Thursday, May 5, 2011

Huma-Happy Birthday Ako



Akala ko'y wala ng pagdiriwang na magaganap matapos ang kaarawan ko. Kung ako lang sana ang masusunod hindi na mahalaga para sa akin ang ipagdiwang ito. Sapat na sa akin ang mabigyan ako ni Lord ng isa pang taon na mamuhay sa mundo at ang maalala ng ilan sa mga kaanak at kaibigan ang batiin ako sa araw na iyon. Pero ninais pa rin ng pamilya ko na magkaroon ng selebrasyon kahit lumipas na ang ilang araw ang birthday ko. Minsan lang daw kasi akong umuwi sa amin at baka 'pag umalis ako ay matatagalan na naman ang pagbalik ko kaya hayun nilipat sa ibang araw ang pagdiriwang. Kaya 'nung araw mismo ng kaarawan ko ay nagdildil muna kami ng asin para lang may pandiwang sa susunod na araw. Charmos Ginamos!


Sumapit ang araw ng Miyerkules at ang lahat ay eksayted. Sa sobrang eksayted ay nakalimutang may pinto pala ang sasakyan at sa bintana na dumaan . LOLZ. Ako naman pinilit ko ang sarili na lokohin na kunwari birthday ko nung araw na iyon para ma-feel ko ang essence. LOLZ. Pumunta kami sa isang resort na mumurahin pero pwedeng pwedeng pasyalan ng mag-anak.


May malinaw na sapa...pwedeng mag-fishing!


Matatanaw rin ang mga nagtatayugang mga puno sa bundok habang nag-iihaw sa may paanan nito.



Kung trip mo naman magpicture picture sa loob ng yungib kasama ng mga encanto ay pwedeng pwede rin.


Maganda ang araw noon kaya nakapag libot libot pa ako...




Isang pamatay pose ni mader dear...




Kung pagod ka na sa paglilibot ay pwede kang magpalamig sa  pool. Pero dahil sa hindi ko dala ang mahiwaga kong brip noon, hndi na lang ako nagswimming sa pool kung saan puno ng ihi, uhog, libag at iba pang nutritious elements na present doon hehe. (Idinahilan pa ang brip eh no?)



Masayang masaya ako sa araw na iyon. Pero may isang pangyayari na  namatay talaga ako sa katatawa.  Nahuli ko ang magkasintahan sa loob ng men's shower room na animo'y may hinahanap na maliit na bagay. Nahiya  ang babae sa akin kaya nagkusa na siyang lumabas. Sabi pa ni lalake, " Babe hindi ko talaga mahanap eh". Sagot ni babae sa may labasan, "Ewan ko sa'yo bakit mo kasi winala eh ang layo-layo pa naman ng convenience store dito. Sorry ka na lang mamaya 'pag hindi mo nahanap 'yun hindi talaga pwede". Sa umpisa ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila at kung ano yung mahalagang bagay na iyon na hinahanap nila. 

Lumabas ako at nagtungo sa pool para magpicture picture muli. Tumawag ng aking pansin ang bagay na hawak hawak ng isang bata. Nilapitan ko siya at tinanong kung saan 'nya nakuha ang hawak hawak niyang lobo. " Sa may banyo po nakita ko ang box na may  lamang mga lobo. May dalawa pa ngang natira eh." Sagot niya. "Bakit yan ang ginagamit mo?", pang-uusisa ko ulit. " Wala kasi akong 20 pesos na pang renta ng  salbabida kuya eh", mainosente niyang sagot sa akin. Haha!Napaka-innovative na bata. Pwede nga namang gawing salbabida ang condom hahaha! In-fairness, noon lang ako nakakita ng condom na kulay blue hehe...


Sumilip uli ako sa shower room, nandoon pa rin ang mag-jowa. Abala pa rin sa paghahanap ng kanilang "mahiwagang bagay". Wala silang kamalay malay na palutang lutang na pala ang hinahanap nila sa pool na siyang  tanging susi  para matuloy ang binabalak na "jugjugan" to the tune of Careless Whisper.. LOLZ!

Lesson learnt: "Pag ang baril pumutok, patay kang bata ka! Pag ang condom nawala buhay kang bata ka!" (That is kung itinuloy talaga nila hehehe)

Musta bakasyon natin diyan mga tropa?

29 comments:

Yanah said...

langya ka jag-head! andami kong tawa mygawd hahahahaha
tanga-tanga naman ng magjowa na un, isang buong box ng condom ang naiwala? jusme! hahaha

umuwi ka ng davao? belated haverdey pala.. ngaun lang ulit ako nakablog hop.. mygawd hehehe

engeng ginamos :P

Xprosaic said...

Ako pa rin ang pinakaunang bumati sa iyo... o ha! peke nang alarm... lels

Kench Alegado said...

Happy Birthday!

kuyakoy said...

belated!!!

Will said...

belated happy birthday! at kawawa naman yung nawalan ng condom. hehehe

YOW said...

Yes, aktibo na ang feeds ng blog mo sa blogroll ko. Haha. Pambihirang buhay to, pati sa resort? Haha. Sa banyo ng resort? Hindi makapaghintay sila Koyang at Ateng. Haha. Sana inabot mo yung nakasalbabidang condom. haha

iya_khin said...

hahaha!ooopss bago ang lahat Happy birthday sayo! sarap ng letchon ha namiss ko yan!

ang kuleeeettt ng blue na condom! hahah! kala ko loko lang totoo pala talaga! palutang-lutang! ahahah!

LASER said...

habul pa, hapibertdey 2u jagblagger! funny post :D

nieco_speaks said...

belated hippie beeday brad!

wa ko kabaw nga makapa-float pd diay nang condom. wahahhahaha

empi said...

bwahahahaha... grabe! ayan kasi di nag iingat si bf kaya naiiwan ang panangga. Bwahaha! ginawang salbabida tuloy. bwahaha!

empi said...

Belated Happy Birthday pala. hehehe!

MiDniGHt DriVer said...

hehe.. mabaliw man ang magjowa, di na nila makikita yung mahiwagang bagay!

happy bday parekoy at congrats ulit!

-Parts- said...

Kalami sa Lechon! hehehehe

Arvin U. de la Peña said...

Happy birthday sa iyo Jag........

Arvin U. de la Peña said...

Nag message na ba sa iyo si Yuri..

dong ho said...

ganda naman ng resort. di pa ako nakapunta diyan.

MOKS™ said...

pare...belated happy na...birthday pa! ang saya ng outing nyo...wala ka bang planong ilibre kami? hahaha

kikilabotz said...

jag happy bday sayo. haha. gandang ganda talga ako sa design ng blog mo. malinis na astig ^_^

Ishmael Fischer Ahab said...

Ikaw na ang huma-happy birthday. :-)

Happy birthday!

Bakasyon ko? OK naman, nabitin. Kulang ang Holy Week. Dapat isang buwan.

Anna said...

haberday! asus, hindi ba ikaw ang may dala ng asul na lobo? hihi

eden said...

Hahaha.. ka alegre gyud nimo Jag. Pero naglaway gyud ko sa inasal. Wala na bay nahabilin diha? lolz..Palaway gyud ka ba.. sige lang pag maka uwi ako sa atin hakuton ko gyud ang tanan litson..hehehe

Belated happy brthday!

YUCO said...

Belated happy birthday! jag saang resort to? man forest ba yung nasa pix?

kayedee said...

uyy! belated hapi bday pla.. hnd k man lang nag invyt! :P ahahah! sige sila na! :)) inggit ka no?! ahhaha

glentot said...

Gaano ba kahiwaga ang brip na yan at saan ba nabibili.

RICO DE BUCO said...

wow hehehe kawawa naman iyong mgjowa hehehe hindi matuloy ang jerjer hahaha

happy bday jag mgkasunod pla tayo hehehe

KikomaxXx said...

hahahha... katangahang magjowa... ahahha oi sobrang belated pala ha.. heheehe.. gift mo nalang sa kanila yung condom.. hahaha

LordCM said...

hahaha, kakatuwa ang kainusentihan ng mga bata...ung magjowa hlatang pareho nang gusto at pilit na hinahanap ung lobo para lang matuloy sila lolzz

betchai said...

hahaha, salbabida na lobo? sarap maging bata ulit. sarap nang lechon, kakagutom. pahingi :)

Mrs.D said...

belated! tawon, kalami man kau sa handa...laway laway lang ta ani sa lechon...ehehehe!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner