Photo credits: Google |
Ayowwwn! Papalapit na talaga ang Pasko. Yung mga tatanggap ng bonus at extra month pays diyan anong balak 'nyong iregalo sa sarili? Malamang karamihan ay nangangarap na magkaron ng kamera. Hindi maikakailang dumarami na ang mga taong nahihilig sa potograpiya. At isa na ako doon.
.
.
Ito ay isang repost tungkol sa kung papaano alagaan ang kamera.. Naisip ko lang na ibahagi itong muli sa mga mambabasa dahil alam kong mayorya sa kanila ay nagmamamay-ari ng kamera.
Kadalasang dahilan ng pagkasira nito ay nabagsak o dili naman kaya ay nabasa. Paano kung sabihing ang dahilan ng pagkasira ay `yon mismong camera bag na pinaglalagyan natin? Ano daw? Oo tama kayo sa nabasa `nyo. Kahit ako nagulat sa sinabi ni Al Eugenio* tungkol dito. Sinasabi kasi na may mga elemento sa ating kalikasan na hindi natin nakikita ngunit nagiging dahilan ng pagkasira ng ating kagamitan.
Habang nakasilid kasi ang kamera sa lalagyan nito lalo na at nasa loob pa ito ng cabinet na kung saan ay hindi pa tinatamaan ng kahit na anong liwanag, sabayan pa ng humid na panahon at paligid na mamasa-masa, ay tuwang-tuwa naman ang mga fungus o amag na tumira sa loob ng ating kamera. Habang tumatagal, lumalago naman ang mga amag na ito na maaring manirahan sa lens na siyang sisira sa kalidad nito. Kahit gaano pa kamahal o katibay ang isang kamera kung pinanirahan na ito ng amag lalo na sa parte ng lens, ay mawawalan ito ng saysay.
Ano ba ang dapat isaalang alang para maiwasan ang ganitong problema? Itabi ang kamera sa mga lugar na nasisilayan ng liwanag. Iwasang ilagay sa mamasa masa at maalikabok na lugar. Upang makasiguro, paligiran ito ng silica. Kung wala namang available na silica, maaring magbalot ng uling sa papel ng dyaryo at ilagay sa tabi ng kamera. Tumutulong ito na sipsipin ang moist sa hangin.
Mas mainam din sa pag iingat ng kamera ang hindi pagpatong o pagtabi nito sa mga bagay (like television, players and the likes) na kung saan malakas ang discharge ng electrostatic. Maraming bagay na maaring maapektuhan sa electronic circuitry nito. Alam ko ang concept ng ESD kasi dati akong nagtatrabaho sa isang electronics/semiconductor industry hehehehe...
Isaisip din natin ang pagtanggal ng baterya ng kamera kung ito`y hindi ginagamit o kung itatabi ito ng matagal. Makabubuti sa kamera ang makapagpahinga. Kung nagkataong may baterya pa kasi ito sa loob kahit naka-off ito ay nade-drain ang baterya na maaring ikasira nito.
.
.
Sana nakatulong itong simpleng tips para mapanatiling maayos at mapahaba ang buhay ng inyong mga cameras.
.
Capture moments this Christmas! Click! :)
.
.
* Al Eugenio: Professional Photographer, Feature Editor of Philippine Digest.
25 comments:
Ayon... good tips!
Kaso nga lang hindi pa ako makakabili ng kamera pero tatandaan ko itong tip mo.
Salamat parekoy!
@ empi: tenks tenks din...bili ka n ngayon maraming murang slr hehehe...
may camera akoh pero 'ung simple lang... may 2 camera akong gustong bilhin 'ung new samsung dual nd 'ung nikon d5000... 'un.. 'un gusto koh tlgang bilhin... hmmm... maybe by next year... sana awa ni God... i'm excited... pero i think yeah bibilhin koh.. actually uutangin.. haha... uy! musta na sexy kong kuya... medyo matagal akong nde nakadaan ditoh ahh... ingatz...stay sexy! later nd Godbless!
oh yeah forgot to say thank for those tips... 'un... un lang =)
@ Dhianz: Heto pugeh pa rin hahaha...go go go buy na hehehe...naghahanap ako ngayon ng slr na parang point and shoot lang ang laki parang mas kumportable ako dun hehehe...
tenks tenks! ingat!
kaya ako di ako bumili ng ganyan dahil ang hirap hirap linisin saka isa pa........mahal!
ingat
Salamat sa tips! =)
Advance Meri Xmas!
Naks.. Tumitips. Gusto ko ng SLR kahit di ko pangarap mag-photography. Haha. Sana yun na lang graduation gift ko.
Shyet! Lahat yata ng sinabi mong maling gawain eh ginawa ko huhuhu pag-uwing pag-uwi ko, aayusin ko na yung camera ko... salamat sa tips!
na alala ko tuloy yung DSLR ko, hinulog ng anak ko sa bintana
weee... gusto ko na talagang magkaroon ng ganyang camera...
yun oh.. naks naman.... kailan naman ang next project for a shoot hehhe :D
ayos sa tips, jag! yes, minsan ang nakakasira ay yung lagayan mismo. kaya yung bag dapat maayos talaga ang pads.
kung kakayanin ng bulsa, puwedeng bumili ng dry box. para monitored ang temperature. magastos hehehe.
idagdag ko na rin, kug magpapait ng lens ay wag sa marumi at maalikabok na paligid, for obvious reasons :)
i meant, "magpapalit". tsori :)
@ Drake: Asus! yakang yaka mo kayang bumili nito hangyoomoon mo kaya!
@ Parts: Ur welcs! Meri xmas!
@ Yow: Gow tell ur parents about the gift u wanted hehehe...mayaman nmn kayo so kering keri lang yan bilhin nila hehehe...
@ Glentot: nakow! ingatan mo yun parekoy! nagasgas p nmn ang card mo sa pagpurchase nun hehehe...ur welcs!
@ Adang: hehehe...ok pa nmn abg slr mo?
@ kikomaxxx: go go sago buy na! NOW na! hehehe...
@ Axl: uhmmm...magawan nga ng sked yan hehehe...
@ Nortehanon: ..hindi ko alam ang dry box na yan hehehe mukhang mahal nga iyan hehehe...tenks sa additional tip hehehe...
pwede ba tong tip sa cam ng cp? ahehe. jaaaaggg! musta?
@ Ced: Hahaha cge ipilit mo baka pupwede hahaha adik! I'm doing good here lolz!
Buti ka pa nga my camera ka, ako wala.. hahai..
JAG!!!!!!!!!! amihueeee! tagal mo nawala ah?sa twitter?lol!
naku, tag tipid ngaung taon, kaya wala ako regalo sa sarili ko kundi pagmamahal lang. =)) wahaha
saludo na ako talaga sa iyo sir jag
all around ka na yehey!
kapag nakabili ako ng camera susundin ko mga tips mo at kung paano magpanggap na may sariling tripod hahahaha
maligayang pasko boss jag
great tips, jag.
Sana magkaroon ako ng cam na ganyan. yan ang wish ko this christmas. I hope my dear Santa will make it come true..hehehe
Salamat sa visit...
good tips yan. kulang na lang ay dslr para ma-apply ko. heheheh
nice tips! kaya lang,wala ako camera eh.. at wala ako pambili.. "ako na mahirap"
Ako ay isang hobbyist din..salamat sa info bro...ito ay malaking tulong.
@ AYu: Magkakaroon k nun balang araw hehehe... Merry Xmas!
@ tim: wushu! ikaw pa eh nakapag photoshoot k nga dati eh hehehe...
@ Emma: Yes naman mapagmahal...knino mo nmn iuukol ang pagmamahal na iyan? lolz...
@ Pong: hahaha matatapos n ang taon d kn pa rin maka get over sa camera tripod na yan ha hehehe...kayang kaya mong bumili nun bigtime k kaya hehehe...
@ eden: Merry Xmas! yung cam n gamit m,o ay point and shoot? Cool! Parang SLR kasi ang result hehehe...
@ khanto: para maapply mo bili k n NOW na hehehe...
@ MD: asus! kung mahirap ka ano n lng kaya ako?
@ jkar: ei thanks for visiting buddy! :)
Post a Comment