Sunday, September 16, 2012

Bundok Maculot

Hindi na bago sa akin ang mamundok kasi lumaki ako sa bundok. Seriuosly. Nasubukan ko na ang makipag-lunch kasama ang mga rebelde noong nasa grade 1 pa lang ako nang magtungo ang mag-anak sa bukid. Yun kasi ang bonding namin noon 'pag Linggo. Hindi ako natakot noon sa kanila kasi hindi ko pa naman masyadong naiintindihan ang buhay buhay noon. Napadaan sila sa dampa namin at nakiusap na makikain. Hindi naman tumanggi si ama at pinakain ang may halos dalawampung miyembro nito. Sa pagkakaalala ko kaswal lang na nakitungo ang aking ama sa kanila samantalang ang  inay ay nasa sulok lang at tahimik. Andami kong tanong noon. Bakit maraming tao? May birthday ba? Bakit ipinamigay ni itay ang alaga kong kambing na si Bambi at ipinabitbit pa ang  pitong manok sa kanila?

Simula ng mga pangyayaring iyon ay matagal pa bago naulit ang pagpunta namin sa bukid. Dalawang dekada na ang nakalipas ngunit hinding hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangyayaring iyon. Naiisip ko ngayon, buti walang kinuha sa amin noon o di naman kaya ay sinaktan. Magaling lang talaga makipag-usap si ama at nakontrol niya ang sitwasyon noon. Siguro kung nangyari sa akin 'yun ngayon baka nag-hysterical na ako LOL. Naalala ko lang ang lahat kasi nitong huli ay namundok uli ang inyong lingkod. Sa pagkakataong ito, bundok ng Maculot ang inakyat ng grupo.

Matatagpuan ang bundok Maculot sa maliit na bayan ng Cuenca Batangas. Yun lang ang alam ko haha! Kung paano makarating dun? I-google 'nyo na lang kasi tulog na tulog ako nun habang bumabiyahe sowee hehe... Malakas ang loob ko kasi may kasama naman kaming taga Batangas talaga at alam ang nasabing lugar hehe.


Gabi namin tinahak ang bundok. Masarap lang kasing umakyat ng bundok ng hindi nasisikatan ng araw kasi kahit pawisan ay hindi nakakapagod. Baon ko lang noon ay isang litro ng tubig, maliit na bag at siyempre ang tent.

Tamang trip lang ng grupo ang pag-akyat sa bundok para maiba naman at makapagsunog ng mga tabang naiipon sa katawan hehe.

Kaya kahit dis-oras na ng gabi ay humahataw pa rin kami marating lang ang tugatog nito.

Napakasarap lang sa pakiramdam ang marating ang tuktok at mapagmasdan ang animo'y mga bituing nagkikislapan sa kapatagan ng Batangas.Masarap din ang simoy ng hangin. Sadyang nakakawala ng stress.


Ng makaramdam ng lamig ay sumali sa kantahan session ang bida. Masaya talaga ang ganitong pagkakataon 'pag kasama ang barkada.


Kahit medyo late na ng matulog ang grupo ay maagang maaga pa ring nagising.



Naging malikot ang aking paningin at hindi naiwasang magitla sa nakikita...


Sa ganda ng mga tanawing hinubog ng kalikasan...


Masarap lang sa mga mata ang aking napagmasdan...


Nakakalungkot lang at kailangan na naming bumaba at mamuhay muli sa totoong mundo...Pero kahit sinasabing " some good things never last" ay ayos lang kasi "good memories remains forever" naman.

Kumusta na mga repapeeps?

Extra's: 

About the previous post, nagpunta po si P-NOY sa pinagtatrabahuan ko for the inauguration. At umi-epal lang ang inyong lingkod LOL. Huwag na kayong maraming tanong. Basta ang alam ko tapos na siya kaya medyo magaan na ulit ang load ko weee!!!

17 comments:

denggoy said...

Nung buhay pa ang lolo ko, madalas siya magkwento sa mga rebelde(NPA) na napapadpad sa kinalakihan niyang baryo noon.

Pag-akyat sa bundok. Yang trip na yan ang gustong-gusto ko gawin pero di ko pa nagagawa. Sana one of this days... ;)

June | Life and Spices said...

same lang tayo ng experience pero ako Highschool na so medyo natakot ako sa kanila..


Seriously, naiingit ako. Gusto ko maakyat yan

gord said...

Yan yung gusto kong akyatin sa Batangas! Ok ba ang night hike tol? 'Di ba dilikado?

Pink Line said...

bigla ko tuloy namiss ang mt. maculot :)

Teacher Pogi said...

nakajeans ka umakyat ng bundok? bangis!

mr.nightcrawler said...

Nakaakyat na rin ako ng bundok pero matagal na iyon. Gusto ko tuloy umakyat ulit. Inggitero lang. Naweirduhan lang ako. HIndi ba delikado and umakyat ng bundok pag gabi?

fiel-kun said...

Wow, ang sarap naman ng nature tripping nyo parekoy. Mabuti walang lumabas na aswang nung gabi sa kabundukan ehehehe :D

glentot said...

Landi ng kambing, Bambi talaga? Hihihi Singlandi ng name ng bundok. Maculot!

Archieviner VersionX said...

Grabe yung experience mo nung grade 1 ka. Di mo pa nga makalimutan. Namiss ko rin mamundok. Tagal ko na rin di nakakaakyat ng bundok.

MEcoy said...

napaka ganda nmn dyn never ko pa naexperience mg hike eeh peo da best ata tlga ung ganyang trip

Lady Fishbone said...

Kainggit ang saya naman niya.. hehe :)

Anonymous said...

ang daming orbs dun sa unang pic,

hemingway...gusto ko rin maexperience mag mountain climb!

:))

Arvin U. de la Peña said...

buti sa ngayon na di ka naka encounter ng NPA....ang ganda ng tanawin mula sa itaas....nakita mo na pala si PNoy....

eden said...

nakakatakot pag may dalang armas.

great views. gusto kong magpunta doon..

jonathan said...

dagat o bundok...sa dagat na lang po.

ganda ng tanawin, kung yan ang laging bubulaga sa iyong paggising, siguradong masayang tao ka araw araw.

Pordoy Palaboy said...

astig ah nag night trek talaga..ingit talaga ako sa inyo kasi daming bundok dyan sa Luzon na pwedeng pang day trek lang..

Tal | ThePinayWanderer said...

sa campsite lang ba 'tong mga pics mo? nagpunta ba kayo sa rockies? balak kase pumunta ng mga friends ko sa maculot this weekend, sabi nila sa rockies daw maganda yun view, pero steep ang trail, wish ko lang di ako maunahan ng takot ko sa heights. ;(

anyways high waist (kinopya ko lang sa 'yo..hehe!), salamat sa pagdalaw sa blog ko, dalaw ka ulit. ;)


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner