Masyado akong nalungkot nang balitaan ako ng isang kaibigan na darating daw ang bagyong Florita. Sa totoo lang, kahit hindi ko nadama ang bagyo nung araw na iyon ay hindi na din ako tumuloy sa Puerta Puerto Galera. Baka kasi 'pag tumuloy pa ay maging pagkain lang ng mga isda sa dagat. Ang swerte naman ng mga fishes kung nagkataon syet!
Bagot much! Pero tamang-tama, nagpatulong ang isang kaibigan na humanap ng isang magandang uri ng selepono. May say daw kasi ako 'pag gizmos na ang pinag-uusapan. Actually, isa lang akong kiti-kiti na nagkukunwaring techie kuno. Ah, bahala na, kahit ano na basta makapili lang ng cellphone na pinipindot ang screen. 'Yun naman ang IN ngayon eh tsaka may budget naman siya kaya ok lang. MOA ang napiling destinasyon. Dahil lumuwas na din ang mga tagabundok sa Maynila, napagkasunduang gumala na din sa ibang dako ng siyudad. Ok Payn! Hindi pa ako nakapunta ng Manila Ocean Park at sa Intramuros kaya ako na mismo ang nagpumilit na sumaydtrip doon hehe...
That time tatlo lang kami. Mga chikabebes ang kasama ko. Na-miss daw nila ako kaya gusto nilang makita. If I know, gusto lang nilang magkaroon ng chaperon, alalay, taga-bitbit and the likes. LOL. Meeting place namin ay sa MWAH (ganun kasi ang pagkakabigkas ng kundoktor sa MOA nung sumakay ako ng jeep.LOL ).
Napaaga ang dating namin sa nasabing lugar. Dahil kakababa lang sa kapatagan, excited na excited ang mga taga-bundok na magpictorial. Pantanggal bagot na din habang hinihintay ang isa pang kasama.
Latest endorser ng MOA. LOL. |
Medyo late ang dating ng isang kasama kaya sa MOA na lang din kami naglunch. Pagkatapos kumain ay dumerecho na agad sa Ocean Park. Nawala ang excitement ko nang tumambad sa aking balintataw ang lugar kung saan naganap ang hostage drama nung nagdaang linggo. Hindi ko naman kasi alam na magkalapit lang pala ang Ocean Park sa Quirino Grandstand na iyon. Kakaiba ang aura ng lugar. Makulimlim, malungkot at mabigat sa pakiramdam. Amoy kandilang sunog. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa pa ng kababayan natin na magpictorial doon at gawing background ang bus during the crisis. Ang lalaki ng mga ngisi nila. Hindi ko malasahan ang kanilang trip. Napaka insensitive. Parang proud na proud sila na may picture doon sa ginanapan ng trahedya. Hindi pa nakuntento at ipinoste pa sa FB na nagbigay daan upang makita ito ng mga kaibigang Instik at lalong maghimagsik. Nakakalungkot.
Gayunpaman, bahagya kong nakalimutan ang lungkot na naramdaman nang sapitin namin ang Manila Ocean Park. Box Office doon. Andaming tao. Lahat ay nagkukumahog na makakuha ng souvenir pictures. Napansin ko lang na maraming CFI (Cannot Follow Instructions) sa lugar na iyon. Sinabi ng STRICTLY NO FLASH CAMERA ay wala pa rin silang pakundangan sa paggamit ng flash ng camera para lang makakuha ng magandang kalidad na larawan. Hays! Ako nga ang nahiya para dun sa isang seksing bebot na nakipagtalo pa sa isang guard nung sinita siya na bawal gumamit ng flash ng camera. Kesyo nagbayad daw siya ng mahal. Eksena niya haha!
Pagmamay-ari ko 'to. LOL. |
Me and Johjoh Def. |
Pupunta na sana kami 'nun sa Intramuros nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya bumalik na lang uli kami sa Ocean Park. Mahaba pa ang oras kaya lumamon na lang muna kami bago tumuloy sa isang WATER SHOW doon (Sorry nakalimutan ko ang tawag sa show na iyon). Basta ito yung palabas out of water display and all. Dahil overwhelming ang blessings sa amin, bumuhos uli ang malakas na ulan dahilan upang makansela ang show. O di ba ang swerte noh? LOL. Kunsabagay, pwede pa rin naman kami makapanood sa ibang araw, that is kung may oras pa kami. Sayang din naman ang ticket.
Bounce, bounce and away! |
Dahil sa wala ng magawa, sinubukan ko na lang ang magbungee fun. Haha. Ang sarap talagang lumipad. Kung ang mga kasama ko ay umayaw dahil nalulula daw sila, ako naman ay enjoy na enjoy. Nakakawala talaga siya ng Stress-Orena Drilon. At siyet! Hindi ko namalayan na dumarami na pala ang mga tao sa atrium na nagmamasid sa akin, nahiya tuloy ako. May humihiyaw kasi natatakot na sa pinaggagawa ko sa ere. Ang taas taas ko na kasi.
Di nakuntento at tumambling pa. |
Meron namang sumigaw na tumambling daw ako. At nagpauto naman . Natagpuan ko na lang ang sarili na tumatambling na din hahaha. Yeah, I know ako na si Lito Lapid. LOL. Nagpalakpakan na ang mga palaka. Lalo akong nahiya. Gosh! Pero sulit na sulit naman ang P120 for a three-minute bungee excitement. Ayos!
Magandang exercise pala ang bungee fun. Para lang akong nag-gym. Sumakit ang buo kong katawan. Feeling ko lumabas ang mga pandesal ko sa tiyan at lumaki ang mga maskels ko. Feeling ko lalo akong naging hawt! Feelingero haha!
Dahil sa pinaggagawa kong kalokohan sa katawan ay nagutom ako at nagyaya ng magdinner. Hindi ko na babanggitin ang restaurant na iyon kasi bukod sa hindi gaanong masarap ang pagkain ay mahal pa ito. Doon lang ako nakakain ng sisig na puro durog na chicharon at wala man lang kalaman laman. Pasintabi po sa may-ari at kamag-anak ng restaurant. Sorry naman.
To sum it up, nag enjoy naman ako sa araw na iyon. May mga kaunting flaws pero masaya pa rin naman. Nakasama ko ang mga kaibigang matagal tagal ding di nakikita. At yun ang mahalaga sa araw na iyon. Nairaos ko din ang pangangati ng aking kuwan...ng aking mga paa haha (sa paggala)...Pero sana matuloy na ako sa Puerto Galera. Hays!
Life is short. Go lang ng go! Enjoy!
Extra:
- I can say that God is always good. Last time, muntikan na akong maging biktima ng mugger. Katatapos ko lang magwithdraw 'nun sa ATM. Didn't notice that someone is eyeing on me. Naglalakad ako nun pauwi na nang bigla kong naramdaman na may sumusunod sa akin. Nagduda ako kaya tumawid ako ng kalsada. Nang makalagpas na siya, ay kitang kita ko kung paano niya itinago uli ang kanyang balisong sa bulsa ng kanyang jacket at nahuli ko pa siyang tumingin uli sa akin. Kung nagkataong naabutan niya ako ay malamang may gripo na ako sa tagiliran at nabawasan na ang cute na blogger dito. LOL. Hays! Praise God for that! Ang dami na talagang masasamang elemento sa mundo. Mag-ingat na lang po tayo. Maging listo sa mga nakapaligid sa atin. Iwasan nating maglakad sa di-mataong lugar.
46 comments:
Haha. I just knew it! I think you were the one that I saw in MOA last Sunday. Kasama mo ata gf mo? Ang cute mo pala talaga sa personal...: )
Napa-comment tuloy akong bigla...
Nakita rin kita sa MOA para ka palang artista kaso hindi na kita kinalabit kasi baka ideadmeat mo lang me mapahiya pa me...
Ingat sa susunod sir!
@ Anonymous: Weh? Are you sure? Hindi ako 'yun kasi di ko naman gf ang kasama ko nun. Pero tama ka Sunday nga iyon hehehe...sige nga saan mo kami banda nakita dun? Togoinkz dun sa sinabi mong cute ako haha. Confirmed hindi nga ako yun haha! Salamat sa pagdaan kung sino ka man hehe...
@ Jepoy: Utot mo! Isa ka pa! Eh di sana nagpapa-otograp na ako sau nun kasi for sure makikita kita haha adik ka! Hanep ang pangtitrip 'nyo sa akin ah? Anong tinira 'nyo? LOL.
Salamat!
bt nung ako ang pumunta sa ocean adventure hnd ko na enjoy? lolz!! pero baka pag ikw ksma ko ma enjoy ko! palagay mo? ahahaha! naku ingat nalng plge kc marami tlgang bad this days!! =(
@ kayedee: Hahaha pwde! oo naman mag-eenjoy tayo sa isa't isa *wink* Bakit hindi ka naman nag-enjoy dati?
Oo nga eh ingat ingat talaga tayo kahit saan man tayo mapadako.
Ingat!
@ Kayedee: Teka ang Ocean adventure ay sa Subic naman yun eh hindi naman sa Manila hehehe...Maganda kaya doon lalo na ang dolphin show hehehe...
Aww... kakainggit naman. Jag, next time, isama mo naman ako. I'd really tag along. Puwera biro. Hehe.. =) Basta't libre mo..
HUMAYGAWD... Parang nakita kita nung araw na yun! ang foge foge mo naman fafa. i heart you nah! LOLs...
sabi ko na nga ba kailangan kong tumambay sa MOA baka sakaling may makita akong mga iniidolo ko! at makapagpapicture at makapagpaUTOgrap!
Ikaw na ang fafabols walang duda!
So ikaw pala yun. Kaya pala napa second look ako. Parang sabe ko, kilala ko yung cutie na yun ah. Syet, ikaw na! Ikaw na ang mala-Lito Lapid! Hahahah! Uto uto ampucha! Pero infairness, ang taas mo na nga sa picture. Ang tapang! Tinry ko na ren mag bungee fun pero sa Rockwell naman yun dati, syet, ndi ko kinaya. Parang yung mga laman loob ko hinihila pababa. Scared much!
@ Leah: Ahaha...'pag may oras tayo why not bukonut hehehe...ang sarap naman ng bakasyon mo sa inyo, namiss ko ng umuwi sa amin huwahhh!
@ Poldo: Adik k haha! Oo n dakilang utouto talga ako hahaha...at inuuto mo lng naman ako ngayon at naniwala nmn ako nyahaha!
@ K: Haha...meganun? isa ka pa inuuto mo din ako haha...gusto ko pa ngang umulit eh... ahihihi...kinulangan ako sa 3 minutes na yun...
"Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa pa ng kababayan natin na magpictorial doon at gawing background ang bus during the crisis. Ang lalaki ng mga ngisi nila."- malungkot nga isipin na yung iba ay ginawang souvenir pa ang masaklap na pangyayari at nakabungisngis pa, minsan, hirap talagang umintindi :(
ey, di ko pa nasubukan yung bungee jumping, mahihilo ata ako :)
Waah! ang saya naman ng DATE mo, este paglalakwatsa nyo hehe. Buti ka pa, napasko mo na ang kailaliman ng dagat sa Ocean Park >_<
Ang sarap din sigurong subukan na mag-bungee jumping. Di ko pa na try yan, nerbyoso kase ako haha.
Naku, ingat-ingat ka rin parekoy sa panahon ngayon lalo na at "ber" months na at malapit na ang pasko. Dumadami ang mga masasamang loob sa panahon na ito.
bounce bounce ang gusto ko
magkano ang TF mo bilang new endorser ng MOA? bago ako pumunta dito pumunta
pwede pang sakin nalang yung tshirt na suot mo dun sa pictorial mo sa Moa lagyan mo na din ng signature sir jag. ahahaha
sikat naman ng alalay nila pag nagkataon ahahahah
tama ka enjoy life lang!
Be blessed, salamat sa prayers boss jag.
wow ang saya naman boss jag nyan...parang gusto ko rin subukan ang bambi jamping...ahehehe.. kaso baka magblow ako habang nasa taas at maging water show pa ang labas...lolz..seriously,nice get away ginawa nyo..kakawala talaga ng stress yan.. tama ka dun..,Life is short kaya dapat sulitin....^_^
@ betchai: Oo nga eh but the damage has been done at wala na tayong magagawa dun...hays!
TRy nu madam it's fun! hehehe...
@ fiel-kun: Yup! It's a date with friends hehehe...minsan gala kayo ng family mo a Ocean Park...nakaktuwa doon...at kung stressed ka mawawala ito pag nag bungee fun ka hehehe...
@ Pong: hahaha pinag-initan mo talaga yung t-shirt ko ha hehehe...sponsored lang yung damit ko ng MOA. LOL. 'Wag ka, feelingero lang ako hahaha...
God bless!
@ Enteng: hahaha bakit ka nmn sasabog? LOL. try mo kaya minsan masaya pramis! eheheh...
hindi nman masyado OBVIOUS un pagkaenjoy mo, hehe.
yes, indeed, life is short. enjoy to the MAX!
Buti ka pa, papasyal pasyal na lang. Ang daming lapad. Ilang sako ba? Saan nakatago?
Hi Jag
Wow, jag next time pwede mokuyog..hehehe.. talagang enjoy and enjoy kayo sa paglalakwatsa. Wala pa ko ka anha sa MOA and Ocean Park.Sunod kuyog nya ko..hehehe Kadaghan nalang suyuran sa ato.But dili ko anang bungee kay malifong ko ana..hehehe.
Ang gaganda ng pose ah, poging pogi!! At ang ganda ng porma, simple pero artistahin dating.hehehehe.
Buti naman at hindi natuloy na maholdap ka. Kundi wala ng Jagajag sa blog.^_^
Ingat!
@ imriz: hahaha oo nga eh hindi halata LOL. Kaya habang may buhay, gala lang ng gala...LOL...
@ Jkul: waaah wala na ako sa Japan kaya...kung may malapad man sa akin ngayon, yun ay ang mukha ko hahaha...gala ka din parekoy! Life is short! hehehe...
@ eden: Oo ba manglaag ta puhon pag makauli ka dinhi hehehe...mao ra pud akong pgtuntong sa Ocean park anang panahona hehehe...ahahaha ayaw na lang itry ang bungee fun basin kabuhion ka unya hehehe...
@ darklady: hahaha isa ka nang-uuto ka na naman...o heto may sampu pambili mo ng puto. lol...Oo nga eh buti mabilis ang senses ko kung nagkataon nakakahon n ako ngayon...
ewn ko ba bkit hnd ako nag enjoy nun! eh syota ko nman kasama ko! ahahah!!!
basta ililibre moko ahahalolz!
*wink*
huwaw! ang taas ng talon mo ah! heheheh
pero buti nairaos mo din ang naudlot na bakasyon. so next time dapat kahit may threat na ng bagyo go pa din! hehehe
nakita yata kita sa MWAH MWAH MWAH! hahaha
@ kayedee: ahahaha ganun? nag-away ba kau nun habang gumagala?LOL. Oo ba, y not! hehehe...
@ @ my-so-called-Quest: Alam mo naman pangarap ko talagang lumipad hehehe...ganun? mahal ko pa ang buhay ko doc haha...aba! andami pala nating bloggers dun sa MWAH nung araw na yun. adik! bakit d mo man lang ako tinawag? LOL.
waahhh ang saya ang daming isda apir***
i love fishes to the nth level~~dati nga pinangarap ko maging sirena lols~~
nakakalula ang bungee eklavosh pero matry nga yan pag tapak k jan soon bwhaha...
bakit anong lasa ng food at hindi masarap???
pero enferness mukhng nag enjoy ka haha,,
cge ikaw na may pera para gumala lols~~
morning jag
TGIF wohooo~~
Ang saya ng bungee jumping! hehehehe Kkinggit! =)
Have a great weekend!
@ Unnie:OO dapat isa sa mga places-to-visit mo ang Manila Ocean Park hehehe...subukan mo lahat para maenjoy mo ng bonggang bonga ang stay mo dito sa Manila hehe...
Wala na nga akong bread eh hays!
@ Parts: Yep yep...u should try minsan...Happy weekend! : )
sarap ng weekend ahh!
Ang una kong na-notice ay ang puting-puting-puting shoes sa first piktyur hehehehe. Di ko keri magsuot ng ganyang kaputing shoes. Sigurado, pag-uwi ko ng bahay, kulay putik na yan hehehe
@ sub: pantanggal stress lang ahihihi...salamat sa dalaw!
@ Nortehanon: ahahaha...kung di mo nalalalaman, peyborit ko talaga ang magsuot ng white shoes hehehe...
ayunnoh, may admirer... hehe :) ganda ng kuha ah.. sino photographer? :)
bilib na ako sa mga bloggers
si boss marvs sa goldilocks naman, pero mas big time ka MOA ang sa iyo ahahaah
inuulit ko yung shirt lagyan na ng signature ipadala na dito eheheh
I've missed the Ocean Park.. Gahul kasi sa oras last week.. di bale, next year.. mapupuntahan din yan.
Parang pumopogi ka ngayon....artistahin na ang dating huh!
hahahah!
Namiss kita.
Hello Jag. Wow what a day huh? I am glad that you enjoyed it. Ako siguro hindi ko ata kakayanin inyong bungee fun. I am scared of heights....Well, have a nice day my friend and thanks for the visits.
ay sosyalin...nitugbong na diay ang taga bukid sa syudad...ehehehe...shuang woi...mamuot man ko sa imong post jag...alegre ka kau...ehehehe!
kaka envy naman ang sidetrip mo...have never been bungee before...ayay! murag mangurog man ko...ehehehe!
Malaki na ba nabago sa Manlia Ocean Park? last time na nagpunta ko dyan, January, ang bago pa lang dyan yung dancing jellies.
parang ang srap mgbungee jumping sa MOA...nagenjoy ka nmn kht gnwa k nlang julalay kaya ok n din.hahaha!
Wow. Bongga ang trip n'ya ah. Ako hindi pa nakakadalaw man lang d'yan sa Ocean Park kahit na nabisita na ako sa Rizal Park at saka Intramuros. Di bale. Next time mangbubulabog kami d'yan.
Talagang dinale kayo ng ulan ah. Ok lang yan. Blessing din yan.
grabe parekoy! nainggit ako. gusto ko rin masubukan an... kaso baka hindi ako kayanin ng lubid. mabigat ako eh. hehe. naku, magiingat sa mga masasamang luob. ako, parang advantage sa akin ang height ko kasi takot silang gawan ako ng masama. nyahaha.
chimichiks ka ser, haha. ben tambling ikaw na ba yan?
nakanang ang paka pogi...hehe. sir jag at tga manila k lng pala dapat sinasabi mo contact number mo para pag may EB nasasama k. ^_^
Thank you guys for your great comments!: )
Mukhang sobrang na-enjoy mo nga ang araw mo. Nakapunta na rin ako sa Ocean Park, pero wala pa nung show na hindi mo napanood nung nagpunta ako noon.
Saan 'yang bungee jump na 'yan? Mukhang masaya, pero baka hindi ako kayanin ng mga lubid, he he he.
Indeed, God is really good. :)
@ CaptainRunner: Bosing, bago lang ata yung show na iyon kaso hndi kami natuloy kasi umulan hays! Yung bungee fun nasa atrium lang ng Ocean Park hehehe...
Thanks!
inde pako nakakapunta sa ocean park, wala kasing time nung akoy nagbakasyon, sinakal kasi ang puso ko ng mga panahong un.. :lol:
pero ginapang ko na ang MOA kaya ayos na rin..
go lang ng go masarap mag enjoy sa buhay..
wag masyadong seryoso, kasi life is a big JOKE! :))
super praise God gyud! pwede na pud ka mag gymnast or acrobat! hehe
Post a Comment