Nalulungkot ako sa nangyayari sa mundo ngayon ninyong mga tao. Napamahal na kasi ako sa planeta 'nyo. Masakit para sa akin na nakikita ang walang humpay na kaguluhan sa Gitnang Silangan na marami ang namamatay dahil lang sa isang baluktot na paniniwala at ang pagiging gahaman sa kapangyarihan. Sabayan pa ng sunod-sunod na hinagpis ng kalikasan. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng kapangyarihan ko na pigilin ang mga delubyong ito. Dahil sa mga nangyayayri ngayon, alam kong naapektuhan ang karamihan sa inyo... lalo na yung mga taong nasa mababang antas ng pamumuhay.
.
.
Wala akong kasagutan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Nakakatakot pero kung totoo man ang sabi ni mamang may mahabang balbas na matatapos na ang mundo ay hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin. Hindi sapat ang aking kapangyarihan upang baliin ang kanyang propesiya. Wala na akong magagawa pa. Kaya sana ikaw tao, oo ikaw, magpakatatag ka lalo sa panahon ngayon. Sa tindi ng hamon sa buhay ay isantabi mo muna ang pagiging mahina. Lumaban ka at palaging dalhin sa sarili ang dalisay na puso. 'Wag patatalo sa kasamaan. Ikaw lang ang makakapagligtas sa sarili mo. 'Wag kang lumimot sa Poong Maykapal. Siya lang ang tangi mong masasandalan sa panahon ng kagipitan.Wala ng mas makapangyarihan pa sa pagdarasal.
Hangad ko na sana malampasan 'nyo ang matinding dagok sa buhay ngayon. Wala muna kayong maasahan sa akin kasi nangihina din ako. Nahihirapan akong tanggalin ang sumalubsob na Kryptonite sa aking daliri kaya goodluck na lang sa ating lahat. Aja!
29 comments:
mensahe ba ito galing kay superman? hindi ako maka-concentrate dahil sa larawan niya, naiisip ko kasi siya ang nagsasalita..haha pero gets ko ang mensahe..maganda! Panatilihin ang pagiging makadiyos at makatao. amen!
nakakatakot na talaga ang mga nangyayari sa ating kapaligiran....
waah!! si superman pala!! nasalubsob talaga ang term ha!!! kala ko totoo na!
waah!! si superman pala!! nasalubsob talaga ang term ha!!! kala ko totoo na!
ahahaha.. an tawa ko sa dulo! salubsob lang pala ang katapat ni superman! at napakaganda din ng mensahe niya.. at higit sa lahat e gwapo siya..hehe
jhengpot from heavenknowsmj.blogspot.com
yup, pray and believe lang sa Kanya.
Talagang magulo na ngayon ang mundo......di ba last year yata ay nasa japan ka.....doon ka nag aral......nasama ba ang tinitirhan mo sa pag tsunami..
Sa panahon ng kagipitan na dulot ng kalamidad ay sarili lang talaga natin ang ating sandalan...dapat matatag talaga..
bago lahat salamt sa bisita bro.
ika nga nasusulat na yan.. kailangan mangyari ang mga bagay na ating kinakatakuta, delubyo and gyera. kasi pag di mangyari ay walang kabuluhan ang nasusulat.
Korek ka bro na dapt magingg matatag and manalig sa kANYA.
nang dahil sa salubsob...wehehe
di na keri ni superman ang mga nangyayari so goodluck nalang!
Ayos. na connect ko ang tweezer kay Superman :)) magandang mensahe sa post. Tao ang may kagagawan tao rin ang makakaayos ng lahat.
Nice post at ang ganda ng message ni Superman ay este Jag pala..hehehe. We just keep on praying and trust everything to God.
haha ang cute naman neto. i like superman. hehehe :))
sana totoo nlang mga superhero hehe pero sa Taas lang tlga tau sasandal sa oras ng kagipitan..
malapit ng end of the world. at end ng kamay mong nasalubsob...belat!!
hehe. :P
ikaw diay si superman??? ehhee
btw, welcome back. nawala man kag kalit.
basta ang alam ko lang mahal ko si superman! Hahahahahaah! :) Jellow!! Salamat sa munting dalaw mo sa blog ko.. inadd na kita..
Nasabik naman ako sa ending.. si Superman pala ang lumathala ng sulating ito.
Tama, panalangin ang ating tanging sandata sa mundong ito. Pero syempre, sabayan natin ng gawa.
Akala ko naman, CHANE ang magliligtas sa ating lahat!!!!!!! Aliw hehehehe
the best thing we have to do is pray and pray.....:)
haha, i like the content pero i am not sure about the superman thing if matatawa ako or spice lang xa to make the post lighter dahil sa content nito.
I veery much like the content especially yesterday that our Filipino kababayan's were executed in china.
I love this:
"Wag kang lumimot sa Poong Maykapal. Siya lang ang tangi mong masasandalan sa panahon ng kagipitan.Wala ng mas makapangyarihan pa sa pagdarasal."
Sobrang subok ko na ang prayersa maraming panahon kaya prayer andreading bible is the best thing to do today.
may mga prophecy na sa May 2011 mangyayari ang 'The end". Inaabangan ko talaga yun.
Higit sa lahat bilang tao maging aware at handa tayo sa nangyayari sa mundo aside from prayer manuod ng news, maghanda dahil i am feeling na anytime eh lilindol na sa Pilipinas. According kay Noli de Castro hinog na hinog na ang mga fault lines sa bansa kaya dapat talaga ihanda natin ang ating mga kamg-anak at ating mga sarili!
Haha...akala ko kung sinong alien yung nagsasalita, si Superman pala.
Sa tingin ko nagpapalusot lang yang si Superman eh. Ayaw na niyang lumabas at magpaka-superhero kasi pati siya hindi alam ang gagawin sa sandamakmak na gulo sa mundo.
Ay, oo nga pala, alien nga pala si Superman. ^_^
Wushu...may superman pang nalalaman.hahahaha!Tutal gugunaw na mundo, sulitin mo na...Gawin mo na lahat.hahahaha!!!gggooooowwww
Aja nga! Goodluck nlang sa atin! =)
Sa mga pagsabok ko ngayon sa buhay, ginagawa ko lang lahat ng aking mkakaya.
"I can accept failure, everyone fails at something. But I can't accept not trying."
-Michael Jordan
ay grabe... nawala lang ako sandali, si superman ka na? bwahaha. but i feel you buddy... lalo na sa kalagayn ng ilan sa mga kababayan natin. haaay... namiss kita parekoy. by the way, ang halay mo! bakit iba yung pagkakita ko duon sa picture nung mga baboy! bwahaha. kanta ka ulit... yung pumipito :)
ang galing naman ng pagkasulat nito. :)
visiting here kuya :D
Kung meron lang sanang mga ganit na isang tawag ka lang ayos na ang lahat at siya na ang bahala di ayos ang buhay.
Pero tayo lang ang gagawa nito.
nagmamahal..
sendo
Post a Comment