Friday, November 9, 2012

November One

 Napaaga ang dating ko sa Alaminos City. Ala una pa lang ng madaling araw ay lulan na ako ng bus terminal doon. Ang usapan kasi ng grupo ay magkikita ng alas 6 ng umaga. Kumusta naman ang limang oras ng paghihintay sa isang hindi pamilyar na lugar di ba? Sa lahat ng bagay ay ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako. 30 minutes nga lang ng paghihintay ay kumukunot na ang noo ko at nangangailangan na ng madugong paliwanagan kung bakit late eh yung limang oras pa kaya?

Dahil sa sobrang bagot ay sari-sari na ang naiisip ko noon. Naiisip ko ng mamik-ap na lang muna at mag oye oye pero hindi naman ako ganun. Hindi ko kayang bahiran ang super banayad kong budhi. LOL. Kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagawa kong matulog sa terminal. Inokupa ko ang buong bench like I don't care at all kung hindi na makakaupo ang ibang pasahero. LOL. Joke lang. Siyempre kakaunti lang kami 'nun kaya ok lang hehe...

Maya't maya pa ay biglang may tumapik sa aking balikat at ginigising ako. Sa pagmulat ko ay nakita ko ang aking lolo, lola, tito at tita, maaliwalas at nakangiti sa akin. Ang bango nila. Mahirap ipaliwanag ang amoy basta masarap ang amoy sa ilong. Tinanong ko pa sila kung paano nila ako natunton eh sa pagkakaalam ko eh wala akong kamag-anak na pinagsabihan sa biyahe ko. Muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko ng mapagtanto kong lahat ng kinakausap ko ay sumakabilang buhay na pala mga ilang taon na ang lumipas. At bigla na lang akong nagising, pawisan. Pagtingin ko sa orasan ay alas singko ng umaga na pala. Dahil sa panaginip na iyon naisipan kong magpunta ng simbahan. Nagkataong malapit lang ang Cathedral of Saint Joseph. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila kaya ako ang dinalaw nila upang magpaalala.


Pagpasok ko ng simbahan ay nakaramdam ako ng init sa katawan at maya maya lang ay umusok na at lumiyab ang buong katawan. Chos! Haha! Seriously, mataimtim akong nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga mahal ko sa buhay. Tingin ko naman masaya sila sa kinaroroonan nila ngayon. Masaya na rin ako kasi sa tagal ng panahon ay ginagabayan pa rin nila ako kahit saan man ako dumako.


Kakaunti lang ang mga sumamba noon. Siguro wala pa kaming sampu. Matapos ang misa ay nag ikot ikot sa kabuuhan ng cathedral at kumuha ng larawan ng isang magandang istruktura. Mag-aalas siyete na ay wala pa rin ang mga kasundo. Gusto ko ng magwala 'nun pero dahil sa na enlighten ako (char) hindi ko na itinuloy. 

Alas diyes na ng umaga at tumunog ang selepono ko. Dumating na sa wakas ang mga kasama ko. Di ba ang saya lang? 9 long hours of waiting in vain hays! Buti na lang maraming interesante sa lugar. Kahit papano ay nalibang din ako sa paglilibot dito. Nang magkitakita ay tumungo na agad ang grupo sa pinupunteryang lugar, ang Pangasinan's pride, Hundred Islands. Abangan.

 ---ooOOOoo---

Extra's:
Maugong ang salitang BONUS sa kumpanya ngayon dahil malapit na ang Pasko. Sana malaki ang evaluation ng boss sa akin para malaki din ang bonus haha! Asa pa! Haha! Basta may bonus ok na ako dun may pambili ng puto sa may kanto LOL. Ingat pips! :)

7 comments:

eMPi said...

kung ako siguro yon, umuwi na ako. haha

MEcoy said...

hala ka binisita ka nila sa dream mo nang yari sa saking yna binisita ako sa dream ko ng yumao kong best friend

Archieviner VersionX said...

Natakot ako. Tapos na undas nananakot pa. hehe, Yan tayo tuloy ang dinadalaw ng mga yumaong mahal natin sa buhay dahil di natin sila dinadalaw.

Pagmay BONUS manlibre ka. hehe :P

fiel-kun said...

nasa bakasyon grande ka na naman parekoy? pasalubong ha!? :D

naku, tapos na ang halloween wag ka nang manakot >_< cguro masyado mo clang pinagi-iisip kaya hanggang sa pagtulog ay napapanaginipan mo sila. pero tama ka din about the power of prayers. need nila yan :)

June | Life and Spices said...

what a timely dream... November pa..

Arvin U. de la Peña said...

Kung di mo sila napanaginipan baka di ka muna nakabangon dahil sa sarap pagtulog.....tiyak malaki ang bonus mo..

denggoy said...

scary... hehe.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner