Isang maaliwalas na linggo ng umaga nang tunguhin namin ang isang malawak na campus sa Los Banos para mag-jogging. Isinama ko si Darlah at ang isa pang malapit na kaibigan. Naisipan ko lang magpunta sa lugar na iyon kasi gusto ko lang makahinga at makapag-isip ng maayos. Tahimik at maganda ang tanawin na bagay na bagay para sa mga taong nagugulumihanan tulad ko. May isang malaking bagay lang na kailangan kong pagdesisyunan. At nakakatulong nga ang magandang paligid at ang presensiya ng isang kaibigan para sa pagpili ng isang desisiyon.
May halos apat na taon na din ang nakalipas bago muling makabalik dito.Muling nagbalik ang mga alaala. Isa na rito ang alaala ng isang babaeng minsang nagpatibok ng aking puso. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin kami nagtagal. Sa tuwing nakikita ko ang mga naglalakihang mga puno doon, natatawa na lang ako sa sarili. Bantog kasi na tawag sa mga punong iyon ay fertility trees. Kung bakit fertility tree? Doon kasi madalas nagaganap ang pagsasanib ng dalawang nilalang upang makabuo ng isa. In short, walang budget pang motel. LOL. Doon din kami madalas tumatambay ni ex dati upang makapag-usap LANG. Pramis nag-uusap lang talaga kami. Swear! Cross my heart! At saka isa pa may pang-budget ako noh! Joke lang! Hehehe....
Marami ding tao ang nagja-jogging noon. Sadyang nakakaengganyo ang ganoong atmosphere. Pero bago kami nagsimulang mag-jogging ay nag-picture picture muna kami. Pasintabi na lang po sa mga kumakain diyan na nagbabasa ng blog na ito kasi halos lahat ng larawang inilathala dito ay may mukha ko. LOL. Nakakaumay na ba? LOL.
Ahihihi Darlah stop it nakikiliti ako.LOL |
Hayun, patakbo takbo kami ni Darlah at ni kaibigan habang nag-uusap ng masinsinan. Masarap pala sa pakiramdam ang ganun. Nakakapag-isip ka ng maayos kasi maganda ang enerhiya na inilalabas ng katawan. Matapos ang ganoong pag-uusap ay naging buo na ang aking desisyion. Ito na talaga! Final na!
Pero energetic pa rin si Darlah at gusto pang makipagharutan kaya naghabulan kami. Perstaym niya lang kasi sa naturang lugar kaya ganun na lamang kataas ang energy level niya. Grabe pinagod niya ako.
Matapos makapagpahinga ng halos isang oras ay napagkasunduang umuwi na. Mataas na din kasi ang araw at medyo masakit na sa balat ang sinag nito.
Pero bago kami tuluyang lumabas ng campus ay pinababa muna ang ASO upang maka-ihi. See picture below. LOL.
Tabi-tabi po! |
Ay sorry ako pala 'to. LOL. (Ang corny ko talaga hahaha). Pero pasensiya na talaga para sa mga magkasintahan na nagbabalak na gawing motel ang punong ito, medyo mamamanghi lang ang love nest 'nyo. LOL. Puputok na pantog ko eh.
Pasensiya na din mga tropa kung medyo maligalig ang entry ko ngayon. Sa totoo lang tinatamad talaga akong mag-blog. May inaasikaso lang din ako sa kasalukuyan. I'll make up to you next time. With matching lipstick, foundation ang maskara. LOL.
Teecee! Slurps!
Extra:
My cousin's first baby died last Thursday. Premature baby kasi 6 mos. lang ng ito'y ipinanganak. Nakakakungkot kasi one week lang nakapiling ng pinsan ko ang angel nila. At hindi ko man lang din nakita ang pamangkin ko. : (
48 comments:
Siguro ung photographer mo eh yung aso? lolzz
Photos na ang nagkwento..di na kailangan ng mahabang salaysay... Nice bonding moment with your dog... Inggit ako sa kotse mo.. Teka sino yung photographer mo?
nice shot! galing ni doggy..hahaha...pero ayus yung exercise na yan...panalo! once lang ako nakapagexercise ng sunday morning dyan kaso basag basag katawan ko kasi nagbike lang kami mula bulacan to UP..makapagtipid lang ng pamasahe..nyahahaha...^_^
natawa ako sa fertility tree at sa description nito. haha!
ang sarap naman magjogging dyan.
nag enjoy ako ng bongga sa post na ito at ang pagmamataray mo sa fertility tree damang dama ko hehehe..tnx for leaving some comment to my corner.. I hope eventually worry free ka na..(parang whisper lang lol)
namiss ko ang elbi!!!
lots of memories there, whew!
alam ko yang bantog na fertility trees,, bad ka inihian mo,, haha!
im sorry for your cousin's first baby..
Ayos... reminiscing o haha!
Ang cute naman ni Darlah! Haha!
Kawawa naman ang fertility tree... Wala pa ngang baby, bininyagan mo agad haha!
wow legs!hahaha...seryozo usap lng gnwa nyo?d zguro...haha!buti nmn npgdesisyunan mo ang dpat pgdesisyunan.ano mn un!ano b un?hahaha!naintriga.
cge na nga.. (gustuhin ko ng) maniwala na nag-usap lang kayo hahahaha
cno picturegrapher? :P
di ko malaman kung si Darlah or c jag ang malandi.. yun lang hhahahaha
Hello Jag. talagang pinapatawa mo ako lage sa post mo. Nakapapagod talaga makipaglaro sa aso. Itong aso ko kahit boung araw kang makipaglaro hindi hihinto eto. Para nga itong si super aso very energetic....Enjoy your dyay
ok, first of all, ang cute nung aso. babae ba? pag nanganak, pahingi ng isa ha? haha. maganda talaga jan sa up los banos no? nakapunta na ako dyan before. i tried upou din dati, entrepreneurial development kinuha ko. ay sus, mas mahirap pa hanapin ang klasrum kesa sa course! haha. di bale, once a month lang naman yung face to face encounter namin. haaay... parang di ako naniniwala na may budet ka nuon! umamin ka, ginawa niyo ding pugad ng romansa yung puno no? kadiri naman yun parekoy! nyahaha
naks pamatay sa porma, mukhang nagjogging ka lang para pumorma sa mga kolehiyalang nandyan eh! At terno pa, parang mamasko lang!hahahha!
At may sarili ka pang photographer para kuhanan ang pagjojogging mo! Artesta??
Ingat
ang lupit ng blog.. san ka pa!! astigin din ung mga capture ha... sinu kumuha un... pude na to lagay sa isang lifestyle mag hehe...
astigin din ung aso.. ilang taon na sia sayo?
:D
ang ganda ng lugar..di pa man ako nakakapunta jan ramdam ko na napakapayapa ng lugar..parang simenteryo lang..joke...ayuz ang 3rd and last na pix. ang kulit parehas labas et!ts...
PS: my condolences to u, ur cousin and his/her family. :(
i wonder too who is your photographer? nice shots, i especially like the one where you are running with Darlah, really a great bonding moment and fun pic. wonder too what was it you were seriously contemplating about? hope you were able to come up with decision, no matter what it is, I hope it will bring you the best.
Hello friend! :) Ang cute ng doggy mo! Kamuka mo! Hehe. Natawa ko sa fertility tree! Napakadefensive mo! Guiltyng-guilty ang dating! Hehehehehe! :p
every time I came here makahagikhik jud ko..as in...hahahaa...atot kau!.....:)
lol....makahinga at makapag-isip? serious au bay...lol!
ka cute ni Darlah...abi nako ug kinsa nga chick...doggy man diay....she does looks like our dog...unsay breed nya?
btw, love yout outfit...nice kau....:) I mean...I like the color...BLUE!
aw darlah! hangkyut! :D
hindi ka naman naka color coordinated no? hehehhe kasi pati yung medyas mo. hehehe
akala ko sa UP diliman ka nagjog sa LB nga pala kung di mo pa sinabi dati.
Naks sporty ka pare koy! kailangang pikturan habang nakikipaglaro kay darlah! artist??? LOLs
Bakit sobrang defensive mo dun sa fertility tree?? sus! hahahaha
Stay healthy brader!
miss ko na din ang elbi
halos ng mga conference namin sa campus ministry diyan ginaganap nun kaso nung matayo na ang faith building dun sa may sta. fe sa baba ng elbi ay dun na ginaganap.
ok sana kung ginaya mo talaga si oblation (eheheeh) parang onsen lang sir jag.
on a serious note, yung pamangkin mo ay nasa langit na siya.
be blessed sir!
parang hangyaman lang ni jag.
ang kyut nman!!! ng aso ahahhaa!!
cge ikaw na din. at matanong ko lang,, nag hihire kaba ng photographer mo? aahhahha!
hamishu na!! slurps!
parang nagtaasan balahibo ko don sa aso parang hihikain ako once na madikit ako sa kanya pero super cute tlga yung aso. ahahaha
Ang ganda ni Darla.
May camera stand ka, o may sarili kang photographer?
eii ^_^ aba naman!! hindi ko lubos akalaing magugustuhan ko ang pagtambay dito!!! buti nalang at natagpuan mo ako!! hahaha (thanks for the visit ^_^)
Well, about the fertility trees (hahaha) madami din nyan samen, minsan nga kahit hindi pa sila ganap na puno eh!! kahit sanga palang talo talo nah!! hihihihi!!
>>> Naway ang bonding ninyo ng cute na cute na doggie mo eh nakatulong sa pag iisip mo!! minsan naman kasi being alone really helps alot!!! diba???
>>> followed you na!! follow me back too ^_^
Wahehe parekoy! ang sweet naman ng date nyo ni Darlah haha XD
Diba malapit lang sa Mt. Banahaw yang UP LB? ang ganda ng campus nila, very close to nature. Ganyang mga school/university ang gustong-gusto kong mapasukan. Preskong presko sa pakiramdam kasi ang daming puno.
Naku, nagsay ka ba ng "tabi-tabi po" bago ka umihi jan sa puno. Mamaya mamaga yung ano mo ..... hahaha!
Abi nako ug kinsa si Darlah.Pa thrilling ka pa... well, she is so cute naman.
hoi bawal mangihi dyan..hehehe.maayo pa mo kung ka hid on bisan asa lang talikod pero kami mangita gyud ug sikit sikit..hahahaha..
kala ko bumalik sa UP para sa health and wellness---yun pala para gunitain ang mga ala-ala ng nakalipas.bwahaha
sino naman photographer mo jag-uar?
kung si fren mo yan sino yun?
pak
matanong aketch
cge na ikaw na ang may budget~~
hang kulit nyo Darlah hahaaa....
btw kyut kaau ka didto oh tong gihimo nimong unlan c darlah :P
-unni-
(tamad mag log in)lols~
gusto ko tong picture na nyo na ito:
http://3.bp.blogspot.com/_GrfrY__jSRo/TI3BnXkCAEI/AAAAAAAABNo/obGZeSSFZdY/s320/jog5.jpg
ang cuuuteee... :)
Nice. Tumakbo rin ako sa UPLB last Sept 4, pero bundok ang route namin. Sarap nga tumakbo habang may dapat kang pagdesisyunan, katabi ang iyong matalik na kaibigan. Pero nung last time na ginawa ko 'yan, hindi pa rin buo ang desisyon ko, marahil, kulang sa takbo :)
ganda nman jan sa elbi...kaya lng malayu
Repa Yufi Elbi Grad ka din? astig! Alumni!! :D
Uy, LB! Andyan ako mga a week ago yata hehehe. Andaming batang naglalaro ng baseball nung nagpunta ako. Tapos dumiretso na ako sa Makiling Botanical Garden. It's a nice place.
Nakakatuwa naman na nakapasyal dyan si Darlah. Heto, o, naiinggit si Nemo ko. Sabay kasi naming tinitingnan ang pictures niyo ni Darlah hehehe.
Sarap nman ng layp pajogging2x lang.. =) Morning!
kala ko nung una circle place this. LB nga talaga... At UP pa.
how much's the dog. ay.. akin na lang. lolz
makapagjogging nga din minsan, inggit me much.
ang cute naman ni darlah.. =) sya na ba pinalit mo sa ex mo.Hehe
Masarap magjogging pag nakajogging outfit di ba? =) totoo yun.
UYYYY GUYS.. PATULONG NAMAN... KELANGAN KO ng maraming feed back sa unang guest post na ginawa koooo
please please please...
thankss
http://jumblemash.blogspot.com/2010/09/i-have-guest-long-distance-love-affair.html
ang ganda ng paligid..malinis...ayos ang aso mo..maganda ang kulay..man bestfriend talaga ang aso..
nice dog!ganda talaga ng UPLB...i wonder who's the kaibigang photog..hmm...
minarkahan mo pa yung puno hehe astig
Ang ganda ng aso mo bossing... Pa kiss sa aso mo... Hahahaha....
Nakikiraan lng po....
-
Pa add nman sa friends list mo... Na add na nga pala kita... Thnx...
cute ng dog mo. pwedi ko sya pkilala kay bimby dog ko? :P
chada chada...pwede na ka ipuli sa oblation statue haha ^^
Appreciate your comments guys! God bless!
Kinain ang oras ko para mahanap ang comments box. nasa taas lang pala!
Ang ganda ng elbi noh? HAHAHA.
http://iskangsabaw.blogspot.com/
cute pala si darlah!
nice place nga to go walking! la pa ako nakapunta dyan..naku di na nakapigil...lol sa lasr pix..
condolence to the lil baby...sad story talaga..
Post a Comment