GRAND CLAN REUNION
Sa totoo lang, ang sarap pa talagang matulog sa kama noong araw na iyon pero napilitan lang akong um-attend ng grand reunion namin gawa ni ama. Hinila ba naman ako pababa ng hagdanan habang natutulog. Sino pa ba ang gaganahang bumalik sa pagtulog nun? LOLZ.
Tulad ng inaasahan ko, andaming taeng dumalo sa nasabing reunion. Halos mapuno ang isang gymnasium na pinagdausan. Andami ko pala talagang kamag-anak. Siguro kung tatakbo ako bilang konsehal ay landslide mananalo ako sa sobrang dami nila. Halo-halo. Labo-labo. Ang gulo. Sanga-sanga na ang pangalan. Mano dito, beso at handshake doon. Nakakahilo pala talaga ang makipagplastikan. JOKE! Masaya naman ang makilala ang ilan sa hindi pa nakakakilala sa akin. Pero sa totoo lang, parang wala akong naalala sa kanila ni isa haha!Siguro ganun lang talaga ang mga anti-social haha joke lang.
Ngunit sa isang dako pa roon, nakita ko ang isang pamilyar sa akin. Si Sheng. Maganda pa rin siya pero medyo tumaba nga lang ng kaunti. May kalong siyang sanggol. Shetex! Naalala ko lang bigla, siya pala ang dati kong pinopormahan sa kabilang school noon. Nahiya naman ako nang makumpirma kong magkamag-anak pala kami. Noon ko lang nalaman. Buti na lang hindi ko itinuloy ang panliligaw sa kanya noon dahil naramdaman kong may B.O siya. LOL. Buti na lang talaga um-attend ako ng reunion namin!Ampness!
FAREWELL SONG
Bored to death ako nung isang araw. Hindi makalabas ng bahay dahil umuulan. Wala akong magawa kundi magmuni-muni sa loob ng kwarto at magsenti.
Kinikilabutan pa rin ako 'pag pinapakinggan ko ang ni-record kong kanta. Para bang ang mga nangyari noon ay may pinatutunguhan.Ayoko ng maulit to. Ayoko ng ganitong pakiramdam :(
Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng kanta ay ito pa ang ni-record ko...nakakatakot...
30 comments:
Wierd nga... At same tyo wala akong hilig sa mga reunion o anu pa mang salosalo. Depende na lang sa kasama ko. Mas masaya kasi ko kung barkada ang kasama tulad ng handaan o fiesta.
hala! Parang ganyan din ako katamad umattend ng mga reunion. LOL.. kaya naman sa aming magkakapatid, ako ang halos inde kilala ng mga kamag-anak namin.
Hehehehe isa din ito sa mga ayaw ko, ang umatend ng reunions... =)
ok ok ako nga si kikilabots at englishero ako kasi nagppraktis ako. hahaha. kaya itama niyo ako kapag may napansin kayong mga mali. hehehe..
habang nagttype ako ng kinocomment ko ay nakikinig ako ng boses mo. takte.. ang lamig.. navivisualize ko yung kabaong kinukwento mo. aguyyyy..
baka nmn may maganda kang kaklala jan. pakilala mo sa akin, hehe
Relate na relate ako diyan! Hindi kasi ako mak-relate sa mga kamag-anak kahit na sinasabi pa nila na "alam mo nung bata ka pa blablabla." As if naman maaalala ko pa yun, bata pa kaya ako nun. haha
Hmm. ang weird ng ni-record mong kanta tsong kasi di ko masyadong marinig. haha. Try ko maya kasi parang nag-emote speaker namin. haha
Kinililabatotan naman ako don sa huling eksena...condonlence sa family niya...
nwe, hindi din ako mahilig sa mga okasyaon,kaya hindi ako kilala sa family circle namin..lels lang..
ang ganda ng bahay ng kapitbahay niyo..haha
Ahahahahah ikaw na nagrereunion... lels good for you!
Ay. Kawawa naman. Kung playmate mo noon yun, eh di bata pa siya? Tsk. Pang rainy season nga ang kanta mo. Haha. Emote emote. Ang hina nga lang, nakadikit tenga ko sa speaker ng laptop.
natatakot akong pakingan!!! baka manggulat ka lang! ehehe! pero try ko pa din mamaya sa bahay....tas magcocomment ako uli....
ako miss ko na clan namin tagal na kasi akong di umuuwi...mag 4 years na..
"She's Out of My Life" pala ang song! Narinig ko na rin. Nagcomment talaga ako ulit kasi isa yan sa paborito ko. Ang strange kasi parang tugmang-tugma naman. Pero in fairness, may nalalaman pang pakulot-kulot si kuya. haha
dito din sa aming lugar ang daming nag rereunion na pamilya.....sa aming pamilya ay tapos na ang reunion..
haha weird nga, lalo na ung last part.. condolence sa family nya kahit di ko sila kilala..
ayoko ring umaten ng reunion kasi pinaghuhugas ako ng pinggan..hmp ang pogi ko para mging dishwasher hehehe
pareho tayo, dami ko ring kamag-anak, pero mas marami ka ata, kasi sa akin, parang isang baranggay lang, sa yo, isang syudad ata :)
ay gusto ko lang naman sa mga reunions ay ang shirt at ang pagkain.. maliban nalang kung magkikita kayo ng close na mga pinsan mo.. hehhee
isang beses pa lang ata ako umattend ng reunion, at kagaya mo hindi ako mahilig sa sosyalan :D
@jag
before parang hindi activated ang comment form.. thanks ok na!
May grand reunion sad mi sa una but wala ko ni attend, pasumangil lang ko dili ko ka off sa work..pero ang tinuod dili sad ko hilig ug ingon ana hehehe..
condolence sa pamilya ni "Maya".
Mahina ang connection ko ngayon kaya dili ko kadungog sa imong kanta. But I will be back to try again.
Man I wish I could read tagalog!!!! Or else I would read your blog more!
andami nio pala sa angkan ninyo. ibang level ang pagpaparami ng lahi nio. ahehehe.
hirap nga makipagsocial kung anti-social. ehehe
makikidasal na din ako sa soul ng kapitbahay ninyo.
apektado ako sa kanta ah. :) Galing galing naman.hehe
So glad you stopped by!! Great to read a comment from you.
Is that reunion in Japan? Are you still there?
Kapag siguro nagkaroon kami ng Grand Family Reunion, uulan ng gwapo at magaganda.. Gutierrez Clan. lol.
Nakakatakot yung video ng kanta mo Jag. lols...
Isa yan sa ayokong mangyari, mawalan ng kaibigan..
WEIRD jud bai.. hahahaha.. Kapoy..
WEIRD jud bai.. hahahaha.. Kapoy..
Uy...anong sinisilip mo sa kapit-bahay? :-P
hmpp. yoko pakinggan! hahaha! hindi ko pinakinggan ginoong jag, baka matakot ako. hehe. pero i'm sure maganda naman ang boses mo. right?
waaaaa...opposite naman tawon...kalami ra kaha makig meet sa mga ka dugo...ehehehe....:)
ayay,you sing good jag...I like it!
that's really grand with the tarpaulin and the venue - gymnasium, grins.
creepy naman. eeee..
Post a Comment