Monday, December 20, 2010

YOU This Christmas


I am not alone

but I am lonely without YOU...

video


 That's why I 'm singing my heart out

'coz I am terribly missing YOU... 

this CHRISTMAS...



Echus lang yan! Babati lang naman talaga ako sa inyo ng...
MALIGAYANG PASKO! :)
.


PS:
Sorry about the very poor video quality...It was just recorded in a Karaoke House KTV bar hehehe...

Friday, December 17, 2010

Viva! PEBA!

The dignified platform...


.
The masters of the ceremony...




The excited crowd...



The reputable speakers...



The victors...



The success!



Congratulations to all the winners of the recent Pinoy Expats/OFW Blog Awards held at Greenhills Shopping Centre, Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan Mandaluyong City, Philippines on December 16, 2010 with it's theme  “Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation”. 

I also commend the people behind the event for making it very successful. Things wouldn't be possible without them. Kudos to you guys!


My PEBA Experience

It's not mine. It's my friend's.
I was pleased to attend the awarding ceremony to receive an award in behalf of my good buddy Xprosaic. He got the "Most Popular Blog Award" for OFW Supporters Category. I did not expect things to get very serious. People were so stiff  that you could even see the tension drawn on their faces. Everybody were so excited that night. And by the way, they all look stunning in their own ensembles.

I did not rued anything. I  got the chance to meet some bloggers personally which for me is more essential than the ceremony itself. Let me share you some of  the snapshots... 

with Unni who bagged three awards...

A 'lil chat with Ro Anne and Kumagcow...

It was nice meeting Ro Anne and her parents...

with fellow, Marco...

I still need to catch the last trip to Laguna so I decided to leave the place earlier. Akala ko nakita ko na ang mga dapat makitang bloggers that night. But when I stumbled to Pusang Kalye's site, I was totally wrong. Hays! Oh well! There's always next time. Anyways, if you're available on December 28, may blogger's meet up pa rin naman sa MOA. You can always ask Jepoy or Ro Anne about it. See you there!

Once again, congratulations to all the winners. Long live Filipinos! Long live PEBA!

Wednesday, December 8, 2010

Camera Maintenance Tips

Photo credits: Google
Ayowwwn! Papalapit na talaga ang Pasko. Yung mga tatanggap ng bonus at extra month pays diyan anong balak 'nyong iregalo sa sarili? Malamang karamihan ay nangangarap na magkaron ng kamera. Hindi maikakailang dumarami na ang mga taong nahihilig sa potograpiya. At isa na ako doon. 
.
Ito ay isang repost tungkol sa kung papaano alagaan ang kamera.. Naisip ko lang na ibahagi itong muli sa mga mambabasa dahil alam kong mayorya  sa kanila ay nagmamamay-ari ng kamera.

Kadalasang dahilan ng pagkasira nito ay nabagsak o dili naman kaya ay nabasa. Paano kung sabihing ang dahilan ng pagkasira ay `yon mismong camera bag na pinaglalagyan natin? Ano daw? Oo tama kayo sa nabasa `nyo. Kahit ako nagulat sa sinabi ni Al Eugenio* tungkol dito. Sinasabi kasi na may mga elemento sa ating kalikasan na hindi natin nakikita ngunit nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kagamitan.

Habang nakasilid kasi ang kamera sa lalagyan nito lalo na at nasa loob pa ito ng cabinet na kung saan ay hindi pa tinatamaan ng kahit na anong liwanag, sabayan pa ng humid na panahon at paligid na mamasa-masa, ay tuwang-tuwa naman ang mga fungus o amag na tumira sa loob ng ating kamera. Habang tumatagal, lumalago naman ang mga amag na ito na maaring manirahan sa lens na siyang sisira sa kalidad nito. Kahit gaano pa kamahal o katibay ang isang kamera kung pinanirahan na ito ng amag lalo na sa parte ng lens, ay mawawalan ito ng saysay.

Ano ba ang dapat isaalang alang para maiwasan ang ganitong problema? Itabi ang kamera sa mga lugar na nasisilayan ng liwanag. Iwasang ilagay sa mamasa masa at maalikabok na lugar. Upang makasiguro, paligiran ito ng silica. Kung wala namang available na silica, maaring magbalot ng uling sa papel ng dyaryo at ilagay sa tabi ng kamera. Tumutulong ito na sipsipin ang moist sa hangin.

Mas mainam din sa pag iingat ng kamera ang hindi pagpatong o pagtabi nito sa mga bagay (like television, players and the likes) na kung saan malakas ang discharge ng electrostatic. Maraming bagay na maaring maapektuhan sa electronic circuitry nito. Alam ko ang concept ng ESD kasi dati akong nagtatrabaho sa isang electronics/semiconductor industry hehehehe...

Isaisip din natin ang pagtanggal ng baterya ng kamera kung ito`y hindi ginagamit o kung itatabi ito ng matagal. Makabubuti sa kamera ang makapagpahinga. Kung nagkataong may baterya pa kasi ito sa loob kahit naka-off ito ay nade-drain ang baterya na maaring ikasira nito.
.
Sana nakatulong itong simpleng tips para mapanatiling maayos at mapahaba ang buhay ng inyong mga cameras.
Capture moments this Christmas! Click! :)

.
* Al Eugenio: Professional Photographer, Feature Editor of Philippine Digest.

Monday, November 29, 2010

The Demonic Angel


Larawan pa lang alam mo ng may kasamaan ang laman ng post na ito. Isasalaysay kasi dito ni Jag ang mga kawalanghiyaan niya noong kabataan niya lol. Oo kayo na ang malinis at siya na ang may marungis na kaluluwa. LOL. Bakit kamo Demonic Angel? Kasi gumawa siya ng masama para sa ikabubuti ng iba. Meron bang ganun? Haha...'Yun kasi ang paniniwala niya NOON haha...Mas masama kasi pag Angelic Demon ang pamagat kasi kahit na ano pa'ng magagandang adjectives ang gamitin sa isang demonyo, demonyo pa rin ito haha...Pero paalala lang, kuwentong nakalipas ang mababasa dito kaya 'wag 'nyo siyang husgahan kung ano man ang nagawa niya noon. Mabait na kasi siya NGAYON. lol.

PROTEIN STAIN (Rated PG)

Anim kaming magkakapatid na puro lalake (hindi halatang masipag ang mga magulang ko). Panglima ako. Pero sa lahat ng magkakapatid, 'yung pangalawang kapatid ko ang pinakakalaban ko. Lagi kaming nag-aaway noon at minsan pa nga umabot pa sa pagbabatuhan ng vase. Ganoon kami maglambingan. Ang sweet noh? Grade 3 lang ako at hayskul na noon si kuya. Bossy itong si kuya. Ok lang sana 'yun kaso sa tuwing may ipag-uutos itong si tatay sa kanya ay palagi niyang ipinapasa sa akin. At dahil sa masunurin akong bunso ay wala akong magawa kundi ang magpaalipin sa kanya kahit labag sa kalooban ko. LOL. 

Isang tahimik na hapon may narinig akong kakaiba sa kuwarto ni kuya. Isang tunog na animo'y asong nagkakamot ng kanyang galis * scratch scratch scratch*  pero may ritmo ang tunog na nililikha nito. Akala ko nakapasok lang si rimshot noon sa kwarto ni kuya pero nung bubulagain ko sana ang aso ay ako ang nabulaga sa nakita. Si kuya pala, nakita kong nakatayo at nakababa ang shorts habang hawak hawak ang kanyang putotoy na ibinalot niya sa kurtina (he's sooo pig haha). Nahuli ko si kuyang nagtitikol. Panay ang pagpapatahimik niya sa akin noon. Pero hindi ako pumayag na basta ganun na lang. Gumawa ako ng kundisyon. Hindi na niya ako maaring utusan sa tuwing may ipag-uutos si tatay. Minsan pa nga ako na ang nang-uutos sa kanya haha kasi kung hindi siya susunod isusumbong ko  talaga siya kay nanay haha...sa murang edad ay alam ko na ang mam-blackmail hahaha...

At dahil sa ginawa ko, hindi na rin nahihirapan magtanggal ng mantsa yung labandera namin dahil hindi na doon gumagawa si kuya ng mantsa at bumait na rin si kuya sa akin LOL.


LIPISTIK (Rated GP)

Grade 4 na ako noon. Problema naman ay itong si bunso namin. Nagiging ugali na kasi ng bunso namin na tumatakas ng bahay na kahit may natuyong laway pa sa pisngi ay nakikipaglaro na sa labas. Ayaw na ayaw talaga ng nanay na lumalabas kami ng bahay na di pa nakaligo at nakaayos kasi ayaw niyang makita kami ng kanyang mga amiga na dugyot na nakikipaglaro sa labas. Gusto niya maayos kaming tingnan. Pero matigas ang ulo nitong si bunso. Hindi na alam ang gagawin ni inay.

Dahil batang Ovaltine ako noon, may biglang nag pop na bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. TING! May naisip na akong paraan kung papaano masu-solusyunan ang problema ni inay kay bunso. Kinuha ko ang lipistik ni nanay at ginuhit guhitan ko ang mukha ni bunso habang himbing na himbing itong natutulog. At alam na kung ano ang sumunod na nangyari nung lumabas siya at naglaro haha. Simula noon ay natuto na si bunso...Bwahaha!

And they lived happily ever after. LOL.

Yun lang muna ang ibabahagi ko. Tinamad na akong mag-type. Kung bakit ko nasusulat 'to? Namimiss ko lang kasi ang  family ko. Hiwa-hiwalay na kasi kami ngayon. Busy ang iba kong kapatid sa  pamilya  nila at sa trabaho. Ako, malapit na ring maging busy (naks). Marami kami, kahit magulo ay masaya naman sa aming tahanan noon.

Naalala ko noong maliliit pa kaming magkakapatid ay kumukuha si nanay ng mga katulong pero nung lumaki na at nagka-isip na kami ay pinalayas na niya ang mga ito, natatakot siya kasing baka lalo kaming dumami sa bahay. LOL. Ngayon, malungkot na  sa bahay kasi tatlo na lang sila. Si tatay, si nanay at si bunso. Hays!



Extra: 

I already greeted him but I just want to say it again here. Happy 65th birthday to my dad on Nov. 25. I  LOVE YOU TAY!

Monday, November 22, 2010

Pool and Pool Pahtey!

Labing apat lang na katao ang nakadalo sa nasabing party. Karamihan ay nanggaling pa ng Maynila at medyo na-traffic lang kaya medyo late na rin nasimulan ang pagdiriwang. Pasado alas nueve na nang makumpleto ang grupo.


Dahil totally bumness ang lolo 'nyo kaya ako na ang nag-organize ng party sa unang pagkakataon. Hindi na rin nakatanggi sa hiling ng isang kaibigan. Wala din naman akong ginagawa sa bahay. Ang hirap pala mag-organisa. Nakakapagod. Mula sa lokasyon, sound system, pati sa pagkain at iba pang pa-epekpek ay ako ang gumawa. Congratulations to myself at nagustuhan ng bonggang bongga ang ginawa ko. ( Salamat sa pang-uuto nila lols) . Nawala ang pagod ko kahit papaano.

Sobrang na-miss ko 'to.


 Kainan...Inuman...Sayawan...Laro...Kantahan...Sisiran (lol)...


Aba teka ano nga ba ang meron at bakit may ganito pang party-party na nalalaman? Who's party was it ba? ( kumu-conio haha)

Me and the birthday celebrator.
Alam na...

Happy Birthday Tetashi!!!

Extra:

Many thanks to Stephie Traveliztera for giving me the awesome "Versatile Blog Award". Ingat ka dun ha sa pupuntahan mo...sana di mo kami kalimutang mga fans mo hehehe...God Bless! 

Wednesday, November 17, 2010

A Bum's Life

Good only for ME.
Araw-araw. Walang ginagawa. Late na kung gumising. Kain. Tulog. Tikol  Nood ng TV. Magbrowse sa Internet. Humilata. Makipaglaro sa aso. Ligo. Tikol uli Tulog. Tulo-laway. Gigising. Kakain. Papalaki ng kuwan...Makipaglandian. Adeek. Mang-aadeek. Mag-iinadeek. Kaadeekan. Adeek-adeekan. Tanggap na sa isang Telecom Company nang sapian ng masamang hangin biglang nag-withdraw. Bum na uli. Balik adeek. Mang-aadeek. Mag-iinadeek. Kaadeekan. Adeek-adeekan. Ang saya-saya!
.
Kaya lamon kung lamon hanggang sa maging baboy. Pero meron pa ring hinahanap. Gusto ay maruya ngunit walang makita. Pakiusap ipadala na kung meron kayo diyan. Now na! P.S. Yung maraming asukal ha? Oh! kay ligalig (facepalm)...

Sunday, November 14, 2010

What's It All About?

Photo credits: Google
I was wondering. I was wandering. I'm incognizant to where I am going. I kept on walking until the picture  I see appeared to be bold-- found myself walking through a hospital hallway. There I saw a friend whom I haven't seen for years crying. I asked him why while trying to give him comfort. He didn't say a single word. Instead he grabbed my arm and took me to a cold, dark room.  I can only see few silhouettes caused by the moonbeam passing through the glass window. Fear started to crawl all over my skin when I saw this young, beautiful man lying naked on a tiled table. He was familiar. He was... me. Cold. Lifeless.

When I opened my eyes, everything morphed into a place that I have always known, my bedroom. It was only three in the morning when I woke up from that bad dream, a very bad dream.  : (

Tuesday, November 9, 2010

Boracay Isn't Bora 2


"Ang babait pala ng mga tao dito sa Bora noh?" sabi ko kay manong bangkero matapos na siya'y tulungan ng kapwa mga bangkero na itulak ang bangka na sinasakyan namin papunta sa laot. "Ser? Alin po? Bora?", panganglaro ni manong sa akin. "Oo dito sa islang ito", ako. "Ah, dito sa Boracay", sagot naman ni manong. "Ser, hindi po ito Bora, nasa Boracay po tayo" kanyang pagpapatuloy. Gusto kong tumawa ng mga panahong iyon pero pinigilan ko na lang baka ma-offend si manong. Wala na ding idinugtong si manong kasi naging abala na siya sa bangka. Pero sa likod ng aking isipan ay napatanong din ako bakit nasabi iyon ni manong. 

Nag-island hopping ang grupo noon. Hindi naman sa unang beses kong gawin ang ganitong trip pero naexcite ako nang malaman kong madadaanan daw namin ang resthouse ng idol kong si Manny Pacquiao sa kabilang panig ng isla. Pawang eww at tawanan ang mga chikabebe nang malaman nilang iniidolo ko si Manny. Dahil dun niloko ko ang isa sa pinakamaarteng chikabebe. Sabi ko sa kanya, "Kung bibigyan ka ng 10 million pesos ni Manny upang tumihaya  papayag ka ba?". "EWWWWWW!!!! Hindi ko siya type noh!" ang pasigaw na sagot niya. "Kahit doblehin niya pa, ayoko pa rin!" dagdag niya. Tawanan ang buong grupo. Hindi halatang affected si maarteng chikabebe sa ibinigay kong scenario haha.

Sa aming paglilibot, lumantad sa aking paningin ang magagandang tanawin...

Andami talagang magagandang tanawin haha...
Maya-maya lang ay narating na namin ang nasabing resort ni idol. Namangha kaming lahat. Ang ganda. Ang lawak. Ang laki. Pero walang katao-tao dito. Biglang humirit itong si maarteng chikabebe. "Jag, tara hanapin natin si Manny baka nandiyan sa loob. Kahit 5 Million lang payag na ako". Aba ang gaga biglang nagbago ang isip at tumawad pa? Haha. Tawanan ang lahat. Umabot sa tatlong oras din ang nasabing island-hopping kasama na doon ang snorkeling. 

Sadyang kay ganda ng isla. Kahit ang mga sikat na artista ay dumadayo dito. Kaya naman isa sa mga layunin ng isa kong kaibigan ay makapagpa-picture sa kung sino mang artistang makadaupang- palad niya. At hindi nga siya nabigo. Nagawa nga niyang makakuha ng souvenir pictures sa mga iniidolo niya. Mind you, tatlo sila. Halina't tayoĆ½ magbilang...

Isa. Si Derek sa isang bar doon.

Dalawa. Si Christine habang nagpapa-henna.

Tatlo. Ang umalma panget!LOL.


Pero nakatawag-pansin sa akin ang mahahalagang paalala na nakadikit sa gilid ng barge. Kaya pala napagsabihan ako ni manong. Now I know. Ang galing talaga ng mga tao doon. Sila ay marunong magpahalaga at magpreserve hindi lang sa kung anong meron ang isla kundi pati na rin sa pangalan nito.


Extra's:

Wooot! Tumanggap uli ng parangal ang inyong lingkod. Maraming Salamat Ishmael Fischer Ahab ng Before the Eastern Sunset    para sa  "One Lovely Blog Award"...I lilly lilly lilly like it! LOL. I really appreciate it. Hindi ko akalaing bibigyan mo ko ng ganoong parangal (teary-eyed lol)...but really thank you! :)

Super thank you din kay sir Pong ng Mizpah dahil sa paggawad sa akin ng "Versatile Blogger Award" (naks). Matagal na pala niya itong ibinigay pero nitong huli ko lang nalaman (buti nabanggit  niya sa akin hehehe).Pasensiya kung hindi ko pala nabasa ang post  tungkol dito. Abala lang ang lolo hehehe...Thank you!

Saturday, November 6, 2010

Boracay Isn't Bora


Sa totoo lang wala sa plano ko ang pagsama sa Boracay. Pero dinaig pa rin ako ng pangangati ng kuwan ko ng... mga paa ko kaya gomora na ako kasama ang ilan sa mga kaibigan. Tamang tama kasi mahaba-haba din ang bakasyon dahil sa undas. Sinamantala ko na din ang pagkakataon baka kasi hindi na kami  magkikita-kita  ng mga kaklase sa darating na Disyembre (reunion kuno).

Nakakatawa kasi noong araw mismo ng lipad namin papuntang Aklan ay naiwan pa itong isa naming kasama gawa ng nahuli siya. Buti na lang nakapag-chance passenger siya sa sumunod na flight at nagmulta lang. Dahil nauna  nga kami ay kinailangan pa naming antayin ang naiwang kasama ng apat na oras pa sa Kalibo Airport. Sighs! Bagot much!

Nagutom sa kahihintay sa kasama.
Alas sais na ng gabi nang dumating ang kasama namin sa paliparan. Dumeretso na agad kami sa Caticlan. Halos dalawang oras din namin binuno ang pagpunta sa nasabing lugar lulan ng isang pampasaherong Starex.
 
Ang sabi ng bubwit dito daw naka-check in si Madam Auring.
 Alas otso na kami nakarating sa isla ng Boracay. Nagutom ang grupo kaya iisa lang ang nasa isip ng bawat isa--ang lumamon. Tumambay kami sa isang maliit na kainan. Ngasab, kuwentuhan, tawanan. Napagtanto ko na ang iba sa mga kaibigan ay may ilang taon na din palang hindi ko nakikita.  

Super spicy squid with mushroom.

10 Pesos lang ang punch. Pramis!
Maaga pa ang gabi at masarap pang makipaglandian gumala kaya naglibot libot muna kami. Hinanap ko din si Madam Auring at ng makapagpa-souvenir picture (LOL) kaso lumalalim na ang gabi at hindi ko pa rin siya nakikita. Nag-chill na lang kami sa isang bar malapit sa dalampasigan, nagbabakasakaling may grasya doon haha. Nilibang na lang ang sarili sa pakikinig ng *thugs thugs* at sa panonood sa mga fire dancers. Nang magka amats ay minabuting umuwi at natulog sa otel. Yun lang...


 Hahaha abangan 'nyo na lang ang susunod na kabanata dahil si Jag ay naka-trunks lang sa beach. Katawan kung  katawan talaga ang labanan (Uy excited) haha joke lang...Ingats!


Extra:
Maraming maraming salamat Darklady para sa napakaprestihiyosong award na "One Lovely Blog Award" na iginawad mo sa akin. I heart u na. LOL.

Friday, October 29, 2010

Belat! Peklat!

Diyes sentimo sa binti...
Sa tuwing nakikita ko ang mala-diyes sentimo  na peklat sa binti ko ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako nagkaroon nito. Hindi naman masyadong halata ang pilat kasi mabuhok naman ang binti ko at maputi pero minsan may mga pagkakataon na nagpapapansin lang talaga siya upang maalalang muli ang nakalipas.

High School - Hilig ko na talaga noon pa ang pagkanta kaya sumasali na ako sa Glee Club ng school. Walang mintis yun mula unang antas hanggang sa ikaapat ay aktibong miyembro ako ng nasabing club. Dahil sa nasa pribadong paaralan kami na pinamumunuan ng mga pari ay kami na rin ang kumakanta sa tuwing may misa sa simbahan. Noon 'yung mga panahon na maigsi pa ang sungay ko at kaya pang lumusot sa pintuan ng simbahan. LOL. Dalawang beses kaming nagpapraktis  ng kanta sa isang linggo--tuwing Martes ng hapon para sa paghahanda sa Wednesday Novena Mass at tuwing Biyernes ng hapon para naman sa Sunday Mass. Madalas na venue namin ay sa simbahan. O diba?Sinong mag-aakalang alagad  pala ako ng simbahan dati. LOL.

Isang madilim na Biyernes ng hapon noon nang hindi sumipot ang musician namin sa pagtuturo. Unti-unti na din nagsilisan ang mga kasama ko. Nagpaiwan ang dalawa kong kaibigan kasi nagpa-praktis sila sa pagpipiano sa loob ng simbahan. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nagpaiwan din ako kasi may binabalak akong masama sa kanila. Oo, bibiruin ko sila. Kunyari mumultuhin ko. Bantog naman talaga kasi na maraming multo sa simbahan kaya pagmumulto ang naisip ko na panggulantang sa kanila. Madilim noon sa loob ng simbahan at hindi nila napansin ang pagpunta ko sa kanila. Tanging ang lampara lamang sa altar ang  siyang nagbigay ng munting liwanag sa buong simbahan. Nagtitipid din kasi ang simbahan sa kuryente. Habang abala ang dalawa sa pagtugtog ay inihanda ko na din ang sarili sa pangmumulto. Ikinubli ko ang aking katawan sa ilalim ng upuan ng simbahan habang gumagawa ng ingay na kunwari'y multong umiiyak. Narinig iyon ng isa kong kaibigan. Huminto sila sa pagtugtog at nakiramdam. Nagbubulungan pa kung parehas ba nilang narinig ang ingay na 'yon. Wala naman daw narinig itong isa kaya itinuloy nila ang pagtugtog. Gusto ko ng tumawa 'nun pero pinigilan ko lang kasi hindi pa ako tuluyang nagtagumpay sa ginagawa. 
.
Sa pangalawang pagkakaton ay nilakasan ko na ang pag-iyak-multo ko. Hindi naman ako nabigo kasi narinig ng dalawang kaibigan ko ang iyak na iyon. Bigla silang napatigil sa ginagawa at ang tanging nasambit na lang ay "Oh God" sabay karipas sa pagtakbo. Dahil sa sobrang takot, yung isa napadpad sa likod ng simbahan kung saan nakalagak ang mga life-sized rebulto ng mga santo. Mas lalong nakakatakot doon lalo pa't madilim hahaha...Yung isa naman ay safe na safe na nakalabas ng simbahan sabay uwi na  at iniwan ang kasama hahaha. Hagalpak ako noon sa katatawa habang nakaupo sa upuan ng simbahan mag-isa. Masarap sa pakiramdam na nakapangloko ako ng mga tao for fun sake. Ganun ako kabaliw noon. Haha!
.
Ngunit! Subalit! Datapwat! Akala ko'y waging wagi na ako sa prank na iyon. Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay may bigla akong nakitang taong naka-sotana na wlang mukha na nakatuntong sa ibabaw ng upuan sa di kalayuan. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Nanlalamig at pawis na pawis. Halos hindi makagalaw sa sobrang takot. Pero nagawa ko pa ring tumakbo  kasi  pakiramdam ko papalapit na siya sa akin. Dahil sa nag-freak out na ako noon, nadapa pa ako at tumama ang binti ko sa edge ng upuan. Pero hindi ko na inalintana ang sakit makabangon at makalabas lang  agad sa simbahang iyon.
.
Laking pasalamat ko nang nakalabas ako ng buhay sa simbahang iyon. LOL. Nang marating ko ang bahay ay biglang may naramdaman akong kumikirot sa aking binti. Naalala ko nadapa pala ako. Unti-unti kong itinaas ang aking slacks na pantalong uniporme upang tingnan ang  kumikirot sa bahaging iyon. What the %#&^;*! Ang noo'y puting puti kong medyas ay naging pula na. Ang daming dugong dumaloy sa binti ko. Itinaas ko pang lalo ang pantalon para tingnan ang pinagmulan ng dugo. What the %#&^;*! Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Laylay ang natuklap na balat with matching flesh na konting konti na lang ang kapit nito sa  binti ko. Kitang kita ko ang yummylicious na laman habang namamaga ang gilid ng sugat na noo'y nagkukulay ube na. Siguro konting kalkal pa sa sugat at maghe-hello na si  kumareng tibia (lower leg bone) sa akin pramis! Grabe ang talim pala ng edge ng upuan at pati ang pantalon ko ay napunit din. Oha! Oha! Ang saya saya! Ang bilis bumalik ng karma sa akin hahaha...Ewan ko ba, bakit kasi may mga nakikita akong mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwan. Or sadya lang akong adik kaya minsan nagha-hallucinate at kung ano ano na lang ang nakikita. Hays!

Simula 'nun natuto na ako.  Ayoko ng manakot. Or should I say paminsan minsan na lang hehe...Bali-balita pa naman sa buong eskwelahan nun ang akalang minulto ang dalawa kong kaibigan hahaha...Sa totoo lang hindi pa rin alam ng dalawa kong kaibigan magpahanggang ngayon  na ako pala ang minsan nanakot sa kanila. Ayoko kasing makantiyawan sa natamasang karma hehehe... Pero kung sakaling magkikita  uli kami ngayon, malamang puwede ko ng ikwento ang kahunghangan ko noon haha...Yun ang isa sa mga hinding-hindi ko makalimutang karanasan hehe... I thank you! Bow!

 Happy Halloween! Awoooh!


Monday, October 25, 2010

Partey! Partey!

Sus! Kung maka-pose ay parang siya ang nagpa-party eh nakilamon lang naman...tsk...tsk...
Dahil sa isa na akong palaboy at timawa, hindi ko na pinapalagpas pa ang mga pagkakataon kung saan may mga libreng kainan.  Kaya naman nang magyaya minsan ang isang kaibigan ay hindi ako tumanggi. Lolz. Kaarawan kasi ng isang kaklase namin. Ang layo ng venue nasa kaduluduluhan pa ng QC. Lugi pa ata ako sa pamasahe eh Joke! But seriously, noong nakaraang sabado ay iba dapat ang lakad ko. Doon sana ako tutungo sa Araneta  Colosyum Coliseom Colosse ah basta doon kung saan may concert nina David Foster and friends.  Pero dahil sa mga hinayupak na mga kaklaseng iyan with matching pakonsensiya effect sa akin at nagpa-guilty naman ako, mas pinili ko na lang ang maki-bertdey. Hays! Haha Joke lang...


Akala ko nga simpleng dinner lang ang magaganap at usap-usap lang sa mga existing na mga kaklase pero laking gulat ko ng makita kong PARTEY pala talaga ang pinuntahan ko. Ang daming tao. Marami akong hindi kilala...


At dahil party nga, hindi nawala ang mga malulupit na pagkain.




Sa dami ng kinain ko ay halos mabundat na ako...PG much lang ang arrive...



Nagpahinga lang saglit at bumarik naman kasama ang tropa. Nag-moderate drink lang ang bida that time kasi baka ma-discover nila ang super amazing talent ko 'pag nalasing hahaha...sa sobrang amazing nito ay siguradong maging million hit din ito 'pag in-upload sa youtube. lolz! Wag ng mamilit kung ano yun. Kasuklam suklam kasi hahaha...


Hindi nawawala siyempre ang pictorial ng mga taartits...

Beyond-sey to the tune of "Single Ladies".
Hindi nga ako nakadalo sa concert ni David Foster pero solb na solb naman ang gabi namin kasama ang isa pang exotic international artist...charaaan! Ang panghimagas...Beyond-sey. Bagay na bagay ang name niya kasi she's more than beyond. lol. Pramis pag kasama mo siya magla- lock jaw ka at magkaka-abs sa katatawa. I soo love her! lol.


Aba at itinodo na talaga ang party at may pa-confetti pa...


Teka ang dami ko ng dinadada  pero sino ba ang nagpalamon sa amin nagpabertdey?



Siyempre ang may birthday na gumastos ng bonggang bongga pra sa ikalabing isang kaarawan niya. Oo 21 na siya at ka-BATCH ko pa hahaha...wag ng umalma...lolz!Siya 'yung naka kulay asul na T-shirt na kaakbay ang chika bebe.

Happy Birthday Cris!

Thursday, October 14, 2010

Sayounara Dinner

" Jag kun, I believe you have a better plan, the reason why you're leaving the company. You see, I still wanted you to work with us but if that would be your decision, I respect that. Hope you can still keep in touch with us." - BOSS

Last Tuesday, my boss invited  the whole engineering team for a dinner. He wanted to eat *shabu-shabu so, that time he brought us to a Chinese shabu-shabu restaurant which is located at Pasay Road in Makati City (I forgot the name of the restaurant...uhmmm sounds like Thian Thian or something). And yeah,  the said dinner was intended for me 'coz it' was my last day of work in the company. Whew! Good thing he treated us, nakaligtas ako sa panlilibre sa mga officemates ko wahihihi. The food were awesome. Sorry, I wasn't able to take some pictures. I was too shy to take food photos while I'm with my boss. Otherwise, I would look silly to him if I did (or it's just me thinking that way) LOL.

I am  thankful that my boss was happy for my decision and finally accepted my resignation. He actually kept on asking  many times before if I can revoke my decision. He even "offered" me something but I could only answer him  a  smile lol (hindi kasi sapat ang offer niya haha joke lang). But I never rued working in the company. I am so blessed with the opportunities they'd presented me.  I am supposed to fly  for Thailand last August  but I declined. I guess many of you  thinks  that I am foolish eh? Well, I am haha. But seriously, I finally got tired. Hindi na masaya and no longer productive at work. Pinag-isipan ko nga ito ng matagal, consulted some people, minsan din bumyahe at nagpakalayo-layo mag-isa just to weigh things. And finally came up with this kind of decision--- to start anew. I know I'm burning bridges... and whatever repercussions I would have in the future, I am ready for it.
.

I know marami akong mamimis lalo na ang mga kaibigan sa trabaho. Pero kailangan ko lang gawin 'to. Wish me luck for my next career. Hope it would be nice and niche. :)

For now, I will leave you this video I made earlier today. Here you can see my favorite pictures I took in Japan in 2009. And hope you'll like my "Hey There Delilah" version too. Thanks! :)
.
video


* Shabu-Shabu- Japanese dish of thin slices of meat and vegetables cooked at table in a simmering pot of broth, then dipped into any of various sauces. 

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner