Hindi ko na-enjoy ang aking weekend kasi nag-iinarte ang aking katawan. Imbes na makasama sa gala ng mga kaibigan, hayun at nagkulong ako sa kwarto gawa ng masama ang pakiramdam. Ganito na ba 'pag tumatanda at lapitin lagi ng sakit? Masyado lang kasi akong stressed noong nakaraang linggo at sinamahan pa ng lagiang pag-ulan kaya heto nagkatrangkaso tuloy. Tsk tsk...
Kaninang umaga (Lunes) medyo masama pa rin ang aking pakiramdam (at inatake ng KATAM* hehe) kaya tumawag na ako sa opisina na hindi muna makakapasok. Gusto ko lang sanang humilata buong magdamag nang bigla kong mapanood sa TV ang isang balita. May outbreak daw ng Dengue sa parte ng Batangas at Laguna. AUMMIGAUDNESS! Naalarma ako at naisip kong baka biktima na ako ng nasabing sakit. Binigyan ko ng kondisyon ang aking sarili. 'Pag hindi pa nawala tong init ng katawan ko este itong feverish feeling na ito, tatawag na ako ng ambulansiya (OA haha).
At dahil dun naisip ko magpapawis. Dahil halos isang daang dekada ko na din hindi nagagawa ang mga gawaing bahay, 'yun ang kinarir ko kaninang umaga. Inuna ko ang mga mabasang gawain. Paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng lababo, paglilinis ng banyo at paglalaba ng mga damit. Sumunod ay ang pagpapakintab ng buong bahay. At charaan! Natapos ko ang lahat ng gawaing bahay bago magtanghalian. How about that? hehe...
cleaning the backyard... |
Pero nasa mood pa rin akong magkikikilos matapos makapananghalian. Kaya this time pinagdiskitahan ko ang labas ng bahay. Nilinis ko ito ng bonggang bongga lalo na sa bandang likuran. Gusto ko sanang magsiga para tuluyan ng magdisappear ang mga asungot na kapitbahay pati na rin ang mga lamok sa paligid kaso bawal pala sa loob ng village. Hays! At BOOM! Nang matapos kong gawin ang lahat ay feeling ko nawala din ang trangkaso ko haha. Kaya bukas papasok na ako kasi tambak na ang tabaho haist! Sana lang hindi na bumalik ang trangkaso ko. Pero so far ok pa naman hindi na ako nilalagnat. (nakakapag-blog na nga eh hehe)...
Ka-engotan lang naman 'tong post na ito. Gusto ko lang naman ipaalala sa lahat (at aba marunong na pala akong mangaral ngayon? porke't nakapaglinis na ako? LOL) na sana panalitihin, I mean panahitilin este panatilihin nating malinis ang kapaligiran kasama na ang pagtutuyo at pagtatapon ng tubig na naiipon sa mga bote o garapon, sa gulong, alulod ng bahay o saan man na maaring tirahan ng mga lamok. Kung may inimbak tayong tubig, pakitakpan na lang po, and that's an order! LOL. Ito ang pinakamabisang paraan para hindi tayo ma-DENGGOY!
Ingat!
*KATAM- short for katamaran haha...O ha inexplain ko pa dito LOL.