Yuri with me and my crazy hair. |
Minsan kaming napadpad ng boss ko noon sa syudad ng Sendai upang maghapuan sa isang kilalang restaurant doon. Hinding hindi ko makalimutan ang inorder namin noon na sikat na sikat na pagkaing grilled cow's tongue o mas kilala sa tawag na gyutan. Kahit hindi ko masyadong nagustuhan ang pagkain ay ayos lang kasi nakilala ko naman si Yuri chan, isa sa mga crew ng restaurant. Maganda, masipag at mabait. Hiningi ko kaagad ang number niya kasi hindi kami pwedeng mag-usap ng matagal dahil marami pa siyang ginagawa. Simula noon, naging malapit na magkaibigan kami at madalas magpalitan ng text messages at e-mail sa isa't isa. Madalas din kaming magkita kasama pa ng iba pa niyang mga kaibigan kapag may mga libreng araw kami. Kahit papaano, nabawasan noon ang pagka-homesick ko.
Mahigit isang taon na mula nang lisanin ko ang bansang Hapon. Tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Hindi siya pumapalya na sumagot sa mga pangangamusta ko sa e-mail. Pero nitong mga nagdaang linggo mula ng mangyari ang di inaasahang delubyo sa Japan ay wala na akong narinig pa mula sa kanya. Nakakalungkot isipin pero 'wag naman sana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana ay nasa maayos na kalagayan ngayon ang babaeng minsan nagpatibok ng akig puso...
...at sa bansang mahal ko pangalawa sa lupang sinilangan, alam kong babangon at babangon kang muli. Ganbarimasu!
22 comments:
i pray that she'd be alright.... have faith in God kapatid
:)
am sorry, I am with you in prayers that hopefully her silence is not because she did not survive the tragedy but rather, hopefully just because of limited communications due to tragedy she is not able to communicate with you. Hope you'll hear from her soon.
sana nasa maayos nman sya at magkikita kyong muli..
ay kakalungkot at kakatakot namang isipin.. pero huwag naman sana... I'll pray for her... Inshallah she's in the best of everything... pero pare.. maganda siya...
hala..wala ka pa rin balita sa kanya? nakakapag-alala naman yun...
Life is full of tangles. But that makes us a person of who we are today. I hope she is safe now. At ng na shock naman ako sa El- Buhok mo... hehehehe
Hope she is OK.
1. sana OK sya.
2. natawa ko sa buhok mo dati. piz.
Nasaan na nga kaya si Yuri Chan......masakit isipin na ang siyudad ng Sendai nasalanta talaga ng tsunami..sana walang masamang nangyari sa kanya.....
Tiyak namimiss mo na si Yuri Chan..sana makabangon agad ang bansang Japan sa nangyari..
ay naman! sana hindi nabawasan kaming mga kyut rito sa mundo! LOL, hehe. ang ganda pa naman niya ^^ wow jag ha...jackpot you! pag nag email siya sayo....consider it a sign! SIYA NA! playing matchmaker here hahaha. But I hope she's all well
I hope and pray she is OK.
Mora sad ka ug hapon sa pic..hehehe
hanggang ngayon pa rin ba wala pa kayong communication......ilang taon na si Yuri Chan..
sister mo yan? look a like! ehehe.
missyuuu diiiii :)
Hala. Sana nasa mabuting kalagayan lang si Yuri. Ipinalangin mo siya sa ating Diyos at sigurado ako na ginagawa na Niya ang lahat ng mabuti para sa kanya.
SANA... kunin na siya ni LORD.. heheh joke lang ha.. pero SANA she's ok... noit sana but I hope she's ok.. :)
sana walang masamang nangyari sa babaeng minsan naging tibok ng puso mo..
oh sad story. I hope she's ok! Just keep your hopes up :)
i hope she's ok. and i hope you are too. tagal mo na ring absent sa blog mo ha? gumagaya ka sa akin? haha. take care brother :)
nakakalungkot talaga ang nangyari sa japan. sana nga ay walang nangyari sa friend mo parekoy. let's pray for her safety.
ang haba naman ng hair mo, literal na mahaba talaga. haha. she's ok. be positive. :)
awww. kalungkots naman yan.. sana nasa mabuti nga syang kalagayan..
IDOL ang hairstyle mo dito pre! hehe.
Post a Comment