Showing posts with label Trip. Show all posts
Showing posts with label Trip. Show all posts

Friday, November 9, 2012

November One

 Napaaga ang dating ko sa Alaminos City. Ala una pa lang ng madaling araw ay lulan na ako ng bus terminal doon. Ang usapan kasi ng grupo ay magkikita ng alas 6 ng umaga. Kumusta naman ang limang oras ng paghihintay sa isang hindi pamilyar na lugar di ba? Sa lahat ng bagay ay ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay ako. 30 minutes nga lang ng paghihintay ay kumukunot na ang noo ko at nangangailangan na ng madugong paliwanagan kung bakit late eh yung limang oras pa kaya?

Dahil sa sobrang bagot ay sari-sari na ang naiisip ko noon. Naiisip ko ng mamik-ap na lang muna at mag oye oye pero hindi naman ako ganun. Hindi ko kayang bahiran ang super banayad kong budhi. LOL. Kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagawa kong matulog sa terminal. Inokupa ko ang buong bench like I don't care at all kung hindi na makakaupo ang ibang pasahero. LOL. Joke lang. Siyempre kakaunti lang kami 'nun kaya ok lang hehe...

Maya't maya pa ay biglang may tumapik sa aking balikat at ginigising ako. Sa pagmulat ko ay nakita ko ang aking lolo, lola, tito at tita, maaliwalas at nakangiti sa akin. Ang bango nila. Mahirap ipaliwanag ang amoy basta masarap ang amoy sa ilong. Tinanong ko pa sila kung paano nila ako natunton eh sa pagkakaalam ko eh wala akong kamag-anak na pinagsabihan sa biyahe ko. Muntik na akong malaglag sa kinahihigaan ko ng mapagtanto kong lahat ng kinakausap ko ay sumakabilang buhay na pala mga ilang taon na ang lumipas. At bigla na lang akong nagising, pawisan. Pagtingin ko sa orasan ay alas singko ng umaga na pala. Dahil sa panaginip na iyon naisipan kong magpunta ng simbahan. Nagkataong malapit lang ang Cathedral of Saint Joseph. Matagal tagal na din kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila kaya ako ang dinalaw nila upang magpaalala.


Pagpasok ko ng simbahan ay nakaramdam ako ng init sa katawan at maya maya lang ay umusok na at lumiyab ang buong katawan. Chos! Haha! Seriously, mataimtim akong nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga mahal ko sa buhay. Tingin ko naman masaya sila sa kinaroroonan nila ngayon. Masaya na rin ako kasi sa tagal ng panahon ay ginagabayan pa rin nila ako kahit saan man ako dumako.


Kakaunti lang ang mga sumamba noon. Siguro wala pa kaming sampu. Matapos ang misa ay nag ikot ikot sa kabuuhan ng cathedral at kumuha ng larawan ng isang magandang istruktura. Mag-aalas siyete na ay wala pa rin ang mga kasundo. Gusto ko ng magwala 'nun pero dahil sa na enlighten ako (char) hindi ko na itinuloy. 

Alas diyes na ng umaga at tumunog ang selepono ko. Dumating na sa wakas ang mga kasama ko. Di ba ang saya lang? 9 long hours of waiting in vain hays! Buti na lang maraming interesante sa lugar. Kahit papano ay nalibang din ako sa paglilibot dito. Nang magkitakita ay tumungo na agad ang grupo sa pinupunteryang lugar, ang Pangasinan's pride, Hundred Islands. Abangan.

 ---ooOOOoo---

Extra's:
Maugong ang salitang BONUS sa kumpanya ngayon dahil malapit na ang Pasko. Sana malaki ang evaluation ng boss sa akin para malaki din ang bonus haha! Asa pa! Haha! Basta may bonus ok na ako dun may pambili ng puto sa may kanto LOL. Ingat pips! :)

Wednesday, August 31, 2011

My Back to Back Surigao Adventure 2

I've been hearing a lot of entrancing stories about this river from my relatives  before who were able to visit the place. And their tall tales whetted my curiosity to examine this mystical river for myself.


 Rios Encantados

Hidden in a small town of Hinatuan, Surigao del Sur is a threshold of blue-crystal clear waters of Enchanted River. The name says it all. You will be truly enraptured by its inconceivable beauty and be intrigued by its mystery. I have learnt from people that the depth of the river is immeasurable. According to them, one man dared to dive into the deep but was never found again. It was believed that the mythical creatures got him. There were also reported sightings of a green guy (baka siokoy?) and two ladies in white who walked on the surface of waters and suddenly disappeared. Sila daw yung mga pinaniniwalaang bantay sa nasabing ilog, which gave us the reason not to swim anymore (laughs).




Actually, we hit the place already past four  in the afternoon. We indulged our hungry tummy first in a fine turo-turo eatery (point- point? LOLZ) in town. Kaya naman nung dumating kami sa area, hindi na ako nagsayang ng oras pa.  My camera just keep on snapping pictures. I mean, beautiful pictures.




We did not enjoyed the waters  that much because its almost night time. We were discouraged by some local people too to swim there for it was believed that the spirits or  the encantos will take the place by 6 in the evening. May it be true or just a mere product of wild imagination,  all I know is that my eyes were truly delighted by it's beauty. I wonder why it was not nominated in the modern wonders of the world?




Nauubusan na ata ako ng magagandang adjectives sa lugar na ito kaya  see it for yourselves na lang. This is indeed a must-visit destination in the Philippines. Gora na! 



Thursday, August 25, 2011

My Back to Back Surigao Adventure

Located at the eastern coast of Mindanao lies a beautiful province of Surigao del Sur. This place has  so many to offer. Friendly  people, cheap tropical fruits and beautiful spots. Two of the most strikingly attractive  destinations in Surigao del Sur that I have recently visited were the stunning "Tinuy-an Falls" and the mysterious "Enchanted River". And I would say I am very fortunate to see these diverse beauty of nature in my own naked eyes.

The Tinuy-an Falls

Philippines' mini Niagara
Our first destination was this multi-tiered waterfalls called Tinuy-an situated in Bislig City, Surigao del Sur.  We didn't worried about hiring a van or jeepney  'coz my cousin brought his car. Buti na lang sumama siya. LOLZ. It was an exhausting trip. We experienced hours of bumpy ride. But it was worth the taking after we reached the place and able to see the beautiful landscape of nature.

I don't know why it's called Tinuy-an. Maybe it was derived from the Visayan word "tu-yo" which means “meant for something” or “to be of specified importance” or something  like that but you see, it was just  only my wild guessing haha!

First Level

Upon entering the area, you will be welcomed by a small falls ....


You may rent a bamboo raft if you want to go towards the falls...



And enjoy the beautiful sights that's naturally existing...


The best part is the second level. The water drops at approximately 120 feet high (me thinks) and a depth of 50 feet. If you're not good at swimming, you are encouraged to wear life vest in this area. Pramis! Malalim siya!





Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili na magpicture picture sa gilid ng talon kasi hindi ako marunong lumangoy haha!

I was not yet satisfied so I went to the next level...


There I enjoyed the waterfalls massaging my whole body.

 But I wondered how’s it like there on top?


So I pursued the final stage…


It was pretty tough climbing the top but I never rued reaching it...


'coz it feels so good. It feels like I'm the mighty one standing on top of everything. LOL.



Top
And I was amazed because everything up there is so calm and relaxed. Can't even hear a single clamoring sound of falls.



The group left the place around 2:00 PM and headed to the next destination, the Enchanted River (next post).



Saturday, June 4, 2011

Ma-Panglao

Ma-Panglao dahil tahimik at hindi ma-tao...


Ma-Panglao dahil binigyan MO ako ng pagkakataong makapagmuni-muni sa saliw ng musika na nilikha ng mga alon sa dagat...


Ma-Panglao dahil  mag-isa kong nasaksihan ang kagandahan MO...



Ma-Panglao dahil iniwan KITA....



Ma-Panglao ang siyang nararamdaman ko ngayon dahil ang lahat ng mgagagandang alaala na idinulot mo sa akin ay isa na lamang gunita ngayon... 

Panglao Island. My perfect getaway that was...






Sunday, January 16, 2011

Clark is Pampangacious!

Akala ko  noon puro abo lang ang makikita ko sa kapatagan ng Pampanga. Naalala ko sa  tuwing dumadaan ang sinasakyan kong bus sa Pampanga papuntang Baguio ay nakikita kong  parang galit na galit si haring araw sa lugar na ito. Pakiramdam ko malulusaw ang flawless skin (???) ko 'pag lumabas ako ng bus noon. 'Yung mga mirages ay makikita mo talagang naglalaro sa kahabaan ng mga daan doon.. Siguro nga 'pag binasagan ng  itlog ang daan ay may instant sunny side up ka na hehehe...

Kaya naman hindi ko tinanggap ang alok ng isang kumpanya (pagawaan ng papel) na manilbihan doon, apat na taon ng nakalipas dahil pakiramdam ko hindi magiging masaya ang buhay ko doon. Pero nagbago ang aking pananaw ng minsan akong sumama sa mga kaibigan noong nakaraang linggo. Dahil sa hindi naman ako masyadong abala noon ay nagkaroon ako ng panahon na makapagliwaliw.

At ito ang mga nasaksihan ko...

Preskong kapaligiran...

Matatayog at malalaking puno na isang patunay lang  na matanda na ang lugar...

Na sa kabila ng pagtakbo ng panahon ay nanatili pa rin ang kagandahan at kaayusan nito...

Mga tanawing aakalain mong hindi likas sa ating bansa.


 
At ang nakakamanghang maayos na pagpapatupad ng batas-trapiko sa lugar. Ibang iba ito sa lahat ng aking nabisitang lugar DITO sa Pilipinas. Maluwag at maalwan ang mga daan.


Nakakatawag-pansin din ang isang bahagi ng lugar doon. Iba ang dating. Pakiramdam ko nasa ibang bansa ako  noon (or it's just me dreaming LOL). Parang nasa Texas, USA ka lang. LOL.

Parang ghost town siya. Wala kang masyadong makikitang tao liban lang sa mga kabayo at iilang hinete.

Gayunpaman, tiyak na maaaliw ka sa mga tanawin dito...

 
Gagala pa sana kami sa ibang bahagi ng lugar kaso kinulang kami sa oras. Dahil ang totoong sadya talaga namin  ay mamili lang ng mga imported na gamit sa isang malaking tindahan doon. All-out sale kasi kaya mura lang hehe...Pagod na pagod man kaming umuwi sa aming mga pinanggalingan ,sulit na sulit naman ang aming mga naging karanasan sa Pampanga.

Tuesday, November 9, 2010

Boracay Isn't Bora 2


"Ang babait pala ng mga tao dito sa Bora noh?" sabi ko kay manong bangkero matapos na siya'y tulungan ng kapwa mga bangkero na itulak ang bangka na sinasakyan namin papunta sa laot. "Ser? Alin po? Bora?", panganglaro ni manong sa akin. "Oo dito sa islang ito", ako. "Ah, dito sa Boracay", sagot naman ni manong. "Ser, hindi po ito Bora, nasa Boracay po tayo" kanyang pagpapatuloy. Gusto kong tumawa ng mga panahong iyon pero pinigilan ko na lang baka ma-offend si manong. Wala na ding idinugtong si manong kasi naging abala na siya sa bangka. Pero sa likod ng aking isipan ay napatanong din ako bakit nasabi iyon ni manong. 

Nag-island hopping ang grupo noon. Hindi naman sa unang beses kong gawin ang ganitong trip pero naexcite ako nang malaman kong madadaanan daw namin ang resthouse ng idol kong si Manny Pacquiao sa kabilang panig ng isla. Pawang eww at tawanan ang mga chikabebe nang malaman nilang iniidolo ko si Manny. Dahil dun niloko ko ang isa sa pinakamaarteng chikabebe. Sabi ko sa kanya, "Kung bibigyan ka ng 10 million pesos ni Manny upang tumihaya  papayag ka ba?". "EWWWWWW!!!! Hindi ko siya type noh!" ang pasigaw na sagot niya. "Kahit doblehin niya pa, ayoko pa rin!" dagdag niya. Tawanan ang buong grupo. Hindi halatang affected si maarteng chikabebe sa ibinigay kong scenario haha.

Sa aming paglilibot, lumantad sa aking paningin ang magagandang tanawin...

Andami talagang magagandang tanawin haha...
Maya-maya lang ay narating na namin ang nasabing resort ni idol. Namangha kaming lahat. Ang ganda. Ang lawak. Ang laki. Pero walang katao-tao dito. Biglang humirit itong si maarteng chikabebe. "Jag, tara hanapin natin si Manny baka nandiyan sa loob. Kahit 5 Million lang payag na ako". Aba ang gaga biglang nagbago ang isip at tumawad pa? Haha. Tawanan ang lahat. Umabot sa tatlong oras din ang nasabing island-hopping kasama na doon ang snorkeling. 

Sadyang kay ganda ng isla. Kahit ang mga sikat na artista ay dumadayo dito. Kaya naman isa sa mga layunin ng isa kong kaibigan ay makapagpa-picture sa kung sino mang artistang makadaupang- palad niya. At hindi nga siya nabigo. Nagawa nga niyang makakuha ng souvenir pictures sa mga iniidolo niya. Mind you, tatlo sila. Halina't tayoý magbilang...

Isa. Si Derek sa isang bar doon.

Dalawa. Si Christine habang nagpapa-henna.

Tatlo. Ang umalma panget!LOL.


Pero nakatawag-pansin sa akin ang mahahalagang paalala na nakadikit sa gilid ng barge. Kaya pala napagsabihan ako ni manong. Now I know. Ang galing talaga ng mga tao doon. Sila ay marunong magpahalaga at magpreserve hindi lang sa kung anong meron ang isla kundi pati na rin sa pangalan nito.


Extra's:

Wooot! Tumanggap uli ng parangal ang inyong lingkod. Maraming Salamat Ishmael Fischer Ahab ng Before the Eastern Sunset    para sa  "One Lovely Blog Award"...I lilly lilly lilly like it! LOL. I really appreciate it. Hindi ko akalaing bibigyan mo ko ng ganoong parangal (teary-eyed lol)...but really thank you! :)

Super thank you din kay sir Pong ng Mizpah dahil sa paggawad sa akin ng "Versatile Blogger Award" (naks). Matagal na pala niya itong ibinigay pero nitong huli ko lang nalaman (buti nabanggit  niya sa akin hehehe).Pasensiya kung hindi ko pala nabasa ang post  tungkol dito. Abala lang ang lolo hehehe...Thank you!

Saturday, November 6, 2010

Boracay Isn't Bora


Sa totoo lang wala sa plano ko ang pagsama sa Boracay. Pero dinaig pa rin ako ng pangangati ng kuwan ko ng... mga paa ko kaya gomora na ako kasama ang ilan sa mga kaibigan. Tamang tama kasi mahaba-haba din ang bakasyon dahil sa undas. Sinamantala ko na din ang pagkakataon baka kasi hindi na kami  magkikita-kita  ng mga kaklase sa darating na Disyembre (reunion kuno).

Nakakatawa kasi noong araw mismo ng lipad namin papuntang Aklan ay naiwan pa itong isa naming kasama gawa ng nahuli siya. Buti na lang nakapag-chance passenger siya sa sumunod na flight at nagmulta lang. Dahil nauna  nga kami ay kinailangan pa naming antayin ang naiwang kasama ng apat na oras pa sa Kalibo Airport. Sighs! Bagot much!

Nagutom sa kahihintay sa kasama.
Alas sais na ng gabi nang dumating ang kasama namin sa paliparan. Dumeretso na agad kami sa Caticlan. Halos dalawang oras din namin binuno ang pagpunta sa nasabing lugar lulan ng isang pampasaherong Starex.
 
Ang sabi ng bubwit dito daw naka-check in si Madam Auring.
 Alas otso na kami nakarating sa isla ng Boracay. Nagutom ang grupo kaya iisa lang ang nasa isip ng bawat isa--ang lumamon. Tumambay kami sa isang maliit na kainan. Ngasab, kuwentuhan, tawanan. Napagtanto ko na ang iba sa mga kaibigan ay may ilang taon na din palang hindi ko nakikita.  

Super spicy squid with mushroom.

10 Pesos lang ang punch. Pramis!
Maaga pa ang gabi at masarap pang makipaglandian gumala kaya naglibot libot muna kami. Hinanap ko din si Madam Auring at ng makapagpa-souvenir picture (LOL) kaso lumalalim na ang gabi at hindi ko pa rin siya nakikita. Nag-chill na lang kami sa isang bar malapit sa dalampasigan, nagbabakasakaling may grasya doon haha. Nilibang na lang ang sarili sa pakikinig ng *thugs thugs* at sa panonood sa mga fire dancers. Nang magka amats ay minabuting umuwi at natulog sa otel. Yun lang...


 Hahaha abangan 'nyo na lang ang susunod na kabanata dahil si Jag ay naka-trunks lang sa beach. Katawan kung  katawan talaga ang labanan (Uy excited) haha joke lang...Ingats!


Extra:
Maraming maraming salamat Darklady para sa napakaprestihiyosong award na "One Lovely Blog Award" na iginawad mo sa akin. I heart u na. LOL.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner