Kinakantyawan ako ng mga kaibigan ko nang minsan kong naikwento sa kanila na ang libangan ko nitong huli ay ang pakikinig sa radyo. I'm sooo baryotic daw at tumatanda na. Sa totoo lang parang nagiging ganun na nga ako. Heck! Eh ano ngayon? LOL. Pag-uwi ko kasi from work ay wala na akong masyadong oras para manood man lang ng teyvi o kaya ng nyorn sa internet dahil too tired na ang matikas at hawt kong katawan. LOL. Gusto ko kasi pagkauwi ay nakahilata na lang sa bed at mag...uhmmm you know...magrelax hehe...At nitong huli nga ay nadiskubre ko ang tungkol sa nakatutuwang programa sa radyo.
Ang tinutukoy ko ay ang programang YES Diaries ng 101.1 YES FM. Kakaiba lang ang hatid na tuwa ng programang ito sa akin lalo na 'pag nagsalita na ang alien na DJ nito na si Chico Loco. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang humor niya. Tulad niya aymataba chubby mataba chubby ah basta alinman sa dalawang adjectives na yun ay ganun din ang utak kaya hayun punong puno ng sustansiya ang lumalabas sa kanyang bibig haha peace Chico! I would say he has a genuine talent that nobody could ever have (biglang bawi after manlait haha). But seriously, malungkot siguro ang mga gabi ng mga jologs na katulad ko, mga kapitapitagang SG's, mga inday kasambahay, mga dodong kargador, mga doctors, call center agents, engineers, lawyers etc...sosyal lang di ba? LOL.
Halos nakasanayan ko na aftermaghugas ng betlogs mag-wash-up o kaya maligo ay dumidiretso na ng kwarto at nakikinig sa programang ito. Wapakelz lang ako sa mga teleseryeng iyan. Hindi ko nga kilala si Daniel Guidote na madalas bukambibig ng clerk ko. Oo ganun na ako kawalang muwang sa mundo lately. Ang boring noh? LOL.
Anyways, balik tayo sa programang YES Diaries...nakakatuwa lang makinig dito kasi iba't iba ang napag-uusapan tungkol sa buhay buhay ng mga tao. Nariyan ang cheesy stories ng mga PBB teens na estudyante o kaya ang mga marurupok slash mapupusok moments ni ate at kuya o kaya naman ang kwento ng beki na namomroblema kasi mas pinagpala pa daw ang "kanya" kesa sa kanyang bf at dahil dun nagbabago na ang orientation ng bf LOL...Nagiging masaya ang usapan pag umepal na sina Madam Chiqui na may finkish hot balloon, Kapitan Tutan na makire , Chiclet na makulit at Notnot na nagmamay-ari ng liwanag (sila ang mga tauhan na binigyang buhay ni Chico Loco sa radyo)...Pramis! Genius ang DJ ng programang ito mabilis ang processor ng kanyang utak. Idol ko talaga siya. Natural lang sa kanya ang pagpapatawa. Yun nga lang uto uto lang kung minsan 'pag pinapakanta ON AIR, talagang kakanta siya with matching twists and curls ng boses haha...pero isa lang siyang hayop sa galing!
Minsan sinubukan kong manood ng TV sa isang Music Channel, aba'y nagulat ako at lumalabas na din pala siya sa telebisyon haha!Kakatuwa lang...lumi-level up na siya hehe...hindi lang pala siya endorser ng tabo---tanggal alis baho at yung kaning baboy na tunay na halo halo at ngayon ay nagiging guest VJ na din sa isang TV show hehe...
Subukan 'nyo rin makinig sa kanya weeknights from 9 PM to 12 MN sa 101.1 YES FM at baka malasahan 'nyo rin hehe...
Ang tinutukoy ko ay ang programang YES Diaries ng 101.1 YES FM. Kakaiba lang ang hatid na tuwa ng programang ito sa akin lalo na 'pag nagsalita na ang alien na DJ nito na si Chico Loco. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang humor niya. Tulad niya ay
Halos nakasanayan ko na after
Anyways, balik tayo sa programang YES Diaries...nakakatuwa lang makinig dito kasi iba't iba ang napag-uusapan tungkol sa buhay buhay ng mga tao. Nariyan ang cheesy stories ng mga PBB teens na estudyante o kaya ang mga marurupok slash mapupusok moments ni ate at kuya o kaya naman ang kwento ng beki na namomroblema kasi mas pinagpala pa daw ang "kanya" kesa sa kanyang bf at dahil dun nagbabago na ang orientation ng bf LOL...Nagiging masaya ang usapan pag umepal na sina Madam Chiqui na may finkish hot balloon, Kapitan Tutan na makire , Chiclet na makulit at Notnot na nagmamay-ari ng liwanag (sila ang mga tauhan na binigyang buhay ni Chico Loco sa radyo)...Pramis! Genius ang DJ ng programang ito mabilis ang processor ng kanyang utak. Idol ko talaga siya. Natural lang sa kanya ang pagpapatawa. Yun nga lang uto uto lang kung minsan 'pag pinapakanta ON AIR, talagang kakanta siya with matching twists and curls ng boses haha...pero isa lang siyang hayop sa galing!
