"Nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako at kailangan kita..."
Photo Credits: Google |
Naalala ko pa noong bata pa ako at nag-aaral pa lamang sa kindergarten ay walang humpay ang pagsama mo sa akin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na noon. Basta nakagisnan ko na lang na nandiyan ka palagi 'pag kailangan kita. Lagi ka lang naman kasi nakatambay sa tindahan ni Aling Tasya noon. Lagi kitang nadadaanan noon paglabas ng bahay.
Kahit limang taong gulang lang ako noon ay natutunan na kitang mahalin. Naalala ko pa noong una kang magpatikim sa akin ay hindi ako nakatulog 'nung gabing iyon. Paulit ulit kong ninanamnam sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Dahil sa nasarapan ako sa'yo ay hinanap agad kita kinabukasan. Kahit wala akong pasok 'nun sa school ay sinamahan mo pa rin ako. Dali-dali kitang isinama sa kwarto at nag-lock ng pinto sa pag-aalalang makita tayo ng mga kapatid kong lalaki at pagnasahan ka din nila. 'Nung ma-solo na kita sa kwarto ay agad kitang hinubaran at hinimod ang kabuuhan mo. Hindi ko alam kung bakit yun na agad ang ginawa ko 'sayo. Sabik na sabik lang kasi ako sa'yo nun. At salamat at nagpaubaya ka lang na gawin ko sa'yo lahat ng 'yun matugunan lang ang pangangailangan ng aking katawan.
Ikaw ang dahilan kung bakit maaga akong umuuwi from school noon. Mas gusto ko pa kasing ma-solo ka sa kwarto noon kesa makipaglaro sa mga kaklase. Sa mura kong edad ay naaadik na ako sa'yo... sa sarap ng iyong katawan. Ang sarap mo lang kasing dilaan, himurin pataas...pababa at paglaruan ng dila ko at lawayan para dumulas.
Pero ang lahat ng ligayang iyon ay nagtapos nang lumipat na kayo nina Aling Tasya sa ibang lugar---sa Laguna. Nalungkot ako at nawalan ako ng kaibigan. Hindi ko alam kung kanino ako magpapaputok noon ng sama ng loob sa tuwing kailangan ko iyon. At simula noon ay di na kita nakita pang muli.
Lumipas ang maraming taon at nabigyan ako ng pagkakataong makapaghanap-buhay sa Laguna bilang isang inhinyerong elektrikal sa isang planta. Sadyang mapaglaro ang tadhana at tayo ay pinagtapong muli sa isang convenient store. Ibang iba na ang hitsura mo ngayon. Pumayat at lumiit ka pero mas sopistikada ka na ngayon tingnan. 'Di tulad dati na may kalakihan ang katawan at simple lang ang kasuotan. Nang makita ka ay may bigla akong naramdaman sa kaloob looban ko. Bumilis ang pintig ng aking puso. Muling nagbalik lahat sa aking alaala ang pinagsamahan natin noong tayo'y mga bata pa. Bumili lang ako ng tubig sa tindahan na iyon at isinama na kita sa aking sasakyan. At...dahil sa pangungulila sayo'y hindi ko na natiis na isagawa sa loob ng kotse ang paglapirot, paghimod at....pagkain sa'yo. Oooohhhh...nakaraos ako.
Kahit nagbago na ang hitsura mo ay masarap ka pa rin. Pero mas nakakatuwa lang isipin na gaano man katagal ang lumipas ay nandiyan ka pa rin at nakaagapay sa tuwing nalulungkot ako at kailangan kita. Kaya lagi na kitang dadaanan sa 7Eleven 'pag kailangan kong tugunan ang tawag ng aking katawan. Muli mong pinana ang puso ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maraming salamat sa'yo, Tootsie Roll.
Tootsie Roll sa 7Eleven---12 pesos lang hihihi |
13 comments:
ni minsan hindi ko pa natikman yan, swear!
:)
hehehe.. ayos! parang pag-ibig lang.. hehe
masarap ang tootsie roll! XD
aaaw sobrang intimate ng mga eksena nio ni tootsie roll..i got carried away lols...
what a twist! hehehehe. paborito ko rin ang tootsieroll :D
hahaha... ayos ang pagkakasulat mo. kala ko kung ano na. more post :)
haha si tootsie roll tlga ohoh haha
Wahaha, sabi ko na nga ba may surprise peg sa dulo nyehehehe!
Naging bahagi din ng aking kabataan yang Tootsie Roll. Dose pesos na pala sya ngayon. Dati piso lang yan ^_^
haha...akala ko ano.....palagay ko natikman ko na iyan na tootsie roll.......pero mas naging mabenta yata ang cloud 9...
hahahaha..sarap ni tootsie roll!
Kaya lang noon bata pa ako minsan lang ako maka tikim nito,
imported na ngayon si tootsie roll..
napaka madamdaming pagsasalarawan naman ito ng inyong relasyon ng tootsie roll... :)
Haha naalala ko si Ayie na taga UAE. Yan ang nirequest nyang pasalubong from me LOL.
Haha! Naks, sigurado ka bang tootsie roll talaga yan? ahahahaha!
wth? haha never ko pang natikman yan masarap ba talaga?
Post a Comment