Tuwang-tuwa ang kasamahan ko sa trabaho sa nabili niyang I-Phone dahil nakuha niya lang ito ng murang mura sa bangketa. Okey lang naman sa kanya kahit hindi ito gumagana tulad ng sa tunay na unit kasi nga mura nga lang ito. Kung titingnan ang pekeng unit aakalain mo talagang orig ito.
Minsan na-battery empty ang pekeng telepono niya kaya kailangan niya itong i-recharge. Buti na lang daw dala niya ang charger kaya dali-dali niya itong isinaksak sa kalapit na convenience outlet sa opisina. Hindi niya alam na ang pagsaksak niya ng charger ang magdadala sa kanya sa not-so-tiyak nakapahamakan at... oh well! isama na din natin ang super slight na kahihiyan.
Lumipas ang mahigit isang minuto ng pagcha-charge ng telepono ay nakarinig na lang kami ng pagsabog ng charger at maya-maya lang ay nangamoy-sunog na ito at may mga kaunting usok. Nagulat kaming lahat kaya dali-daling hinugot ng may-ari ang charger sa saksakan. Dahil nga sa okay lang sa kanya ang nangyari sa cellphone niya ay nakapagpasalamat pa rin siya at hindi ito nagsanhi ng sunog sa kumpanya kung nagkataon. Akala niya tapos na ang lahat pero nagsisimula pa lang pala ang dilubyo sa buhay niya. Na-sense ng smoke detector ang usok na dulot ng pagsabog ng charger. KKRRRIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGGGGG! Tumunog ang fire alarm. At alam 'nyo ba kung ano ang sumunod na nangyari? Sige sasabihin ko na lang in chronological order...
1.0. Na-alarma lang naman ang buong planta na may laki at lawak ng dalawang Megamol.
2.0. Nag-panic ang mahigit 7,000 na empleyado na nagtatrabaho dito.
3.0. Nag-page sa buong planta to keep calm.
4.0. Nagpakapagod ang safety team para hanapin kung saang zone ng planta ang apektado.
5.0.Na-hypertension ang mahal na presidente ng kumpanya dahil sa kaganapan.
6.0.May na-rush sa ospital dahil manganganak na.
7.0.Nag-hysterical si katrabaho.
8.0.Kinabukasan, na-disciplinary action si katrabaho and suspended for half a month at affected ang evaluation niya.
Oh di ba? not-so-tiyak na kapahamakan lang at very very slight lang ang natanggap na kahihiyan ni katrabaho? Sana mga bata may aral itong kwentong ito sa inyo LOL.
17 comments:
hahaha. kawawa naman sya.. daopat kasi di namimili sa mga ganun kakatakot..
Naku, lagot talaga yang katrabaho mo parekoy lols.
And at least, alam mong safe kayo sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nyo. Oh diba, gumana ang fire alarm system nila at maayos ang sistemang pinatupad sa ganyang kaganapan :)
OMG. Sobrang malas nya naman. Lesson learned "hwag bumili ng di orig" Minsan di natin inaasahan ang mga kaakibat na kapahamakan nito. Siguro naman natututo na si katrabaho mo
oh my goodness, at least nothing serious happened, it is indeed an embarrassment, but at least, a lesson for everyone who had experienced it and also for us who were able ti read it :)
shock kakahiya uber di ko alam anu gagawin ko kung ako nsa lugar nya
sobrang kahihuiyan ngaun... mura nga kaso laking abala naman un para sa kanya :)
sobrang hassle naman yun. kakahiya nga. hehe
mag ingat sa peke next time...:)
xx!
Anak ng tokwa...
Ayaw kong malagay sa ganitong sitwasyon. Hindi lang itong simpleng kahihiyan. Ito ay isang major major na kahihiyan. Buong planta ang apektado eh.
Talagang ma-disciplinary action siya niyan.
Kung sakin nangyari yan baka naiyak na lang ako.tsk tsk!
ka stress naman yung naging effect.. kakab=nerbyus lang nun e
Dapat kasi original na lang binili niya, yan tuloy nadamay trabaho niya.. i feel sorry for him, pero super nakakatawa ang nangyari sa kanya. peace :)
major kahihiyan yung ganun sobrang dami ng naapektuhan may napaanak pa. kaloka.
kawawa nman sya:( this is a good lesson for everyone thank you for sharing:)
You're in my Liebster Blog Award
Lagpas na pala ng 200 ang followers mo T.T
grabe... nakakalungkot naman ang nangyari... marami din ditong nagbebenta ng ganyan... lalo na sa BALAD... 150 pababa ang halaga... minsan maeenganyo ka talaga.. pero di ako bumibili... iniisip ko na din kasi na posibleng sumabog pag nag charge... pero marami pa rin ang bumibili....
Post a Comment