Larawan pa lang alam mo ng may kasamaan ang laman ng post na ito. Isasalaysay kasi dito ni Jag ang mga kawalanghiyaan niya noong kabataan niya lol. Oo kayo na ang malinis at siya na ang may marungis na kaluluwa. LOL. Bakit kamo Demonic Angel? Kasi gumawa siya ng masama para sa ikabubuti ng iba. Meron bang ganun? Haha...'Yun kasi ang paniniwala niya NOON haha...Mas masama kasi pag Angelic Demon ang pamagat kasi kahit na ano pa'ng magagandang adjectives ang gamitin sa isang demonyo, demonyo pa rin ito haha...Pero paalala lang, kuwentong nakalipas ang mababasa dito kaya 'wag 'nyo siyang husgahan kung ano man ang nagawa niya noon. Mabait na kasi siya NGAYON. lol.
PROTEIN STAIN (Rated PG)
Anim kaming magkakapatid na puro lalake (hindi halatang masipag ang mga magulang ko). Panglima ako. Pero sa lahat ng magkakapatid, 'yung pangalawang kapatid ko ang pinakakalaban ko. Lagi kaming nag-aaway noon at minsan pa nga umabot pa sa pagbabatuhan ng vase. Ganoon kami maglambingan. Ang sweet noh? Grade 3 lang ako at hayskul na noon si kuya. Bossy itong si kuya. Ok lang sana 'yun kaso sa tuwing may ipag-uutos itong si tatay sa kanya ay palagi niyang ipinapasa sa akin. At dahil sa masunurin akong bunso ay wala akong magawa kundi ang magpaalipin sa kanya kahit labag sa kalooban ko. LOL.
Isang tahimik na hapon may narinig akong kakaiba sa kuwarto ni kuya. Isang tunog na animo'y asong nagkakamot ng kanyang galis * scratch scratch scratch* pero may ritmo ang tunog na nililikha nito. Akala ko nakapasok lang si rimshot noon sa kwarto ni kuya pero nung bubulagain ko sana ang aso ay ako ang nabulaga sa nakita. Si kuya pala, nakita kong nakatayo at nakababa ang shorts habang hawak hawak ang kanyang putotoy na ibinalot niya sa kurtina (he's sooo pig haha). Nahuli ko si kuyang nagtitikol. Panay ang pagpapatahimik niya sa akin noon. Pero hindi ako pumayag na basta ganun na lang. Gumawa ako ng kundisyon. Hindi na niya ako maaring utusan sa tuwing may ipag-uutos si tatay. Minsan pa nga ako na ang nang-uutos sa kanya haha kasi kung hindi siya susunod isusumbong ko talaga siya kay nanay haha...sa murang edad ay alam ko na ang mam-blackmail hahaha...
At dahil sa ginawa ko, hindi na rin nahihirapan magtanggal ng mantsa yung labandera namin dahil hindi na doon gumagawa si kuya ng mantsa at bumait na rin si kuya sa akin LOL.
LIPISTIK (Rated GP)
Grade 4 na ako noon. Problema naman ay itong si bunso namin. Nagiging ugali na kasi ng bunso namin na tumatakas ng bahay na kahit may natuyong laway pa sa pisngi ay nakikipaglaro na sa labas. Ayaw na ayaw talaga ng nanay na lumalabas kami ng bahay na di pa nakaligo at nakaayos kasi ayaw niyang makita kami ng kanyang mga amiga na dugyot na nakikipaglaro sa labas. Gusto niya maayos kaming tingnan. Pero matigas ang ulo nitong si bunso. Hindi na alam ang gagawin ni inay.
Dahil batang Ovaltine ako noon, may biglang nag pop na bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. TING! May naisip na akong paraan kung papaano masu-solusyunan ang problema ni inay kay bunso. Kinuha ko ang lipistik ni nanay at ginuhit guhitan ko ang mukha ni bunso habang himbing na himbing itong natutulog. At alam na kung ano ang sumunod na nangyari nung lumabas siya at naglaro haha. Simula noon ay natuto na si bunso...Bwahaha!
And they lived happily ever after. LOL.