Minsan sinubukan kong manood ng TV sa isang Music Channel, aba'y nagulat ako at lumalabas na din pala siya sa telebisyon haha!Kakatuwa lang...lumi-level up na siya hehe...hindi lang pala siya endorser ng tabo---tanggal alis baho at yung kaning baboy na tunay na halo halo at ngayon ay nagiging guest VJ na din sa isang TV show hehe...
Subukan 'nyo rin makinig sa kanya weeknights from 9 PM to 12 MN sa 101.1 YES FM at baka malasahan 'nyo rin hehe...
Chico Loco, ang lalaking uhugin LOL |
Disclaimer:
Walang kaugnayan ang tao o ang tinutukoy na istasyon sa may-ari ng blog na ito.
At talagang sinusubukan ang pagbabalik blog hehe...it's been so long at "BER" month na pala...Musta na mga katoto?
13 comments:
woot!? sa YES FM ka pala parekoy. napapakinggan ko din yang program ni Chico Loco pero minsan lang kasi pag ganyang oras ng gabi, is kay DJ Chacha ako ng Tambayan 101.9 ako nakikinig. Ganun din ang format ng program nya, love/relationships/life problems ang dinudulog ng mga callers with matching advice from her. Then pag di pa ako inaantok, lipat ko naman sa 92.3 Radyo 5, pampa good vibes before matulog ko ung program na Todong Todo, Bigay na Bigay ni Shalala ^__^
Sa umaga naman, kay Mr. Fu ako nakatutok, sa 103.5 Wow FM - 8AM to 11AM ung oras nya. try mong pakinggan, sobrang kulet ni Mr. Fu mag DJ haha.
dati mahilig din ako sa radyo. pampatulog ko ang pakikinig ng mga late night shows sa radyo. nag-aaral pa'ko nun. sa 99.5 RT ako nakikinig nun. nung nagrereview naman ako for board exams, yung morning show nina chris tsuper at nicole hyala sa love radio sinusubaybayan ko. so jologs lang. haha.
hahaha. kulet ng post pre. matry nga minsan. XD
matagal tagal na rin ako hindi nakakapakinig ng radio dahil sa gabi puro teleserye habang nagiinternet ang pinagkakabusyhan ko hehe..ma-try nga minsan na pakinggan si chico loco baka ma-loco din me..
ibang level ang humor mo jag..naaliw ako sa pagbabasa :)
Nakaka tuwa naman talaga ang radyo...i even listen to AM radios...hahaha...may drama kasi na nakaka lerky sa hapon...hahaha...just dropping by!
xx!
di na ako nakakakinig ng radyo wasak kasi ang headset ng phone ko. pero noon ang pinapakinggan ko eh yung kay papa jack hehe pero way way back pa yun. haha
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapakinig ng mga programa sa radyo. SIguro ang huli kong napakinggan yung panghating-gabi. Tapos nagkukuwento sa dj tungkol sa malulungkot na karanasan nila tungkol sa pag-ibig. Ewan ko ba... kahit malungkot yung istorya nun, natawa ako. hehe.
Try mo din kay DJ ChaCha tol, haha. Nag-iisang Dyosa sa balat ng Radyo.
YES FM din ako. Pero sa tanghali pag papunta na ng meeting... pampasigla.. hindi ko alam pero humahagalpak ako kay Lala Bandera at rico panyero...hehehe...
kung nasa pinas lng ako try kong makinig sa knya. at baka mawala kalungkutan ko. hehehe.. bored kna cguro kya bumalik ka. or sadyang mis mo lng ako. chos! helerrr jag!
nakuha b ang koment ko? hmmmm
Here іs mу blоg poѕt: quick loans
my web blog :: short term loans
My web page > paydayloansonlinecat.co.uk
Post a Comment