Thursday, November 15, 2012

Paradise Ranch and Zoocobia Fun Zoo

This time nature tripping naman kami. Kahit wla pang sapat na tulog ay gumala na agad para makarami .LOL. Sinusulit lang namin ang bawat sandali kasi alam namin na matagal tagal na ulit bago kami magkikitakita o baka nga hindi na mangyayari yun dahil may kanya kanya na kasing priorities sa buhay. 

Pinuntahan ng grupo ang Paradise Ranch at Zoocobia ng Clark, Pampanga. Sa entrance fee na 250 pesos ay sulit na sulit na ito para sa isang buong araw na pag-iikot sa lugar. Tamang tama ang lugar na ito para sa buong palilya para makapag-bonding pati na rin sa mga mag-aaral na nais mag-field trip dahil maraming matututunan dito tungkol sa mga hayop at habitat nito. Maayos naman ang mga facilities dun. May pool doon kung saan pwede mag-swimming at mga rooms para mag-stay overnight at buffet restaurant para sa unli-eating.


Kapag pupunta doon, mas mainam kung may dalang sariling sasakyan dahil medyo papasok, malayo at matarik ang lugar. Buti na lang masyadong generous ang bf ni kaibigan at pumayag siya na gamitin ang sasakyan niya.



Marami pa sana akong ikukuwento pero hayaan na lang na ang mga larawan ang magkwento sa inyo. Tinatamad na kasi akong magsulat. LOL.



Basta, nawili ako sa mga tanawin doon. Pero mas nalibang ako sa pakikipag-interact sa mga hayop doon tulad ng sa mga ibon, cat bear, ahas at marami pang iba.




May Night Owl Show pa sana bandang gabi noon pero hindi na kami pwedeng magstay longer kasi may pasok pa kami kinabukasan. Madugo ang pag-uwi namin kasi agawan ng masasakyang bus papuntang Maynila. After mahigit isang oras na pakikipagbuno sa terminal ay nakasakay din kami na naka SP hindi Student Privilege  kundi Standing Position. Ang saya saya lang ng biyahe noh? Nakakapagod man pero hindi kayang tumbasan ng anuman ang saya na idinulot ng maigsing bakasyon na iyon kasama ang mga malalapit na kaibigan. Hanggang sa muli. Bow! LOL

Extra's:

I saw Miss Shamcey Supsup kanina sa convention ng harapan at wala akong masabi kundi argggh she's so damn hawwwttt! I really admire her for she's got everything. PERFECT!  I will tell you more stories about her 'pag natapos na ang convention hehe. Ciao!

7 comments:

denggoy said...

nice pala diyan! ang lapit ko na lang di ko pa mapuntahan. hehe. ;)

fiel-kun said...

wow ang ganda naman jan sa zoocobia parekoy!

sana hindi mo nakalimutan ung pasalubong mo sa amin XD

anyways, grab your award at my blog.

ZaiZai said...

saya! ang abit ng mga birds!


dapat nagpa pic ka kay Shamcey! :)

eden said...

First time ko pa narinig ang lugar na ito. Yan ang gusto ng mga anak ko getting up close and personal sa mga animals. Saya naman ninyo

Arvin U. de la Peña said...

salamat sa pag share sa mga pictures.....sino ang maganda sa kanila ni Charlene Gonzales..

Hoobert the Awesome said...

I was born in Pampanga and I've been to Clark a million times but I've never been to that park. Ever. Wtf.

Enhenyero said...

Nice nature tripping ah, much better environment for the animals base on the photos compared to Manila Zoo..

tagal ko na di nakapag bloghop heheh


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner