"Ang babait pala ng mga tao dito sa Bora noh?" sabi ko kay manong bangkero matapos na siya'y tulungan ng kapwa mga bangkero na itulak ang bangka na sinasakyan namin papunta sa laot. "Ser? Alin po? Bora?", panganglaro ni manong sa akin. "Oo dito sa islang ito", ako. "Ah, dito sa Boracay", sagot naman ni manong. "Ser, hindi po ito Bora, nasa Boracay po tayo" kanyang pagpapatuloy. Gusto kong tumawa ng mga panahong iyon pero pinigilan ko na lang baka ma-offend si manong. Wala na ding idinugtong si manong kasi naging abala na siya sa bangka. Pero sa likod ng aking isipan ay napatanong din ako bakit nasabi iyon ni manong.
Nag-island hopping ang grupo noon. Hindi naman sa unang beses kong gawin ang ganitong trip pero naexcite ako nang malaman kong madadaanan daw namin ang resthouse ng idol kong si Manny Pacquiao sa kabilang panig ng isla. Pawang eww at tawanan ang mga chikabebe nang malaman nilang iniidolo ko si Manny. Dahil dun niloko ko ang isa sa pinakamaarteng chikabebe. Sabi ko sa kanya, "Kung bibigyan ka ng 10 million pesos ni Manny upang tumihaya papayag ka ba?". "EWWWWWW!!!! Hindi ko siya type noh!" ang pasigaw na sagot niya. "Kahit doblehin niya pa, ayoko pa rin!" dagdag niya. Tawanan ang buong grupo. Hindi halatang affected si maarteng chikabebe sa ibinigay kong scenario haha.
Sa aming paglilibot, lumantad sa aking paningin ang magagandang tanawin...
Andami talagang magagandang tanawin haha...
Maya-maya lang ay narating na namin ang nasabing resort ni idol. Namangha kaming lahat. Ang ganda. Ang lawak. Ang laki. Pero walang katao-tao dito. Biglang humirit itong si maarteng chikabebe. "Jag, tara hanapin natin si Manny baka nandiyan sa loob. Kahit 5 Million lang payag na ako". Aba ang gaga biglang nagbago ang isip at tumawad pa? Haha. Tawanan ang lahat. Umabot sa tatlong oras din ang nasabing island-hopping kasama na doon ang snorkeling.
Sadyang kay ganda ng isla. Kahit ang mga sikat na artista ay dumadayo dito. Kaya naman isa sa mga layunin ng isa kong kaibigan ay makapagpa-picture sa kung sino mang artistang makadaupang- palad niya. At hindi nga siya nabigo. Nagawa nga niyang makakuha ng souvenir pictures sa mga iniidolo niya. Mind you, tatlo sila. Halina't tayoý magbilang...
Isa. Si Derek sa isang bar doon.
Dalawa. Si Christine habang nagpapa-henna.
Tatlo. Ang umalma panget!LOL.
Pero nakatawag-pansin sa akin ang mahahalagang paalala na nakadikit sa gilid ng barge. Kaya pala napagsabihan ako ni manong. Now I know. Ang galing talaga ng mga tao doon. Sila ay marunong magpahalaga at magpreserve hindi lang sa kung anong meron ang isla kundi pati na rin sa pangalan nito.
Extra's:
Wooot! Tumanggap uli ng parangal ang inyong lingkod. Maraming Salamat Ishmael Fischer Ahab ng Before the Eastern Sunset para sa "One Lovely Blog Award"...I lilly lilly lilly like it! LOL. I really appreciate it. Hindi ko akalaing bibigyan mo ko ng ganoong parangal (teary-eyed lol)...but really thank you! :)
Super thank you din kay sir Pong ng Mizpah dahil sa paggawad sa akin ng "Versatile Blogger Award" (naks). Matagal na pala niya itong ibinigay pero nitong huli ko lang nalaman (buti nabanggit niya sa akin hehehe).Pasensiya kung hindi ko pala nabasa ang post tungkol dito. Abala lang ang lolo hehehe...Thank you!