Hindi ko na-enjoy ang aking weekend kasi nag-iinarte ang aking katawan. Imbes na makasama sa gala ng mga kaibigan, hayun at nagkulong ako sa kwarto gawa ng masama ang pakiramdam. Ganito na ba 'pag tumatanda at lapitin lagi ng sakit? Masyado lang kasi akong stressed noong nakaraang linggo at sinamahan pa ng lagiang pag-ulan kaya heto nagkatrangkaso tuloy. Tsk tsk...
Kaninang umaga (Lunes) medyo masama pa rin ang aking pakiramdam (at inatake ng KATAM* hehe) kaya tumawag na ako sa opisina na hindi muna makakapasok. Gusto ko lang sanang humilata buong magdamag nang bigla kong mapanood sa TV ang isang balita. May outbreak daw ng Dengue sa parte ng Batangas at Laguna. AUMMIGAUDNESS! Naalarma ako at naisip kong baka biktima na ako ng nasabing sakit. Binigyan ko ng kondisyon ang aking sarili. 'Pag hindi pa nawala tong init ng katawan ko este itong feverish feeling na ito, tatawag na ako ng ambulansiya (OA haha).
At dahil dun naisip ko magpapawis. Dahil halos isang daang dekada ko na din hindi nagagawa ang mga gawaing bahay, 'yun ang kinarir ko kaninang umaga. Inuna ko ang mga mabasang gawain. Paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng lababo, paglilinis ng banyo at paglalaba ng mga damit. Sumunod ay ang pagpapakintab ng buong bahay. At charaan! Natapos ko ang lahat ng gawaing bahay bago magtanghalian. How about that? hehe...
cleaning the backyard... |
Pero nasa mood pa rin akong magkikikilos matapos makapananghalian. Kaya this time pinagdiskitahan ko ang labas ng bahay. Nilinis ko ito ng bonggang bongga lalo na sa bandang likuran. Gusto ko sanang magsiga para tuluyan ng magdisappear ang mga asungot na kapitbahay pati na rin ang mga lamok sa paligid kaso bawal pala sa loob ng village. Hays! At BOOM! Nang matapos kong gawin ang lahat ay feeling ko nawala din ang trangkaso ko haha. Kaya bukas papasok na ako kasi tambak na ang tabaho haist! Sana lang hindi na bumalik ang trangkaso ko. Pero so far ok pa naman hindi na ako nilalagnat. (nakakapag-blog na nga eh hehe)...
Ka-engotan lang naman 'tong post na ito. Gusto ko lang naman ipaalala sa lahat (at aba marunong na pala akong mangaral ngayon? porke't nakapaglinis na ako? LOL) na sana panalitihin, I mean panahitilin este panatilihin nating malinis ang kapaligiran kasama na ang pagtutuyo at pagtatapon ng tubig na naiipon sa mga bote o garapon, sa gulong, alulod ng bahay o saan man na maaring tirahan ng mga lamok. Kung may inimbak tayong tubig, pakitakpan na lang po, and that's an order! LOL. Ito ang pinakamabisang paraan para hindi tayo ma-DENGGOY!
Ingat!
*KATAM- short for katamaran haha...O ha inexplain ko pa dito LOL.
66 comments:
matagal ko nang gustong sabihin ito pero ngayon ko lang naalala, bakit ang title ng blog mo ay TEMPLATE ERROR: No dictionary named: 'title' in: ['blog'] lumalabas sa browser...
@ glentot: Huwaaahhh! Kaya pala huhuhu...anyone can help? matagal n problema na ito ng blog ko huhuhu...
pagpapawisan ka nga sa mga pinaggagawa mo..hindi naman siguro dengue ang tumama sa iyo..ok ang mga pangaral mo..bilib ako..iwas dengue lang..
@ Arvin: heheh sana nga hndi dengue hehehe...salamat bosing! ingat!
ang sipag mo naman. kelan kaya ako sisipagin ng ganyan sayo? lol
btw, ikaw ba yun nasa pic?
@ karen anne: hehehe napilitang magsipag kasi natakot sa dengue hahaha...opo ako po...y po? hehehe...gising ka pa baka may kung ano n nmn mkikta mo jan sa inyo hehehe...
anu naman masarap na ulam ang niluto ng nanay mo at naisipang mong maglinis...hehehe.
@ Scofield: Wla kasi wala naman ang parents ko dito nasa Mindanao sila hehehe...maganda lang ang ihip ng haangin siguro LOL...
@ Ayu: ahahaha...kung d ko pa binuksana ng tv e d nakahilata p rin sana ako ngayon LOL...
Cge reply kita sa blog mo...
waaa kaya pla e! nagkskait u :(
pero dpat lge u my sakit imagine isang dekada k ng hnd naglilinis? karma yan! ahaha.. at tlgng nagpapix ka habng naglilinis na mukhang bgong gcng! ahaha. naiimagne q, cguro sb mo "inday kuhaan mo nga aq ng pix, eto ang pipinduin mo ok" ahahaha..lakas tama! ahaha.
cguro nagksakit kc kc nabati ka nung kumanta ka! ahaha. kya wg ng ulitin jowk! ahaha. pde request nlng.. nxt tym more than youll ever know :) nagrequest aq pra magkskit ka uli! nyahaa jowk..
anyweiz! ako dn eh hnd pumsok ngyun(monday) sb q msama pkramda q kht hnd,dnlaw lng dn ng katam! ahaha. at pra mkpag ol dn ng ol day! adik! ahahaha. shaks ang haba na ng koment q! sowee nman nmizh lang kta! shaks! bsta ung request q kuya ha :) ehehehe..ingtz!
@ Kayedee: wahahaha adik! nagself-timer ako para may proof na na naglilinis ako hhahaha...ganito yun ten seconds takbo tapos project kaya may pix ako hahaha...mukhang bagong gising kasi hindi pa ako nliligo nyan hahahaha...
wahahaha tinamaan k din ng katam haha...lunes kasi LOL....
cge hanap muna ako ng instrumental ng kantang yan tas irecord ko hehehe...ang lakas mo sa akin eh hehehe...namiss din kita hehehe...
wow ang sipag, pwede magpalinis ng kwarto? ahehe
ako nadengue na. as in lumobo tyan ko na parang buntis.buti na lang gumaling pa ko :)
nga pala kung interesado kang mag opera mini, pwede kita tulungan^^
you did a very good job today! you must be proud of yourself. many guys dont like cleaning.
you know, men do household chores better than women.guys excel in everything if they will do it right. the best cook, designers, name it, all are guys.
take vit.c for a better resistance,hehehe!
as the sayings goes: cleanliness is next to Godliness. keep the surroundings clean!
have a great day!
@ faye: hehehe thanks! But i am only doing it once in a blue moon hahaha Joke! Yeah it was fulfilling at the end of the day hehehe...
Yeah, I'm taking my meds as well...Thank you! God bless!
@ definella: OO ba pwedeng pwede kaso may talent fee na LOL...mabuti't naagapan nga kasi sa case ng tulad sau n lumobo n ang tyan severe n kasi un eh...
cge pag may time akong mangalikot ng ilong ko este ng fone ko papaturo ako sau hehehe...gsing ka pa? grabe andaming bampira ngayon LOL...
Galing at least productive ang iyong sick leave!
@ braggito: hahahah korek! hehe...
ako din akala ko binablocked na ako ng ITA sa title ng blog mo sir jag
at yun may linis mode ka pa with matching pangangaral
tama yan kung tinatamad pumasok sa opisina ay maglinis nalang ng bahay
eheheh be blessed!
Hello Jag. Matagal na ring hindi ako nakapag operation linis ng bahay by myself. Always kasi lend a helping hand itong kabiyak ko. Akala ko pa naman hindi ka marunong maglinis ng bahay...Joke lang Jag walang personalan....Peks man.. INgat lage my friend.
kailangan lang pala maglinis ng bahay para mawala ang sakit.hehehe.
psst! kuya jag may batang nakapasok sa loob ng bakuran nyo oh!....ayun sa picture.
( kaw pala yun!) lol peace!! ^_^
ingat!!! pagaling na lang mabuti para di lumala sakit.
apir ako last weekend din dinalaw ni Mr Katamaran kaya ayun di rin nakapaglinis ng maayos...
mas gusto kong maglinis pag broken hearted saktan moko Jag ng mkalinis ng bonggang bongga hahah...
naks naks baka naka tripod na cam mo at self timer mode,,,ang vain ni kuya lols~
at sana nagsuklay daw ano para naman di mukhang bagong gising ikaw pero enferness cute ah ang buhok hahha,,jokes..nice one job mas lalong dadaming kakakilala ko na magkakacrush sa iyo dahil sa new photo mo hehe~
morning~
panext ng dorm ko ha! sinisipag ka pa ata kasi! hahaha
sumisipag ka pala kapag nagkakasakit eh :D
Oo nga, bakit ganyan ang title ng blog "Template Error"
@ Pong: hays sad naman...cguro half ng followrs ko ganyan ang probs sa akin hays! inaantay ko n lang ang reply ng blogger help baka ay matulong sila sa inquiry ko...
in-evaluate ko lang ang sarili ko kung may dengue b talaga ako o wala...buti naman at wala hehehe...kaya napalinis ako ng bahay haha...
Godbless!
@ Happiness: Hehehe napilitan lng maglinis kac bglang natakot sa dengue haha...love na love k ng mister mo hndi ka hinahayaang magpagod sa mga gawaing bahay...Nice!
@ darklady: feeling ko kasi lalo akong magkakasakit pag panay hilata lang kaya nagpapawis ako hehehe...
Oo nga may batang pulubi namumulot ng basura hehehe...
Enkyu Berimeni! hehehe...
@ Unni: Haha dba ikaw yung naging nanay sa bahay nyo last week? Kumusta naman bilang temporary housewife? Ang hirap cguro hehehe...
haha ganun booster mo pala ang masaktan para mkapaglinis ng bahay? LOL. Ok lang sa akin na gabundok na ang dumi ng bahay mo wdi lang kita masaktan. NAKS!Lupet ng banat ko. LOL.
nagkataon kasing may gana akong magpicture picture ng mga kung anek anek sa labas kaya naisip kong kuhanan ang sarili ko na naglilinis hehehe *Self-Timer Mode* hehehe
Sa totoo lang hindi talaga ako nagsusuklay peksman!Wahhh! Pwede na ba akong maging taartits? LOL.
Ingat! (ang reply ko sau parang blog entry na ah?) LOL.
@ My-s0-called Quest: Bad cheetah ka doc, dapat pinapagaling mo ko at hindi pinapahirapan LOL. Cge papayag ako kaso may talent fee na haha!
@ LordCM: kahapon lang yun parekoy kasi natakot ako bigla sa Dengue haha!
Ikaw din pala hays! Baka naman maktulong ka, paano ba ito?
Bossing baka nabitin ka sa pagging domisticated mo meron pa rito hahahaha..
tae na-late pala ako.. meron na palang bagong post hahahaha..
Kahit pala may dugong bughaw e tinatamaan din ng trangkaso wahahaha JOke lang bossing!
\m/ BlogEnRoll
Bossing baka nabitin ka sa pagging domisticated mo meron pa rito hahahaha..
tae na-late pala ako.. meron na palang bagong post hahahaha..
Kahit pala may dugong bughaw e tinatamaan din ng trangkaso wahahaha JOke lang bossing!
\m/ BlogEnRoll
masasabi ko lang, sino ang kumuha ng pic? at bakit gising si jun jun mo!?! hihi
@ Poldo:Naisip ko tuloy magandang sideline ang paglilinis ng ibang bahay hahaha...
walang late late dito parekoy, anytime u can come hahaha...
Ang adik mo! Hindi nga ako mayaman. Kita mo naman naglilinis o. LOL. Tao ako! Taooooooo!!! Kaya nagkakasakit din adik hehehehe...
@ Anonymous: Self-timer yan para lang may proof na naglilinis ako wahahaha...at wahahahaha pa ulit! Hindi boner yan adik! hahaha...Of all yan pa ang napansin mo hahaha...Ganyan lng tlaga yan LOL...
naks pwede na ngang blog entry reply mo jag-uar heheeh,,,waaahhh at di madali maging temporary housewife lalo na walang temporary husband hahaha ang adik,,,
ai bumabanat ang galing ng line pwede pwede hehhe ikaw na ikaw na ang magaling bumanat ng mga lines ehehe,,,
ayos lng di magsuklay para cool hahahaa,,,
btw nakakainis yang pic mo ha napnsin ko lng kamukha mo ang mabait kong asawa na nangloko sakin bwahahah,,ang adik ulit~~
hehehehe, buti din yan, exercise...
you are welcome buddy...
@ Unni:uhmm sa ganda mong yan ni temporary husband wala? weh?
HIndi mo b alam na aq un? LOL. Baka maya maya bigla mo akong sapakin pag nagkita tau kasi mapagkakamalan mo akong asawa mo hehe...
pero pramis BANNED ang suklay sa room ko pramis hahaha...
@ Tim: salamat uli sa award parekoy! At nangunguna talaga ako sa listahan mo hehe...
@jag:wala wala wala hahaha....shaks bakit nga ba wala??haha
di naman ako ganun,,kahit wala na kami frens pa din kami ano ba ikaw kaya di kita sasapakin haha...
waahh reregaluhan kita ng suklay pag nagkita tau hahaha,,,
ka buotan gud nimo bisan not feeling well trabaho man gihapon. ako ana kay tulog jud, dili pa alkanse lolz. naa bitaw karon ang denggue. mao magbantay jud ta pirmi.
Ang bait mo naman kuya jag... nyahahahahahahaha
@ Unni:Whew! buti n lng frends pa rin kayo hehehe...
Waaah! itatago ko lng ang suklay kasi di ko din nagagamit hehehe...pero it's for keeps kasi galing sau Naks!
@ Eden:Nagpasingot lang ko madam kay paminaw nko musamot kog kasakit pag cge rag higda hehehe...lagi uso kaau ang dengue karon hays!
@ Parts: Kuya urself! Mas matanda k p sa akin LOLZ! Ingat na lng jan!
ui salamat sa pagbisita at pagcomment sa post ko hehehe :)
uhmm tama. uso dengue ngayon. dito nga eh nagkalat mga dengue carrier na mosquitoes. kinakabahan tuloy ako hehehe
that's good to know you are feeling a lot better now, hope you continue to really fell better without the symptoms. well, your life is my life here in US, walang katulong kasi dito, pagdating nang bahay galing trabaho eh, magluluto, maglilinis, magdidilig nang halaman, bago matulog eh maghuhugas nang pinggan and kaldero :) tsaka part na nang weekend ang maglalaba, mamalantsa, at maglilinis nang bahay at bakuran :) healthy living din sya kasi exercise lang lahat :) pero di pa enough na exercise, nag-hi-hiking pa din :)
sign of ageing ba? hahaha. dami ko rin symptomps nyan...at dilang yung madaling kapitan ng sakit---yung katam din gaya ng sinabi mo. minsan gusto mo lang sa isolated at tahimik na lugar.hehe
----------btw. backyard nyo ba yan? napansin ko ang kulay ng paint ng walls. sarap sa mata.lol
@ ayu: cge sabihan ko cla. Enkyu!
@ yeye: ka-palayaw pala kita hehe...naku ingat kayo jan mahirap na...Thanks!
@ betchai: Yeah I feel better now. Hindi na naman bumalik trangkaso ko. Ayoko din kasing parating nakahiga lang lalo akong nagkakasakit hehehe...it's all in the mind lng talaga...ako pag nasa probinsiya ako sumasama talaga ako sa bukid namin pampawala ng stress hehehe...ok n ok ang gnagawa mo madam : )
@ pusangkalye: korek! Apir tayo jan sa mga sinabi mo...minsan kailangan din natin yan hehehe...
opo...nice noh? green, favotite color ko hehehe...
madalas din ako inaatake ng KATAM na yan... haha
namimiss ko naman ung mga times na tatawag ako sa opisina at sasabihing 'im not feeling well' e in fact inatake lang ng'katam' hehehe! ngayon kasi bago na work ko,, kelangan muna magpakitang gilas..bawal mag SL.
antagal ko na rin hindi dinadalaw ng 'mood' for general cleaning... my apartment needs it badly, haayys..
buti ka pa!
kumain kasi ng MACHOstansyang pagkain para di nagkakasakit. haha!
@ Marcopaolo: hahaha madalas ba? ayos! LOL.
@ gesmunds: Tama yan parekoy pakitang gilas muna hehehe...tyaga tyaga na muna hehehe saka k n lng mag SL/KL (Katam Leave) pag medyo matibay tibay n sa trabaho hehehe...
Sinipag lang maglinis ng bahay pero sa totoo tamad talaga ako hahaha...
@ Keso: ahahaha I think I need that one nga para maging Macho hahaha! Ayos! correlated sa Twitter reply haha...
Mabuti at magaling ka na, pwede bang magpatulong maglinis ng bahay, he he he..
Tama, imbis na isipin natin kung paano magagamot ang dengue, mas mainam na iwasan nalang natin ito sa paglinis ng ating kapaligiran.
ayun naman eh.. sipag.. sana ako din ay sipagin ng ganyan kahit minsan man lamang sa aking buhay.
based sa comment ni master glentot, naliwanagan na akong hindi browser ko ang may problema. hehehe.
kailangang magsipag minsan para 'di maabala in the end. blogenroll parekoy! \m/
hahaha tama dapat laging malinis ang paligid para iwas lamok iwas denggue..^_^
take vitamins na lang kuya para tumaas ang immune system mo..at di ka matuluynang magkasakit..^_^
@ Captainrunner: cge maglilinis ako ng bahay mo pero i-hire mo n ako bilang assistant mo para mapadpad din ako kahit saan. LOL.
Ingat din jan bosing sa dengue...
@ Mdriver: hahaha so meaning d ka pa sinipag? LOL.
@ NoBenta: Huwaaahh! Pati sin ikaw bosing? Hays! dumarami na kayo huhuhu...
Ingat!
@ Superjaid: wui salamat pero mas gagaling ako pag ipinagbalot mko ng Vietnamese Cuisine mo hehehe...
Just dropping by to say thank you for the nice comment. Tc always..
Jag this is a good job. buti ka pa nakalinis na ako hindi pa din. isang toneladang labahan na nga ang naghihintay sa akin this weekend. achieve na achieve ang post na ito(natuwa lang ako kasi sabi nila ang wor na yan ang bagong ginagamit pag nice ang poste ng isang bloggero or in short NICE POST lang meaning nyan)
@ eden: Salamat pud madam!
@ cuteberl: hahahahaa salamat parekoy! at may achieve na achieve a pang nalalaman jan hehehe...if I'm not mistaken yan yung expression na ginamit sa palabas na here comes the bride ni Anelica Sinaniban hehehe...
Maglaba ka n go na! LOL.
saan ka nakalulon ng kasipagan? baka pwede mo akong handugan ng gamot para sipagin din ako. haha
hahhaha...kalog jud ka jag....mamuot man ko sa imong post....lol!
agoy pag jogging para gawas ang tinuod nga singot...na ako pod woi...g atake ko sa ka tapolz lately...maong nag layer layer nani akong bilbil...nyahhahaa...joke!
bitaw woi, salamat sa pagduaw sa akong shopping blog....I've been contemplating either canon or nikon...ambot asa ana nilang duha...ehehehe!
It's Friday the 13th!
Have a great weekend! =)
Tinitingnan ko ang litrato at may napansin akong dalawang bagay:
Una ay sobra ka yatang excited maglinis kaya di pa nakapagsuklay hehehe
Ikalawa ay maganda ang pintura ng iyong bahay at sa tingin ko'y ang kabuuan ng bahay ay may magandang disenyo. Tamam ba ako? :)
ang yaman mo pala. ganda ng bahay! :D
@ Superbalentong: Pagsapit ng alas dose ng gabi antayin mo na mahulog ang mutya na galing sa puno ng saging at ito'y iyong lunukin...kinabukasan sisipagin ka na nyahahaha!
@ Dhemz: hahaha mao! hehehe...pero ako na lang sab gigrab ang opportunity na makahipos sa balay puslan mn na absent sa trabaho hehehe...
Cge pag makapalit na ka ug slr i-blog ha thanks!
@ Parts: Same here...ayo ayo na lang dra parts tanga baya ka labaw na kay friday the 13th man d i hehehe...
@ Nortehanon: hahaha hindi talaga ako nagsusuklay ever lalo at nsa bahay lang din ako hehehe...ung bahay ba? uhmmm...sakto lang hehehe...
@ kuri: Yaiks! Hindi kaya...tama lang po bosing...
Hi Jag.
Mabuti naman at magaling ka na mula sa sakit.
Uso nga ngayon ang dengue
Ngeeh! Unsaon nalng ang namali ug bayad sa taxi! hahahaha Wala nlnag toy kwenta!... Tanga na daut p ug mata! bwahahaha :p
Genial dispatch and this post helped me alot in my college assignement. Gratefulness you on your information.
Buti at di ka nabinat nyan parekoy! haha, sipag ah! naku, ingat-ingat lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. uso talaga ang sakit.
at napansin ko ang salitang "village"... susyal! nakatira sa village! yaman XD
@ JKulisap: Thanks parekoy! Kaya mag-ingat talaga tayo...
@ Parts: Hahaha nalibat ra ko ato kay katilugon na ug nakainom pa jud. May dahilan ako bleh! Hahaha...
@ Fiel-kun: Salamat parekoy hhehe...ok na ako pramis hehehe...Mayaman ba kamo? Char-char lang ika nga ni Melai ng PBB LOL...
parang alam ko yang kwentong yan ah, parang kay Joey De Leon yan sa pelikulang SheMan. hahaha
@ Super Balentong: korek! winner ka! LOL.
Post a Comment