Monday, November 14, 2011

I Can DUET Myself Too!

Hi guys! Howdy? Forgive me (again) if I'm not so active at blogging lately. I've been very busy lang. My job is very demanding as always. And I can do nothing but to deal with it. Anyways, I wanted to share with you my latest music video. (Don't worry I don't have any appearances on this video baka nauumay na kasi kayo sa akin  haha!). Na-inspired ako na gawin ang video  na 'to when I happened to listen to Marcelito Pomoy's debut album DUET YOURSELF. 

Honestly, I made the song before MP became famous. It was a year now when I finished this song. I actually invited Emmaleigh to do a collaboration of the song but unfortunately she was way too busy at that time. Kaya nung mga panahon na iyon naisipan kong magDUET mag-isa using my audio editor. 

Sir Pong introduced me the song. And he requested na kung ikakasal siya, ako dapat ang kumanta ng kantang ito. Pangarap ko din kasi na maging wedding singer hahaha!Wish ko lang! So much for that, I hope you'll find time watching the video. The song is called "When God Made You". Hope you will like it. :)


Scenes from this video were taken from the movie UP. 


Extra's:

-Congratulations  Miss Philippines for winning Ms. International 1st Runner Up.

-Congratulations Philippines! Palawan's Underground River is now Officially One of the Modern Wonders of the World.

-Though winning the fight is a 'lil controversial, congrats pa rin PACMAN. :)

Tuesday, October 18, 2011

Ako At Si Lolong

Usap usapan ang pagkahuli ng isa sa pinakamalaking buwaya ngayon, si Lolong. Marami ang naintriga kung gaano ba talaga kalaki si Lolong. Isa na ako dun. Dahil sa nagkataong umuwi ako sa mahal kong bulubundukin bayan noon, sinamantala ko na din ang pagkakataong mabisita si ang-akala-ko-noo'y-alamat-lang, si Lolong.

Kung nais mong puntahan ang Bunawan, Agusan del Sur at galing ka pa ng Davao City, bubunuin mo ang halos limang oras na biyaheng bus. Sumakay ka lang ng pa-Butuan City na bus.
Hapon na ng marating namin ang lugar pero marami pa ring mga tao. Iba iba ang mga reaksyon. May namangha. May natakot. May natuwa. At may natatae tulad ko LOL. Buti na lang may sagingan sa kalapit na eco-park LOL. Pero siyempre pinili ko na lang na magtimpi kasi choosy ang pwet ko hehe...Wala pa kasing CR sa lugar. Ginagawa pa lang.

Unti-unti ng dini develop ang lugar. Kung papasok ka at makikiusyuso, magbabayad ka ng 20 pesos. Bubungad agad sa'yo ang mini cinema house na see through with matching audio background ng construction. Doon nakalahad ang buong kwento tungkol kay Lolong at ang pagkahuli nito at kung sino ang mga nasa likod nito. Habang nanonood ay pwede kang pumapak ng nabibiling pritong saging, puto at iba pang kakanin sa tabi tabi. Pwede ka rin lumaktaw at dumiretso na sa main attraction.


At sa wakas nakita ko na siya. Nakita ko na ang lumapa sa isang batang estudyante habang ito'y papauwi lulan ng bangka. Isama na din natin si manong mangingisda na imbes naghanap ng makakain ay siya ang nakain. Nakakatakot itong si Lolong. Pula ang mga mata. At ang laki niya. Ang laki laki. Ang laki laki laki. Super. Estima ko sing haba niya ang isang bus. At ang lapad nama'y isa't kalahating refrigerator. Malamang maraming bags ang magagawa pag itong si Lolong ang ginamit.


Lagi lang siyang nakababad sa tubig. Hindi pa siya sanay sa maraming tao. Pero nitong huli'y nakakakain na siya. Masasabi kong isang kayamanan itong si Lolong sa bayan ng Bunawan. Malaki ang maitutulong nito sa pag-angat ng nasabing bayan. Kaya naman may ibang grupo daw na nagnanais na sirain ang pag-asenso nito dahil lang sa pulitikal na hangarin. May mga nagbabalak na pumatay sa kanya (reuters).

Naglibot pa ako at napansin ko ang tubo ng tubig na nagsu-supply sa pool ni Lolong. Napa-isip ako kung saan nanggagaling ang tubig na iyon. Ni-trace ko ang tubo hanggang sa ka-duluduhan nito. 

Tumambad sa akin ang magandang tanawin na likha ng kalikasan. Habang ang karamihan ay abalang abala sa panonood kay Lolong, kami naman ng kasama ko ay naglilibang sa panonood sa mga masasayang batang lumalangoy sa malinis na batis.


Siyempre hindi nawala  ang souvenir picture ko sa lugar hehe. Iilan lang yata ang nakakaalam sa lugar na iyon...


Gusto ko ring maligo  para maka jebs kaso di ko uli dala ang mahiwagang trunks ko LOL.




At doon nagtapos ang paggala namin. Umuwi na kami at finally nailabas ko na din ang tunay na sama ng loob na nararamdaman sa palikuran namin. Bow!


But wait!


Ongoing nga pala ngayon ang paggawa ng isa pang kulungan para sa isa pang mas malaking buwaya. Nasa mahigit 30 talampakan daw ang haba nito. Geez! 'Pag nagawa na ang kulungan ay sisimulan na uli ang paghuli sa nasabing dambuhalang nilalalang. Ito naman daw ay babaeng buwaya at putol pa ang buntot.


Extra's:

Tinanggalan na ako ng internet access sa office dahil wala naman daw akong kwentang empleyado LOL. Kaya paminsan minsan na lang ang pagdalaw ko dito :(

Isa na pala akong Electrical Engineer slash English Teacher ng mga Japanese online. Mahirap ang buhay eh kaya suma-sideline hehehe...sana lang may matutunan sila sa akin LOL.

At namimis ko na kayong lahat ng bonggang bongga  dine eh. Ala eh! :)





Saturday, October 1, 2011

Pasko Na Naman

"Pasko na naman 
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
tila ba o kailan lang..."

Hays! Ang bilis ng panahon. Heto na naman tayo at naghahanda para sa araw na yaon. Paskong Pasko na nga sa amin dahil naitayo nang muli ang malaking Chrsistmas tree sa bahay. Dama ko na ang espiritu ng Pasko. At dama ko na rin ang kalungkutan ngayon pa lang kasi alam kong hindi ako magpapasko sa amin. Sure na! :(


Naman! Parang di ka na nasanay Jag! Haha!
HELLO PEEPS! :)

Wednesday, August 31, 2011

My Back to Back Surigao Adventure 2

I've been hearing a lot of entrancing stories about this river from my relatives  before who were able to visit the place. And their tall tales whetted my curiosity to examine this mystical river for myself.


 Rios Encantados

Hidden in a small town of Hinatuan, Surigao del Sur is a threshold of blue-crystal clear waters of Enchanted River. The name says it all. You will be truly enraptured by its inconceivable beauty and be intrigued by its mystery. I have learnt from people that the depth of the river is immeasurable. According to them, one man dared to dive into the deep but was never found again. It was believed that the mythical creatures got him. There were also reported sightings of a green guy (baka siokoy?) and two ladies in white who walked on the surface of waters and suddenly disappeared. Sila daw yung mga pinaniniwalaang bantay sa nasabing ilog, which gave us the reason not to swim anymore (laughs).




Actually, we hit the place already past four  in the afternoon. We indulged our hungry tummy first in a fine turo-turo eatery (point- point? LOLZ) in town. Kaya naman nung dumating kami sa area, hindi na ako nagsayang ng oras pa.  My camera just keep on snapping pictures. I mean, beautiful pictures.




We did not enjoyed the waters  that much because its almost night time. We were discouraged by some local people too to swim there for it was believed that the spirits or  the encantos will take the place by 6 in the evening. May it be true or just a mere product of wild imagination,  all I know is that my eyes were truly delighted by it's beauty. I wonder why it was not nominated in the modern wonders of the world?




Nauubusan na ata ako ng magagandang adjectives sa lugar na ito kaya  see it for yourselves na lang. This is indeed a must-visit destination in the Philippines. Gora na! 



Thursday, August 25, 2011

My Back to Back Surigao Adventure

Located at the eastern coast of Mindanao lies a beautiful province of Surigao del Sur. This place has  so many to offer. Friendly  people, cheap tropical fruits and beautiful spots. Two of the most strikingly attractive  destinations in Surigao del Sur that I have recently visited were the stunning "Tinuy-an Falls" and the mysterious "Enchanted River". And I would say I am very fortunate to see these diverse beauty of nature in my own naked eyes.

The Tinuy-an Falls

Philippines' mini Niagara
Our first destination was this multi-tiered waterfalls called Tinuy-an situated in Bislig City, Surigao del Sur.  We didn't worried about hiring a van or jeepney  'coz my cousin brought his car. Buti na lang sumama siya. LOLZ. It was an exhausting trip. We experienced hours of bumpy ride. But it was worth the taking after we reached the place and able to see the beautiful landscape of nature.

I don't know why it's called Tinuy-an. Maybe it was derived from the Visayan word "tu-yo" which means “meant for something” or “to be of specified importance” or something  like that but you see, it was just  only my wild guessing haha!

First Level

Upon entering the area, you will be welcomed by a small falls ....


You may rent a bamboo raft if you want to go towards the falls...



And enjoy the beautiful sights that's naturally existing...


The best part is the second level. The water drops at approximately 120 feet high (me thinks) and a depth of 50 feet. If you're not good at swimming, you are encouraged to wear life vest in this area. Pramis! Malalim siya!





Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili na magpicture picture sa gilid ng talon kasi hindi ako marunong lumangoy haha!

I was not yet satisfied so I went to the next level...


There I enjoyed the waterfalls massaging my whole body.

 But I wondered how’s it like there on top?


So I pursued the final stage…


It was pretty tough climbing the top but I never rued reaching it...


'coz it feels so good. It feels like I'm the mighty one standing on top of everything. LOL.



Top
And I was amazed because everything up there is so calm and relaxed. Can't even hear a single clamoring sound of falls.



The group left the place around 2:00 PM and headed to the next destination, the Enchanted River (next post).



Wednesday, August 17, 2011

Tres AƱos


When was the last time I was able to saunter around blogosphere? Uhmm I couldn't even remember haha! Well obviously, I was inactive here for so long. Honestly, I've been meaning to blog since last month but my body refused to do so. LOLZ. Laziness? Uhmm...I'm not so sure about it. Maybe I just don't have a potent goal at all that's why I lose the appetite for blogging. Heck! Ano daw? Haha!

Anyways, I came back to tell  you not my latest stories or give you some interesting information. I came here to tell you that KALEIDOS is already three years old. Matutuwa ba ako o mahihiya? Ano pa man, I am still thanking you for the frequent visits. Yes, I know that 'coz you helped maintained my PR status haha...and I love you for that mwah mwah mwah! Intindihin 'nyo na lang sana ang pagiging tamad ko or should I say pagiging uninspired  ko minsan kaya madalang ang pagbisita ko dito at sa inyo. (Nagfi-feeling na maraming readers haha)...

So much for that, because I want Kaleidos' anniversary be somehow special, I made a short video clip  just for you. Hope you'll like it. :)

Remember: This post is senseless if you fail to watch the video. LOLZ. 


Happy 3rd Anniversary Kaleidos!



Wednesday, June 15, 2011

Correlated

Naalala ko lang noon habang nakikinig ako sa mga kuwento ng mga tao na nasa waiting area ng ospital. (tsimoso lang?) Pinag-usapan nila ang tungkol sa babaeng napabalitang  nagpa-ligate matapos manganak sa una at kaisa-isa nilang anak. Ayaw na daw kasi manganak uli ni misis kaya nagpa-ligate na siya, of course with the permission of her husband din. Ok na daw sa kanila ang magkaroon ng isang anak. Natatakot sila na baka dumami pa anak nila 'coz they're both young pa daw  at masyado pang ma-El Filibusterismo. ( Belated Happy Independence day pala sa lahat! Haha!)

Saksespol ang pagkapon este pag-ligate sa mommy na iyon. Naisip ng mag-asawa na puwede na silang mag-wifi access sa isa't isa any time they want. Unlimited na din ang pag enter-net ni daddy kay mommy dahil kampante na silang walang mabubuo sa gagawin nilang calorie-burning activity

Comes second day after manganak ni misis. Biglang nagkulay blue si baby at hindi na gumagalaw. Hindi matukoy kung ano ang dahilan. Iyak ng iyak ang mag-asawa dahil tuluyan na silang nilisan ng kanilang munting anghel. Nagsisisi sila sa ginawang pagpapa-ligate sa asawa dahil kailanman ay hindi na sila makagawa uli ng baby. 

Pero sa tingin ko may option naman para magka-baby pa sila. Una. Magpa-opera uli si misis para idugtong ang tubong pinutol. Pero alam ko this requires a lotta MONEY. At hindi rin nakakasigurong walang komplikasyon sa gagawing operasyon. Pangalawang option. Pinakamadaling gawin at hindi masyadong magastos. Maghire si daddy ng partner kung saan siya puwedeng makapag enter-net. (Happy Father's Day pala sa lahat ng mga ama diyan haha) Siguraduhin niya lang na 'yung ini enter-netan niya ay talagang may matres. Napanood ko kasi yung post ni Ungaz  dati tungkol sa Adan na nagpa-Eba. Masarap ngang manood nun habang kumakain eh. May pinutol, ginupit,  at tinahi. Bloody shi*t talaga. 

Hayun kung ano ang ending ng mag-asawa? Hindi ko alam. Bah! Malay ko ba! Wala akong time para sa mga walang kwentang tsismis na yan! Pramis! Haha.


Sa kasalukuyan, maiko-correlate ko sa aking buhay ang malungkot na nangyari sa mag-asawa. Minsan kasi may tatlo akong lappies. Ibinenta ko ang dalawa (yung dalawang kulay itim sa picture) dahil hindi ko naman masyadong nagagamit ito. Hindi ako nahirapang ibenta ito sa mga kapatid ko kasi mura  lang bigay ko sa kanila at  good as new pa ang mga ito. Ang natira sa akin ay ang white na lappy.

Isang araw...nakakapagod na magkuwento...ah basta bigla na lang nasira ang white lappy ko. Wala na tuloy akong magamit ngayon. THE END.

Saturday, June 4, 2011

Ma-Panglao

Ma-Panglao dahil tahimik at hindi ma-tao...


Ma-Panglao dahil binigyan MO ako ng pagkakataong makapagmuni-muni sa saliw ng musika na nilikha ng mga alon sa dagat...


Ma-Panglao dahil  mag-isa kong nasaksihan ang kagandahan MO...



Ma-Panglao dahil iniwan KITA....



Ma-Panglao ang siyang nararamdaman ko ngayon dahil ang lahat ng mgagagandang alaala na idinulot mo sa akin ay isa na lamang gunita ngayon... 

Panglao Island. My perfect getaway that was...






Wednesday, May 25, 2011

Baby Sea-ting


Dinaanan ako ng close relatives ko sa bahay upang makasama sa outing. Tamang-tama at wala akong ginagawa kaya hindi na ako nagpapilit pa. lols. After all, matagal tagal ko din silang hindi nakakasama simula ng magtrabaho ako sa malayo. May halos limang taon ko din silang hindi nakikita. Ganoon pa rin ang mga gawi--makwela at maingay.  Wala namang okasyon noon. Isang ordinaryong araw lang. 


Konti lang kami noon. Ni wala pa nga kami sa sampu. Mas naenjoy ko pa nga ang mini-reunion na yun kesa nung nagdaang grand reunion namin. Kami kami lang. Masaya. Tamang usap. Tamang balahuraan. Tamang halakhakan. Basta, masaya.


Halos tatlong oras din kaming bumyahe bago narating ang nais puntahan. Kabubukas lang ng resort. White sand. Kaunti lang ang tao. Maayos naman at malinis doon. Ok naman ang facilities. Mababait ang staffs. Wala kami sa Bicolandia pero ang tema ng nasabing resort ay patungkol sa Bicol. Everything went smoothly that day. 

Maya-maya nagising si baby Lin a.k.a choosy little beggar. Siya ang pamangkin ko sa pinsan. Kung bakit choosy little beggar ang tawag ko sa kanya, yun ay dahil namimili ito ng mga taong pwedeng kumarga sa kaniya. One year old  lang siya pero animo'y marunong na siyang mag-judge ng mga bagay- bagay... ng kung sino ang maganda o gwapo. Kung sino ang pangit o hindi. Kapag nakikita niya si Coco Martin o dili naman kaya ay si Piolo sa telebisyon ay magtuturo ito sa TV sabay sabing "wapu". Malantod na bata! lols.



In short, ayaw niyang mapalapit sa mga taong  hindi kanais-nais sa paningin niya.Nagwawala ito kapag pinilit.Kaya naman hindi na nagtaka ang lahat kung bakit lumapit siya kaagad sa akin at nagpakarga.Char! Hahaha! Nakagat pa ang leeg ko sa sobrang kilig niya habang kinakarga ko. Tiyanak lang? lols.


Unang beses lang kaming nagkita pero naging instant hit agad kami.At naging instant yaya pa ako dahil ayaw niyang umalis ako sa tabi niya.Buong araw lang naman kaming magkasama haha!Hindi tuloy ako makapanglandi sa beach kasi inakala ng iba na anak ko ang bitbit bitbit ko. lols.




Matalino (mana sa tito) at masayahing bata si baby Lin. Kapag sinabing mag-pose para sa camera ay magpo-pose agad ito na parang model lang hehehe...



Parang magiging spoiled na ata siya sa akin hehehe...


Siya si baby Lin. Dahil sa kanya, naniniwala na talaga ako na hindi marunong magsinungaling ang bata haha! Maraming salamat sa magandang genes ng mga magulang  ko haha joke lang! 

Saturday, May 21, 2011

Album Launching


Hi guys! Finally the long wait is over. My debut album is already out in the market. It 's called "Let Me Be The One...Jag B". This is courtesy of JBE Records. The album is a compilation of hits from 70's, 90's and 2k's. It has 10 cuts which includes "Let Me Be The One" as its carrier single.

The tracks are:

1. Let Me Be The One   ( Jimmy Bondoc Cover)
2. Hallelujah   (Rufus Wainwright Cover)
3. If   (Nelson Castillo Cover )
4. I'm Yours   (Jason Mraz Cover)
5. Yesterday  (Boyz II Men Cover)
6. Hey There Delilah  (Plain White T's Cover)
7. Walking Away  (Craig David Cover)
8. Loving You ( Minnie Riperton Cover)
9. Tears in Heaven ( Eric Clapton Cover)
!0. Fixing a Broken Heart (Indecent Obsession Cover)

Just click the track title if you wished to listen to the song.

Hope to get a support from you guys so please do grab a copy of my album.  It is already available in your favorite record bars nationwide. For now I will leave you, my first single "Let Me Be The One". Hope you'll like it! :)









JOKE!!! 

Haha! Foolish are those who believed. Lols! I was just daydreaming. I don't  even think I could get a record deal haha! Anyways,  I always love singing and lately I am mad at recording songs (since I have a lot of free time). Thanks to AUDACITY , for my dream of  becoming a recording artist came true (somehow). LOLZ. I've been using this free software for a year now and it perfectly suits my needs. And  now, I'm sharing it to you  :)) 

To learn more about it, visit http://audacity.sourceforge.net/about/...Hope you enjoyed listening to the songs ... :))

Saturday, May 14, 2011

Ang Weird Lang


 GRAND CLAN REUNION

 Sa totoo lang, ang sarap pa talagang matulog sa kama noong araw na iyon pero napilitan lang akong um-attend ng grand reunion namin gawa ni ama. Hinila ba naman ako pababa ng hagdanan habang natutulog. Sino pa ba ang gaganahang bumalik sa pagtulog nun? LOLZ.

Tulad ng inaasahan ko, andaming taeng dumalo sa nasabing reunion. Halos mapuno ang isang gymnasium na pinagdausan. Andami ko pala talagang kamag-anak. Siguro kung tatakbo ako bilang konsehal ay landslide mananalo ako sa sobrang dami nila. Halo-halo. Labo-labo. Ang gulo. Sanga-sanga na ang pangalan. Mano dito, beso at handshake doon. Nakakahilo pala talaga ang makipagplastikan. JOKE! Masaya naman ang makilala ang  ilan sa hindi pa nakakakilala sa akin. Pero sa totoo lang, parang wala akong naalala sa kanila ni isa haha!Siguro ganun lang talaga ang mga anti-social  haha joke lang.

Ngunit sa isang dako pa roon, nakita ko ang isang pamilyar sa akin. Si Sheng. Maganda pa rin siya pero medyo tumaba nga lang ng kaunti. May kalong siyang sanggol. Shetex!  Naalala ko lang bigla, siya pala ang dati kong pinopormahan sa kabilang school noon. Nahiya naman ako nang makumpirma kong magkamag-anak pala kami. Noon ko lang nalaman. Buti na lang hindi ko itinuloy ang panliligaw sa kanya noon dahil naramdaman  kong may B.O siya. LOL. Buti na lang talaga um-attend ako ng reunion namin!Ampness! 


FAREWELL SONG

Bored to death ako nung isang araw. Hindi makalabas ng bahay dahil umuulan. Wala akong magawa kundi magmuni-muni sa loob ng kwarto at magsenti.


Ewan kung bakit ko naisipang kuhanan ng larawan ang bahay ng kapitbahay  habang makulimlim ang panahon. Dahil sa wala talagang magawa ay hindi pa nakuntento at nagrecording pa sa phone. Medyo tumila na ang ulan  at maya-maya lang ay may narinig akong hiyawan sa kapitbahay. Animo'y umiiyak. Sumilip ako sa bintana at bumulaga sa aking paningin ang nakakapanindig-balahibong eksena. Nakita kong  unti-unti ibinababa sa sasakyan ang isang kabaong. Napag-alaman kong ang laman pala nito ay ang dati kong kalaro...si Maya (hindi tunay na panagalan).Hindi kami masyadong close 'nun pero nalungkot ako kasi kahit papaano ay naging bahagi rin siya ng aking kabataan at ngayon nga'y nasa piling na ng ating Maykapal. I solemnly pray for her soul...

Kinikilabutan pa rin ako 'pag pinapakinggan ko ang ni-record kong kanta. Para bang ang mga nangyari noon ay may pinatutunguhan.Ayoko ng maulit to. Ayoko ng ganitong pakiramdam :(

                             
Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng kanta ay ito pa ang ni-record ko...nakakatakot...


Thursday, May 5, 2011

Huma-Happy Birthday Ako



Akala ko'y wala ng pagdiriwang na magaganap matapos ang kaarawan ko. Kung ako lang sana ang masusunod hindi na mahalaga para sa akin ang ipagdiwang ito. Sapat na sa akin ang mabigyan ako ni Lord ng isa pang taon na mamuhay sa mundo at ang maalala ng ilan sa mga kaanak at kaibigan ang batiin ako sa araw na iyon. Pero ninais pa rin ng pamilya ko na magkaroon ng selebrasyon kahit lumipas na ang ilang araw ang birthday ko. Minsan lang daw kasi akong umuwi sa amin at baka 'pag umalis ako ay matatagalan na naman ang pagbalik ko kaya hayun nilipat sa ibang araw ang pagdiriwang. Kaya 'nung araw mismo ng kaarawan ko ay nagdildil muna kami ng asin para lang may pandiwang sa susunod na araw. Charmos Ginamos!


Sumapit ang araw ng Miyerkules at ang lahat ay eksayted. Sa sobrang eksayted ay nakalimutang may pinto pala ang sasakyan at sa bintana na dumaan . LOLZ. Ako naman pinilit ko ang sarili na lokohin na kunwari birthday ko nung araw na iyon para ma-feel ko ang essence. LOLZ. Pumunta kami sa isang resort na mumurahin pero pwedeng pwedeng pasyalan ng mag-anak.


May malinaw na sapa...pwedeng mag-fishing!


Matatanaw rin ang mga nagtatayugang mga puno sa bundok habang nag-iihaw sa may paanan nito.



Kung trip mo naman magpicture picture sa loob ng yungib kasama ng mga encanto ay pwedeng pwede rin.


Maganda ang araw noon kaya nakapag libot libot pa ako...




Isang pamatay pose ni mader dear...




Kung pagod ka na sa paglilibot ay pwede kang magpalamig sa  pool. Pero dahil sa hindi ko dala ang mahiwaga kong brip noon, hndi na lang ako nagswimming sa pool kung saan puno ng ihi, uhog, libag at iba pang nutritious elements na present doon hehe. (Idinahilan pa ang brip eh no?)



Masayang masaya ako sa araw na iyon. Pero may isang pangyayari na  namatay talaga ako sa katatawa.  Nahuli ko ang magkasintahan sa loob ng men's shower room na animo'y may hinahanap na maliit na bagay. Nahiya  ang babae sa akin kaya nagkusa na siyang lumabas. Sabi pa ni lalake, " Babe hindi ko talaga mahanap eh". Sagot ni babae sa may labasan, "Ewan ko sa'yo bakit mo kasi winala eh ang layo-layo pa naman ng convenience store dito. Sorry ka na lang mamaya 'pag hindi mo nahanap 'yun hindi talaga pwede". Sa umpisa ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila at kung ano yung mahalagang bagay na iyon na hinahanap nila. 

Lumabas ako at nagtungo sa pool para magpicture picture muli. Tumawag ng aking pansin ang bagay na hawak hawak ng isang bata. Nilapitan ko siya at tinanong kung saan 'nya nakuha ang hawak hawak niyang lobo. " Sa may banyo po nakita ko ang box na may  lamang mga lobo. May dalawa pa ngang natira eh." Sagot niya. "Bakit yan ang ginagamit mo?", pang-uusisa ko ulit. " Wala kasi akong 20 pesos na pang renta ng  salbabida kuya eh", mainosente niyang sagot sa akin. Haha!Napaka-innovative na bata. Pwede nga namang gawing salbabida ang condom hahaha! In-fairness, noon lang ako nakakita ng condom na kulay blue hehe...


Sumilip uli ako sa shower room, nandoon pa rin ang mag-jowa. Abala pa rin sa paghahanap ng kanilang "mahiwagang bagay". Wala silang kamalay malay na palutang lutang na pala ang hinahanap nila sa pool na siyang  tanging susi  para matuloy ang binabalak na "jugjugan" to the tune of Careless Whisper.. LOLZ!

Lesson learnt: "Pag ang baril pumutok, patay kang bata ka! Pag ang condom nawala buhay kang bata ka!" (That is kung itinuloy talaga nila hehehe)

Musta bakasyon natin diyan mga tropa?


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner