Mahigit dalawang oras din ang nilayag ng mag-anak bago makarating sa isla ng Bohol mula Cebu. Lahat ay eksayted. Sa sobrang eksayted ay mas inuna pa ang paggagala kesa kumain. Hindi na inalintana ang gutom na nadarama.
Sa tulong ni manong drayber ay napupuntahan namin ang mga nais naming puntahan. Una naming tinungo ang pinakabantog na Chocolate Hills. Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko kung gaano kaganda ang animoy matatambok na dibdib ng mga babae na nakausli sa lupa. And dami dami. May mga sabi sabi na dati raw sakop ng karagatan ang isla ng Bohol. Ang mga hills daw ay likha ng malalaking alon, humupa ang dagat at sa pagdaan ng libu-libong taon ay naging sediments ang mga ito. At iyon lahat ay base sa sinabi ni Manong drayber hehehe...Sorry na first time ko lang din sa lugar kaya naniwala ako kay manong hehehe...
View of Chocolate hills in Carmen Area
Hinahabol namin ang oras kasi medyo late na kaming nagliwaliw. Bago nagtanghalian ay sumaglit muna kami sa hanging bridge. Gusto lang sumubok ni inay na dumaan sa umaalog -alog na tulay. At natuwa naman ako sa naging reaksiyon niya. Sisiw lang daw pero nangangatog naman ang kanyang mga tuhod sa takot hahaha...Hangkyut ni inay pramis! hehehe...
Pasado ala-una na ng hapon nang sapitin namin ang Loboc River kung saan matatagpuan ang sikat na sikat na mga floating restaurants. At nakakaramdam rin pala kami ng gutom kaya nagpareserba na kami ng table.
At take note, bawal ang mababagal at mahihinang kumain dito kasi buffet style siya. Lugi ka kung mag-iinarte ka. Kaya naman ngasab dito lamon doon ang ginawa namin para sulit ang bayad hehehehe...
Habang kumakain ay hinaharana kami ng isang mangangawit. May katandaan na siya pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Maganda ang tanawin di ba? What if may biglang sumulpot na monster sa ilalim ng tubig tapos biglang manggulo sa aming paglalayag? Naisip ko lang hehehe....
Dinalaw ang nawawalang kamag-anak....
Kasama ng iba pang mga dayuhan ay namangha ako sa mga katutubong sayaw na ipinamalas ng mga residente doon. Dahil sa nagandahan ako, napadukot tuloy ako ng 20 pesos para sa donasyon (yun lang ang kaya ko eh) hehehe...
Nainggit ako sa mga naliligo pero sa kabilang banda naisip ko pa rin na baka nga may dambuhalang nilalang na lumalamon ng tao...kaya hayaan ko na lang sila na lamunin ng monster este hayaan ko na lang sila na maligo hehehe...(Hangkulet ko)
Hindi pa doon nagtapos ang getaway ng mag-anak sa araw na iyon. Dumaan kami sa man-made forest. Bumaba at nag-fecture fecture...
Dinalaw ang nawawalang kamag-anak....
Sa wakas! Natupad na din ang pangarap ko na mabuo na ang pamilya. Siya si Tarsy, ang nawawala kong kapatid.
Isa din sa dahilan kung bakit pumunta kami ng Bohol ay gusto lang uli makapagsamba ni inay sa Baclayon Church. Parang may panata ata siya dito.
Medyo pagod na ang lahat pero marami pang kailangang puntahan kaya dumiretso na kami sa makasaysayang "Blood Compact".
Hindi na sana namin pupuntahan ang bahay ng pinakamaliit na tao sa Bohol pero nakyuryos lang ako kaya pinilit ko si manong drayber na tukuyin ang lugar. At doon nakilala ko si lolo, 63 years old, halos dalawang talampakan ang taas niya. Hindi na nakakakita, hindi na nakakapagsalita at hindi na rin nakakatayo. Maselan na din sa pagkain si lolo. Medyo naantig ako sa kalagayan niya. Tanging ang bumubuhay na lamang sa kanya ay ang mga donasyon ng mga taong dumadalaw sa kanya. Kaya kung magagawi man kayo ng Bohol, sana mag-abot din kayo ng kaunting tulong sa kanya.
Hayun, pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa Panglao para mag-overnight stay. Kahit pagod ang lahat ay bakas sa mga mukha ang tuwa at saya dahil sa magandang karanasan na hindi malilimutan lalo na't magkakasama kaming mag-anak. Pero bago ko pa naipikit ang mga mata para matulog ay bigla kong naalala na nakalimutan pala naming puntahan ang Hinagdanan Cave. Hays! Sabi ko na nga ba. Eneweiz hayweiz hanggang dito na lang muna ang kwentuhan mga tropapitz!. Abangan 'nyo na lang ang not-so-happy island hopping experience namin sa isla ng Camiguin.
Hanggang sa muli! Enjoy your summer!
Hanggang sa muli! Enjoy your summer!
53 comments:
minsan na rin akong nakapunta sa bohol..katulad din nag sight seeing,hehe..sinama kasi ako ng pinsan ko mula amerika..ang name ng tinuluyan namin ay seaside inn yata iyon..maganda nga ang bohol..doon sa maraming paru paro ang una naming pinuntahan..tapos sa lumang simbahan..ang makita mo ng mga tao sa isang tourist spot ay halos ganun din kapag pumunta uli sa isa pang tourist spot,hehe..at lahat siguro ay diyan din kumakain sa floating restaurant na iyan..habang kumakain ay may kumakanta..eat all you can..2007 ay 250 per head..ewan kung magkano na ngayon..
@ Arvin: Hindi namin napuntahan yung sinasabi mong maraming paru-paro. Ang destinasyon kasi namin ay from Tubigon to Panglao. Sa route na yan ay marami nang madadaanang scenic spots and landmarks. Ngayon bosing medyo mahal nang kumain sa floating resto hehehe...
ang fave ko pala angh eat all you can sa floating restaurant..hahaha!
hello hello@!! very very nice talaga sa atin..also visited bohol last Feb. 2010. thanks for sharing these wonderful photos at sa mga magagandang salita...ingat po!
Ang yaman puro nalang bakasyones!
Hay naku nagtihin jud daw siya sa pic... makit-an lagi ka sa camera ayaw kabalaka! jijijijijiji... saka gaya gaya ng pic sa tarsier... jowk! nyahahahahahha... At last diba... with the family naman... jijijijijijijiji
nainggit naman ako dun sa ride a boat with someone serenading you in the background..parang nasa venice ka..hehehe ^_^
Ay wow! Balak ko rin dalhin jan sina mama. =D Magkano ba budget? Lolz ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunter
wow...sige sulitin mo ang time with pamilya...camiguin naman wow! at saka di namin napuntahan ang pinakamaliit na tao sa bohol...gusto ko pa naman bumalik ng bohol...di niyo rin ba napuntahan yung napakalaking ahas? tingin ko un ata yung pinakamalaking ahas sa pilipinas ...i think.
panglao! gusto ko talaga bumalik ng Bohol! at hanapin rin ang nawawala kong kambal haha
@ arvin...di rin nakapunta sa paru-paro na yan...
Waah parekoy! di ka naman nangiinggit nyan? talagang gala to the max ang ginawa nyo ah with ur entire family! sarap!
haha, hang cute nung tarsier haha.
Alam mo ba, pangarap ko din marating yang Loboc River na yan... sobrang ganda at linis nya grabe. siguro, maluluha ako sa tuwa pag nabisita ko ng personal yan.
Happy Earth Day!
Ang ganda talaga sa Bohol..isa sa dream vacation list ko ngayon taon... May barkada din ako may picture kasama si Baloloy ba ngalan nya? yung maliit na tao?
Sarap iuwi ng tarsier at alagaan dito sa bahay...may nabibili bang buhay nyan? o endangered na sila? haha
Amazing talaga ang bohol! hehehehe Nmiss ko ang mga kalahi mo "tarsier" nyahahahaha jowk!
@ Euroangel: Yeah! Maganda talaga doon at hindi ako magsasawang pabalik balik doon kung may time lang...Douitashimashite!
@ Ruby: Ako din fave ko din kasi masasarap ang pagkain doon hehehe...
@ Jepoy: Minsan minsan lang pre hehehe...
@ xprosaic: Ano daw? What do u mean by "NAGTIHIN" ? Adik ka ba? Ikaw lang ba may karapatan kung anong pwedeng gawin sa pic? hehehe...Of course spend quality time with family jud d tulad ng iba jan mapipilitan lang na makita ang family kung di pa pagsabihan na kailangang umuwi sa family LOL!!!
@ superjaid: Oo romantic din sa floating resto na un lalo n pag gabi kasi maraming lights sa gilid ng river...
@ Solo: Ur Mom deserves a treat. Go ibakasyon mo siya sa Bohol. Budget ba kamo? Depende kung gaano kau katagal sa Bohol hehehe...
@ Ayu: Oo maganda talaga doon hehehe...so ibig sabihin nkapunta k n din sa Bohol? Sana nga dinggin ni Lord na yumaman ako hahaha...
Ingatz!
@ Sendo:Minsan minsan lng kasi pre kaya sinulit ko na ang makasama ang family ko hehehe...napuntahan namin ung giant phyton hindi ko lng naisama sa pic hehehe...
@ Fiel kun: Hahaha...Balang araw pre mkkapunta ka din kung gugustuhin mo lang hehehe...
Gusto ko nganag magswimming doon sa Loboc river eh kaso wala akong dalang extrang damit nun hehehe...
Happy Earth Day din!
@ Mokong: U shud visit Bohol balak ko ngang bumalik pa doon eh hehehe...
I forgot his name but it sounds like one hehehe...
Bawal maguwi ng tarsier otherwise makukulong ka hehehe...bawal nga hawakan eh hehehe...
@ Parts: Namiss mo ang kalahi ko or AKO ang namiss mo? Eow! Wahhahahahaa!!!
Wow ang ganda nang isturya mo lalo na ang nawawala mong ka familya hehehe!
*Never seen tarsier before...iwan kailan ako makakakita nang ganyan...?
Popular na ang bohol ngayon kahit dito may-nakikita akong visit bohol na t-shirt...
Your parent´s is lucky to have you..
@ Me: Talaga? Ang galing noh? Marami n ngang mga dayuhan ang pumupunta sa Bohol...
Gusto ko ngang iuwi ang Tarsier kaso bawal eh jijiji...
Thank you!
One time lang ako nakapunta sa Bohol at ang tagal na, 2004 pa yon. na miss kong bibisitahin si lolo di namin alam talaga. next time on your visit bisitahin mo yong pinakamalaking ahas.I dont know if it is still alive until this time. Natawa ako ng sabihin mong nakita mo na yong nawawalang kapatid mo..hehehe..I just remember my husband used to tease my daughter about the tarsier that it is her distant cousin..hahaha
Thanks sa visit at comments. Medyo nabusy ang beauty ko ngayon kaya ngayon lang ako naka dalaw sa palasyo mo. tc
Yup nakapunta rin ako sa Bohol at napuntahan ko rin ang lahat ng nabanggit mo sa taas.
sarap talaga dyan! The best yung tanghalian sa Loboc River, pagkatapos mabusog ng tyan pati mata mo mabubusog sa ganda ng tanawin!
The best yang trip na yan!
Ingat
Bisan kanawong nimo ang mga tarsier. Pero klaro kaau nga ang mga tarsier akong n miss dili ikaw. hahahahahahaah :p
Have great weekend! :-)
@ eden:Hindi ko alam when uli ako makakadalaw sa Bohol hehehe...buhay pa po yung ahas at napuntahan n din nmin un hindi ko lang isinama sa pix hehehe...
Thanks for the visit!
@ ayu: Dapat isama mo sa listahan ang Bohol sa mga gagalaan mo hehehe...kahit saan sa Pinas may blood compact nmn cguro hehehe...
RE: hahaha akala ko kasi inspired ka kay BB Gandanghari hehehe LOL.
@ Drake: Yeah at kung may time ako babalik pa uli ako hopefully this year bago ako bumalik ng Japan hehehe...
@ Parts: Woooohhhh!!! Defense Mechanism. LOL.
Buti ka pa, pabakasyon bakasyon. Sana ako rin makarating jan sa Bohol.
Takot akong sumakay ng barko pero sure pag may time gagawin ko--kahit siguro nginig ang mga buto ko at abot abot ang prayers bago makarating sa pupuntahan. heheh
Add po kita ha.
Pasensya na dalawa kasi ang blog ko:
http://pamilyamatters.blogspot.com
http://uaequest.blogspot.com
Salamat.
Lagi akong dadalaw dito, promise.
You are lucky Jag that you've been to Bohol. AKo hindi pa naka punta doon. But I am planning to visit many places in the Phils if time and money permits. You know that picture taken along the road at sabi mo man-made forest. It looks like a part of the most famous national park here in the US.....The Yosemite National Park.....
Thanks for the visit Jag and I enjoy reading your escapade with your family. Take care...
Antalap naman mamasyal... pede ba ako Sumamah at sumabit sa Summah' Sama Part 3?
aw!
hooooh buti di ka hinuli sa port..bawal ang magbyahe ng pets at tarsier hahahaha out of bohol jijijiji
@ Ayie: Pag-uwi mo magbakasyon ka din sulitin mo ang time mo sa Pinas...
Ma-get over mo din yang fear mo sa barko pag naenjoy mo n ang island hopping dito sa Pinas hehehe...
ok add ko both blogs mo...ang sipag! hehehe
@ Analou: Pag umuwi ka dito u shud visit Bohol o di kaya sulitin mo ang bakasyon dito sa mga famous scnenic spots hehehe...
Thanks also for your constant visit in my blog...
@ Goryo: Naku nangyari n ang Summah sama part 3 kaya sa next n k n lng sumabit kung gusto mo hehehe...
Musta pre antagal nting nawala ah?
@ donster: Kasi ang mga tarsier cute and cuddly d tulad ng kalabaw bwahahahaha...
Ang sarap naman ng bakaayon engrande mo parekoy, gusto rin namin ng misis ko na makapunta sa bohol para makita ang pamosong chocolate hills. Ang sabi kasi sa alamat ay yan ang naiwang ebak ng mga higanteng nanirahan sa pinaa noong panahon ng mga ninuno natin!
Naamoy mo ba ang kulay tsokolate?!
@ No benta: welcome sa simpleng kaharian ko parekoy...oo gala kayo sa Bohol pre maganda talga ang mga tanawin dun lalo n ang sinsabi mong pamosong chocolate hills...
Akala ko cnsabi mo kung naamoy ko ang ebak hahaha...slamat sa pagbisita...
Hello Jag!Parang naka-tour na rin ako sa Bohol while reading your post. Taga asa ka sa Mindanao?
@ A.M.I.N.A: Thanks! hehehe...Naa ko dri dapit sa Davao jijiji...
sarap ng family bonding...
the first pic - is it a public view deck?
@ I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT: Yes indeed...and Yes it's a public view deck...
hangkulet mo magkwento naaliw namna ako! lol.. sayang di kame nakapunta ng bohol nung nagpunta kame ng cebu kinulang na kase kame sa oras..
wow. nakakainggit! haha. kala ko chocolate hills lng ang magandang puntahan sa bohol. thank you nman sa post na to, :))
kumusta arekoy? grabe na yang mga pinaggagagastos mo ah... umamin ka nga, AYALA ka no? haha. saka di mo naman sinasabi na may twin ka pala... hinalikan mo pa si picture ah... mas maliit lang ng konti sayo pero identical talaga kayo! wahaha.. peace :P
buti ka pa nakarating na sa bohol. salamat sa pag share ng vacation mo. nice pictires too.
lahat ata eh nag-bohol na ako na lang di pa hehe. congrats sa wonderful trip. sarap ng kain sa floating resto. at ambaet mag-donate sa performers. nakaka-touch naman yung maliit na lolo.
@ buhayprinsessa: hehehe baliktad tau kulang nmn ang oras nmin nung nasa Cebu kami hehehe...
Salamat sa pagbisita!
@ KESO: oo mrami pa tlgang pwedeng puntahan n mgagandang lugar sa Bohol...babalik at babalik ako doon para mag-explore hehehe...
Slamat sa dalaw!
@ mr. nightcrawler: hahaha wish ko lang na AYALA ako pero hindi eh hahaha...nang dahil sa comment n ituh naniniwala n tlga akong magkapatid kmi ni Tarsy hahahahaha adik!
Musta summer?
@ shimumsy: Thanks! Im glad u like the pictures...u better visit Bohol too...
Thanks for visiting!
@ Random Student: Naku pre pumunta ka n din ng Bohol para maranasan mo n din ang sinsabi ko dito hehehe...
So malamang pag nagawi k ng Bohol magdodonate k n din kay lolo Baloloy...
Ingats!
free dating website template http://loveepicentre.com/ interacial gay dating
Post a Comment