Yun lang muna ang ibabahagi ko. Tinamad na akong mag-type. Kung bakit ko nasusulat 'to? Namimiss ko lang kasi ang family ko. Hiwa-hiwalay na kasi kami ngayon. Busy ang iba kong kapatid sa pamilya nila at sa trabaho. Ako, malapit na ring maging busy (naks). Marami kami, kahit magulo ay masaya naman sa aming tahanan noon.
Naalala ko noong maliliit pa kaming magkakapatid ay kumukuha si nanay ng mga katulong pero nung lumaki na at nagka-isip na kami ay pinalayas na niya ang mga ito, natatakot siya kasing baka lalo kaming dumami sa bahay. LOL. Ngayon, malungkot na sa bahay kasi tatlo na lang sila. Si tatay, si nanay at si bunso. Hays!
Extra:
I already greeted him but I just want to say it again here. Happy 65th birthday to my dad on Nov. 25. I LOVE YOU TAY!
31 comments:
Hahaha! Natawa naman ako sa protein stain. LOL! Ibang level ka tlaga friend. Blackmailer ka na kahit bata pa. I lovettttt! :) Happy Bday to your dad!
hahaha. napakabully mo! hahaha apir!
pero may naisip ako dun sa lipstick. kaw jag ah. ehehehe :P
@ K: haha ewan ko saan ko natutunan yun hahaha...tenks tenks friend!
@ Ced: hahah tuwang tuwa ang isa pang bully hahaha...bakit anong meron pa sa lipistik?
akalain mo yun berdei ni pader mo
kung nagbabasa po kayo ng blog ni sir jag tatay Juan (sana tama ako?) Belated happy birthday po mula sa disyerto.
tanda ko unang comment mo sa akin yata ay father's day post ko nun at ganun din ikaw, simula nun naging makulit ka na sa blog ko hahaha biro lang,
pero yun ang simula alam ko
lols lang sa nagtitikol mong kuya, umamin ka dinumihan mo din naman ang mga kurtina niyo hahaha, wag magmalinis tutal may tide naman o surf hahaha
alam mo parekoi homesick month ngayon dito sa disyerto lalo na papasko na, habang kumpleto ang pamilya siguraduhing sinasabihan sila ng i love you, we'll never miss the water until it's gone.
para sa pamilyang Pilipino! hehehe
ikaw na ang black sheep este black-mail-er hahaha
hahaha kawawang kuya nablackmail pa...hahaha mabuti ako kahit kelan hindi nahuhuli...wehehehe
(tatawa muna ako..ayan tapos na) akala ko kwento mo at ikaw ang nagstain sa kurtina, iba pala... maswerte ka may nakuha kang pang-blackmail sa kapatid mo kung hindi, malamang ay alipin ka nya forever :P
hahaha...aus na aus ka rin ano....di ba batang AM ka, hindi pa uso ang ovaltine noon...
Belated HAberday kay papang!
ingat.
hahaha, loko ka! :]
Uy congrats! malapit ka nang maging busy! hehehehhe... Naku same na tayo... sa bahay si mom na lang at si dad... Nagsimula lang last last sat... hahayz
Di mo nga sinumbong sa magulang mo si kuya, kinuwento mo naman sa buong mundo ang pagtitikol nya lolzz ang kulit lang :D
hindi ko naranasan nyan kaya maswerte ka na lumaki ka na kasama mga kapatid mo. hehehe!
natawa ako doon sa binalutan ng kurtina...... lolz
Pahabol:
HAPPY BIRTHDAY SA TATAY MO. :D
wahhaha pasaway kang bata ka.. wag ganun heheheh :D sobra bully boy ha heheheh...
whahah batuhan ng vase naranasan ko yan sa pinsan ko pero hindi naman yung vase kung mga gamit namin sa school pagnag-aaway kami heheh :D
hhehee.. tama.. pag may inuutos ang magulang sa panganay ipapasa sa bunso.. kakainis yung ganun no..hmpp..
whaha pati pa naman scandal ng kapatid ikwento daw ba whahahah :)) LOL,,,,,
whahaah kawawa naman si bunso.. wag ganun hehehe :D
tinakot si kuyang nahuling nagtitikol. wahahaha. so evil :p
naaliw ako pati sa ginawa mo sa bunso mo. Hindi kaya na-trauma yun?
belated hapberday sa tatay mo! XD
hahaha... huli si kuya! ang galing mo mamblackmail sa murang edad ah! hehe..XD
kawawa naman si bunso nyo, kung sa aming magkakapatid yan, lintik lang ang walang ganti, hehe.
ahahahahahahha, your kuya suppose to do that sa CR!ahahahaha
Naku, namimiss mo nga sila at halata!I can relate!
hahaha... ayon naman pala eh.. hahaha hanggang ngayon ba nababack mail mo pa kuya mo.. wahehehhe...
Oi happy bday sa tatay.. wotwot...
batuhan ng vase? lol
hang sweet nu ni koyah mo..
taragis sa unang storya,,sabi ko na nga eh bad ka,,,,,,nambablackmail ka pa ang bata bata mo pa nun sus~~~~....
teka super bel happy bday kay papa mo,,,,,...
woshooo mabubusy na cya ahihi,,
hahaha. puro barako rin kami at ako ang panganay. minsang nahili na rin ako ng isa kong utol at nangyari na rin sa akin ang pamba-blackmail.
di ko ako natulog ng ilang araw para naman ako ang manghuli sa paggamit niya ng palad. nang dumating ang tamang timing, binuksan ko ang ilaw para mahuli namin ng isa ko pang utol!
bwahahaha
blogenroll \m/
Please vote for Biyaheng Pinoy for the 2010 Bloggers Choice Awards category. You must have your own blog to vote. Please click the link below and read the instruction on how to vote. Awards night will be next week, December 12, Sunday. So we appreciate if you vote us very soon. :) Thank you.
PS. You will need to register in the Philippine Blog Awards website so you can leave a link/comment so they can count your vote as valid.
http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/
naaliw ako sa picture mo. LOL hahaha
belated happy birthday to your dad!
namiss ko rin tuloy mga kapatid ko anyway..lupeet mo kuya bata ka palang blackmailer ka na tsk tsk hahaha ^_^
nyahahaha! Jag, hanung ginawa mo dyan sa pic mo?! hihihi
Yikes!! nakakatakot hitsura mo, Kuya Jag! hehehe...
Natawa naman ako sa Protein Stain. As in, kitang-kita mo pala, Kuya Jag. Haha!! Ambata-bata mo pa nun, marunong ka nang mag blackmail.. at sa kuya mo pa. Pero okay na rin siguro yun.. at least, start young, diba. Hehehe...
Gandang araw, Kuya Jag!
P.S.
Belated Happy Birthday sayong Tatay! Ang tatay ko rin Kuya Jag, nag birthday din noong November 28. Andun po sa blog ko, meron akong birthday post. Sige po.. INGAT! =)
Belated Happy Birthday sa Tatay mo.
Lagot ka sa kuya mo kapag nabasa niya ito, he he he
Kakaiba ka talaga Kuya Jag! Matalino ka... Bata ka pa lang!
ANyways, Happy Birthday to your Dad! Kakainggit kasi may Daddy ka pa... Love your Dad and show him that he's the best Dad in the world....
Pambihira! Ang sakit sa kili-kili ng kuya mo. Haha. Hindi maglock ng kwarto? Gusto i-share sa world ang moment niya with his pet? Haha. At ang sweet. Happy Birthday sa Tatay mo. Namimiss ko na din magulang ko. Huhu.
ahahahaha ayos! habambuhay ka nang ligtas mula sa kuya mo!
hahahhaa kawawa naman si bunso hahahahha! :P
pero oo nga, demonic angel ka kasi at least para sa ikabubuti ng mga tao sa pligid mo ung ginagawa mo. o ganda pa rin ng outcome hehehe ikaw ang nagbibigay ng lessons. AYUN O hahaha
protein stain!!!! panalong panalo sa akin to. hahahha
ako laging nahuhuli. lol. oks lang din sakin. nyahahaha.. tingin ko exhibitionist ako. hahaha.
Post a Comment