Thursday, August 26, 2010

Catharsis

Gustong sumabog. Hindi mapakali sa kinauupuan. Parang 'di makahinga. Nasasakal na sa artipisyal na lamig na ibinibigay ng AC sa loob ng opisina. Ayaw ng ganitong pakiramdam sa tuwing walang field works. Nabubuang. Nakatamabay lang. Petiks. Assuming na may ginagawa. Kunwaring may ka-chat na kliyente pero ka-chikahan lang pala (ang mga babaeng comments-off) si  Unni o kaya si Kayedee sa YM  tuwing hapon. Pretending na nagbabasa ng business e-mails, 'yun pala blog lang ng mga paboritong manunulat ang binabasa. Gustong lumabas at bumaba ng gusali para makasinghot ng sariwang hangin pero usok lang pala ng dumadaang sasakyan  at ng mga nagyoyosing empleyado ang sasalubong sa'yo. Ayaw mag-sidestream .Takot magka-lung cancer. CA for short ika ni Doc Ced. Hays! Walang ibang choice kundi ang bumalik sa 26th floor ng building at magmukmok sa work station.

Isang malaking pasakit sa buhay kung ganito parati. Nakakabobong LALO. Kung ano-ano na lang ang naiisip. Gusto ng tumalon sa  gusali pero biglang aayaw dahil natatakot mamatay na pangit ang hitsura. Pangit na nga sa kasalukuyan. Kaunting pangungumusta sa mga naging kaibigang kliyente sa telepono. Teleleng! Teleleng! Sabi ng orasan. Payb na pala at awasan na...muling nabuhay ang kaluluwa...uuwi na at baka tuluyang mateleleng.

Dumating na naman ang isa pang nakakabagot na araw. Maagang na-accomplish ang lahat ng gawain. Siyetex! Ala-una pa lang ng hapon at wala na namang ginagawa. Gustong sumigaw ngunit bawal. Gustong  agawan ng mop si manong Jani para linisin ang buong gusali pero dedicated  siya sa work kaya hahayaan na lang. Ipinikit ang mga mata. Isang malalim na buntong- hinga. Biglang pinasukan ng kaunting oxygen ang bulok na brain. Ting! May bagong naisip. Biglang naalala ang ginawa  ni Roanne 'nung minsang pumetiks  din sa trabaho. Matagal tagal  na ding  hindi ito ginagawa. May pulso pa kaya para rito?

Tamang tama wala ang dalawang mutaing amo. May kanya-kanyang mga business trips. 'Yung isa nagpatuli may meeting sa head office sa Japan. 'Yung isa nagpasex change may ka-deal na kliyente sa Thailand. Walang magmamasid sa gagawin. Maisasagawa  ng tuloy tuloy ang pagdo-drawing. 


Lapis. Eraser. Papel. Handa na. Subject: Larawan ng isang crush na artista. Hindi ito si Anne Curtis kung saan matinding karibal ko dito sina Jepoy at Goyo. Ah basta! Guguhit ako. Pamatay-oras lang. Iguguhit ko siya.

Konting sulyap sa...Trabaho? LOL
Dalawampung minuto bago uli magteleleng si orasan. Tapos na din ang obra. Lingon-lingon sa paligid kung may nakatingin. At click! Pasimpleng kumuha ng larawan sa sarili. Lumingid-lingid uli kung may nakapansin. Wala. Isa pang madaliang click para kuhanan  ang obra. Hindi maganda ang kuha pero puwede na.

Heto na ang gawa ng isang bagot na empleyado. Hindi ko sasabihin kung ano ang pangalan niya. Gusto kong kayo ang magsabi kung nakikilala 'nyo siya. Ang crush ko...

Ah basta, model siya ng RC ngayon.


Puwede na ba? Have a happy weekend!




Extras:

- Can't make it to Puerto Galera this weekend. May darating daw na bagyo sabi ng friend. Sighs.

- Congratulations to Miss Raj! She did a major major thing for the Philippines that we can be very proud of. : )

- RIP to the souls of Quirino Grandstand tragedy victims...: (

51 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

major major talented ka..ikaw na ang soger,artist,at camwhore?or vain?lols~~
sus sino ba iyan at mukhng bagong fess sa showbiz tama ba?o d ko lng talga kilala dahil korean actors and actress lng kilala k haha..
apir jag ako rin bonggang bored na sa work ko ..kaya nga blog ko pinagtripan ko at nagcomments off ako saglit sa iba kong post,,,hahaha
kung ikaw gustong tumalon sa building ako gusto kong sumigaw ng DARNA sa bored lols~~~
kalawang na utak ko sa ginagawa ko ring ito,,,same routine everyday,,,kung meron may new work kamusta di mahahasa ang english eklavush dahil baha ng Korean characters ang paligid hahaha,,

goodluck sa iyo~~
at happy weekend wooot***

Unni-gl4ze^_^ said...

akalain mong base ulit ako hahhaa,,,,
pagrab ng pics para pamatay daga,,jokes lng,,,sus focus ang fess pala ikaw na ang kamukha ng ex-rated ko este ex bf bf ba yun?lols

goyo said...

hoy jag. Si maja ba yan? Nakakainis ka. Lahat na lang ng gf ko susulutin mo? Haha. Napanaginipan ko sya dati, girlfriend ko daw sya. Nagdate kami sa luneta na parang normal na magsyota.tinginan daw ng tinginan ang mga tao. Sweet daw ni maja saken..nagising akong mejo parang may basa.lol..
Ayos talentadong pinoy ka pala. Pa-redhorse ka naman! :D

Superjaid said...

wow!ang galing naman ang daya..bakit ako walang talent sa arts?tsk hahaha mainggit daw ba?anyway..try mong gawin yung mga ginagawa sa hapontukin.com para di ka mabagot kuya..

fiel-kun said...

Wahehe, uber bored ba sa work mo parekoy? hehe... why not browse some porns haha... joke!!!

Nice, ang ganda ng sketch. Teka, mukhang may kamukha si ate... sinu nga ba yun?... haha XD

Rouselle said...

Gleng gleng naman magdrawing! : )

Pong said...

isang milyong teleleng este palakpak sir jag

mahusaaaaaaaaaaaaaaaay

pwede ka sa showtime para makita mo si anne curtis at mapapa awit ka ng tayo'y sumayaw, tayo'y sumigaw maghawak hawak... hindi ko kabisado ang kanta kaya bigla na lang akong mawawala

be blessed sir

CaptainRunner said...

Maja Salvador?

Biyaheng Pinoy said...

Nice blog. Very promising. :)

kayedee said...

xge ikaw na ang singer! ikaw na ang magaling mag drwing! ikaw na ang matulis! i min sharp! ahhaa. ikaw na ang may mukha! ikw n ang mogi! ahahlolz!.. ikaw na ang lahat sakin! nyayyyyyyy! lolz!

at ikaw na din unnie ang no. one stalker ni jag!! nyahah!!!

hnd ko mapost ung song mo jag kc nman! ang hirap kumanta..... ng maganda! ahahaha..!

Unknown said...

haha, nag enjoy yata akong magbasa ng mga komento d2.
pasingit lng, para di ka mabored sa trabaho, aba e wag mo tapusin agad ng kalahating araw, e aantukin k nga lalu at kakatapos kumain:)

eden said...

hoi, naa man diay kay tinaguan nga talent. Gwapa man kaayo imong crush. hahaha..nakatawa gyud ko sa nagpatuli ug nagpasex change..hahaha.Well done! Nice job, Jag.

stevevhan said...

Um, ang galing mo magdrawing. Ako manga type eh, ahahahaha, galing talaga, Civil Engr. ka ba?
Pag talga masipag pag walang ginagawa binabagot!

