At napagkasunduan nga ng mag-anak na tumungo sa KABISAYAAN para makapag-chillax, makapaglibang, at makapag-spend ng quality time sa isa't-isa. Medyo malungkot nga lang kasi hindi na kumpleto ang mag-anak. May kanya-kanyang buhay na din kasi ang ibang miyembro ng pamilya. May hindi pwede kasi busy sa kanilang trabaho, may hindi pwede kasi busy sa kanilang pamilya, at lalong may hindi pwede kasi nasa ibayong dagat din. Kaya apat lang sa miyembro ng pamilya ang tumuloy- ang pinakapogi sa lahat, si tatay , ang magandang si nanay, si makulit na bunsoy at ang isa pang pogi na... si AKO ( alam 'nyo na iyon siyempre may pinagmanahan haha).
Breakfast at Davao City International Airport, 2 hours before boarding for Cebu.
Unang naging destinasyon ng pamilya ay ang CEBU City. Halos limang taon din ang lumipas bago uli ako nakatuntong ng Cebu. Maraming nagbago sa lugar. Buti na lang nandun si Cyborg, a.k.a Borgy, isa sa malapit na kaibigan upang i-guide at i-tour kami. Inadjust niya ang iskedyul niya para sa amin. Sino ba naman ang di matatats nun? hehehe...Many thanks Borgy!Kahit maitim ang buto mo may bait ka rin pala. Joke!Peace!Seriously, mabait talaga yun hehehe... Ikinatuwa niya din ang pagpunta namin sa Cebu kasi for the longest time ay nagkita uli kami. After kasi naming magtapos ng kolehiyo ay doon lang uli kami nagkita.
Nakakapanghinayang lang na maikling panahon lang ang pwede naming itigil sa Cebu. Hindi na kami nakagala sa mga scenic spots doon. Pinagkasya na lang namin ang oras sa paglilibot-libot sa Ayala Mall.
Pagkatapos kumain sa restaurant ay tumulak na kami sa tinutuluyang hotel para makapagpahinga. Napagod lang kasi ang mag-anak at kailangang mag-ipon ng lakas para sa mas nakakapagod na aktibidades kinabukasan.
Maaga pa lang ay lulan na kami ng maliit na barko para sa biyahe papuntang BOHOL. Iyon lang sa ngayon. Short lang kasi ang trip sa Cebu kaya short lang din ang story hehehe... Abangan niyo na lang ang mahaba-habang Bohol Escapade ng mag-anak hehehe...
***
I would like to grab this chance to say sorry to Ma'am eden of Moments to Remember for I wasn't able to respond her Tag about the Easter thing. Nagkaproblema lang kasi sa PC at internet connection ko for almost a week. Babawi na lang po ako sa susunod. Thanks for tagging me. d: )
41 comments:
Base!
Ang susyal susyal naman talaga!
at bakit ang yaman-yaman mo naman yata parekoy! patravel-travel ka na lang ha. sa susunod, isama mo ako ha? hehe. di pa ako nakapunta sa cebu eh.
Nice island hopping with family kainggiiiiiit!
Wow! Short nga ng story haha. Pero aabangan ko ung next part. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunter
wow ayos daan na rin kayo ng dumaguete..malapit lang oh hehe ... quality time with family ^^
@ Jepoy: Hindi nmn tama lang hehehe...
@ mr. nightcrawler: Yun nga eh parang mayaman lang hahaha...lika ka balik ako ng Davao sa katapusan hehehe igala kita hehehe...
@ glentot: yayain mo din mga magulang mo n mag-island hoping bka that time magkadevelopan uli cla hehehe...
@ Solo: Oo nga eh sa sobrang short kinapos ako ng kwento hehehehe...
@ Sendzki: Tga Dumaguete ka pla? Hehe taga jan din ang ex gf ko hehehe...Igagala mo kami? Sayang now ka lng nagsabi hehehe...may next tume p nmn eh hehehe...
sarap ng bakasyung yan ah parekoy! :D
Ka nice kay suroy suroy gyud ug maayo with family. Hulat ko sa imong mga pics sa Bohol. Na miss ko na ang place. 2004 ang last nakong visit diha with my family sad.
About the tag, it's Ok dont worry kay naa man sad dili nako ma post nga mga tag usahay tungod sa ka busy sa life..thanks for letting me know.
bakit di kayo nag supercat papuntang bohol,hehe.........maganda ang ayala cebu..sana pumunta kayo sa tafts sa gabi kasi maganda doon..kita ang view buong cebu..o kaya sa harrison park,hehe..may banda doon..sarap uminom ng san miguel beer doon..
@ dylan: Oo masaya din hehehe...
@ dylan: Oo masaya din hehehe...
@ eden:Nice gyud! Gilaag lang nko akong family samtang baskog pa sila ug capable pa manglaag hehehe...Dugay dugay n mn pud d i ka wla kabalik dinhi noh?
@ Arvin: Hindi ko alam ano ung supercat bsta nagpatulong n lng kmi ky Borgy hehehe... Oo nga eh sayang tlga at kulang ang time namin.
Looks like a great time with good company!!
bakasyonista galore!!!
sana ako din!
one day!
sagot ko lahat, buong angkan...!
mga 38 kami. haha!
patayan yun, ilang buwan o taon akong di gigimik at gagastos pang sarili. pwera na lang talaga kung manager nako agad! ahaha!
aabangan ko yang bohol na yan!
pupunta din kasi kami dyan, ng 38 kong kamag-anak!
SANA!
hehe
^ - ^
a family who eat together ay busog..
Kaya nmn ayun, namasyal at ng libang.. lamia sa feeling oi!
Wow ganda ng Cebu!
@ Alicia: Yeah! It was! hehehe
@ gege: Oo nmn makakapagbakasyon din kau ng buong angkan mo hehehe...
At malay mo mangyayari yan bukas o sa makalawa dba? hehehe
ingat!
@ tim: haha korek! hehehe...kabalo mn d i ka mubisaya hehehe...
@ braggito: Oo maganda ang cebu pero kinulangan ako sa trip nmin hehehe..
mabilis kung sa supercat sumakay..baka dalawang oras lang nandoon na kayo mula sa cebu..
@ Arvin: Next tym bosing un na sasakyan namin hehehe...
Tnx!
It is nice to be with our family Jag especially after we were far away from them for few months or years. I always miss my family and friends in the Phil. I am glad you have a good time. Take care and have a nice day.
Marami k pa ngang di nagawa at napuntahan sa Cebu... edge coaster ride, Camotes Island etc.. hehehehe
Sa susunod ulit.. =)
@ analou: Thanks! Certainly your family misses you too. How about a summer vacation here in our country?
@ ayu: Wui! Tnx! Pero sa wireless connection ko dito? I dont think it's a good idea visiting those sites...soobrang bagal tlga hayz!
@ Parts: Yeah, next tym! At that time sagot mo ang gala ko ha! hehehe...
Ang mgpatour man gyud ang manlibre! hehehe :p
Sensya na busybusyhan samahan pa ng walang kuryente kaya ayun mas tumagal lalo... buti nga at nakapagscheduled post ako nyahahahahahahha... Hay naku mga repapips mayaman talaga yan si Jag! gastos niya lahat kaya dapat magpalibre din kayo sa kanya.... jijijijijijijiji... At last kay gilaag na jud nimo sila... dapat ilaag nimo sila kanunay... sama sa uhmmm... every month?! jijijijijijijiji
@ Parts: Gosh!!! Sagot mo na yun! hehehe...
@ Xp: Syatapppppp!!!! MAYAMAN ka jan! My family deserves to have a break...at ngyon pulubi na ako huhuhu...
Hi, Jag. Looks like a lot of fun. Being with the family is the most precious moment in this world...
Wuy parekoy!
Naks ha! mula nung dumating ka dito sa Pinas puro pasyal ang ginagawa nyo ah. Yaman XD
@jag...just tell me...surely gagala ko kayo... ^^ ....message me sa blog ko ^^
@ dodong flores: yes it is...bisag panagsa ra atleast magkabonding mi...hehehe...musta na sir?
@ fiel-kun: minsan minsan lang parekoy hehehe...musta na?
@ Sendo: sounds great! Cge pre pag may oras ako gala ako sa Dumaguete hehehe...
nice naman sosyal sa ayala mall nagstay..yaman!^_^
hahaha c borgs..pinaglipstick mo ba hahahahahha
@ donster: nagsinaw lang siguro ang simud tungod sa gikaon hahaha...
Post a Comment