Gustong sumabog. Hindi mapakali sa kinauupuan. Parang 'di makahinga. Nasasakal na sa artipisyal na lamig na ibinibigay ng AC sa loob ng opisina. Ayaw ng ganitong pakiramdam sa tuwing walang field works. Nabubuang. Nakatamabay lang. Petiks. Assuming na may ginagawa. Kunwaring may ka-chat na kliyente pero ka-chikahan lang pala (ang mga babaeng comments-off) si Unni o kaya si Kayedee sa YM tuwing hapon. Pretending na nagbabasa ng business e-mails, 'yun pala blog lang ng mga paboritong manunulat ang binabasa. Gustong lumabas at bumaba ng gusali para makasinghot ng sariwang hangin pero usok lang pala ng dumadaang sasakyan at ng mga nagyoyosing empleyado ang sasalubong sa'yo. Ayaw mag-sidestream .Takot magka-lung cancer. CA for short ika ni Doc Ced. Hays! Walang ibang choice kundi ang bumalik sa 26th floor ng building at magmukmok sa work station.
Isang malaking pasakit sa buhay kung ganito parati. Nakakabobong LALO. Kung ano-ano na lang ang naiisip. Gusto ng tumalon sa gusali pero biglang aayaw dahil natatakot mamatay na pangit ang hitsura. Pangit na nga sa kasalukuyan. Kaunting pangungumusta sa mga naging kaibigang kliyente sa telepono. Teleleng! Teleleng! Sabi ng orasan. Payb na pala at awasan na...muling nabuhay ang kaluluwa...uuwi na at baka tuluyang mateleleng.
Dumating na naman ang isa pang nakakabagot na araw. Maagang na-accomplish ang lahat ng gawain. Siyetex! Ala-una pa lang ng hapon at wala na namang ginagawa. Gustong sumigaw ngunit bawal. Gustong agawan ng mop si manong Jani para linisin ang buong gusali pero dedicated siya sa work kaya hahayaan na lang. Ipinikit ang mga mata. Isang malalim na buntong- hinga. Biglang pinasukan ng kaunting oxygen ang bulok na brain. Ting! May bagong naisip. Biglang naalala ang ginawa ni Roanne 'nung minsang pumetiks din sa trabaho. Matagal tagal na ding hindi ito ginagawa. May pulso pa kaya para rito?
Tamang tama wala ang dalawang mutaing amo. May kanya-kanyang mga business trips. 'Yung isa nagpatuli may meeting sa head office sa Japan. 'Yung isa nagpasex change may ka-deal na kliyente sa Thailand. Walang magmamasid sa gagawin. Maisasagawa ng tuloy tuloy ang pagdo-drawing.
Lapis. Eraser. Papel. Handa na. Subject: Larawan ng isang crush na artista. Hindi ito si Anne Curtis kung saan matinding karibal ko dito sina Jepoy at Goyo. Ah basta! Guguhit ako. Pamatay-oras lang. Iguguhit ko siya.
Dalawampung minuto bago uli magteleleng si orasan. Tapos na din ang obra. Lingon-lingon sa paligid kung may nakatingin. At click! Pasimpleng kumuha ng larawan sa sarili. Lumingid-lingid uli kung may nakapansin. Wala. Isa pang madaliang click para kuhanan ang obra. Hindi maganda ang kuha pero puwede na.Konting sulyap sa...Trabaho? LOL |
Heto na ang gawa ng isang bagot na empleyado. Hindi ko sasabihin kung ano ang pangalan niya. Gusto kong kayo ang magsabi kung nakikilala 'nyo siya. Ang crush ko...
Ah basta, model siya ng RC ngayon. |
Puwede na ba? Have a happy weekend!
Extras:
- Can't make it to Puerto Galera this weekend. May darating daw na bagyo sabi ng friend. Sighs.
- Congratulations to Miss Raj! She did a major major thing for the Philippines that we can be very proud of. : )
- RIP to the souls of Quirino Grandstand tragedy victims...: (