Monday, March 7, 2011

Babuyan Na 'To!


Minsan dumalaw ako sa bahay ng isang kaibigan na matagal ko na ding di nakikita. Pagdating ko sa kanila ay bigla niya agad akong hinila papuntang likod-bahay. Hindi na din ako nagtaka kasi sa isip ko baka na-miss niya lang ako. Halos isang dekada din kasi kaming di nagkita. Sumama na lang ako kahit may pag-aalinlangan. May ipapakita lang daw siya sa akin.

"Ano'ng gagawin natin dito? Baka magalit ang asawa mo?", sabi ko. "Wag kang maingay baka magising sila", sagot  niya sa akin. "Ano ba kasi ang ipapakita mo sa akin?", tanong ko ulit. "Heto Jag oh!", sabi niya. Nang makita ko ang ipinapakita niya ay nanlaki ang aking mga mata. "Wow! Ang laki! Ang taba!", ang tangi kong nasambit.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon. Noong nakaraang taon lang kasi ay nagcha-chat lang kami sa internet at napag-uusapan lang ang tungkol sa paghahayupan nilang mag-asawa at ngayon nga lumalago na ang kanilang negosyong babuyan. Marami silang alagang baboy sa likod-bahay nila. Sa tingin ko maayos ang pag-aalaga nila dito. Malinis ang kulungan. Malulusog ang mga alaga nila.

Marami din kaming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay. Pero mas naengganyo ako tungkol sa usapang pangkabuhayan. Parang gusto ko na tuloy magbabuyan kaysa maging isang pobreng empleyado. Kung kinaya nga ng kaibigan ko na mapalago ang pangkabuhayan niya ako pa kaya? (yabang lang lol). Ano sa tingin 'nyo ang mas mainam?

---oooOOOooo---

Hello peeps! It's been a while! Akala 'nyo ha kung ano na ang ipinost ko haha! BABOY lang yan haha! Na-miss lang kasi kayo ni Jag kaya may pagkabaliw ang post niya ngayon. LOL. May pinagkakaabalahan lang kasi siya lately kaya hindi niya muna kayo madalas madadalaw...Ingat!

40 comments:

Rap said...

ahahaha... tagal ko na nakita ung pic na yan... sa unang tingin bastos.

EngrMoks said...

at mukhang busy ka nga parekoy..anu naman ang pagkakaabalahan mo? hehehe

Akoni said...

hahaha...akala ko kung anung baboyan..

pero kung magaling ka mag negosyo why not chocnut poknut at pokwang.

Anonymous said...

naloka ako sa pic.

http://akosicinderella.wordpress.com

eMPi said...

babuyan nga. Hahaha

iya_khin said...

hahaha! nadale mo ako ha sa unang tingin, napa second look tuloy ako!! hahaha! gulat ako dun akala ko kung ano na! salbahe ka!

Lhuloy said...

dati dn kameng nagaalaga ng baboy...
maproseso pa nga ih...jejeje...lo long...

Mrs.D said...

labay ko dire jag...been awhile...:) salamat sa paglabay tawon sa akong munting payag...ehehe!

woi, lahi ako huna-huna pagkakita nako sa pic...waaaa...at first abi nako ug legs, tapos naa naggbitay in between...nyahhahaa...sorry! baboy man diay ni...lol!

uno said...

hahaha nung una akala kong anu tapos bigla nabanggit mo hayupan kaya un ng secong look ako hahaha

kringles said...

hahaha! baboy nga kuya! :D

RAV Jr said...

dapat attend ka muna ng seminar nyan pra may idea ka kung pano makapag-alaga ng mabuti at di sila magkasakit, pero tama, magandang idea nga yan...wag lng kau masyado maka-istorbo sa mga kapitbahay kase mabaho din ang babuyan =D

redlan said...

uy namiss kita. paclick ko nga bumungad sa akin ang picture. tingin ko hita. dalawang malalaking baboy at isang biik sa gitna pala. lmao. Okay ang piggery kahit isang inahin lang naman.gawing inahin tas pag manganak and after six months pwede na ibenta.

-Parts- said...

Adik! hehehehe

goyo said...

yan din ang gusto kong maging negosyo balang araw kaapg nakapag-ipon na ako. hehe. :D

Unknown said...

ok ang shot haha babuyan nga..

poks said...

magandang idea..maging alipin ng kababuyan,hihihi

go jag..magandang negosyo yan!

mga tsinelas ni nieco said...

kewl yung picture. akala ko kung anong kababuyan, baboy nga. eheheh

Ishmael F. Ahab said...

Babuyan na ito Jag. :-P

Baboy pala iyong mga iyon. Akala ko...akala ko...

eden said...

hahaha.. lain gyud akong hunahuna. hahaha.. katawa jud ko oi, nindot pagkakuha nimo. cute little piggy.

Arvin U. de la Peña said...

ang sarap kumain ng baboy..lechon baboy,hehe..good luck kung matuloy ang gusto mo na magbabuyan..

Sendo said...

napa-sobrang "HA? ANO YAN?" ako sa picture. weehh..buti na lang nagbasa ako kundi mabababaoy ang utak ko haha

glentot said...

Eww yung pic akala ko tite ahahahahaha

ajieluz said...

first time i saw the \picture, i thought its your penis but damn, it was not good. hahahaha im just joking, anyway, im looking forward to your plan to have a business, you just have to think twice before you enter on it. you have to gather more information for you to gain a lot. good luck

Life Moto said...

ang lupit, akala ko kung ano yung image na yun. naduling ako sa kaiisip hehehe

khantotantra said...

baboy. :p mataba at malalaking baboy. hehehe

Sows said...

kala ko nga patatas na deformed.
hihi.


tapos may ulo..
hihi.
:P

Ian Judah said...

ikaw na ang bumabakasyon at pumapangkabuhayan showcase, sana matuloy yan. ang baboy mo!
wag mong sabihing tripod na naman yan? xD

Yen said...

hahaha! babuyan nga . Alam mo ako din naisip ko na rin yang ideya na yan, pakiramdam ko kasi d ako yayaman sa pagiging empleyado lang. Hahay, kaso di ko naman kyang mag alaga ng mga baboy! hehe

MiDniGHt DriVer said...

hehe.. hayyyuuuuuppp na mga baboy na yan! ..hehe

EMOTERA said...

walangya kala ko kung ano na ang photo ang galing ng camera trick! hahaha

astig naman... maraming pera yan tiba-tiba ka talaga pag babuyan ang negosyo. :)

David said...

Haha nablind ako sa pic. kala ko nga kabastosan to. di pala.

good day folk.

http://arandomshit.blogspot.com/

Enhenyero said...

hahah mabigla ako sa main pic kala ko ano na. bigla ko na scroll down tuloy...

di naman pinagsasama ang maliliit na biik sa malalaki unless inahin..

tried this babuyan before, kulungan na lang naiwan sa amin heheh

Frankie said...

Babuyan nga itong post mo.... :D

CaptainRunner said...

Ako rin, ayaw ko na maging pobreng empleyado. Kaso mahirap din kasing magnegosyo.

fiel-kun said...

wuy parekoy! musta na! haha, ang tagal ko din hiatus sa blogging lols.

Natawa ako sa post mong ito about babuyan haha.

krn said...

LOL! ang tagal ko tinitigan. hindi ko maisip kung ano hahaha. tapos binasa ko, ayun baboy pala. LOL!

analou said...

Grabe na to Jag.... hehehhehe musta na kaibigan?

Christian | Lakad Pilipinas said...

ayos ang pagkababoy ng istorya! =P

Unni said...

sira ba mata ko or madumi lng talga ang utak ko haha,,,nung una kala ko ang bastos ng picture,,jusko ang tagal kong nagets mga 100seconds?haha
what keeps you busy lately jaguar????hamishue~~

Anonymous said...

Na try ko nang maging shooter ng mga baboy. Kung may balak kang maging baboy breeder, dadaan ka sa landas na yan. Kantaritas, anyone?


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner