This time nature tripping naman kami. Kahit wla pang sapat na tulog ay gumala na agad para makarami .LOL. Sinusulit lang namin ang bawat sandali kasi alam namin na matagal tagal na ulit bago kami magkikitakita o baka nga hindi na mangyayari yun dahil may kanya kanya na kasing priorities sa buhay.
Pinuntahan ng grupo ang Paradise Ranch at Zoocobia ng Clark, Pampanga. Sa entrance fee na 250 pesos ay sulit na sulit na ito para sa isang buong araw na pag-iikot sa lugar. Tamang tama ang lugar na ito para sa buong palilya para makapag-bonding pati na rin sa mga mag-aaral na nais mag-field trip dahil maraming matututunan dito tungkol sa mga hayop at habitat nito. Maayos naman ang mga facilities dun. May pool doon kung saan pwede mag-swimming at mga rooms para mag-stay overnight at buffet restaurant para sa unli-eating.
Kapag pupunta doon, mas mainam kung may dalang sariling sasakyan dahil medyo papasok, malayo at matarik ang lugar. Buti na lang masyadong generous ang bf ni kaibigan at pumayag siya na gamitin ang sasakyan niya.
Marami pa sana akong ikukuwento pero hayaan na lang na ang mga larawan ang magkwento sa inyo. Tinatamad na kasi akong magsulat. LOL.
Basta, nawili ako sa mga tanawin doon. Pero mas nalibang ako sa pakikipag-interact sa mga hayop doon tulad ng sa mga ibon, cat bear, ahas at marami pang iba.
May Night Owl Show pa sana bandang gabi noon pero hindi na kami pwedeng magstay longer kasi may pasok pa kami kinabukasan. Madugo ang pag-uwi namin kasi agawan ng masasakyang bus papuntang Maynila. After mahigit isang oras na pakikipagbuno sa terminal ay nakasakay din kami na naka SP hindi Student Privilege kundi Standing Position. Ang saya saya lang ng biyahe noh? Nakakapagod man pero hindi kayang tumbasan ng anuman ang saya na idinulot ng maigsing bakasyon na iyon kasama ang mga malalapit na kaibigan. Hanggang sa muli. Bow! LOL
Extra's:
I saw Miss Shamcey Supsup kanina sa convention ng harapan at wala akong masabi kundi argggh she's so damn hawwwttt! I really admire her for she's got everything. PERFECT! I will tell you more stories about her 'pag natapos na ang convention hehe. Ciao!