I am done spending with my own company. And this time around, pakikipagsosyalan naman sa mga kaibigan ang inatupag ko. Nai-manage ko pa rin ang makipagkita sa kanila kahit medyo abala ang lolo 'nyo. Nag-resign na kasi ako sa kasalukuyang work and I have to polish everything for a smooth hand-over kaya subsob ako sa trabaho. Sa totoo lang excited ako na makawala sa hawla. Well, napagod na din ako and I want to try something new pero sa ngayon gusto ko munang magpahinga. And soon, I will be timawa na huhuhu...LOL.
Hindi biglaan ang desisiyon kong pagreresign...sa totoo lang nakatatlong attempts din akong nagrender ng resignation pero dahil sa crirical ang situation sa opisina noon, ipinagliban ko muna ito. Tiyempo!Naka-timing ng maganda ganda kaya tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis ko sa pinagtatrabahuan ko. YEY!
Andami ko ng sinabi. Balik tayo sa pakikipagsosyalan. LOL. Una akong nakipagkita sa college friends ko noong nakaraang linggo. Matagal-tagal din kaming di nagkikita kita kaya kahit medyo pagod from work ay inilipad pa rin ang sarili papuntang Esem Megamol. Nahiya nga ako kasi nahuli ako ng isang oras. Pero ok lang 'yun kasi bata pa naman ang gabi 'nun. Orchard Road ang venue. Well, that time ako na lang ang lumalamon habang sila naman ay nakatitig lang sa PG. LOL.
Akala ko doon na matatapos ang lahat pero umarangkada pa uli kami papuntang Eastwood. Hindi naman kami nahirapan pumunta doon kasi may sasakyan naman. Perstaym ko sa lugar kaya manghang mangha ako. Ignorante much lang ang arrive ko noon. 'Sensiya na taga-bundok lang me. LOL. Dahil sa masyado akong naexcite, ginawa ko lang na parang studio ang lugar at nagpictorial galore. Huli ko na ng mapansin na strolling place lang pala ng mga aso ang lugar? LOL
Final destination namin ay sa Greenwoods kung saan nakatira din ang kapwa artista kong sina Bea Alonzo at Sam Milby pero dahil sa priority ko ang friends ko noon hindi ko na sila ininvite. LOL. Doon na kami naghapi hapi to the tune of Redhorse and Vodka sa bahay ng isang kaibigan. Siyempre hindi nawala ang biritan sa bidjuke...nilakasan ko ang pagkanta to the tune of Careless Whisper umaasang nandun at maririnnig ng manager ni Sam (kahit-bahay) at kuhanin din akong talent niya pero mga kuliglig lang ata ang nag-enjoy sa ginawa ko. Asa much! 6 AM na akong nakauwi ng bahay...
Nagising ako bandang tanghali na at dahil medyo sabog pa ako nun naisipan ko lang magpagupit...
To be continued...next episode People 2 featuring closest friends and blogger friends (parang palabas lang sa TV ah?)...
Extra:
Maraming salamat kay idol Lord CM sa kanyang nagbabagang award na iginawad sa akin. Sorry di ako nakadalo sa awards night. LOL. Muli, maraming maraming salamat!
9 comments:
par, musta meet up nyo noong linggo, hindi ako nakapunta, nahihiya ako kay XP... sya pa naman ang pinakaclose ko sa blog. hehehe
Magreresign ka rin? gudluck sa'tin!
nyaks so final na pala yung pagreresign mo,,,well mukhang happy ka naman,,good for you,,ako kelan kaya makakaalis dito hahahaha...
sus may part 2 pa ikaw na haha,,,
@Moks: Ganun... nahiya ka pa sa akin par? huhuhuhuhuhu... ganyan ka! huhuhuhuhu
nabigla ako na nagresign ka. bakit hindi mo sinabi? ampeyr ka. ok fc lang hehehehe
sabi nga sa libro ng who moved your cheese? kung saan ang mya bago, mas sasaya ka, at mas magiging makabuluhan ang iyong career at bilang indibidwal dun ka. suportahan kata.
wow naman sa reunion ng mga college friends mo. nagbanggit ka nga ng pictorial sa eastwood di ka naman nagpost..tsk..tsk hahaha
nakita ko na din yung ibang pics sa MOA Meet up niyo. Ang saya!
siya nga pala pwede bang magtanong sir jag?
mga ilang taon na ang gabi nung sinabi mong bata pa ito? hihihihi
be blessed sir! tama yan magrelaks ka lang!
@ Mokong: I know close kau ni xp sa blogworld nagulat din ako bkit d ka nagparamdam hehehe tampo na sau si xp nyan hehehe...
@ Unnie: Final and irrevocable na jud hehehehe...kasi boring na pag isinama ko pa ang buong sosyalan moments ko hehehe...
@ xp: babawi n lng b si mokong at siya n lng dadalaw sau jan? lol
@ Pong:hahaha hindi mo naman tinanong eh LOL...wow! salamat sa suporta...I really appreciate it mwah mwah! lol. kailangan p b ng pics sa eastwood? lol.
ang age ng gabi nun cguro tantiya ko parang fetus lang eh hehehe...
Salamat parekoy!
@Jag eh di ngayon we can't wait sa second part kasi andun kami e hahaha
alam ko namang libangan mo lang ang trabaho mo dahil ang totoo di mo naman kailangan magtrabaho kasi mayaman ka!MAYAMAN KA!!!
Hehhehe
Ingat brod
gud 4 yu! ahaha!!!
slurps! mizyah!
@ Kumagcow: senxa na talaga last time parekoy ha hehehe...salamat uli...
@ drake:naman! kung alam mo lang LOL. hehehe...musta na parekoy?
@ kayedee: ui! pacnxa na d ako maxadong nakakadalaw sayo in demand ang lolo mo ngayon. LOL.
Slurps!
Post a Comment