Dinaanan ako ng close relatives ko sa bahay upang makasama sa outing. Tamang-tama at wala akong ginagawa kaya hindi na ako nagpapilit pa. lols. After all, matagal tagal ko din silang hindi nakakasama simula ng magtrabaho ako sa malayo. May halos limang taon ko din silang hindi nakikita. Ganoon pa rin ang mga gawi--makwela at maingay. Wala namang okasyon noon. Isang ordinaryong araw lang.
Konti lang kami noon. Ni wala pa nga kami sa sampu. Mas naenjoy ko pa nga ang mini-reunion na yun kesa nung nagdaang grand reunion namin. Kami kami lang. Masaya. Tamang usap. Tamang balahuraan. Tamang halakhakan. Basta, masaya.
Halos tatlong oras din kaming bumyahe bago narating ang nais puntahan. Kabubukas lang ng resort. White sand. Kaunti lang ang tao. Maayos naman at malinis doon. Ok naman ang facilities. Mababait ang staffs. Wala kami sa Bicolandia pero ang tema ng nasabing resort ay patungkol sa Bicol. Everything went smoothly that day.
Maya-maya nagising si baby Lin a.k.a choosy little beggar. Siya ang pamangkin ko sa pinsan. Kung bakit choosy little beggar ang tawag ko sa kanya, yun ay dahil namimili ito ng mga taong pwedeng kumarga sa kaniya. One year old lang siya pero animo'y marunong na siyang mag-judge ng mga bagay- bagay... ng kung sino ang maganda o gwapo. Kung sino ang pangit o hindi. Kapag nakikita niya si Coco Martin o dili naman kaya ay si Piolo sa telebisyon ay magtuturo ito sa TV sabay sabing "wapu". Malantod na bata! lols.
In short, ayaw niyang mapalapit sa mga taong hindi kanais-nais sa paningin niya.Nagwawala ito kapag pinilit.Kaya naman hindi na nagtaka ang lahat kung bakit lumapit siya kaagad sa akin at nagpakarga.Char! Hahaha! Nakagat pa ang leeg ko sa sobrang kilig niya habang kinakarga ko. Tiyanak lang? lols.
Unang beses lang kaming nagkita pero naging instant hit agad kami.At naging instant yaya pa ako dahil ayaw niyang umalis ako sa tabi niya.Buong araw lang naman kaming magkasama haha!Hindi tuloy ako makapanglandi sa beach kasi inakala ng iba na anak ko ang bitbit bitbit ko. lols.
Matalino (mana sa tito) at masayahing bata si baby Lin. Kapag sinabing mag-pose para sa camera ay magpo-pose agad ito na parang model lang hehehe...
Parang magiging spoiled na ata siya sa akin hehehe...
Siya si baby Lin. Dahil sa kanya, naniniwala na talaga ako na hindi marunong magsinungaling ang bata haha! Maraming salamat sa magandang genes ng mga magulang ko haha joke lang!