Um, sabi ko na nga ba eh, si MAJA yan, Impostor!...


Tamang tama pala ang post ko sa extras mo!:)

Myrtea said...

king of multi-tasking ka pala! youve accomplished so much with so little time. clap! clap! kaya nga lang wag mo ng agawan ng TOR si manong jani, kaw tlga wag kang masyadong selfish. hehe

salamat sa pagdaan sa blog ko, nasagot ko na tanong mo. kung moralista ka, i suggest wag ka ng dumaan ulet. :) cheers. life is beautiful.

Arvin U. de la Peña said...

ano ang name niya..major major ang ganda niya..

Jepoy said...

ikaw na ang magaling mag doodle..Hmp!

krn said...

galing mo naman... at ang ganda niya :) crush ko na rin siya, ahaha

Ceedee said...

major major enjoy basahin ng post mo! not because it contains interesting info (sorry lol) but just because of the way you tell it. its really fn! :)

anyway. you are one talented man. niceeee :)

kikilabotz said...

bkit hnd ka sumali sa aking pacontest at talented ka pala. hahahaha. galing nmn

analou said...

Eh Jag bilib na talaga ako sa'yo. Napa wow and wow ako. HIndi kalang matalino, gwapo eh talented din....Nakkkssss....Saludo na ako sa'yo kaibigan.

Anonymous said...

pwedeng pwede! galing ah, wala kase ako talent sa drawing kaya good job sayo ang ganda kaya! ;)

Poldo said...

HOy! magtrabaho ka! puro ka petiks.. laki laki ng sahod tapos pagdra2wing lang inaatupag! LOL...

ikaw na ang multi-talented walang duda! ikaw na! hahahaha

sus! humingi ka nanaman ng mga picture ng inday ko sa bahay at ginawa mo pang-sketching materials mo! manggagamit! hahahaha..

Apir jag nangungulet lang sa comment box mo! hehehe

betchai said...

as always, maraming halakhak at tuwa ang dumadating sa araw ko tuwing nagbabasa nang blog mo, minsan, kung magulong-magulo ang laman nang ulo ko, gusto ko rin yung walang masyadong ginagawa, kaso lang, magkakagulo estudyante ko kung wala silang ginagawa, kaya di ako makapag-blog par may trabaho :(

E•M•O•T•E•R•A said...

ang saya naman ng entry mo. napaka busy ng life mo. :) hehehe pero nakatawag pansin sa akin yung drawing. galing ah... iba talaga ang nagagawa kapag walang magawa. pero nasubukan mo na ba na idrawing yan yung...tipong gustong gusto mong mag drawing? pero pag ganun ang mood mo eh, hindi maganda ang resulta. hahaha! [based on experience] =D

Null said...

Nice one :) buhay na buhay ung mata :) artist-ahin ka rin pala :)

Rico De Buco said...

idrowing mo ko hehehe..hahaha galing kaw na ang talented

DRAKE said...

Di mo man lang ako siningit sa kwento mo pre! I hate you na!LOLS

Naks yun yon eh pinagmagaling na mahusay syang magdrawing! IKAW NA!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

looks like maja salvador? tama?

may na-discover akong new today. magaling ka palang magdrawing.

hehe naalala ko tuloy ung friend kong nabagot sa aming meeting noon. after ng meeting may binigay sa akin -- picture ko na natutulog dahil nabagot din. lol.

Nortehanon said...

pwedeng-pwede! galing mo naman. ako, i can't even draw a perfectly straight line :)

Unknown said...

galing naman... yup yup, major major! hehehehehehe.. two thumbs up!

darklady said...

Teka ako ba yan?hehehe..

Mahusay kumanta (check)
Magaling magdrawing (check)
Ano pa ang susunod? naman! nag uumapaw sa talento si kuya jag! naks! Galing ng pagkaka drawing! Sana ako din mai drawing mo. ^_^


Si maja salvador ba yan?

Marlo said...

mabuhay ka! ang galing magdrowing!! :D

hazyammo said...

ah ganun.. lagi mo kong hahaguoitin ng talent mo lang ano? una kinantahan mo ko ng
If..
If.. we both decide to try..
ay mali mali..

tapos mga kung anu anong anik anik na ang boring mong gawin pero nakyuryos lang ako kahit di mo pansin..

at ngayon ibang babae na dinodrawing mo?.. sino ba yun?..
Mariel Rodriguez?,.. di ko lam yung commercial.. :D

kamusta naman at ang tagal kong walang koment dito.. nag oovertime lang ng koment ano... :D

i miss here :)

EngrMoks said...

Galing... hanga ako sa mga taong magaling magdrawing lalo na ng mukha... Dapat kitang i-clap clap parekoy

Iskang Sabaw said...

Ang galing ng pagkakaguhit. you have the gist kapatid!!!

http://iskangsabaw.blogspot.com/

my-so-called-Quest said...

aba aba aba! mahusay ang kamay sa pagguhit. akin na at magrade-an! haha eto ang star! haha


pero seryoso ang galing! pwede ba magpacharcoal? ehehe


at napasama ata ako sa post. kahiya naman!


last, ano ung parehas kami ng bff mo? share!

Sphere said...

natulala ako napabuntong hininga napaisip ng matagal napatingin sa pintuan at binato ang drawing na ginagawa. ikaw na, ikaw na ang magaling magdrawing yon lng ang gusto kong sabihin :-)

mr.nightcrawler said...

naks. grabe. bilib na talaga ako sayo parekoy. napatunayan ko ngayon na hindi ka lang marunong pumito habang kumakanta, marunong ka rin palang gumuhit. hmpft! unfair! hehe

eMPi said...

maja salvador yan noh?

ayos!!

More Than Words said...

Wow..that is a great drawing!!

Hack To The Max said...

ang lufet naman talaga..pwede ba kita maging idol bossing..hehehe..nice work bro...

Dhang said...

ang galing! bakit parang hindi drawing? bakit parang tunay siya, pinicture-an lang? :D galing talaga!

glentot said...

Wow ang galing magdrowing si Charice ba yan ahihi joke pramis may talent ka!!!!!!!!!!!! Pagkakitaan mo yan!

Dhemz said...

kuyawa man sad nimo ug talent jag woi...bow na bow ako sa obra maestra ma...my golly! ang galing....loving it...I have no idea who she is...all I know is she's gorgeous...ehehhe!

Super Balentong said...

ginuhit ang pag ibig, keep it up! malupit ang talento mo kapatid.

Jag said...

Maraming Salamat po sa lahat ng nagcomment at dumalaw dito! Salamat sa appreciation 'nyo!

Pagpalain kayo! hehehe...

Kat said...

jag! ang talented mo! ang drawing mo parang black and white version lang nung picture eh! :) ako, nagsisimula pa lang..T.T

gandang araw sa'yo jag! :)

P.S. jag,minsan blog not found yung blog mo..:( panu ba 'to? lagay na lang muna kita sa blogroll ko ha? :)

Anonymous said...

jag! ang talented mo! ang drawing mo parang black and white version lang nung picture eh! :) ako, nagsisimula pa lang..T.T

gandang araw sa'yo jag! :)

P.S. jag,minsan blog not found yung blog mo..:( panu ba 'to? lagay na lang muna kita sa blogroll ko ha? :)
inulit ko comment ko kasi di lumabas yung link. hahah.

bulakbolero.sg said...

GALENG!

Traveliztera said...

ang galing! :D

Jag said...

@ Kat: Thank you! Magaling ka din naman gumuhit. Masaya tingnan ang drawings mo hehehe...cge lang praktis lng ng praktis hehehe...

Ewan anong ngyayari sa site ko baka may bug or something d kaya?


@ bulakbulero and Traveliztera: Thank you for the appreciation...: )


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner