Monday, October 25, 2010

Partey! Partey!

Sus! Kung maka-pose ay parang siya ang nagpa-party eh nakilamon lang naman...tsk...tsk...
Dahil sa isa na akong palaboy at timawa, hindi ko na pinapalagpas pa ang mga pagkakataon kung saan may mga libreng kainan.  Kaya naman nang magyaya minsan ang isang kaibigan ay hindi ako tumanggi. Lolz. Kaarawan kasi ng isang kaklase namin. Ang layo ng venue nasa kaduluduluhan pa ng QC. Lugi pa ata ako sa pamasahe eh Joke! But seriously, noong nakaraang sabado ay iba dapat ang lakad ko. Doon sana ako tutungo sa Araneta  Colosyum Coliseom Colosse ah basta doon kung saan may concert nina David Foster and friends.  Pero dahil sa mga hinayupak na mga kaklaseng iyan with matching pakonsensiya effect sa akin at nagpa-guilty naman ako, mas pinili ko na lang ang maki-bertdey. Hays! Haha Joke lang...


Akala ko nga simpleng dinner lang ang magaganap at usap-usap lang sa mga existing na mga kaklase pero laking gulat ko ng makita kong PARTEY pala talaga ang pinuntahan ko. Ang daming tao. Marami akong hindi kilala...


At dahil party nga, hindi nawala ang mga malulupit na pagkain.




Sa dami ng kinain ko ay halos mabundat na ako...PG much lang ang arrive...



Nagpahinga lang saglit at bumarik naman kasama ang tropa. Nag-moderate drink lang ang bida that time kasi baka ma-discover nila ang super amazing talent ko 'pag nalasing hahaha...sa sobrang amazing nito ay siguradong maging million hit din ito 'pag in-upload sa youtube. lolz! Wag ng mamilit kung ano yun. Kasuklam suklam kasi hahaha...


Hindi nawawala siyempre ang pictorial ng mga taartits...

Beyond-sey to the tune of "Single Ladies".
Hindi nga ako nakadalo sa concert ni David Foster pero solb na solb naman ang gabi namin kasama ang isa pang exotic international artist...charaaan! Ang panghimagas...Beyond-sey. Bagay na bagay ang name niya kasi she's more than beyond. lol. Pramis pag kasama mo siya magla- lock jaw ka at magkaka-abs sa katatawa. I soo love her! lol.


Aba at itinodo na talaga ang party at may pa-confetti pa...


Teka ang dami ko ng dinadada  pero sino ba ang nagpalamon sa amin nagpabertdey?



Siyempre ang may birthday na gumastos ng bonggang bongga pra sa ikalabing isang kaarawan niya. Oo 21 na siya at ka-BATCH ko pa hahaha...wag ng umalma...lolz!Siya 'yung naka kulay asul na T-shirt na kaakbay ang chika bebe.

Happy Birthday Cris!

52 comments:

MinnieRunner said...

21? So bata ka pa? Hmmm.. Teka, pag-isipan ko pa muna.. LOL!

eloiski said...

mas mabuti na lang nakipartey kasi mas nakatipid ka pa... libreng pagkain... may bidyooke at kitakits with friends pa. hakhak!

napadaan

Jag said...

@ MinnieRunner:hahaha hindi ba halata? lolz!


@ eloiski: Tooomooo! Isa sa masasayang tagpo ng buhay ni Jag ang gabing iyon hehehe...salamat sa pagdaan!

Xprosaic said...

Aw happy birthday sa friendly ghost aw mali pala si casper pala yun... hehehehehehe... happy birthday sa kanya! weee... debut niyo na pala... ako next year pa! hehehehehehe

Mokong™ said...

Nakakagutom... kung kelan hapunan na... sana nakapagluto na nagugutom ako sa handa...hehehe

Happy Birthday sa may bday!

Jag said...

@ xp: haha invited ako sa partey mo ha...kahit walang geps hahaha...


@ mokong: sayang parekoy wla na ding tira tira hahaha...

2ngawzki said...

Masama tumatanggi sa grasya...hahaha!Sarap naman makikain ng libre....hahaha!

Jag said...

@ 2ngaw: Korekness hahaha!

Lio Loco said...

naku eh solb na solb ka naman pala sa parteee na 'yan eh. kalimutan mo na si david foster. kung ako rin lang ang papipiliin, dito na ko sa maraming pagkain. hehe.

Lio Loco said...

naku eh solb na solb ka naman pala sa parteee na 'yan eh. kalimutan mo na si david foster. kung ako rin lang ang papipiliin, dito na ko sa maraming pagkain. hehe.

Jag said...

@ Lio Loco: Tooomooo ko jon! hohohoo...lol...ika nga eh pack in one samahan pa ng real happiness with friends hehehe...

mr.nightcrawler said...

hoy parekoy! wag kang sinungaling! 21 ka lang? magka-age tayo? no. no. no. no. no! bwahaha. alam mo, bagay kayo ni beyondsey kasi kamukha mo si jay-z! bwahahaha. huy, biro lang ha? ilibre mo ako diyan pag pumunta ako ng manila... saka sa araneta ha? hehe. peace :P

Jag said...

@ mr.nightcrawler: hahaha ang hayuppp! simple ka rin kung manlait noh? hahaha...type mo ba si beyondsey? irereto kita sa kanya? hehe...sige pag mag major concert ako VIP kita hahaha...

Ingats!

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

nagulat ako..mukhang di na naman ako nakakreceive ng update sa post mo kuya jag..hmm..try ko nga ulit ifollow ka..sometimes ganun lang ang solution..hahaa


(advance) happy Halloween din sayo kuya jag!^^

haha..ang saya naman ng 'partey partey' nyu..nagutom ako bigla sa mga pagkain..hehehe~

Jag said...

@ Ayu: oo nga eh yaan mo nang ganito ang blog kong now you see now you don't haha ewan hehehe...

oo nga eh kya nag ang saya saya hehehe invite mko pag magpapakain ka sa bday mo haha...

Ingat!

analou said...

Oo nga Jag ang daming pagkain at ang saarap pa. Gigutom gud ko pagtan-aw sa pictures. I am glad you had a blast my friend bisan wa ka ka tan-aw sa concert ni David Foster...Ingat Jag ang see u around.

Jag said...

@ Analou: Mao jud madam makagutom jud uroy ang mga pictures hehehe...cge lang daghan pag concerts na muabutay hehehe...

Thanks! Ingat!

glentot said...

Alam mo hindi nag-uupdate sa blogroll ko ang link mo, kahit may new post ka hindi sya lumilitaw tuloy nahuhuli ako lagi magbasa. Hahaha dami ko issues talaga!

Jag said...

@ glentot: Oo nga eh haha yaan mo na wla namang kwenta ang posts ko hahaha...hindi ko na ga alam ang gagawin eh...ikaw ba paanong suggestion mo?

p0kw4ng said...

apir tayo glen..di din nag uupdate sa akin tong links na to,hihihihi

ok lang na mag PG ka..sabi mo nga marami kang di kilala don! Go basta kainan,hihihihi

Jag said...

@ Pokwang: abnoy kasi tong blog ko hehehe...tumpak ka jan wapakelz na talaga sa ngalan ng kainan haha...

my-so-called-Quest said...

una, belated happy birthday kay cris (close kame? hehe)!
pangalawa, sarapppp ng fooood!

pangatlo, damn beyond-sey's hot! haha

Jag said...

@ ced: Una, akala ko sasabihin mo na naman late ka hehehe...

pangalawa, nagda-diet ka diba? lolz

pangatlo, gusto mo ireto kita kay beyond-sey? lolz!

Lord CM said...

na-blanko ako nung sinabi mong 21 ung may bday at ka-batch mo(?), di kapanipaniwala lolzz joke :D

Jag said...

@ Lord CM: ahahaha hayaan mo na nag-iilusyon lang ako hahaha adik!

E•M•O•T•E•R•A said...

ganda ng photos ah. hindi nga? 21 bday ng friend mo? :D

pero teka, kung palaboy at timawa ka na sa lagay mong yan, eh ano nalang ako?! -hampaslupa?! hahaha! :D :D

may kahawig ka Jag promise. :D

MarcoPaolo said...

Daming pagkain oh... talagang solve na solve ka dyan. lol

teka, ano nga ba yong talent mo na nabanggit sa itaas? :D

Emmaleigh said...

brother Lui! mas masarap dumalo ng kainan kesa ng biritan/sigawan wahaha hinde ka mabubusog dun! lol!

pero ang sasarap nung mga pagkain wahaha *krugg krugg krugg* tuloy sabi nung tyan ko wahaha

-Parts- said...

Happy Bday to Crisper! =)

Happy Tuesday!

Axl said...

whaha so ikaw na 21 oki .. hehehe i love the food so yummy.... :D
OT... seryoso 21 ka pa lang di nga?

eden said...

kahit alkanse ka sa plete pero lingaw man kaayo ug lami pa kaayo ang mga pagkaon, dili ikabaylo sa..hehehe.miss ko na ang mga ganoon nga party with friends at may kantahan pa.

Belated Happy Birthday to your friend.

stevevhan said...

well, maraming salamt ke beyond-sey, dahil hindi ka nga umatend sa consert nila charice eh nakapunta ka naman sa One NiGHT Only concert ni Beyond-sey, diba?mas mamimiss mo siya!!!!

I love partey partey, kasi daming kainan diyan. Ang ayoko lang hindi nila ako pinipilit na kumanta, bakt kaya?gusto ko kasi mapilit kumanta para kumanta ako kaso walang pumipilit!ahahaha.

Happy Blogging!

♫♪♥Lonely Dreamer♥♪♫ said...

I love your header :)

♥superjaid♥ said...

21?uhmmm..sige na nga hehehe

sarap nung cake chocolate kasi..haay..anyway..lagi din akong present sa mga handaan ako pa PG much din ako eh hahaha

mr.nightcrawler said...

haha. hindi kita nilalait noh... sinasabi ko lang naman na bagay kayo ni beyondsey eh. hehe. naku, mukhang matatagalan pa yung concert mo eh... mukhang mauuna pa ako! nyahahaha. saka, wag kang magsisinungaling! hindi tayo magka-age! kuya na nga kita eh... kuya jag! hehe. peace brother!

khantotantra said...

happy 21st bday sa friend mo :D

kayedee said...

i miz parties! :((
hamishu tu! hahah!
haitus mode lang :)

MinnieRunner said...

Ano ba ang gusto mong sagot ko sa tanong mo? 'Yung gusto mong marining o 'yung totoo, LOL!

BTW, hindi nag pala ako tumakbo sa Makiling Challenge, kasi I promised myself na magtitipid ako sa runs, I should only run at most twice a month :P

The Philippine Guild said...

lintsak. ansama ng timing. merienda ko tinignan tong post na to. tsk-tsk!

braggito said...

sarap ng food..

gesmunds said...

wow, daming foods! haayy,, kakagutom!
nakakatawa tong post mo,, kala ko ikaw may birthday! haha!

kahit kelan,,sobrang sulit ang mga oras na magkakasama ang tropa,, walang makakapalit! kahit si david o si charice man yan!

darklady said...

Kung may mag aaya sa akin sa birthday party at ganyan kadami ang pagkain wala ng pero pero pa..gora na!! hehehehe


Teka...kung 21 na yung may birthday, ibig sabihin ba nun 21 ka pa lang din? owssssssss????!!!! hehehe ( peace) ^____^

Life Moto said...

wow elegante and sarap ng food. have fun and be glad!

Nortehanon said...

Ang sosi naman at talagang may catering pa yata ha :) At may confetti pa talaga.

J. Kulisap said...

Pangsusyal naman ang drama mo tsong.
Parang hindi ako poide dian.

Happy Birthday Cris. :)

imriz said...

yan ang sosi, daming tsibog, yosi ka din, tipo rich ang mga friendship mo:)))

-=K=- said...

Badtrip ka naman friend. Nagutom ako sa mga food pics mo. Hayyyyy... At infairness, nakakaaliw talaga yang party poppers na yan. Tuwang tuwa ako lage pag may ganyan sa mga birtdeyan. Hehehe!

Pong said...

kaBATCH mo ba talaga?
hihihihihi
mas maganda ang JAG and Friends may yummy foods pa hulaan ko amaxing talent mo
pagsasayaw?
mali
pagkant...
a.

hihihi

mots said...

pwede bang iuwi si beyond-sey? hahaha

fiel-kun said...

Whee! dami ng foods!!!! at talagang center of attraction si Beyond-sey! haha XD

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

@jagniichan: sana sinabi mo ng mas maaga e tapos na ang birthday ko hahaha :P

missbroken said...

wow naman daming pagkain tol... wahehehe... sana maimbitahan din ako dyan.. wahehehe.. ayosh... happy belated b-day sa kanya tol.. ahwp..

yehboi!!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner