Isa sa mga gusto kong ugali ng mga supot Hapon ay ang pagpapahalaga nila sa kanilang sinabi. Nasasabi ko ito kasi minsan din akong nakiusyuso sa kanilang kultura. (Echusreo ako, eh ano ngayon?) Sa loob ng mahigit isang taon na pamalagi sa kanilang bansa, medyo nahawa ako sa pamaraan ng kanilang pamumuhay. (Liban lang sa di nila pagto-toothbrush at di pagligo everyday.LOL). Naalala ko noon bilib na bilib sila sa akin kasi kinaya ko daw na maligo kahit taglamig. Napatanong tuloy ako sa sarili, hindi pala sila naliligo the whole winter season? Kaya pala amoy ___(fill-in the blank)__ sila. ' Pag nahulaan 'nyo kung ano'ng amoy meron sila may premyong isang kilong balakubak hehe...
Mayroon akong isang kaibigang Hapon. Mabait at makwela din. Madalas kong nauuto makaututang dila noong nasa Japan pa ako. In short close kami. Noong isang linggo nagpost siya sa FB wall ko. Nangangamusta. Tinatanong kung ano ang address ng bahay ko. Nagreply ako kung bakit. Sabi niya kung naalala ko pa ba daw 'yung ipinangako niya sa akin noong nakaraang buwan. At TING! Naalala ko pa ang pang-uuto ko sa kanya. Weee!
Dumating nga kahapon ang sanhi ng pang-uuto isang box na ipinangako ni Watabe- chan straight from Japan. Humingi siya ng paumanhin kasi medyo natagalan daw. Naging abala lang din kasi sa trabaho. Kahit alam ko na ang laman ng box, nagulat pa rin ako sa nakita. Andaming chocolates! Tantiya ko good for one month supply ito hehe...Hindi naman ako madalas kumakain ng tsokolate pero 'pag stressed ako, mabentang mabenta ito sa akin.
Nakakatuwa kasi kahit malayo siya, naaalala niya pa rin ang walanghiya pobre niyang kaibigan dito sa Pilipinas. Hindi naman talaga kasukatan sa pagkakaibigan ang mga anek-anek na ibinibigay o natatanggap dito. Kundi ang pagpapakita at pagpaparamdam ng kahalagahan nito sa kanya. It's the thought that counts ika nga. (seriousness na to!).
Habang pinupuno ko ng tsokolate ang loob ng fridge, naalala ko ang isa pang kaibigan. Closeness din sa akin. Masama lang ang loob ko kasi may ipinangako siyang pinako. OO pinako at hindi napako kasi pakiramdam ko sinadya niya talaga ang pagpako ng kanyang pangako. Malabong kausap. Singlabo ng usok na ibinubuga ng mga tambucho ng sasakyan sa EDSA. Sana hindi na lang nagbitaw ng mga salita na hindi din naman kayang panindigan. 'Yung tipong pinapaasa ka sa wala. I heyret! Masakit pala kung ang panlilinlang ay nanggagaling sa taong malapit sa'yo lalo pa't mahalaga para sa'yo ang bagay na napagkasunduan.
Hindi ako nagmamalinis. May mga pangako na din akong 'di natupad. Sadyang may mga bagay lang na hindi ito maiiwasan lalo pa't hinihingi ng pagkakataon. Humihingi na lang ako ng dispensa at nagmi-make love make-up sa taong napangakuan. Ginagawa ko ito hindi lang sa pinapahalagahan ko ang aking sinabi kundi dahil pinapahalagahan ko rin ang taong iniwanan ko nito.
Syetness! Bakit may halong ka-emohan ka-engotan 'tong post na 'to? Eh magpapasalamat lang naman ako sa isang nakaalalang kaibigan hehehe...Isang blessing ang magkaroon ng isang tunay na kaibigan. At dahil doon huffee ako kaya bibigyan ko na lang kayo ng isang winner smile! LOL.
Ang cute |
Domou Arigatou Gozaimashita Watabe- chan!
Bagay na bagay ang padala mo sa akin kasi stressful sa akin ang mga darating na araw...Ganbatte!
55 comments:
sana ako base hahah
pengeng tsokolate stress din ako now hahaa,,sus nag eemo k lng para makain mo yang tsokolateng pinadala sa iyo hahah..
hang kyut ng pic pwede igrab?bwahahha...ikaw na ang may rosy cheeks hahaha...
Souce! manguuto ka lang dapat tinodo mo na wahihihi... joke lang...
ganun pala ugali ng mga hapon.. isa lang kasi ang alam ko sakanila bukod sa magagaling sila pagdating sa technology e maiingay sila makipagmake love...
magbigay ka ng isang box dito wag maging maramot tama??? tama! hehehehe..
ikaw na sige ang mdaming tsokolate isang box ahahah
bawal ang masugar sa katawan ipamigay na yan
gusto mo bang kunin address namin ng mga bloggers? ahahah
ang bait naman ni watabe-chan
yung friend ko na teacher nasa Japan siya ngayon sa farm siya work. mayaman na siya pero parati naman niya akong kinukumusta. hindi nga ako nakarating sa kasal niya lst year before siya bumalik ng japan. share ko lang naman at ang pinupunto ko lang naman talaga dito ay palagi siyang nagkukwento yung sa onse.
syempre alam naman namin na na-try mo din yun sir jag. ikwento mo naman sa amin with matching pics ahahahh
be blessed po!
pasensya naman hindi ako nakapagkoment sa topic. importante talaga ang word of honor lalo na kung naipangako natin ito. sa mga cases naman na hindi natin matupad ay kailangan tayong humingi ng paumanhin at mag-make love and bumawi sa kanila.
kumbaga maganda parin na hindi tayo nasisira sa mga bagay na ipinangako natin.
seryoso koment ko sir jag! ahahaha
bro, tagal ko na nabanggit sayo na pareho tayo ng theme. yun lang nauna kanagbago ng header image :)
tungkol sa side bar ads edit mo yung html almost 3/4 ng html code you can see in your email.
@ Unni: Congratulations! Ikaw na ang base queen haha...
Mahal ang courier kaya punta ka na lang dito sa bahay bibigyan kita hehehe...gagawin mo sigurong wallpaper ang pic ko noh? LOL.
@ Poldo: Nyahaha ganun talaga slight muna ang pang uuto sa umpisa LOL. Yung mga Japanese na babae lang ang maiingay. (Bakit ko kaya alam yun? hahaha) Lika punta ka dito sa bahay. LOL.
@ Pong: Haha mahal ang freight charge eh kaya punta ka na lang dito sa bahay hehehe...
your refering to onsen ryukan right? Yung Nude public bath? Hoho nasubukan ko yun minsan at ayaw ng umulit hahaha...I wrote something about it. Share ko sayo with matching pictures talaga nyahaha...
Check mo dito--->
http://jaggedjagger.blogspot.com/2009/12/year-end-party.html
Tama parekoy! Wag nating hayaan na masira tayo ng ating mga binitawang salita lalo na sa pangangako...
God bless!
@ LifeMoto: Matagal na ba? ahihihi...nagiging ulyanin n ata ako...pero teka, hindi ko maxadong na-gets...pero cge i-figure out ko later jejeje...Thanks!
LOL!! That is too funny!! It looks like you received alot of goodies! How fun!
una sa lahat tutuparin ko din ung sinabi ko sa blog ko na makikiusyoso ako sa bahay mo hahaha!
hapon ako sa buhok nga lang hehehe!
ang swerte naman!namiss ko na nga din ang sokolate ng japan, may kaibigan din kasi ako na nandyan..hahaaaayyss..
sarap!
una sa lahat tutuparin ko din ung sinabi ko sa blog ko na makikiusyoso ako sa bahay mo hahaha!
hapon ako sa buhok nga lang hehehe!
ang swerte naman!namiss ko na nga din ang sokolate ng japan, may kaibigan din kasi ako na nandyan..hahaaaayyss..
sarap!
ako na ako na ahahaha,,sus pag napunta ako ng manila dapat bibigyan moko ng tsokolate ha haha,kelan naman kaya yun hahhaa,,,,ai ai di ko gagwin wallpaper noh ipprint ko tapos lalagay sa dartboard tapos alam mo na gagawin ko hahaa,,jokes lng,,,
hala ang lau ng comment ko sa topic mo haha,,
sige tutuparin ko pala ang promise ko na mamahalin ko na ang taong dapat mahalin ko dahil mahal nya ako hahah shaks lablyf hahah,,,
kanta ka nga yng the promise hahah
@ Arny: Hoho nga at sana palagi kang makiusyuso na dito LOL. Salamat pala sa dalaw...
Dapat inuuto mo din yung tropa mo LOL. Wala na ako dun eh nandito na ako LOL.
@ Alicia: LOL. My Japanese friend gave me a lot of chocolates hehehe...Thought I'm too old to do silly things as in the picture. LOL.
@ Unni: Pramis bibigyan kita ng tootsie roll sa tindahan for you LOL. Nyahaha napaka brutal mo naman. Cguro habang nagdadart ka iniisip mo ex mo LOL. Galit??? LOL.
haha lumalablayp si Unni? weeeeee!!! Saka ko na kakantahin ang The Promise pag naubos na ang tsokolate para smooth na smooth ang boses...sa ngayon, dig into indulgence muna...LOL...
bat alam mo fave ko ang tootsie roll ikaw na ang ex ko bwahha jokes~sus sa mall k nlng mamili wag sa tindahn para naman totyal konti haha,,,
ai ai di sasabit ko lng dun pamatay daga haha,,,jokes ulit,,,
weehhh di ako nalablyf noh next year na sana makayanan k ohaha,,,goodluck namen,,
oist ang request k ,,,when i see you smile di ikaw ha yung title haha,,,:P
thanks jag~~
Wow makikiusyoso lang sana mantakin mong hang dami palang chocolates dito. Pahingi po please :(
penge naman kahit isang bar lang....
hindi ka pala mahilig eh.. paki-bato naman dito.. kahit isang pack lang hahaha.. sasambutin ko. pramis! good catcher ako.. wahahaha
Bwahahahhahahahahha di ako tinamaan... hindi ako yun...lolz....
Ok fine sige na....malaking SORRY na... saka na ako magpapaliwanag kapag may oras ako... hindi lang tayo nagkaintindihan nun...
Basta basta.... peace na ok?! lolz
Ikaw nga! Ikaw nga yung nawawala pang kapatid nila Bebang at Bitoy! hahaha.
Dami tsokoleyt, penge ako kuya jag!! Pleasssssssssseeeeee!!! (insert beautiful eyes) ^_^
Nakakatuwa naman na kahit magkalayo na kayo hindi pa rin nya pinako yung pangako nya.
wow. penge. ^_^ astig ah. buti ka pa kuya. jeje
ang bait naman ng tomodachi mo. tama po ba yung term? hehe.. nalimutan ko na yung basic nihonggo ko nun..
nung ngtraining kami jan dati, madami din kami naging kaibigang hapon na engineers din. mababait sila and very hospitable. pinasyal nila kami sa ibat ibang lugar and even invited to their house. i can't say anything bad about them. puro praises lang kasi mabait talaga sila sa min non...
wow ang sarap ng chocolates ng japan.. penge!! :)
May kaibigan din ako, japinay nga lang pero tulad ni watabe-chan mo, tumupad din siya sa pangako nya...
penge naman ng chokolates mo... masisira ngipin mo dyan saka sasakit tyan mo pag di ka namigay heheheheh (feeling close :P )
ang cute nung last photo... ASTIG!!!
parekoy bitin yung mga pics sa onsen ryukan ahahah
sabi ng friend ko bawal daw talagang kumuha ng pic kapag naliligo na hindi ko lang sure kung totoo yun
pero may mga shots din siyang pinadala sa aming magkakaibigan kagaya ng sa post mo.
at nakakarelax daw talaga.
dami ahhh.. pengeeeeeehhh
Whaaa!!! kkainggit masasarap tlga chocolate sa kanila yung macademia gusto ko bigla 2loy nagflash back sakin nong pinadala ako ng company namin sa Japan for seminar about sa earthquake & foundation sa Kyoto ako ngstay maraming old temple at very historic ung place at muntik nakong makulong nakalimutan ko yung name pero may isang park don na hinahayaang mahulog lng ang mga apple ako naman pinulot ko at kinain habol habol ako ng tgapag bantay ibalik ko daw ung apple ahahahaha hindi daw kinakain yon hinahayaang mahulog at mabulok kasama daw yon sa attraction nong park kaya pala kakaiba ung amoy nong park sobrang fresh tlga gawa ng amoy nong apple tagal na kc yon 2003 pa nakalimutan ko na yung name nong place. iba pakiramdam ko nong nsa Japan ako pakiramdam ko "IM HOME" cguro haponesa ako nong unang buhay ko ahahahaha super like ko din ang mga pagkain nila o cya cge napahaba ng kwento ko isang post na to:-) balik tayo don minsan ahahaha pag Sakura para mas maganda :-)
huhu kainggit penge naman kuya..sige naaaaaa!!hehehe ^_^
Bkit wla unang koment q?hmm
anyweiz repeat!lolz!
Enge ako d****
aha!yan pla kinain u knna!ahaha
ang bait nman ni fren,sana my fren dn akong gnyan! ahaha
teecee..(paarbor ng teecee mo kc hangkyut prng tayo Lang) Ahaha
slurps!!!
Wow sokoleyt! Aba dahan dahan sa paglamon nyan ha. Diba nga sabe nila aphrodisiac daw ang chocolates. *wink*
Kung gusto mo, ipamahagi mo nalang saken yung iba. Hehe. I-email ko sayo address ko, LOL!
Waah ang baet naman ni tomodachi-kun! Ang daming chocolates!!! meron bang Meiji choclates? favorite ko kc yun saka yung Almonds haha. Penge naman parekoy XD
Naku, ayun sa kasabihan, promises like pie crust is made to be broken. Hindi mo talga maiiwasan magkaroon ng mga kaibigan na super paasa lang gagawin sayo.
Haha nice smile. Dami choco-choco sa teetch XD
kahit ako may mga pinangakuan din ako na hindi ko pa tinutupad..hanggang asa na lang siya,hehe..
penge ng tsokolate at ng kaibigang nabibigay ng tsokolate! =)
natawa ako sa post na'to. =)
salamat sa pagbisita at pagdaan sa pahina. =)
penge ng tsokolate at ng kaibigang nabibigay ng tsokolate! =)
natawa ako sa post na'to. =)
salamat sa pagbisita at pagdaan sa pahina ko. =)
Hello Jag. Ang dami namang chocolate. Parang ang sarap kaso lang I am not a big fan of chocolates. I have few left here in our house since last christmas. Minsan pag wala talaga akong ginagawa ang chocolate iyong napagtripan ko. Well Jag, dahan dahan lang sa chocolate...
hamfogeh mo pla fafajag... nauto ba kita? penge naman ng chocolate na gatas at gatas na chocolate mo... dahil sanay ka mag nihonggo eto ang mensahe ko sau.. OKANE CHODAI... :D
Wow naman, so sweet of him! Panglabay na ang uban diri. Puno naman kaayo ng imong fridge..hehehe.. hala bantay bantay sa imong ngipon lolzz.. hinay hinay ug kaon diha and don't forget to brush your teeth..hehehe..
ang dami naman yan!!! pahingi naman dyan! :)
penge nmn. damot! ganyanan ha? ! ganyanan..hahaha.. seryoso penge nga
maapaw sa laman ng tsokolate ang fridge mo. parang yung fridge ko, kapareho ng sayo yun nga lang absolute water lang na hindi pa absolute mineral water ang laman, bote lang. haha. bangis!
Share naman dyan! =)hehehehehe
hahhaha...way puangod....dali ra diay na sila mauto? agoy karon pako kabalo nga di diay na sila maligo permi...nyahahaha! lol...ehhehehe!
ka buotan sa imong friend woi...usa man jud ka box nga chocs....diabetison man sad ta ana....nya tonsilon pa...ahhaha...joke!
Yummeh penge naman!
Ang bait naman nung japanese friend mo! Talagang tinupad nya ang pangako nya sayo how nice! Sarap namn dami chocolates! Thanks for visiting my blog. I added you nga pala sa blogroll ko para naman mabisita kita dito from time to time.
sana may ganyan din akong friend. pahingi naman chocolate :)
late na naman ako! penge ng sokolates! at bagay yung last pic ah. anung beauty regimen ginamit mo? heheheh
Wow, ang bait naman ng kaibigan mo. Sana mabait ka rin at mamahagi ka ng chocolates, he he he.
ang dami namang tsokolate niyan parekoy! pahingi ako! ngayon na! ipadala mo sa akin dito! bwahahaha. sige ka, mabubulok ngipin mo nyan. hinay=hinay lang parekoy. namiss kita ah. pa-kiss nga! ayos :P
grabe! Ang dami mong chocolates! Bigla naman akong nainggit! haha! peyborit na peyborit ko ang chocolates kahit na madalas sumasakit ang ngipin ko sa ngayon at prone ako sa tonsilitis. Haha!
Buti ka pa, may kaibigang nauuto! haha! At hapon pa!
Ganun naman yata talaga ang buhay e. Pinakamasakit yung mga pangakong napapako na galing mismo sa mga taong malalapit sayo. Minsan kasi, yung mga pangako nila, masyado nating tinatanim sa sarili natin kasi nagtitiwala tayo na matutupad yun. At sa mga pagkakataong napapako nila ang mga pangako nila, dun nagsisimula ang sakit.
Teka, namiss ko tong magbasa ng mga personal blog posts. Hehe. Ngayon lang ulit ako nakapagbasa ng mga personal blogs.
happy blogging!
Hinay-hinay lang sa chocolates, Jag. Aba, mahirap kalaban ang diabetes. Kaya mabuti pa, ipa-raffle mo na lang yan hahaha!
Sana pwede rin sa akin ang tsokoleyt. Kaso lang, trigger siya ng migraine ko eh :(
wow naman. daming chocolates and stuffs from japan. galante yang hapon na yan. kasi alam ko yung iba may pagka-kuripot, hehe. hmmm---anu kaya amoy ng mga hapon pag di naliligo------ amoy wasabe? hehehe
Um, una sa lahat hindi ko na ibobother ang sarili ko na hualaan pa ang amoy ng mga hapon dahil madami na ako ng premyo mo. Kusang lumalabas kapag summer at pag nag coconditioner ako------pero pag nagciclear ako nawawala, kaya nga hindi ako naniniwala kay angel(sakto commercial sa TV habang nagtatype ako), dahil hindi nawawala ang balakunak ko sa kanila.
May kwento din ako sayo, yung mga arabians, ayun ke mama eh hindi daw nagsusuot ng underwear. Mga amo niya lang yun. Wag na rin muna nating i generalize!hahaha. anu to?siraan ng lahi?
I love chocolates. Ayos ah, naalala ka niya. 1 month ba sayo yan?sakin one week lang, hahahahaha. Comfort food ko din yan pag stress!:) espcially black choc.
Ng nagbasa ako ng bible, nalaman ko na kautusan pala ng diyos na dapat tinutupad ang mga pangako mo. After kong mabasa yung tinutupad ko na mga promise ko, sign na rin ng assurance ko sa kausap ko once i say PROMISE!
Thanks for your comments guys! : )
ang dame nyan ah! enjoy the chocolates hehe enge!
engeng chocolate!!!!!!!pngako ttulungan ktang ubusin yn..hahahaha!
@ buhayprinsesa: ahihihi ubos na huli ka na LOL
@ 2ngawzki: wala ka ng maipangako, ubos na kasi hahaha...
Post a Comment