Dinaanan ako ng close relatives ko sa bahay upang makasama sa outing. Tamang-tama at wala akong ginagawa kaya hindi na ako nagpapilit pa. lols. After all, matagal tagal ko din silang hindi nakakasama simula ng magtrabaho ako sa malayo. May halos limang taon ko din silang hindi nakikita. Ganoon pa rin ang mga gawi--makwela at maingay. Wala namang okasyon noon. Isang ordinaryong araw lang.
Konti lang kami noon. Ni wala pa nga kami sa sampu. Mas naenjoy ko pa nga ang mini-reunion na yun kesa nung nagdaang grand reunion namin. Kami kami lang. Masaya. Tamang usap. Tamang balahuraan. Tamang halakhakan. Basta, masaya.
Halos tatlong oras din kaming bumyahe bago narating ang nais puntahan. Kabubukas lang ng resort. White sand. Kaunti lang ang tao. Maayos naman at malinis doon. Ok naman ang facilities. Mababait ang staffs. Wala kami sa Bicolandia pero ang tema ng nasabing resort ay patungkol sa Bicol. Everything went smoothly that day.
Maya-maya nagising si baby Lin a.k.a choosy little beggar. Siya ang pamangkin ko sa pinsan. Kung bakit choosy little beggar ang tawag ko sa kanya, yun ay dahil namimili ito ng mga taong pwedeng kumarga sa kaniya. One year old lang siya pero animo'y marunong na siyang mag-judge ng mga bagay- bagay... ng kung sino ang maganda o gwapo. Kung sino ang pangit o hindi. Kapag nakikita niya si Coco Martin o dili naman kaya ay si Piolo sa telebisyon ay magtuturo ito sa TV sabay sabing "wapu". Malantod na bata! lols.
In short, ayaw niyang mapalapit sa mga taong hindi kanais-nais sa paningin niya.Nagwawala ito kapag pinilit.Kaya naman hindi na nagtaka ang lahat kung bakit lumapit siya kaagad sa akin at nagpakarga.Char! Hahaha! Nakagat pa ang leeg ko sa sobrang kilig niya habang kinakarga ko. Tiyanak lang? lols.
Unang beses lang kaming nagkita pero naging instant hit agad kami.At naging instant yaya pa ako dahil ayaw niyang umalis ako sa tabi niya.Buong araw lang naman kaming magkasama haha!Hindi tuloy ako makapanglandi sa beach kasi inakala ng iba na anak ko ang bitbit bitbit ko. lols.
Matalino (mana sa tito) at masayahing bata si baby Lin. Kapag sinabing mag-pose para sa camera ay magpo-pose agad ito na parang model lang hehehe...
Parang magiging spoiled na ata siya sa akin hehehe...
Siya si baby Lin. Dahil sa kanya, naniniwala na talaga ako na hindi marunong magsinungaling ang bata haha! Maraming salamat sa magandang genes ng mga magulang ko haha joke lang!
31 comments:
na shock gud ang bata sa picture nimu. hahahaa
Naks...ikaw na ang gwapo. ^_^ Natuwa yung bata sa iyo kasi mabait kang tito.
Char! Hahaha!
Tiyanak si Baby Lin? Lol
ang cute ng baby!!! di pa kasi mag asawa at gumawa na ng bata eh! :D
at dahil jan ikaw naman daw ang dapat magkaanak. :D
ang cute ng bata.. hi baby lin..
salamat sa pag dalaw bro nice blog :)
ang kyut ni baby lin...sobra!
ang cute nmn ni baby Lin!! ^_^
spoiled na spoiled ko ung pamangkin ko sa pinsan...halos ata kalahati ng sweldo ko...napunta sa kanya
...sana palitan ng pinsan ko
hahahahaha....beggar tuloy ako ngaun
^_^ pero ok lng...basta maganda ung suot ng pamangkin ko hahaha
cutie cute-cute ni baby Lin! para ako lang! #lels hahahah!
di ba magayon yung lugar sa pedro penduko? ;)
hongkyut ni baby lin!
pa kiss ako...mwaaahhhh! :*
sa mga shots mo, mukhang ikaw pa ang mas makulet. lol
nway, san 'tong resort na 'to?
Ang cute ng baby! mukhang enjoy na enjoy siya, lalo na si Baby lin. Parang wala siyang takot malunod. hehehe
mabuti naman at nakisama ang baby sa iyo.......magandang resort..
Wow. Ang cute nung bata (lang). Haha. Joke lang. Peak ng stranger anxiety nung bata, pero sayo naramdaman niya ang lukso ng dugo, Baka ikaw ang ama. Hahaha. Joke lang.
ang kuyut na bata... kanino nga ulit nagmana? LOL..
waaahhh..gusto ko nadin magka baby :(
wow praktis praktis! hehehehe
sarap namn ng outdoors nyo dayn. mis ko tuloy ang bora!
ug unsay pasabot ana nga artistahon gyud diay ka?! heheheh. peace bai.
asa mani? sa samal?
hahaha... cute na bata! saan ito sa albay?
Hahaha.. ikaw ha, imo siguro na gihatagan ug lollies para magka gusto sa iyo (joke).. btw, she is so cute.. mga wafo ug wafa gyud mo ug kaliwat..hehehe
Haha nakakagaan ng loob tong post na to haha "Balahuraan" & "Choosy little beggar" hahaha FTW!
Akala ko anak mo sya hehehe
ikaw na pre...hahahaha
oh so cute!!! lovable pa
hahahaha pwede na chong maging dakilang ama.. hehhee
Sabi ko na yun ang tutumbukin mo dun e. Haha. Wag kang mag-alala, naniniwala naman ako dahil Mayo tayo ipinanganak. Kailangan talaga idamay ko sarili ko.lols.
haha, ganun? ang cute ni baby lin. Um, yung part na sumsama siya sa'yo,um........infearness aah mganda yung resort, mukhang masarap maligo diyan, white sand, at yung part na mahilig siya sa gwapo at sumama si baby lin sayo um.........ang saya naman ng outing na yan, hahha, masarap din minsan na kapamilya ang kabonding diba?
yung part na sumasama si baby lin sayo.......
hahaha, ayaw magcomment eh no?
hahaha, Char nga, pero mapili talaga ang mga baby, and well, mapalad ka kasi napili ka, ibig sabihin kana-is-nais ka sa kanya :)
Am sure pareho kayong makulit. Kitang kita. Natawa naman ako dun sa wapu. Aba marunong pumili. One year old pa lang ha, what more kapag mga 3 years old na. Am sure kaw na lokohin niya baka mapasayaw ka. I like the last photo, soooo cute!
Post a Comment