Kung bibigyan ako ni Lord ng isang natatanging power, malamang sa alamang, hihilingin ko na magkaroon ng kakayahang lumipad. Kapag nakakalipad ka kasi, puwede mong mapuntahan ang lahat ng gusto mong puntahan. Kaya mong magbreakfast sa HK, maglunch sa SG o kaya magdinner sa JP. Kung gusto mo naman ma-experience ang jumebs sa toilet ng mga mababantot Arabo, yakang yaka 'yun ng isang liparan lang. Para sa hindi makarelate click 'nyo dito. At dahil nga nakakalibre ka sa pamasahe, kaya mong umuwi kahit araw araw pa sa iyong probinsiya. Kaya lang, konting ingat lang at baka masibat ng mga tagaroon at akalaing isa kang manananggal (corngrits) LOL. At kapag ipagkakaloob sa akin ni Papa Jesus ang ganoong kapangyarihan, gagawa ako ng sarili kong TRAVEL SHOW. At iinggitin ko kayo magba-blog ako palagi tungkol sa escapades ko.
Kaso imposibleng mangyari 'yun. Isa lang akong dakilang pogi tao. Walang pakpak tulad ng sa isang lawin. Walang kapa katulad ng kay Superman. Walang flying carpet ni Binladen ata yun? LOL. Walang fairy dust ni...ni...ni...Tinggil Ber (cnxa na hirap akong magfrunawns) . Kaya hindi ako pwedeng lumipad. Siguro nga hanggang panaginip na lang ito. Wala ng katuparan pa.
.
.
Pero nung minsang tinanong ako ng adik tropa kung gusto ko ba daw sumama sa kanyang paglipad, ay sumilay ang panibagong kong pag-asa. Tiyak na lulutang daw ako sa gagawin namin. Parang nasa alapaap lang daw pag sinubukan ito. Heaven na heaven daw ang pakiramdam sa halagang 200 pesos lang. Sumama ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Dinala niya ako sa lugar na pagdadausan ng aming pot session gagawin. Malamig at mapayapa sa lugar na iyon. Naisip ko, bagay na bagay sa mga taong nalulungkot na tulad ko ang gagawin namin. Iniabot ko sa kanya ang dalawang daang piso kapalit ng isang bagay na alam kong makakatulong sa paglimot ng aking kalungkutan kahit ito'y panandalian lamang...
Unang beses lang naming tumikin 'nun. Naunang tumikim ang kaiibigan ko. Kitang kita ko kung paano tumirik ang kanyang mga mata at kung paano siya napasigaw sa sarap na nararamdaman. Sabog na sabog. Nagsilabasan ang ga-butil na malalamig na pawis sa kanyang noo matapos itong subukan. Bigla akong na-excite sa nakita. Buo na ang loob ko. Titikim din ako.
Hindi ako nagsisisi sa pagsama sa aking kaibigan. Tumikim din ako. Aaahhh...Sadya ngang masarap ito sa pakiramdam at nakakawala ng problema sa buhay. At ako naman ngayon ang sabog na sabog. Bakas sa mukha ko ang kakaibang nararamdaman. Habang nauupos ang sensasyon sa katawan ay parang hinahanap hanap ko na ito. Gusto ko pang umulit. Gusto ko isa pa!
.
.
Ngunit hindi na sapat ang aking pera para malasap muli ang langit. Kaya nilisan na lang namin ang zipline. Kahit panandalian lang ang hatid na kaligayahan nito ay habambuhay naman itong tumatak sa aking diwa. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.
Yes. I survived the Tagaytay Ridge's Zipline. Weeeee!!!
At ang sumunod sa adventure lists ko ay ang Bungee Jumping sa Bohol at ang Sky Diving sa Cebu. Sana matuloy. 'Pag natupad iyon pwede na akong mamatay. JOKE. Simbako palayo intawon*. LOL.
*Simbako palayo- Visayan famous expression when something is morbid or undesirable...
68 comments:
hehehehe, enjoy nga yan eh.. dito sa davao meron din...
andami kong tawa sa intro sir jag.
siya nga pala kung makakalipad ka sigurado lang bang escapades ang ibablog mo? ahahahah
sarap yata niyang magzipline akala ko naman kung ano ang tinira mo ahahah
malaki ba ang zipper nung zipline?ahahah
kaloka.. makapahumindik na panimula..hahaha... zipline pala.. mygawd! hahaha
namiss ko bigla ang tagaytay :(
napadaan at nakiusyoso...nag-iwan na rin ng bakas...
@ tim: oo eh kaya dito na lang ako kasi hndi ako nkasama sa mga kaibigan ko dati nung magzipline sila hehehe...
@ Pong: hahaha adik ka rin pala parekoy hahaha...oo masarap yun, minsan subukan mo hehehe...God bless!
@ Yanah: hahaha oo zipline nga lang LOL...Salamat sa panguusyuso LOL. Dalaw ako jan mamaya hehehe...
naks naman! dapat habang lumilipad ka, sumakay ako sa likod mo ate narda. hehehe biro lang! kami naman nagpictorial sa baba dun sa may bridge! heheh. napapadalas ka ata sa cavite ah! pag bumalik ka dyan sa tagaytay, try mo ung buko pie tart ng Amira's jag. promise mahuhubo lahat ng suot mo sa sarap! hehe
@ my-so-called-Quest: nyahaha ambigat mo kaya LOL...alam kong dun lang kayo nagpipictorial sa baba kasi natatakot kang magzipline noh? LOL. Saan yun mabibili? malapit lang b ang store sa picnic grove? ibili mo na lang ako tas ipadala mo dito sa bahay. Tnx! LOL.
simbakels intawon kabata pa nimo ug kagwapo para mamatay ug sau lols~~
adik ka jag kala ko naman nag aadik adikan ka,,ako rin gusto kong lumipad kasama c superman lols~~
kaso si darna lng ako pang lokal lng beauty ko bwahhaa,,pero ironic takot ako sa heights hahhaha...
boom~~~try natin sa bukidnon magzipline may bago dun hahaha
@ Unni: hahaha i love ur comment hahaha adik! Kung ikaw si Darna ako na lang si Ding para palagi akong nakasakay sa likod mo...pramis magaan lang ako LOL. Cge minsan magzipline uli tayo doon hehehe...kaso acrophobic ka pala hehehe paano un? LOL.
ay ganun, magaan alng ako. tabang hangin lang to. hahaha
malayo e sa olivarez yun. at ikaw na lang bumili, padalahan mo ko dito sa dorm ha. hahah
@jag: ilang kilos ba ikaw???lols~yun nga eh takot ako sa heights talga pero gusto kong maging DARNA lols~~~madali lng yan mag vavalium lng ako para marelax lols~~~
ako din pangarap ko rin ang lumipad..kaso sa panaginip lang nangyayari,hehe..wow, hindi ko pa iyan nasusubukan na Zipline..
at bumalik.....! hahaha
think happy thoughts daw sani ni Peter Pan para daw makalipad ka.. hahahaha
@ my-so-called-Quest: hahaha natawa naman ako dun adik!Ngorkz! Malayo pa pala yun nakakatamad naman kung yun lng ang sasadyain. Aba teka, malapit lang ata yun sa inyo eh...alam na kung sino ang bibili hahaha thanks in advance! ambaet! LOL.
@ Unni: 60 kilos ata ako pero d pa kasama ang timbang ng uhmm ko hahaha LOL...hahaha adik ka talaga! Certified! LOL.
@ Arvin: Sabi nga sa isang kanta, tulad ng isang ibon, tao rin ay lumilipad hehehe...
Try mo bosing! Exciting un! hehehe...
@ Yanah: Tama (Kris A.) hahaha...at dahil bumalik ka friends na tayo ha...ipapalo (follow) din kita hehehe...
Pangarap ko din yun at ang Tagaytay Zipline nga ang nagpatupad nun. Haha. Ang sarap no? Heaven nga. Gusto ko naman ngayon yung longest zipline sa Asia. Sa bukidnon matatagpuan. Gusto ko ulit lumipad. :D
Boss, akala ko ba xlinks tayo? Haha.
@ Yow: Talaga? yung sa Bukidnon ang longest zipline sa buong Asia? Uhmmm mukhang ayos yun ah pupunta ako dun pag nakauwi ako sa bukid weeee!
ayokong subukan sir baka maadik ako ahahahha
sige maitry yan pag uwi ko
be blessed!
Haha..good picture!!! Looks like you are falling over!!!
@ Pong: hahaha nakakaadik nga sobra LOL...Oo try mo pampawala ng stress hehehe...
@ Alicia: Haha Thanks! 'Twas taken at Palace in the sky in Tagaytay hehehe...
Waw! Mukhang ang saya! I will try dat pag uwi ko pramis! Nainggit daw!ahahlolz.
hahaha... akala ko kung... zipline pala... nakaka-excite naman yan...
simbako ka diha dong. :D
@ kayedee: oo masaya to kya dpat mo tlgang msubukan hehehe...
@ Marcopaolo: hehehe trip trip lng bosing hehe...mao jud simbako jud hahaha...
kuyawa pod kau ug trip woi....choy kau ang pic...nice!
sarap naman!
Heaven nga.
Patrip-trip na lamang ah.
@ Dhemz: hehehe Thanks madam! Laag ko dra unya hehehe...
@ Kuri: Tara bosing trip uli tayo doon hehehe...
@ Jkul:Yeah pre heaven ang dating...LOL...
i love this humor filled post, i can really feel the fun in each of your words, go for all of them, it's nice to explore always what we can do and what gives us the high albeit temporarily, but of course, the memory would last a lifetime.
@ betchai:hehehe thanks madam! Sana nga po matupad mag-iipon muna ako for the budget hehehe...so true, good memories could last forever not unless kung magka Alzheimer's LOL...
God bless!
Mga Adik kayo! ni hindi man lang ninyo ako ininvite! waaah XD
Huwaw, bakit ba laging parang pangmayaman lng yung mga bagay na gusto kong masubukan gawin haha xD
Gustong-gusto ko din yang mga zipline thingy na yan. Sana one of these days, masubukan kong lumipad!
@ fiel-kun: Wow pare heaven...nyahaha...tara trip tayo minsan parekoy hehehe...
Naku parekoy super affordable kaya dun sa pinuntahan nmin hehehe...eh mayaman k nmn eh hehehe...
Go, lipad na! LOL.
Ngayon mo sabihing di ka anak ng mga ELITE people at may royal blood! anak mayaman lahat lahat na... ikaw na!!! lOL... joke lang..
OO bitter ako! naiinggit ako gusto ko ng ganyan puro bakasyon waaaaaaaa wahihihihihi...
Ok nga kung meron tayong kakayahang lumipad.. pero mas pipiliin ko yung katulad kay spider man yung sapot sapot lang.. gusto ko lang manapot! LOL
haayyy,, nakakainggit naman!
dapat magzzip line kami sa bora,, kaso ang mahal,, P700, kumusta naman?! kaya aun,, nagZorb ball nalang kami.. masaya rin naman magpagulonggulong,, pero syemps,, mas masarap pa rin lumipad!
haayyy,, sana magawa ku rin someday!
btw,, kaloka ung post mo,, para kong tangang tawa nang tawa dito office.. lol!
ang saya naman nyan! kainggit...
@ Poldo: Nyahaha...Elite-elitan kamo hahaha...adik!Ikaw nga tong mayaman jan eh ang laki ng sahod...malamang pag-uwi mo bonggang bonngang engrandeng bakasiones ang gagawin mo hehehe...actually magpapalibre nga ako sayo eh LOL.
hindi mo naman ako kayang saputan kac nasa up up in the sky ako at hndi mo kayang abutin bleh!
@ gesmunds:Buti ka p nga nakapunta na ng Bora hehehe...ang mahal pla dun sa Bora noh? try mo doon sa Tagaytay 200 pesos lang hehehe...
Natry ko n ang magzorb, nakaka suffocate hehehe...para lng tanga na patumbling timbling sa loob hehehe...
Apir! Bloghopping lang din ang gnagawa ko dito sa opisina hahaha!
@ karenanne: Sinabi mo pa...pak na pak talaga ang karanasang iyon hehehe...
Ako, kung gugustuhin ko mang lumipad, ay para maiwasan ang trapik sa EDSA, he he. Kaso ang mahal pala ng pamasahe paglipad, 200 :P
@ CaptainRunner: Tama! Isa din sa problema ko yan sa pang araw araw n routine ang trapik hehehe...
Sadyang ganun talaga pag artipisyal ang paglipad, mahal hehehe...
hehe zipline:)
sa unang paragraph bigla ko naalala un pelikula naun, si hayden christensen ang bida, teleporting to as many places as he wants, sarap ata nun, libre sa airfare,hehe.
hahaha.. Simabako intawon. Palayo lang! lolz. bitaw, what an adventure for you!At ganda pa ng view. mora sad ka ug nilupad tan awon sa imong pic. Dili ba kuyaw? mora akong kabuhi mosugmat man ana. kung pwede pa lang higtan mosuway ko.. lolz.
Salamat sa visit at comments. Wala dayon ko ka visit diri kay limited akong time kung adlaw.
TC always.
@ imriz: hehehe hindi ko napanood un hehehe pero magandang powers din ang teleporting hehehe...
@ eden: maayo madam kay ok na ka hehehe...dli man kuyaw madam kay ok man ang mga equipments hehehe...aw kung dimalason gud wa na tay mahimo LOL...
Ingat!
ahahahaha, cool!ang gand ng post mo. Ngayon lang ako naging interested sa isang blogger. Funny yung pakakasulat mo!:)
Ako naman gusto ong maging invisible, kasi kahit hindi ako lumipad pwede din kong pumunta sa ibat ibang lugar!ahahahaha, cool nun. :)
Pahabol...... bungee jumping?wow, gusto ko yung subukan, kwentuhan mo kami pagkatapos!:)
Atapang a tao si Jag di atakbo
Pakikipaglaro kay kamatayan
Kanya nang bisyo. ^_^
Nakakalula yung mga gusto mo kuya jag. over ah! hehe. Nung nag rapell kami sa school sobrang excited ako kasi first time ko yun.Kaya gustong gusto ko mauna pero nung nandun na ako sa taas grabe gusto kong matapos na. Sabi ko ayoko na mag rapell dahil ang bigat ko pala! dala mo kasi yung sarili mo dun.
nasa to-do (or try-to-do) list ko yang zipline sa vacation ko sa pinas! sana sana sana!
akala ko kung ano tinutukoy mo sa una... xenxa na! igno kasi ako sa mga ganun e! hak hak!
@ stevevhan: Naks naman parekoy nakakataba naman ng puso...pa-kiss nga! hahaha...maganda ding power ang mag-invi pwede mong silipan ang crush mo LOL.
Sana...sana...matuloy ang bungee jumping para may maikwento ako sa inyo hehehe...
Welcome sa Abode ko pala...Salamat sa dalaw!
@ darklady: Hahaha...nakakakiliti kasi pag mga extremes ang sinubukan db? hehehe...nasubukan ko na din magrapel nung college pa ako...doon namin ito ginanap sa eng'g building hehehe...ayos din un hehehe...
@ A_I_M: Itodo mo na parekoy! Wag ng pa-try-to-do hehehe...pag umuwi k n dito derecho k n agad sa Tagaytay LOL.
Pa-innocent epekpek? LOL.
astig! ako nga rin i tried yung zipline sa davao eh. astig rin ^_^
makasubok nga ng sky diving...hahaha!ang layo ng znabi ko.hahaha!
@ kikilabotz: D ko pa nasubukan ang Zipline jan sa Davao hehehe...astig db? hehe
@ 2wangzki: susubukan ko din yan parekoy hehehe...salamat sa dalaw!
@ Ayu: hahaha...gotcha! LOL...
kung may kakayanan akong tuparin ang kahilingan mo, bibigyan kita ng kapangyarihang lumipad.
pero, may costume.
darna costume. ano deal?
haha.
Huhu inggit ako gusto ko rin nyan...
@ Superbalentong: Ikaw pala si fairy godmother? haha...cge papayag ako pero nakatakip ang mukha ko nyahahaha adik!
@ glentot: Then Go! Try it!NOw na parekoy. hahaha... Wag na iyak bata hehehe
Gusto ko din ang bungee jump! Nasa itinerary ko yun on my 25th year! HAHA! :D Mas pangarap ko magteleport kesa lumipad. Kasi iniisip ko masusunburn ako pag lumipad eh. :D
@ Marlo: Oo heksayting yun! Advance greet na lang sa Beerday mo hehehe...
Ok din naman ang magteleport kaso masyadong mabilis. Pag lumilipad kasi tanaw mo ang lahat hehehe...magsusunblock na lang ako wakokokokz!
Salamat sa dalaw parekoy!
I would love to experience flying too, sana! Nice pic, salamat sa visit kabayan.
Actually yn yung main reason ko kaya gusto kong maging invi!ahahahahahaha.
@ chubskulit: Oo madam try nyo ng hubby nyo hehehe...masarap ang feeling hehehe...salamat din sa madalas na dalaw hehehe...
@ stevevhan: nyahaha...sabi ko n nga ba eh kaso hindi yun igagrant sau ni papa Jesus kasi bad daw yun. LOL.
You had me at simbako! LOL! Dapat habang nagzizip line ka sumisigaw ka ng "Yawa! Yawaaaaa!" Hahaha. Ako rin I tried this zipline thingy sa tagaytay pero ndi dyan. Mas maiksi lang. Parang mas exciting yang sinakyan mo. Ako naman ang next kong gustong adventure yung SkyWalk extreme sa Cebu. Yung sa Crown Regency! Lesgo? Hehe!
@ K: Iba ang isinigaw ko..."Tinuhaaaaaakkkkk" yun lng LOL...Galing ako Cebu last Month kaso hndi ko npuntahan yung Sky walk sa crown regency kasi kinulang sa oras hehehe...
gusto ko ring matry yan..kainggit naman!
out of topic.
salamat sa pagbisita sa aking tahanan. :)
Nys! Nys! experience!
Korni lang pagkastory... bwahahahahahaha ana gyud na basta ngkatigulang... :p
Happy Weekend!
katakot naman jan!!
yan ang madalas kong napapaginipan before ako mag abroad. kaya lang eroplano ang nagpalipad sa akin dito sa saudi arabia.
natupad na wish mo bro nakalipad kana, hope to try it someday.
akala ko may bago na naman titikman ahahah
be blessed sir!
wow...gusto ko din i-try yan kuya....sarap siguro ngfeeling na para kang lumilipad...
nice experience!!! :-)
saya nyan boss...para nalula ako sa taas..pwede ba uminom muna bonamin bago sumakay dyan..hehehe...
nice adventure boss jag
It looks like you are having a really great time! What I wouldn't do to have adventures in kids shoes again!
Post a Comment