Wednesday, April 21, 2010

Summah' Sama Final Part

Matapos ang halos isang linggong pamamalagi sa Bohol ay naisip na ng mag-anak na umuwi na sa kadahilanang marami pang kailangang ayusin sa pagbalik. Pero imbes na dumiretso ng uwi ay naisip ko na dumaan muna sa isla ng Camiguin kahit isang araw lang (napaghahalatang mahilig sa galaan si Jag hehehe). Nagulat ang aking mga magulang nang malamang dadaan pa kami sa kabilang isla. Tutol man ay wala na silang nagawa kasi nakabili na ako ng ticket papuntang Camiguin bwahahaha...

Mula Bohol ay kailangang bumiyahe ng apat na oras bago marating ang Camiguin Island. Maganda ang panahon. Perpek para sa biyaheng iyon. Nilisan namin ang Bohol pagkatapos naming mananghalian. Super eksayted na talaga akong makita ang kabuuhan ng isla.

Tanaw ko na ang Isla ng Camiguin mga bandang alas kuwatro ng hapon.


Ngunit nag-iba ang ihip ng panahon nang sapitin na namin ang dungguan ng barko ng Camiguin. Hirap ang kapitan na idaong ang barko dito. Wala namang bagyo pero ang lalakas at ang lalaki ng mga alon. Pumapasok na ang tubig sa barko sa lakas ng paghampas ng alon . Pakiramdam ko parang babaliktad na ang barko noon. Sa laki ng alon ay kayang pataubin ang barko (hindi pa naman ako marunong lumangoy... syet!). Medyo nangamba na ako ng mga panahong iyon kasi ang utol at nanay ko ay nagsususuka na sa hilo. Nagsimula na ding mag-iyakan ang mga batang lulan din ng barko. "Lintek na kapitan na yan wala man lang ginagawang announcement para mapanatag ang loob ng mga tao", sabat ko sa sarili. At dahil nga medyo natatakot na din ako ay nagtext na ako sa mga kaibigan at kamag-anak. Atleast alam na nila kung saan kami hagilapin kung sakaling may masamang mangyari ...

Unti-unti na ding kinakain ng dilim ang liwanag. Lumipas ang mahigit isang oras bago pa mapagdesisiyunang lumipat ng ibang daungan. Malalaki pa rin ang mga alon at tuloy pa rin ito sa paghampas nung kami'y pumalaot muli. Anak ng Pocare Sweat naman talaga! Ang bagal mag-isip ng kapitan. Grrr!!! Umikot uli ang sinasakyan naming barko sa ibang dako ng Camiguin para tuntunin ang isa pang daungan.

Pasado alas siyete na ng gabi nang marating namin ang sinasabing daungan. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat sa tuwa nang daosin namin ang isla ng ligtas. Akala ko doon na nagtapos ang kamalasan namin. Hindi pa pala. Dahil sa pagkakataon ding iyon ay may islandwide black out dahil sa lecheng El Nino na yan. Ang dilim dilim ng paligid. Tapos may biglang mangangalabit pa na hindi mo naman kilala tapos magyayaya na ihatid na ng kanyang motorsiklo papunta sa kung saan ay hindi mo alam kasi hindi nga pamilyar sa lugar. At dahil sa kaganapang iyon ay umeksena si itay. "Hindi na tayo titigil sa isla ngayong gabi, lahat ay uuwi na", ma-awtoridad na sabi niya. Nanlaban ang kalooban ko pero naisip ko din na hindi nga ligtas para sa aming mga dayuhan ang tumigil pa sa isla lalo na't walang kuryente at medyo liblib pa ang lugar. At sabi din ni inay, marami daw aswang doon. Kung hindi man daw kami gawing hapunan ay baka hawahan daw kami upang maging kauri nila. Yaiks! Gusto kong tumawa pero nagpigil lang ako. Para kasi kaming mga bata na tinatakot at pinagsasabihan ng ganoong uri ng kuwento para lang makumbinse kami na umuwi na jijijji...

Kaya hayun pagdating ng barkong pabiyahe ng Butuan ay di na kami nagdalawang-isip na sumakay. Umuwi na talaga kami kasama ng iba pang biyahero na nagdesisyon din na hindi na titigil sa isla. Noon ko din nakilala si Andy, isang Koreanong kanina pa pala nakamasid sa akin habang ako ay nakatanaw naman sa karagatan. Nilapitan niya ako sa pag-aakalang isa akong *balugang* Japanese (foreigner ba) na puwedeng makiramay sa kanyang nararamdaman bilang isang dayuhan din. Naba-badtrip din kasi siya sa mga nangyayari kaya minabuti na din niyang umuwi ng Davao. Hayun nagkakuwentuhan ng mahaba haba at di na namin namalayan na nasa Butuan City na kami. Blessing in disguise talaga ang Mongoloid na iyon (kasi yellow-skinned di ba?) sa amin kasi may dala pala siyang sasakyan at hindi na naming kailangang antayin ang pang-last trip na bus para lang makauwi sa amin. Mabait siya kasi hinatid niya kami sa bahay. At simula nun ay naging mabuting magkaibigan na kami.

Hanggang dito na lang po ang kuwentong Summah' Sama. Salamat sa lahat ng mga sumubaybay sa summer getaway ng pamilya. Naging mailap man sa amin ang isla ng Camiguin ay masaya na rin ako kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan at higit sa lahat ay nakauwi ang mag-anak na safe and sound. Kung nagkataon ay kasalanan ko pa kasi ako ang nagpumilit na mangibang-isla pa. Pero isinumpa ko, babalikan kita CAMIGUIN....












33 comments:

I am Xprosaic said...

At least diba nakaapak ka sa camiguin... yun nga lang wala kang makita... jejejejejejejje

Jag said...

@ xp: Yeah medyo nanghihinayang pero I know may ibang time pa para makapunta uli ako ng Camiguin hays!

buhayprinsesa said...

sayang naman napurnada ang summah get away mo sa camiguin pero yaan mo may next time pa naman. may plano kame pumunta dyan sa august sana di ganun ang alon kundi kelangan ko tumungga ng isang baneg ng bonamin.. haha

hArTLeSsChiq said...

may next time pa naman.. :P pasama sa susunod :))

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

hehe..sus..ayos lang yun..andame nyu na namang napuntahan eh..pero infairness..and ganda ng picture ng isla ng Camiguin sa picture..astig..refreshing sa paningin :P

(ps. check out my latest post if you have time,,.thanks :3)

aninipot said...

aw! sayang naman... hindi naman nakakatakot ang camiguin, in fact mababait ang mga tao dun...

naikot ko ang camiguin, twice...lahat ng tourist destination napuntahan ko, kahit ang peak ng MT. hibok-hibok naakyat talaga...

pag bumalik ka, dapat minimum of 2 days para maikot ang buong island.

Ayie said...

Sayang naman ang byahe pero mainam na rin--at least hindi kayo naging pulutan ng aswang! eheheh! nakakatawa si nanay, talagang may ganung panakot eh noh.

**Kaya ayokong sumakay ng barko eh, madededbol talaga ako kahit hindi pa lumulubog ang brako, sa takot.

Arvin U. de la Peña said...

parang to be continued ang camiguin sa iyo......natawa naman ako na tinawag mong mongoloid ang koreano..pero may sasakyan pala siya..nakakatakot nga iyon na malakas talaga ang alon tapos ang mga sakay ay medyo nahihilo na o kaya nasusuka..

-Parts- said...

Asa man ta sa weekend?

Painom nman dyan! jijijijiji

Have a great weekend! =)

Jag said...

@ buhayprincessa: Oo nga sayang talaga pero naisip ko it's not really meant for us hehehe...

hahaha bka nmn bumula na bibig mo pag nilagok mo ang isang banig ng gamot hehehe...

Jag said...

hArTLeSsChiq: uhmmm magawan nga ng schedule yan at gumala tayo doon hehehe...

Jag said...

@ ayu: kinulangan ako sa paggagala eh lolz! heheheh...

Breath-taking talaga ang picture...

Jag said...

@ aninipot: Waaaaawww! Nakapunta ka n pla doon kaingitz naman...

Yaan mo pagagawin pg nkabalik ako doon gagawing kong isang linggo hehehe...

Jag said...

@ Ayie: sadyang ganun siguro pag tumatanda na hahahaha kung ano ano ang naiisip hehehe...

Paano yan pag gsto mong mag-island hopping naka helicopter? SOSYAL mo nmn madam hehehe...

Jag said...

@ Arvin: Bosing, mongoloid nmn talaga ang mga KOreano dba kasi dilaw ang kulay ng balat nila? hehehe...

Ako nung time niyon medyo nahihilo n din pero hindi pa dumating s point ng pagsuka hehehe...


@ Parts: Ambot wala pa mn plano...wala pud budget lol!

Gift nko asa n mn?

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

@jag-niichan: siguro nga pwedeng ako yun :3

fiel-kun said...

Huwaw very nice naman ang mga island hopping adventure ng buong family nyo parekoy XD

About Camiguin, naku marami daw talagang mga aswang dun... kakatakot >_<

Jag said...

@ ayu: I knew it, it's u...

Jag said...

@ fiel-kun: khit may aswang p doon parekoy babalikan ko ang Camiguin hehehehe...

Musta?

Sendo said...

wow kahit muntik na kayong lamunin ng tubig thank God at safe kayo at...you've got a new found friend..wow japanese huh hahaha....! galing ^^ bait naman niya..mababait talaga ang mga koreano...well.most of them haha...anyway sayang naman..di bale sabay tayo sa camiguin hehe..

so pano yan balik japan ka na?

eden said...

kaya kailangan matutu kang lumangoy..lolz..

ganda ng pic mo. I really want to visit there someday .natawa naman ako sa nanay mo. ganyan din ang mama ko noon may panakot..hehehe

Thanks sa visit.

tim said...

ang sarap mabuhay sa mundo anu?

thank you sa comment mo sa post ko.. i am greatful man that i met you here... God bless you!

carl817 said...

ansarap naman ng trip!

makakapunta rin ako jan.. malapit na ang hunyo! wooohoooo!

carl817 said...

wow! ansarap ng trip na yan!

di bale-- makakapunta rin ako jan.. ahehehe! malapit na ang hunyo! woohooo!

nga pala- salamat sa pag bisita sa blog ko...

Jules said...

Atleast nakabalik kayo ng safe at kumpleto pa. =D Next time ka nalng mag-enjoy. =D

Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

darklady said...

ang ganda naman ng pinuntahan nyo!! kitang kita na nag enjoy kayo. ^_^

pusang kalye said...

wow----after Bohol---Camuiguin naman. talagang di mapigilan ang gala ha. samantalahin natin dapat anmg summer kasi mahirap nang umikot pag nagsimula na tag-ulan....isa pa---well deserved tong break mo na to kasi matagal ka ring nawala........

Jag said...

@ Sendo: Oo mabait tlga ang koreanong iyon hehehe...Cge ba pag nagkatime ako gala tayo sa Camiguin hehehe...

Matagal pa ang balik ko sa Japan yaan mo magpopost ako about it...mag-explain ba hehehe...

Jag said...

@ eden: hehehe hindi tlga ako marunong lumangoy eh hahaha...ganoon tlga ang mga oldies kung ano ano ang pinaniniwalaan hahaha...

Thanks for visiting too!

Jag said...

@ tim: Msarap tlga ang mabuhay sa mundo...how are you doing buddy?

Jag said...

@ carl817: Wow! Buti ka pa pre mkakapunta k n doon...pwede bang sumama? kaso wala akong oras na hayz!

Salamat din sa pagbisita...


@ Jules: Yeah we're blessed...babalik tlga ako doon soon hehehe...

Jag said...

@ darklady: kahit papano nag-enjoy nmn kmi...


@ pusangkalye: oo pre sinusulit ko lng ang stay ko dito bka kasi matatagalan p uli ang uwi ko...

giddy girl said...

gusto ko din magpunta sa Camiguin! sayang naman yung punta nyo.. pero syempre safety of the family comes first

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner