Wednesday, June 15, 2011

Correlated

Naalala ko lang noon habang nakikinig ako sa mga kuwento ng mga tao na nasa waiting area ng ospital. (tsimoso lang?) Pinag-usapan nila ang tungkol sa babaeng napabalitang  nagpa-ligate matapos manganak sa una at kaisa-isa nilang anak. Ayaw na daw kasi manganak uli ni misis kaya nagpa-ligate na siya, of course with the permission of her husband din. Ok na daw sa kanila ang magkaroon ng isang anak. Natatakot sila na baka dumami pa anak nila 'coz they're both young pa daw  at masyado pang ma-El Filibusterismo. ( Belated Happy Independence day pala sa lahat! Haha!)

Saksespol ang pagkapon este pag-ligate sa mommy na iyon. Naisip ng mag-asawa na puwede na silang mag-wifi access sa isa't isa any time they want. Unlimited na din ang pag enter-net ni daddy kay mommy dahil kampante na silang walang mabubuo sa gagawin nilang calorie-burning activity

Comes second day after manganak ni misis. Biglang nagkulay blue si baby at hindi na gumagalaw. Hindi matukoy kung ano ang dahilan. Iyak ng iyak ang mag-asawa dahil tuluyan na silang nilisan ng kanilang munting anghel. Nagsisisi sila sa ginawang pagpapa-ligate sa asawa dahil kailanman ay hindi na sila makagawa uli ng baby. 

Pero sa tingin ko may option naman para magka-baby pa sila. Una. Magpa-opera uli si misis para idugtong ang tubong pinutol. Pero alam ko this requires a lotta MONEY. At hindi rin nakakasigurong walang komplikasyon sa gagawing operasyon. Pangalawang option. Pinakamadaling gawin at hindi masyadong magastos. Maghire si daddy ng partner kung saan siya puwedeng makapag enter-net. (Happy Father's Day pala sa lahat ng mga ama diyan haha) Siguraduhin niya lang na 'yung ini enter-netan niya ay talagang may matres. Napanood ko kasi yung post ni Ungaz  dati tungkol sa Adan na nagpa-Eba. Masarap ngang manood nun habang kumakain eh. May pinutol, ginupit,  at tinahi. Bloody shi*t talaga. 

Hayun kung ano ang ending ng mag-asawa? Hindi ko alam. Bah! Malay ko ba! Wala akong time para sa mga walang kwentang tsismis na yan! Pramis! Haha.


Sa kasalukuyan, maiko-correlate ko sa aking buhay ang malungkot na nangyari sa mag-asawa. Minsan kasi may tatlo akong lappies. Ibinenta ko ang dalawa (yung dalawang kulay itim sa picture) dahil hindi ko naman masyadong nagagamit ito. Hindi ako nahirapang ibenta ito sa mga kapatid ko kasi mura  lang bigay ko sa kanila at  good as new pa ang mga ito. Ang natira sa akin ay ang white na lappy.

Isang araw...nakakapagod na magkuwento...ah basta bigla na lang nasira ang white lappy ko. Wala na tuloy akong magamit ngayon. THE END.

23 comments:

Pong said...

ikaw na ang may tatlong lappies.
kaso wala na ngayon hahahaha

tubal ligation pala ang nangyari sa babae. di bale madami namang option para magkaanak ulit.

be blessed ser!

Anonymous said...

magandang kwento, karma ang tawag jan, pinangunahan kasi nila si GOD kaya ayan tuloy.. kawawa naman ang mag-asawa.. sana may magawa pang paraan para magka anak sila ulit.

Ishmael F. Ahab said...

Parang kwentong ligation lang yung nangyari sa laptops mo ah.

Bino said...

wow tatlo ang lappy!! kaw na!!! yomon!!!

Marlo said...

That requires a lotta MONEY! Hahaha Benta sa akin ang correlation ng laptop at ligation! HAHAHA

NoBenta said...

wow parekoy, ang yaman yaman mo siguro! biruin mo, taltlong laptop. ikaw na!

Dhemz said...

hhahaha...bili ka nalang ulit nang white lappy....:)

iya_khin said...

kami din 3 ang lappy!! buti nalang ayos pa naman lahat!!

betchai said...

sorry to hear about your laptop, i guess that is the reason why i keep my older ones despite they are still working :) hope you get a new one soon

eden said...

maayo gyud naay reserba di ba ..heheheh.. so ngayon dili ka na hinoon maka enter-net este internet diay..hehehe..palit nalang ug bag o..

Goryo said...

penge nmn ako ng lappy... hehe

glentot said...

Ikaw na ang may tatlong laptop! Ang tragic lang nung nangyari dun sa mag-asawa... still, I think they are responsible parents na alam ang limitasyon ng pag-aanak nila. Sayang lang at kinuha rin yung nauna...

analou said...

Talagang you have a a sense of humor Jag. Pinatatawa mo naman ako.

Iyan ang napapala sa mga taong padalos-dalos magdesesyon. Dapat sa ganoong situation pinag-iisipan munang mabuti bago sasabihin na tama na....lol

MinnieRunner said...

Ang hirap naman ng naging kalagayan nung mag-asawa.. So, ano ang masasabi mo sa RH Bill? :P

Bili ka nalang ng bagong lappy, gamit ang pinagbentahan mo ng 2 black lappies mo :)

Xprosaic said...

Hongyomonnomon! penge rin ako laptop... kahit macbook air lang tatanggapin ko basta galing sau... naks!

stevevhan said...

naku, ke malas naman ng mga magasawang yan, hay naku......bakit ba naman kasi ang tsismoso, bawal nga nating pag-usapan yan, it's not our thing, hindi talaga ko mahilig sa tsismis.....so, anu nangyari, may b alita ka dun sa couple?hahahahaha,,,

ouch, ang malas naman, hiramin mu nalang muna yung lappie nung mga kapatid mu...:)

Arvin U. de la Peña said...

ipaayos mo na lang,hehe..

Earvs said...

Good morning! I am Earvin Cabalquinto, a graduating student at UP Open University (Distance Education). I'm taking up Masters in Development Communication.

I am doing my thesis right now and the topic is about OFW blogging. I would like to invite you to be part. Should you be interested, please email me at ecabalquinto@gmail.com

I would love to have your blog as one of the respondents in this benchmark study at the University of the Philippines.

CaptainRunner said...

Bili ka nalang ng desktop :)

The Hidden Korean Place said...

Ang daming laptops. Visit the Hidden Korean Place located along Ipil Extension, Marikina Heights. Visit the blog at http://hiddenkoreanplace.blogspot.com/ Call 0916-2413333 for inquiries and reservations.

KRIS JASPER said...

Sabi nga nila, "you dont know what's around the corner"..

Pero that couple took the risk, unfortunately di nila alam na may mangyayari kay 1st baby.. shame
=(

AdroidEnteng said...

dami laptop..yomon....

krn said...

sayang naman... napakalungkot nang sinapit!! :( yung sayo naman ginoong jag, at least kayang kayang mo naman bumili ng bagong lappy ng kahit ilan pa. yaman talaga!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner