Sa totoo lang wala sa plano ko ang pagsama sa Boracay. Pero dinaig pa rin ako ng pangangati ng kuwan ko ng... mga paa ko kaya gomora na ako kasama ang ilan sa mga kaibigan. Tamang tama kasi mahaba-haba din ang bakasyon dahil sa undas. Sinamantala ko na din ang pagkakataon baka kasi hindi na kami magkikita-kita ng mga kaklase sa darating na Disyembre (reunion kuno).
Nakakatawa kasi noong araw mismo ng lipad namin papuntang Aklan ay naiwan pa itong isa naming kasama gawa ng nahuli siya. Buti na lang nakapag-chance passenger siya sa sumunod na flight at nagmulta lang. Dahil nauna nga kami ay kinailangan pa naming antayin ang naiwang kasama ng apat na oras pa sa Kalibo Airport. Sighs! Bagot much!
Nagutom sa kahihintay sa kasama. |
Alas sais na ng gabi nang dumating ang kasama namin sa paliparan. Dumeretso na agad kami sa Caticlan. Halos dalawang oras din namin binuno ang pagpunta sa nasabing lugar lulan ng isang pampasaherong Starex.
Ang sabi ng bubwit dito daw naka-check in si Madam Auring. |
Alas otso na kami nakarating sa isla ng Boracay. Nagutom ang grupo kaya iisa lang ang nasa isip ng bawat isa--ang lumamon. Tumambay kami sa isang maliit na kainan. Ngasab, kuwentuhan, tawanan. Napagtanto ko na ang iba sa mga kaibigan ay may ilang taon na din palang hindi ko nakikita.
Super spicy squid with mushroom. |
10 Pesos lang ang punch. Pramis! |
Maaga pa ang gabi at masarap pang makipaglandian gumala kaya naglibot libot muna kami. Hinanap ko din si Madam Auring at ng makapagpa-souvenir picture (LOL) kaso lumalalim na ang gabi at hindi ko pa rin siya nakikita. Nag-chill na lang kami sa isang bar malapit sa dalampasigan, nagbabakasakaling may grasya doon haha. Nilibang na lang ang sarili sa pakikinig ng *thugs thugs* at sa panonood sa mga fire dancers. Nang magka amats ay minabuting umuwi at natulog sa otel. Yun lang...
Hahaha abangan 'nyo na lang ang susunod na kabanata dahil si Jag ay naka-trunks lang sa beach. Katawan kung katawan talaga ang labanan (Uy excited) haha joke lang...Ingats!
Extra:
Maraming maraming salamat Darklady para sa napakaprestihiyosong award na "One Lovely Blog Award" na iginawad mo sa akin. I heart u na. LOL.
46 comments:
buti ka pa tsong sulit undas mo. Sige aabangan namin mga susunod mong kwento dyan sa trip mo. :D peace out!
Buti na lang pinakinggan mo ang kati ng iyong.... mga pa lol.. Great photos Kabayan.
nice pa-bora bora ka na lang..iba na talaga ang mayaman hehehe ^^ anyway..di ako naniniwalang 10php lang ang punch..lalo na at sa boracay regency pa kayo nagcheck in..^^
@ zeb: Hindi kasi ako nakauwi sa amin hehehe...salamat sa dalaw bosing!
@ chubskulit: hahaha sadyang makati lang talaga haha...
@ superjaid: naku hindi ako mayaman, nagfi-feeling lang hahaha...halloween promo kasi kaya 10 pesos lang seryoso hehehe...
sarap naman ng bakasyon mo jag. misan nakakafrustrate na magblog-hop - ako lang ata ang tambay sa bahay, hahaha! XD
curious lang ako, nakita mo ba si madame auring? ano, maganda ba? LOL XD
@ Yffar: Naku ngayon tambay na din ako sa bahay haha...kaya apir! LOL. Hindi ko nakita si madam auring eh...ibang artista nakita ko eh hehehe...
Ikaw na! Ikaw na ang naka trunks! Hahahaha! Nainggit naman ako sayo friend. Gusto ko rin magBoracayyyyy! Sayang at ndi mo nakadaupang palad si Madam Auring! Sana nakapagpapicture ka sa kanya na naka 2pc! LOL!
@ K: uy! excited siya sa next post hahaha joke lng hehe...magpapahula kasi sana ako sa kanya hahaha! Go Go Go mag Boracay this weekends hehehe...
awh.... gusto ko ren pumunta ng bora at masilayan lahat ng nakita mo... hai...
Ahahahhahahaha nakakaumay naman ng view! lol... ahahahahhahahaha... Ikaw na! ahahahaha...
@ Ailee: oo punta ka ng Boracay masaya dun hehehe...
@ xprosaic: hahaha seloso LOL...balik uli tayo dun hehehe...
woah!nakatrunks ampupu...upload na yan!!!Hahaha.feeling ko wala sa hotel si madam auring.andon siya sa dagat...halimaw sa dagat!!!!
@ 2ngawzki: hahaha napipressure tuloy ako kung ipopost ko o hindi ang pic hahaha hiya na ako hahaha...hahaha natawa naman ako sa halimaw sa dagat hahaha adik!
tignan mo na! hawig mo talaga si brother Lui! wahaha
at nag bora lang para makipaglandian ke madam auring?! =)) benta! kung nagkataon na nagkita kau ni madam auring haha yare ka :p
@ Emmaleigh: hahaha may bago pa la siyang movie ngayon isa siya sa mga cast ng white house hehehe...kung nagkataong nagkita kami malamang sa alamang hahaha forget it! hahaha...
naks pabora-bora nalang!!!! ikaw na!
wa akong interest sa trunks mo! wala bang picture ng mga chickababes na nakatwo piece dyan! wahahahahaha
kaw na nasa bora tol... magsama ka naman minsan...hehehe
@ poldo: hahaha next time meron naka two- piece meron din no-piece kaya chillax lang hahaha adik ka! lol
@ Moks: heheh cge minsan pag marami n ako pera gala uli tayo doon hahaha broke n kasi ako now eh huhuhu...
napadaan galing kay ms. DL aka darklady.. nacurious akoh kc crush ka raw nd wafu kah raw.. so ayon... naisipang puntahan... hmmm... i think nakavisit na akoh sa blog moh noon... anyhoo... sige na nga... wafu na ren.. lol... uy! d' squid looks pretty good... kagutom ung pix... so yeah... napadalaw po here... ingatz... naks i heart u na si ms. DL.. magkatuluyan kayo nyan.. haha... oh yeah sige abangan koh yang trunks only na pix moh.. lol... later.. Godbless!
@ Dhianz: hahaha o heto may limang piso mapilit ka lang sa sinasabi ni DL hahaha joke lng...madalas kitang mkita na nagcocomment sa post ni Drake hehehe...kalimutan mo na yung trunks nahiya na ako hahaha...
@Jag: ahh etoh palah ung kinatuwah moh na koments koh... haha... nalimutan koh sa dmeng kinomentuhan koh.. takte inaantokz na nga mata koh eh.. buti nga tinitigan koh yang mga pixs moh eh... napadaan akoh kay kuya drake tinamad na akoh magbasa.. haha... madalas moh akoh makita kay kuya drake.. eh ba't nde ka nag-hi?... lol... anong kalimutan ang trunks... pagkatapos moh kme paasahin? pagnasain? haha.. lol.. ingatz parekoy... balik akoh later juz for d' trunk... haha... Godbless!
@ Dhianz: haha palipasin ko lang ang ilang araw muna huhugot lgn ng lakas ng loob hahaha adik! Joke lng yung trunks hahaha...OO ikaw yung madalas mala essay na magcomment sa kanya hehehe...or masipag ka lang talaga mgcomment hehehe...
Enkyu!
;)
sipag nde ahh... lol... pag nag-adik lang... either sobrang masipag magkomentz.. or nde kokomentz at all.. lol... ei btw.. didn't u say u'll pay me limang piso?... ahh.. sori.. i only take dollars.. haha... anong joke... walang joke joke... kaya moh yan.. aja!... later parekoy! =P
wow i miss bora na.. i'll be there soon!
Wow~ Nag bora ka pala... natakam ako sa pusit oh.
Buti ka pa Jag, nagpa Bora bora na. hehehe.. Wala pa gyud ko katunob anang dapita. How I wish maka anha ta unta ko pohon. Nice photos.
wow naman.. cge punta ako dyan..
@ Dhianz: Can't afford ako pag dollar na ang pag-uusapan hahaha...ang mahal mo pala LOL...pinagpapawisan ako ng ga-butil sa yo hahaha...adik!
@ braggito: pasama ako ulit joke lang hahaha...
@ eMPI: Oo masarap yun at super anghang pa tanggal ang lamig lamig sa katawan hehehe....
@ eden: Madam daghan na jud ka dapat adtuan pag magbakasyon ka dri sa Pilipinas hehehe...Ingat!
@ tim: Oo punta ka dun masaya parekoy...mag-eenjoy ka sa magagandang tanawin at mga tao na rin hehehe...
Wow naman! Turistang-turista ang dating. Pa-punch-punch pa! hehehe.
Glad that you enjoyed, Bora, Jag.
P.S.
Iniisip ko pa kung aabangan ko yung next post mo, yung naka-trunks hahahaha!
@ Nortehanon: Yung lang kasi ang pinakamura doon eh hahaha kaya punch lang ang inorder hahaha...pwede kalimutan mo na lng yung trunks? hahaha...
hi Jag salamat sa pagdaan ha.pacnxa na ngayon lang mejo bc bchan. cool pics,as usual puro ikaw lang hahaha.. susunod mgyayaya ka naman ng "kha" blog mo..lol
wow na wow sa boracay!
bakit ak obinigyan kita ng Versatile Blogger award parang di mo nabasa yung post ka na yun, anyway sana macheck-out mo din
naglaro ka siguro ng apoy sa boracay, kilala kita eh! hihihihi
ilabas na ang nakatrunks na yan ng masintensyahan na hihihi
be blessed parekoi!
nang-inggit ka na naman... oo nga, bakit walang nakatrunks? hehe
Ah wala man ng-invite.. jowk! =)
nadawit pa ako dun ah.hehehe salamat! ^_^
pabora bora na lang ah. anong lugar pa ba hindi mo napupuntahan nyan? iniisa isa mo na lugar ah.hehehe.anong klaseng katawan ba makikita namin sa part 2 nito? totoong katawan ba yun?hehehe joke!^_^
takpan yang bukol! hahaha
@ kha: Hahaha nagsawa ka na ba sa pagmumukha ko? LOL...cge next time libre mko hehehe...
@ Pong: hala! may award din ako from you? hindi ko alam yun...wait check ko hehehe sori naman hehehe...Oo tama ka nakipaglaro ako ng apoy literally dun kasi nakipagkulitan yung fire dancer sa akin hahaha...abangan nyo na lng ang next post hehehe adik ka!
@ you know my name: haha ngayon lng to next time madalang na lang cguro ang lakwatsa ko hays! yung naka trunks? hmmm forget it hahaha...
@ Parts: hahaha sori naman dli man unta ko kauban dinalian ra ni like 3 days lang ang given time para makauban ko hehehe nag-explain jud ko noh? lol...
@ ayu: ngaun lng to parang wala ng next time hays! pero pag nkita ko tlga si madam auring magpapapicture tlga ako dun hehehe...
@ darklady: hahah salamat! marami pa akong hindi napupuntahan eh hehehe...katawan ba kamo? katawan ng palaka hahaha...ingat!
@ glentot: hahaha at yan pa ang napansin mo hahah adik!
sarap ng buhay o!!!
sana kinaibigan mo na si madam auring hahaha stinalk mo na rin sana
Ayun! Pumunta pala ng Bora si Kuya.. Hindi man lang nagsabi. Eh di sana sumama ako. Nyahaha.... Mukhang nag enjoy ah. Nice..
Ang walang kamatayang piktyuran sa harap ng Boracay Regency..ahahaha
Maganda naman kasi ang view.
Hi Jag
sabi nga ng pamilya ko sana ay dito na lang kami nakatira sa boracay. kasi para wala kang kaproblema sa buhay. ang sabi ko namn malaki dahil malaki na ang bayarin natin hehehehe
aba, akala ko nakapagcomment na ko dito :(
ikaw na ang bumabakasyon! sosyal lang. :D
aba, akala ko nakapagcomment na ko dito :(
ikaw na ang bumabakasyon! sosyal lang. :D
kailan naman kaya ako makakapunta sa boracay na yan. :(
Thanks For blog with beneficial informations.
Post a Comment