Diyes sentimo sa binti... |
Sa tuwing nakikita ko ang mala-diyes sentimo na peklat sa binti ko ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako nagkaroon nito. Hindi naman masyadong halata ang pilat kasi mabuhok naman ang binti ko at maputi pero minsan may mga pagkakataon na nagpapapansin lang talaga siya upang maalalang muli ang nakalipas.
High School - Hilig ko na talaga noon pa ang pagkanta kaya sumasali na ako sa Glee Club ng school. Walang mintis yun mula unang antas hanggang sa ikaapat ay aktibong miyembro ako ng nasabing club. Dahil sa nasa pribadong paaralan kami na pinamumunuan ng mga pari ay kami na rin ang kumakanta sa tuwing may misa sa simbahan. Noon 'yung mga panahon na maigsi pa ang sungay ko at kaya pang lumusot sa pintuan ng simbahan. LOL. Dalawang beses kaming nagpapraktis ng kanta sa isang linggo--tuwing Martes ng hapon para sa paghahanda sa Wednesday Novena Mass at tuwing Biyernes ng hapon para naman sa Sunday Mass. Madalas na venue namin ay sa simbahan. O diba?Sinong mag-aakalang alagad pala ako ng simbahan dati. LOL.
Isang madilim na Biyernes ng hapon noon nang hindi sumipot ang musician namin sa pagtuturo. Unti-unti na din nagsilisan ang mga kasama ko. Nagpaiwan ang dalawa kong kaibigan kasi nagpa-praktis sila sa pagpipiano sa loob ng simbahan. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nagpaiwan din ako kasi may binabalak akong masama sa kanila. Oo, bibiruin ko sila. Kunyari mumultuhin ko. Bantog naman talaga kasi na maraming multo sa simbahan kaya pagmumulto ang naisip ko na panggulantang sa kanila. Madilim noon sa loob ng simbahan at hindi nila napansin ang pagpunta ko sa kanila. Tanging ang lampara lamang sa altar ang siyang nagbigay ng munting liwanag sa buong simbahan. Nagtitipid din kasi ang simbahan sa kuryente. Habang abala ang dalawa sa pagtugtog ay inihanda ko na din ang sarili sa pangmumulto. Ikinubli ko ang aking katawan sa ilalim ng upuan ng simbahan habang gumagawa ng ingay na kunwari'y multong umiiyak. Narinig iyon ng isa kong kaibigan. Huminto sila sa pagtugtog at nakiramdam. Nagbubulungan pa kung parehas ba nilang narinig ang ingay na 'yon. Wala naman daw narinig itong isa kaya itinuloy nila ang pagtugtog. Gusto ko ng tumawa 'nun pero pinigilan ko lang kasi hindi pa ako tuluyang nagtagumpay sa ginagawa.
.
Sa pangalawang pagkakaton ay nilakasan ko na ang pag-iyak-multo ko. Hindi naman ako nabigo kasi narinig ng dalawang kaibigan ko ang iyak na iyon. Bigla silang napatigil sa ginagawa at ang tanging nasambit na lang ay "Oh God" sabay karipas sa pagtakbo. Dahil sa sobrang takot, yung isa napadpad sa likod ng simbahan kung saan nakalagak ang mga life-sized rebulto ng mga santo. Mas lalong nakakatakot doon lalo pa't madilim hahaha...Yung isa naman ay safe na safe na nakalabas ng simbahan sabay uwi na at iniwan ang kasama hahaha. Hagalpak ako noon sa katatawa habang nakaupo sa upuan ng simbahan mag-isa. Masarap sa pakiramdam na nakapangloko ako ng mga tao for fun sake. Ganun ako kabaliw noon. Haha!
.
Ngunit! Subalit! Datapwat! Akala ko'y waging wagi na ako sa prank na iyon. Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay may bigla akong nakitang taong naka-sotana na wlang mukha na nakatuntong sa ibabaw ng upuan sa di kalayuan. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Nanlalamig at pawis na pawis. Halos hindi makagalaw sa sobrang takot. Pero nagawa ko pa ring tumakbo kasi pakiramdam ko papalapit na siya sa akin. Dahil sa nag-freak out na ako noon, nadapa pa ako at tumama ang binti ko sa edge ng upuan. Pero hindi ko na inalintana ang sakit makabangon at makalabas lang agad sa simbahang iyon.
.
Laking pasalamat ko nang nakalabas ako ng buhay sa simbahang iyon. LOL. Nang marating ko ang bahay ay biglang may naramdaman akong kumikirot sa aking binti. Naalala ko nadapa pala ako. Unti-unti kong itinaas ang aking slacks na pantalong uniporme upang tingnan ang kumikirot sa bahaging iyon. What the %#&^;*! Ang noo'y puting puti kong medyas ay naging pula na. Ang daming dugong dumaloy sa binti ko. Itinaas ko pang lalo ang pantalon para tingnan ang pinagmulan ng dugo. What the %#&^;*! Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Laylay ang natuklap na balat with matching flesh na konting konti na lang ang kapit nito sa binti ko. Kitang kita ko ang yummylicious na laman habang namamaga ang gilid ng sugat na noo'y nagkukulay ube na. Siguro konting kalkal pa sa sugat at maghe-hello na si kumareng tibia (lower leg bone) sa akin pramis! Grabe ang talim pala ng edge ng upuan at pati ang pantalon ko ay napunit din. Oha! Oha! Ang saya saya! Ang bilis bumalik ng karma sa akin hahaha...Ewan ko ba, bakit kasi may mga nakikita akong mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwan. Or sadya lang akong adik kaya minsan nagha-hallucinate at kung ano ano na lang ang nakikita. Hays!
Simula 'nun natuto na ako. Ayoko ng manakot. Or should I say paminsan minsan na lang hehe...Bali-balita pa naman sa buong eskwelahan nun ang akalang minulto ang dalawa kong kaibigan hahaha...Sa totoo lang hindi pa rin alam ng dalawa kong kaibigan magpahanggang ngayon na ako pala ang minsan nanakot sa kanila. Ayoko kasing makantiyawan sa natamasang karma hehehe... Pero kung sakaling magkikita uli kami ngayon, malamang puwede ko ng ikwento ang kahunghangan ko noon haha...Yun ang isa sa mga hinding-hindi ko makalimutang karanasan hehe... I thank you! Bow!
Happy Halloween! Awoooh!
34 comments:
ikaw na ang balbon!!!
at sasabihin mo pang mabait ka noon e tingnan mo yang pinaggagawa mo.. kinarma ka tuloy!wahahaha..
happy Halloween Jag!
Balbon ka rin pala jag...hehehe
Ako rin may sinko sa binte.
hahaha ang bilis ng karma ^^ anyway..super balbon ka pala kuya..
Nakakatawa naman parang pinagbiyak na tokneneng ang peklat natin sa binti kaso magkaiba lang ang kanilang pinagmulan :P
nakakatuwang basahin ang kwento tungkol sa peklat mo. hehe ang tangga din kasi ng upuan at hndi tumabi. hehe
happy halloween!
tama dapat walang mananakot.
yan na sa likuran mo yung nakasutana na walang ulo
hihihihihi
ako din open ang so called third eye ko
ingat ka parekoy lalo na sa dilim
madami mumu diyan
baka madagdagan peklat mo
hohohoho
isa lang peklat mo? ako nga parang alkansya na mga legs ko eh hihihii
Bwahahaha! Ahoooo! Mga kwentong katatakutan ang nababasa ko ngayon ah. Kung hindi naman ay tungkol sa mga Halloween Party.
Enjoy this season, but let us not foget praying for our beloved dead. ^_^
Gusto kitang uwian ng Veet! hahahaha!
Impernes, malakas ang dating ng lalaking balbon! hahahahah!
Wala akong halloween kaya di kita mababati. =)
Happy undas po!
arte ke liit liit naman ng peklat!hehhee
yan sige madadala ka ngayon!hehehe
Hoy yung wacky pic ko asan na!
Ingat
ayan! kasi! manakot ka pa! lolzz
Ha ha ha, ang bilis talaga ng karma no? I wonder kung sino 'yung nakita mo, baka tinatakot ka lamang din? ;P
yan lesson learn. kung ano ang ung ginawa ay gagawin din sayo. :)
hapi halloween brod!
balbonik legs. di naman halata sa pic. :D
nananakot ka kasi, ayan tuloy.
karma ba tawag dun, jag? hahaha! Hayan, ikaw kasi eh. Pero ang mahalaga ay may natutuhan kang leksyon sa buhay. Yun nga lang, at the price of having a diyes-sentimo sa leg mo :)
buti ka pa iyan. sa akin alupihan. :( scar stitches. :(
pero oks na rin. mukhang astig. parang preso astig lang. hehe
HEHEHE.. hala ka nandiyan na sa likod mo.... nice post. nagenjoy ako....
Naalala ko tuloy ang ginawa natin sa college... nyahahahahahaha Yung ikaw ang bida.. hahahahaha jowk!
Happy Tuesday! =)
ahahahhhhhhahahahahahahahhaha, umpisa palang, natatwa na ko, yun din ang mga trip ko dati yung magmulto multuhan!ahahahahaha, nga lang hindi ako totoong minumulto!
Grabeng experience yan ah!nakakakakot, nga lang nagtataka ako, bahay ng diyos yun bakit me multo. Baka kasi nagalit dahil ginagaya mo siya.
Um, bakit naman yung dalawa hindi nalang sabay na tumakbo palabas?, tsaka mas nakakatakot dun sa loob ng mga life-size na rebulto!ahahahaha, lakas trip, and sarap tumawa nun!
Happy Blogging!
nakakatakot nga 'yong mga life-size na rebulto ng santo sa dilim. meron akong kaibigan sa imus na aktibo ang pamilya sa simbahan. meron silang mga santo at kristo na life-size sa bahay. yun din yung mga ginagala nila pag may prusisyon. meron din silang lumang-lumang-lumang rebulto ng isang santo na wala ng damit, at ang mas creepy pa dito - wala na rin ang ulo nung rebulto, kinain na ng panahon. nakakatakot.
kaya ako tkot sa karma :))
at xge ikw ng mabalbun! ahahha
ako dn my wento laht ng peklat ko! nyahaha. gus2 u wento ko? ahahha
hoi diii!! nag haitus lang me hnd moko nko dalaw! :(((
hamishu!
whahaha na miss ko tuloy kumanta sa simbahan noong elementary days hehehe..
yun oh may bluetooth na pala ang karma dati....
anu naman sabi ng doctor sa sugat mo?
nagsabi ka ba ng totoo ha?
nag glee club ka din?haha apir! tenor ka?
at ikaw na ang balbon haha pero nagulat talaga ako na yan ang bumulaga saken d2 =))
wow legs! wiwit!! hehehe.
yan ang tinatawag na karma! kaw kasi e.yan tuloy nagkaron ng pekas ang makinis mong binti.lol
Sa MOA yang picture na yan...Pinicturan mo pa bf ko.hahaha!Happy halloween...:)
musta na parekoy... ayun buhay na naman ako after ng 5 buwan na pag kakahimlay... saktong sakto sa araw ng mga patay ang pag babalik ko ah... kakatuwa naman ang post mo... hehehehe ako puro peklat akala mo nga mapa ng pilipinas binti ko eh ahahahaha
hay naku, ako nga dami sa paaa, na dag dagan pa ngayon na disgrasya ako..
at dahil sa hindi nag aupdate ang blog mo sa akin eh late na naman ako!
sa dami ng peklat ko eh di ko na matandaan kung saan saan at ano ano ang mga yun...ahahaha
di nga?? may ganong mumo?? di pa ako nakakakita at ayaw kong makakita!
Ahaha, nice horror story parekoy and belated Happy Halloween!
Naku,pareho tayo, dami ko din peklat sa binti lols... suki kasi ako ng pagkalampa at pagkadapa nung bata pa ako.
And lastly, believe in karma :)
pasensya na din pala sa tanong ko sa tagboard mo... ayus na yung paglalogin ko :)
Oh My!!!! LEGS! Witwiw!!!
Really? GLEE Club? Ikaw? At sumasali na rin sa church choir? Hmmm... Songer ka palang talaga, Kuya Jag. Talent? Hehehe... =)
Rrrrr..... Ang gory pala ng experience mo, Jag. Yummyliscious?? Rrrrrr.... (sabay nginig)
woooot wooot! sexxxxay! hihi
Madami ako nyan, peklat everywhere lol
HAHAHA! wag ka kasing mananakot boss. hahaha.
seryoso, nakakakita ka ng mga kung ano anong elemento? hanggang ngayon?
Post a Comment