernizing itself and updating. If we can't cope up with the system, we won't understand it, hence, we'll be left behind.

As the prophet Hosea once wrote, "My people are destroyed because of lack of knowledge."

Attending seminars/conferences is never an expense. It's an investment. Lalu na para sa inyong mga engineers.

fiel-kun said...

I totally agree with your post parekoy. Life is a continuous process, maraming bagay kang matututunan sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundong ating ginagalawan.

Kung may problema man tayo sa buhay, wag mong paka dibdibin at problemahin ito, hayaan mong ang problema ang mamroblema sa iyo lols :D

cheers!

Anonymous said...

hahaha nice... parang may pumasok na bagong kaalaman sa kukute ko ah.. hehehe

glentot said...

Ui nu ka ba hinid naman kailangan matuto ng maraming bagay sa buhay basta marunong magmahal ko na yun LOL landi

mr.nightcrawler said...

pareng jag! i miss you. kailan ka ulit kakanta na pumipito? mukhang busy ka rin ah. gawa ka na ulit ng video para naman matuto kaming pumito habang kumakanta. hehe


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner