Hindi ko na talaga maintindihan ang klima ng Pilipinas. Kahit umuulan na ay banas na banas pa rin ako. 'Pag nag-climate change nga naman. Sighs! Naalala ko tuloy noong nasa unang taon ng mataas na paaralan pa lamang ako nang magkaroon ng diskusyion sa klase tungkol sa anong maaaring idulot pag nasira ang mothah' naychah'. Sabi ng titser ko, nagkakaroon daw ng GLOBAL WARNNNNING 'pag tuluyang nasira ang kalikasan. Akala ko nabingi lang ako pero nakumpirma ko nga na global warning nga ang sinabi niya nang sabihin niya sa buong klase na wrong spelling daw ang nasa textbook at palitan na lang daw namin ng "N" ang "M" sa salitang global warming. Ewan ko ba kung bakit napahalakhak ako ng ubod lakas ng marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko lang talaga napigilan ang aking damdamin noon. Sinita ako ni titser. Galit na galit. "Hoy! Jag! Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?", angil niya. Pinatayo niya ako at pinagalitan ng todo. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag kasi andami na niyang sinabi. At ang masama pa nun, pinalabas niya ako sa kanyang klase. Pahiyang pahiya talaga ako.
Dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa akin, pumunta ako sa principal's office at nagsumbong. Idinetalye ko ang nangyari. Naintindihan ako ng punong guro namin pero hindi niya din kinonsinte ang ginawa kong paghalakhak. Pinagalitan ako ng super slight lang naman hehehe... Hayun ipinatawag si titser matapos ang kanyang klase . Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero lumabas siya ng opisina na luhaan. Medyo na-guilty ako nang makita ko ang hitsura niya pero kailangan ko ding panindigan ang ginawa ko. At kinabukasan ding iyon ay ibang titser na ang nagturo sa amin. Nalaman ko na lang na sa section C classs na siya nagtuturo. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang section C...
Napag-usapan na din naman ang global warming, kaninang tanghali ay bigla ko lang naisipang gumawa ng something refreshing. Dahil sa medyo maalwan naman ang araw ko, ginanahan akong gumawa ng samalamig at kakanin. Matapos mabili ang mga kinailangang sangkap ay sinimulan ko na agad ang paggawa ng palitaw.
Inaamin ko wala talaga akong talent sa pagluluto. Sa kainan lang ako naasahan hehehe. Pero sa pagkakataong ito, hayaan 'nyo pong ituro sa inyo kung paano ko ginawa ang palitaw.
Mga hakbang:
1. Ihanda ang mga sangkap.
*1/2 kl Galapong (Giniling na malagkit na bigas) - kung sinisipag naman kayo, puwede ding kayo na lang ang ngumuya ng malagkit na bigas hanggang sa maging galapong ito. LOL.
*1/2 kl sapal ng bukonut
*White sugar
*Dahon ng pandan na nakaw sa bakuran ng kapitbahay
*Mani ni lola. Oo kasi doon ko binili ang Happy Nuts sa tindahan ni lola. Ang dudumi ng isip! LOL.
2. Magpakulo ng tubig sa kaserola. Ilagay ang dahon ng pandan na nakaw sa kabilang bakuran pagkakulo ng tubig. Ang pandan ay nagbibigay aroma sa galapong.

3. Pagkatapos mangungulangot, bilugin ang kulangot este ang galapong at i-
flatten ito ayon sa laki at nipis na gusto mo.
Please see picture above.
4. Ilagay sa kumukulong tubig na may dahon ng pandan na nakaw sa kapitbahay ang mga na-hugis na galapong. Antayin na lumitaw ang galapong bago ito kuhanin sa kumukulong tubig. Ibig lang nitong sabihin, luto na ang galapong at namatay na din ang germs na galing sa kulangot. Siguro naman gets mo na bakit PALITAW ang tawag sa pagkaing ito hehehe...
5. Budburan ng asukal ang nalutong palitaw para magkaroon ito ng tamis
pleybor.
6. Bago pala ilagay ang sapal ng bukonut sa palitaw, pigain muna ang gata nito saka ibilad under the scorching heat of the sun, para ito'y matuyo. Ang purpose nito ay para hindi madaling mapanis ang pagkain at hindi maglasang langis-niyog.
7.
I-Coat ang sapal ng
bukonut sa nilutong galapong. Kung gusto mo namang manamis namis ang lasa ng sapal ng
bukonut, puwede itong lagyan ng asukal.
8. Durugin ang mani ni lola.
Please refer to the list of ingredients. Kung sinisipag ka naman, puwede mo din nguyain ang mani ni lola hahaha...Ibudbod ang durog na mani sa palitaw.
9. Para magmukhang sosy ang simpleng palitaw, lagyan ito ng disenyo kung gusto mo hehehe...
Ganun lang po kadali ang paggawa ng PALITAW. Puwede mo ng i-serve sa visitors ang
yummyliciuos na palitaw mo ahihihi (tawang Boy Abunda) LOL...
Kain tayo!