Usap usapan ang pagkahuli ng isa sa pinakamalaking buwaya ngayon, si Lolong. Marami ang naintriga kung gaano ba talaga kalaki si Lolong. Isa na ako dun. Dahil sa nagkataong umuwi ako sa mahal kong bulubundukin bayan noon, sinamantala ko na din ang pagkakataong mabisita si ang-akala-ko-noo'y-alamat-lang, si Lolong.
Kung nais mong puntahan ang Bunawan, Agusan del Sur at galing ka pa ng Davao City, bubunuin mo ang halos limang oras na biyaheng bus. Sumakay ka lang ng pa-Butuan City na bus. |
Hapon na ng marating namin ang lugar pero marami pa ring mga tao. Iba iba ang mga reaksyon. May namangha. May natakot. May natuwa. At may natatae tulad ko LOL. Buti na lang may sagingan sa kalapit na eco-park LOL. Pero siyempre pinili ko na lang na magtimpi kasi choosy ang pwet ko hehe...Wala pa kasing CR sa lugar. Ginagawa pa lang.
Unti-unti ng dini develop ang lugar. Kung papasok ka at makikiusyuso, magbabayad ka ng 20 pesos. Bubungad agad sa'yo ang mini cinema house na see through with matching audio background ng construction. Doon nakalahad ang buong kwento tungkol kay Lolong at ang pagkahuli nito at kung sino ang mga nasa likod nito. Habang nanonood ay pwede kang pumapak ng nabibiling pritong saging, puto at iba pang kakanin sa tabi tabi. Pwede ka rin lumaktaw at dumiretso na sa main attraction.
At sa wakas nakita ko na siya. Nakita ko na ang lumapa sa isang batang estudyante habang ito'y papauwi lulan ng bangka. Isama na din natin si manong mangingisda na imbes naghanap ng makakain ay siya ang nakain. Nakakatakot itong si Lolong. Pula ang mga mata. At ang laki niya. Ang laki laki. Ang laki laki laki. Super. Estima ko sing haba niya ang isang bus. At ang lapad nama'y isa't kalahating refrigerator. Malamang maraming bags ang magagawa pag itong si Lolong ang ginamit.
Lagi lang siyang nakababad sa tubig. Hindi pa siya sanay sa maraming tao. Pero nitong huli'y nakakakain na siya. Masasabi kong isang kayamanan itong si Lolong sa bayan ng Bunawan. Malaki ang maitutulong nito sa pag-angat ng nasabing bayan. Kaya naman may ibang grupo daw na nagnanais na sirain ang pag-asenso nito dahil lang sa pulitikal na hangarin. May mga nagbabalak na pumatay sa kanya (reuters).
Naglibot pa ako at napansin ko ang tubo ng tubig na nagsu-supply sa pool ni Lolong. Napa-isip ako kung saan nanggagaling ang tubig na iyon. Ni-trace ko ang tubo hanggang sa ka-duluduhan nito.
Tumambad sa akin ang magandang tanawin na likha ng kalikasan. Habang ang karamihan ay abalang abala sa panonood kay Lolong, kami naman ng kasama ko ay naglilibang sa panonood sa mga masasayang batang lumalangoy sa malinis na batis.
Siyempre hindi nawala ang souvenir picture ko sa lugar hehe. Iilan lang yata ang nakakaalam sa lugar na iyon...
Gusto ko ring maligo
At doon nagtapos ang paggala namin. Umuwi na kami at finally nailabas ko na din ang tunay na sama ng loob na nararamdaman sa palikuran namin. Bow!
But wait!
Ongoing nga pala ngayon ang paggawa ng isa pang kulungan para sa isa pang mas malaking buwaya. Nasa mahigit 30 talampakan daw ang haba nito. Geez! 'Pag nagawa na ang kulungan ay sisimulan na uli ang paghuli sa nasabing dambuhalang nilalalang. Ito naman daw ay babaeng buwaya at putol pa ang buntot.
Extra's:
Tinanggalan na ako ng internet access sa office dahil wala naman daw akong kwentang empleyado LOL. Kaya paminsan minsan na lang ang pagdalaw ko dito :(
Isa na pala akong Electrical Engineer slash English Teacher ng mga Japanese online. Mahirap ang buhay eh kaya suma-sideline hehehe...sana lang may matutunan sila sa akin LOL.
At namimis ko na kayong lahat ng bonggang bongga dine eh. Ala eh! :)
22 comments:
Buti ka pa nakita mo na si Lolong! Anlayo kasi eh. haha
ayos ang trip! kaya naman gusto ko lagi dito bumisita sa blog mo eh :)
wahahaha.. ang laki, ang laki laki, ang laki laki laki ng buwaya. bus talaga ano?
at sobrang blue ng suot mo brad! ehehehe
Napakalaki nga ng buwaya na iyan.....nabasa ko nga na may nagnanais na ilipat sa Manila iyan....pero hindi papayag ang mga tao diyan pati na ang Mayor kasi kayamanan nga nila iyan....bawat araw tiyak madami ang tumitingin na nagbabayad.....sapat na iyong 20 pesos na pagtingin.....sa kinalalagyan ni lolong ilang feet ang lalim...mula sa itaas ng semento hanggang sa ibaba....kasi pansin ko may posibilidad na makawala....mataas ba ang kulungan...
it's big news worldwide, for a while, it was talk of the town here as well about lolong, glad i can say someone i know got to see him :)
sorry about your internet connection :( am sure your students will learn a lot from you.
gusto ko ng ganyang pet... hehe...
padaan dito :)
^^,
as in malaki talaga siya?
malaki ba talaga si lolong? hihi gusto ko rin siya makita
Hadloka anang mga buwaya oi.. Dyos ko'g malapa ka..
Kadako ni Lolong!
Nindot anang sapa. kabugnaw siguro sa tubig.
Thanks for the visit.
Akala ko patay na si Lolong. hehe
grabe naman talaga, nakakatakot, alam mu yung bangis ng TV5? ganun din ba kalaki si lolong?
infearness naman nasa guinnes na si lolong. Hindi ko maimagine ang itsura niya, hindi hlatang ganun siya kalaki sa mga photos lang.
Anung meron jan sa lugar ninyo at puro malalaki ang buwaya?
Welcome back. =)
natatakot kahit tignan ko lang ang mga buwaya, hehe
:))
hahaha buti nalang at di ko pinos yung kay l9olong expidition ko.. magkaparehas pa tayo.. ahehehehe
pakiregards naman kay lolong! lol hehehe...salamat sa pagdaan sa blog ko.
as usual late nanaman ang comment ko kasi di ko napapansin na may new post ka sa blogroll. :(
Anlaki ng buwaya na si lolong. Tapos meron pang isang buwaya na girl? hindi kaya magkadebelopan sila?
namiss kita parekoy! at hanggang ngayon, camera-whore ka pa rin! bwahaha. baka we work for the same company parekoy. :)
As what I heard Jag may isa pa dawng buwaya na mas malaki pa kay Lolong, is that true?
super scary.. :(
katakot nmn .. takot tlga ako sa buwaya .. naalala ko yan anggang pagtulog
gusto ko rin makita si lolong..
Post a Comment