Showing posts with label Horror. Show all posts
Showing posts with label Horror. Show all posts

Friday, October 29, 2010

Belat! Peklat!

Diyes sentimo sa binti...
Sa tuwing nakikita ko ang mala-diyes sentimo  na peklat sa binti ko ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako nagkaroon nito. Hindi naman masyadong halata ang pilat kasi mabuhok naman ang binti ko at maputi pero minsan may mga pagkakataon na nagpapapansin lang talaga siya upang maalalang muli ang nakalipas.

High School - Hilig ko na talaga noon pa ang pagkanta kaya sumasali na ako sa Glee Club ng school. Walang mintis yun mula unang antas hanggang sa ikaapat ay aktibong miyembro ako ng nasabing club. Dahil sa nasa pribadong paaralan kami na pinamumunuan ng mga pari ay kami na rin ang kumakanta sa tuwing may misa sa simbahan. Noon 'yung mga panahon na maigsi pa ang sungay ko at kaya pang lumusot sa pintuan ng simbahan. LOL. Dalawang beses kaming nagpapraktis  ng kanta sa isang linggo--tuwing Martes ng hapon para sa paghahanda sa Wednesday Novena Mass at tuwing Biyernes ng hapon para naman sa Sunday Mass. Madalas na venue namin ay sa simbahan. O diba?Sinong mag-aakalang alagad  pala ako ng simbahan dati. LOL.

Isang madilim na Biyernes ng hapon noon nang hindi sumipot ang musician namin sa pagtuturo. Unti-unti na din nagsilisan ang mga kasama ko. Nagpaiwan ang dalawa kong kaibigan kasi nagpa-praktis sila sa pagpipiano sa loob ng simbahan. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nagpaiwan din ako kasi may binabalak akong masama sa kanila. Oo, bibiruin ko sila. Kunyari mumultuhin ko. Bantog naman talaga kasi na maraming multo sa simbahan kaya pagmumulto ang naisip ko na panggulantang sa kanila. Madilim noon sa loob ng simbahan at hindi nila napansin ang pagpunta ko sa kanila. Tanging ang lampara lamang sa altar ang  siyang nagbigay ng munting liwanag sa buong simbahan. Nagtitipid din kasi ang simbahan sa kuryente. Habang abala ang dalawa sa pagtugtog ay inihanda ko na din ang sarili sa pangmumulto. Ikinubli ko ang aking katawan sa ilalim ng upuan ng simbahan habang gumagawa ng ingay na kunwari'y multong umiiyak. Narinig iyon ng isa kong kaibigan. Huminto sila sa pagtugtog at nakiramdam. Nagbubulungan pa kung parehas ba nilang narinig ang ingay na 'yon. Wala naman daw narinig itong isa kaya itinuloy nila ang pagtugtog. Gusto ko ng tumawa 'nun pero pinigilan ko lang kasi hindi pa ako tuluyang nagtagumpay sa ginagawa. 
.
Sa pangalawang pagkakaton ay nilakasan ko na ang pag-iyak-multo ko. Hindi naman ako nabigo kasi narinig ng dalawang kaibigan ko ang iyak na iyon. Bigla silang napatigil sa ginagawa at ang tanging nasambit na lang ay "Oh God" sabay karipas sa pagtakbo. Dahil sa sobrang takot, yung isa napadpad sa likod ng simbahan kung saan nakalagak ang mga life-sized rebulto ng mga santo. Mas lalong nakakatakot doon lalo pa't madilim hahaha...Yung isa naman ay safe na safe na nakalabas ng simbahan sabay uwi na  at iniwan ang kasama hahaha. Hagalpak ako noon sa katatawa habang nakaupo sa upuan ng simbahan mag-isa. Masarap sa pakiramdam na nakapangloko ako ng mga tao for fun sake. Ganun ako kabaliw noon. Haha!
.
Ngunit! Subalit! Datapwat! Akala ko'y waging wagi na ako sa prank na iyon. Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay may bigla akong nakitang taong naka-sotana na wlang mukha na nakatuntong sa ibabaw ng upuan sa di kalayuan. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Nanlalamig at pawis na pawis. Halos hindi makagalaw sa sobrang takot. Pero nagawa ko pa ring tumakbo  kasi  pakiramdam ko papalapit na siya sa akin. Dahil sa nag-freak out na ako noon, nadapa pa ako at tumama ang binti ko sa edge ng upuan. Pero hindi ko na inalintana ang sakit makabangon at makalabas lang  agad sa simbahang iyon.
.
Laking pasalamat ko nang nakalabas ako ng buhay sa simbahang iyon. LOL. Nang marating ko ang bahay ay biglang may naramdaman akong kumikirot sa aking binti. Naalala ko nadapa pala ako. Unti-unti kong itinaas ang aking slacks na pantalong uniporme upang tingnan ang  kumikirot sa bahaging iyon. What the %#&^;*! Ang noo'y puting puti kong medyas ay naging pula na. Ang daming dugong dumaloy sa binti ko. Itinaas ko pang lalo ang pantalon para tingnan ang pinagmulan ng dugo. What the %#&^;*! Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Laylay ang natuklap na balat with matching flesh na konting konti na lang ang kapit nito sa  binti ko. Kitang kita ko ang yummylicious na laman habang namamaga ang gilid ng sugat na noo'y nagkukulay ube na. Siguro konting kalkal pa sa sugat at maghe-hello na si  kumareng tibia (lower leg bone) sa akin pramis! Grabe ang talim pala ng edge ng upuan at pati ang pantalon ko ay napunit din. Oha! Oha! Ang saya saya! Ang bilis bumalik ng karma sa akin hahaha...Ewan ko ba, bakit kasi may mga nakikita akong mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwan. Or sadya lang akong adik kaya minsan nagha-hallucinate at kung ano ano na lang ang nakikita. Hays!

Simula 'nun natuto na ako.  Ayoko ng manakot. Or should I say paminsan minsan na lang hehe...Bali-balita pa naman sa buong eskwelahan nun ang akalang minulto ang dalawa kong kaibigan hahaha...Sa totoo lang hindi pa rin alam ng dalawa kong kaibigan magpahanggang ngayon  na ako pala ang minsan nanakot sa kanila. Ayoko kasing makantiyawan sa natamasang karma hehehe... Pero kung sakaling magkikita  uli kami ngayon, malamang puwede ko ng ikwento ang kahunghangan ko noon haha...Yun ang isa sa mga hinding-hindi ko makalimutang karanasan hehe... I thank you! Bow!

 Happy Halloween! Awoooh!



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner