Thursday, September 30, 2010

The Secret Paradise

I am pretty sure that everyone of us has time when we just needed to be alone. A time  to where we can consciously process our thoughts, experiences and  feelings. And each of us have his/her  own way of enjoying  that moment of aloneness. Some would catch up reading a good book while others would prefer listening to  their favorite music. Or some would just do nothing but sleep ( and it's what I do especially when  I'm sleep deprived, minsan nga  liliban pa sa trabaho just to get a lot of sleep).

Minsan naranasan ko na din being trapped in a chaotic world. Confined, the only thing that I could do is to run  far far away from it,  just to breath again. I know some people would think  it's a coward thing but whatever they might  think or say, they cannot fathom the immensity  of the f**k  that I don't give.  I know myself better. And I know when I'm going to need that TIME alone. All I want is to breath and have my spirit recharged. That when the time I get myself back, it would be a lot easier for me to face those damnable things in life.


I remember one time, I travelled alone to a place where I have never been  to (way way far from where I am currently situated). I never told anyone about it (not until now). Gusto ko lang talagang mapag-isa noong mga panahong iyon.  But I didn't expect that  that would caused  a friend into deep resentment when she accidentally knew about it. Bakit  hindi man lang daw ako nang-imbita. I maybe selfish but  I just need a break for me to do what I want with nobody at my side. I know somehow I have hurted her feelings  but  I just need to go away to save my sanity.  I need to do that to find my own senses ...of which she finds it difficult  to comprehend. I hope she will get over it. : (


Masarap naman kasi sa pakiramdam kahit minsan lang na maranasan ang mapag-isa at makapagmuni-muni. Walang ibang iniinda kundi ang sarili lang  whilst enjoying the feeling of  being careless and free.



Yung tipong malayo ka from the hustles and bustles of the city.



...and just physically enjoying the beauty of nature ALONE.



It was a good relief for me stepping on those  rocks. It's like my feet were being massaged. And I was just cautious not to cut my skin from the sharp edges hehehe. So I'm like... not giving my full gravity to prevent cuts. : D




It's really like I'm in a paradise. Very calm and quiet. You could only hear the gentle sound of the sea, the chirping of the birds and the splashing of waterfalls nearby. Oh...laid-back...Hays! I didn't even notice I already had a nap under the tree...



That was my secret-now-told trip . lol. I am so lucky that it was a fine day that day. I'd probably have to go back there when I have to. Thanks to my camera and tripod, it wouldn't have been memorable without 'em. lol. And I know it was so lame for me wearing shirt at the waters. I think it would be better if I keep it that way haha.


I can say that being happy in our own time is probably the most useful tool that we can have in life. Being alone doesn't mean you're sad... but just self-reflecting...just spending quality time on your own self. And I tell you, you'd be more resilient after that. : ) : ) : )


 : )'s  for everyone!
 
Extra's:

Three bloggers gave me AN award. Isn't that wonderful? Many thanks to Traveliztera, Android Enteng and Allona Rainbow. I really appreciate it guys! I'll try to make a post  next time. Cheers!



Saturday, September 25, 2010

That Zorb Thing

Ang blogging ay parang nasa loob ka lang ng Zorb.

Lutang.


Pagulong-gulong.

Unstable.

Minsan exciting at masaya. Pak!


Minsan nakakatamad at nakakapagod. Plangak!

Tulad ngayon, akoý tamad na tamad. Utak ay lutang.Walang magandang maisulat. Dinadaan ang lahat sa larawan makapag-update lamang.LOL. Kahit ang pagbibigay ng captions ay parang hindi tumutugma sa mga larawang ipinakita hehehe...Kung kayo ang maglalagay ng mga captions sa mga larawang ito, ano naman kaya ýon? Sige nga? LOL. Pictures were taken at Enchanted Kingdom in Sta. Rosa , Laguna, Philippines!!! lol.

Stay happy! ( ;

Saturday, September 18, 2010

My Own Special Way of Thanking You

Oh my! I didn't notice until I checked my blog archive this morning that KALEIDOS has already turned two last August 28, 2010. Yes!!! And that also means, two years na din tayong naglolokohan here in my abode. LOL. Kidding aside, I just want to thank you guys for your frequent visits, for your worthless  valuable comments in my posts and most especially the friendship that you gave me since day one.You don't know how exceptionally blessed and fortunate I am for  that matter. Thank you for the two awesome years you've shared with me.

Actually, I have been blogging since FRIENDSTER days pa and continued blogging here in BLOGGER by the influence of a friend na din. I can still remember I  have to rent a pc in an internet shop for an hour or two just to read blogs and make some updates as well, making my first year of blogging  to be so matamlay. Nakakatamad kasi ang ganoong set-up. I mean naiisipan lang to blog about kung kelan lang gusto since I don't have my own internet connection at home before. I only have a very few entries that time. And I only have two or three friends na nagtatyagang magbasa 'nun. lol.

In 2009, I was given an opportunity to study abroad for a year. A Japanese Institute granted me a scolarship. Ano 'yun? Click here. That time, blogging was my only way to refurbish my lonely life. Kahit maganda kasi ang mga karanasan ko doon ay nakakalungkot pa rin. There's no place like home talaga. There, I became an active blogger again. Funny 'coz I remembered one time, kahit na masama ang pakiramdam ko noon, I was still able to blog during the sickness (kasi blog addict). LOL. Click here for that post.

So much for that, since it's Kaleidos' birthday, (last August 28), I have prepared a very simple vid just this morning to express my profound gratitude to you lol. I hope this could brighten up your day IMMEASURABLY. lol. Forgive me if I  myself is not that presentable in the video. Kagigising lang kasi. May muta pa. Amoy imburnal pa ang hininga (eww) kasi di pa nakapagtoothbrush at hindi pa nakaligo. In-short, just living a simple life. LOL. And gosh! Look at the Boy Abunda-kilay haha! I heyret! Nilait na ang sarili para wala ng pwedeng manlait. Haha...Don't be bothered too by the pillow. I was just trying to hide the boner something which was actually caused by the cold breeze in the morning. Joke lang! Hahaha...

Friends, ladies and gents, here's my first video appearance. Brace yourselves! LOL. I am sorry about the  poor video quality.



Happy 2nd Blog Anniversary KALEIDOS!
Thank you guys!

Sunday, September 12, 2010

Elbi


Isang maaliwalas na linggo ng umaga nang tunguhin namin ang isang malawak na campus sa Los Banos  para mag-jogging. Isinama ko si Darlah at ang isa pang malapit na kaibigan. Naisipan ko lang magpunta sa lugar na iyon kasi gusto ko lang makahinga at makapag-isip ng maayos. Tahimik at maganda ang tanawin  na bagay na bagay para sa mga taong nagugulumihanan tulad ko. May isang malaking bagay lang na kailangan kong pagdesisyunan. At nakakatulong nga ang magandang paligid at ang presensiya ng isang kaibigan para sa pagpili ng isang desisiyon.

May halos apat na taon na din ang nakalipas bago muling makabalik dito.Muling nagbalik ang mga alaala. Isa na rito ang alaala ng isang babaeng minsang nagpatibok ng aking puso. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin kami nagtagal. Sa tuwing nakikita ko ang mga naglalakihang mga puno doon, natatawa na lang ako sa sarili. Bantog kasi na tawag sa mga punong iyon ay fertility trees. Kung bakit fertility tree? Doon kasi madalas nagaganap ang pagsasanib ng dalawang nilalang upang makabuo ng isa. In short, walang budget pang motel. LOL. Doon din kami madalas tumatambay ni ex dati upang makapag-usap LANG. Pramis nag-uusap lang talaga kami. Swear! Cross my heart! At saka isa pa may pang-budget ako noh! Joke lang! Hehehe....



Marami ding tao ang nagja-jogging noon. Sadyang nakakaengganyo ang ganoong atmosphere. Pero bago kami nagsimulang mag-jogging ay nag-picture picture muna kami. Pasintabi na lang po sa mga kumakain diyan na nagbabasa ng blog na ito kasi halos lahat ng larawang inilathala dito ay may mukha ko. LOL. Nakakaumay na ba? LOL.


Ahihihi Darlah stop it nakikiliti ako.LOL
Hayun, patakbo takbo kami ni Darlah at ni kaibigan habang nag-uusap ng masinsinan. Masarap pala sa pakiramdam ang ganun. Nakakapag-isip ka ng maayos kasi maganda ang enerhiya na inilalabas ng katawan. Matapos ang ganoong pag-uusap ay naging buo na ang aking desisyion. Ito na talaga! Final na!


Pero energetic pa rin si Darlah at gusto pang makipagharutan kaya naghabulan kami. Perstaym niya lang kasi sa naturang lugar kaya ganun na lamang kataas ang energy level niya. Grabe pinagod niya ako.



Matapos makapagpahinga ng halos isang oras ay napagkasunduang umuwi na. Mataas na din kasi ang araw at medyo masakit na sa balat ang sinag nito.


Pero bago kami tuluyang lumabas ng campus ay pinababa muna ang ASO upang maka-ihi. See picture below. LOL.

Tabi-tabi po!
 Ay sorry ako pala 'to. LOL. (Ang corny ko talaga hahaha). Pero pasensiya na talaga para sa mga magkasintahan na nagbabalak na gawing motel ang punong ito, medyo mamamanghi lang ang love nest 'nyo. LOL. Puputok na pantog ko eh.

Pasensiya na din mga tropa kung medyo maligalig ang entry ko ngayon. Sa totoo lang tinatamad talaga akong mag-blog. May inaasikaso lang din ako sa kasalukuyan. I'll make up to you next time. With matching lipstick, foundation ang maskara. LOL.

Teecee! Slurps!

Extra: 

My cousin's first baby died last Thursday. Premature baby kasi 6 mos. lang ng  ito'y ipinanganak. Nakakakungkot kasi one week lang nakapiling ng pinsan ko ang angel nila. At hindi ko man lang  din nakita ang pamangkin ko. : (

Sunday, September 5, 2010

Ako Na!

Minsan ay tinakasan ko SILA at pinili ang tahimik na buhay.  Ako'y gulong gulo. Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan. Habambuhay na lang ba akong magtatago at mananahimik?  Kailangan ko na bang bumalik sa dati kong buhay? Sa unang pagkakataon ay ilalahad ko sa inyo kung ano ang naging kwento  ko noon. Take note: Mahalaga ang laman ng bidyong inyong matutunghayan.



Ano sa tingin 'nyo?

Wednesday, September 1, 2010

Ooohh...Nakaraos Din!

 Masyado akong nalungkot nang balitaan ako ng isang kaibigan na darating daw ang bagyong Florita. Sa totoo lang, kahit hindi ko nadama ang bagyo nung araw na iyon ay hindi na din ako tumuloy sa Puerta  Puerto Galera.  Baka kasi 'pag tumuloy pa ay maging pagkain lang ng mga isda sa dagat. Ang swerte naman ng mga fishes kung nagkataon syet! 

Bagot much! Pero tamang-tama, nagpatulong ang isang kaibigan na humanap ng isang magandang uri ng selepono. May say daw kasi ako 'pag gizmos na ang pinag-uusapan. Actually, isa lang akong kiti-kiti na nagkukunwaring techie kuno. Ah, bahala na, kahit ano na basta makapili lang ng cellphone na pinipindot  ang screen. 'Yun naman ang IN ngayon eh tsaka may budget naman siya kaya ok lang. MOA ang napiling destinasyon. Dahil lumuwas na din  ang mga tagabundok sa Maynila, napagkasunduang gumala na din sa ibang dako ng siyudad. Ok Payn! Hindi pa ako nakapunta ng Manila Ocean Park at sa Intramuros kaya ako na mismo ang nagpumilit na sumaydtrip doon hehe...

That time tatlo lang kami. Mga chikabebes ang kasama ko. Na-miss daw nila ako kaya gusto nilang makita. If  I know, gusto lang nilang magkaroon ng chaperon, alalay, taga-bitbit and the likes. LOL. Meeting place namin ay sa MWAH (ganun kasi ang pagkakabigkas ng kundoktor sa MOA nung sumakay ako ng jeep.LOL ).

Napaaga ang dating namin sa nasabing lugar. Dahil kakababa lang sa kapatagan, excited na excited ang mga taga-bundok na magpictorial. Pantanggal bagot na din habang hinihintay ang isa pang kasama.

Latest endorser ng MOA. LOL.
Medyo late ang dating ng isang kasama kaya sa MOA na lang din kami naglunch. Pagkatapos kumain ay dumerecho na agad sa Ocean Park. Nawala ang excitement ko nang tumambad sa aking balintataw ang lugar kung saan naganap ang hostage drama nung nagdaang linggo. Hindi ko naman kasi alam na magkalapit lang pala ang Ocean Park sa Quirino Grandstand na iyon. Kakaiba ang aura ng lugar. Makulimlim, malungkot at mabigat sa pakiramdam. Amoy kandilang sunog. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa pa ng kababayan natin na magpictorial doon at gawing background ang bus during the crisis. Ang lalaki ng mga ngisi nila. Hindi ko malasahan ang kanilang trip. Napaka insensitive. Parang proud na proud sila na may picture  doon sa ginanapan ng trahedya. Hindi pa nakuntento at ipinoste pa sa FB na nagbigay daan upang makita ito ng mga kaibigang Instik at lalong maghimagsik. Nakakalungkot. 

Gayunpaman, bahagya kong nakalimutan ang lungkot na naramdaman nang sapitin namin ang Manila Ocean Park. Box Office doon. Andaming tao. Lahat ay nagkukumahog na makakuha ng souvenir pictures. Napansin ko lang na maraming CFI (Cannot Follow Instructions) sa lugar na iyon. Sinabi ng STRICTLY NO FLASH CAMERA ay wala pa rin silang pakundangan sa paggamit ng flash ng camera para lang makakuha ng magandang kalidad na larawan. Hays! Ako nga ang nahiya para dun sa isang seksing bebot  na nakipagtalo pa sa isang guard nung sinita siya na bawal gumamit ng flash ng camera. Kesyo nagbayad daw siya ng mahal. Eksena niya haha!

Pagmamay-ari ko 'to. LOL.
Hays! Wala akong magandang nakukuha sa 'pag pagpansin sa lahat ng eksenang nagaganap kaya  inenjoy ko na lang ang mga tanawin sa loob. Nakakamanghang pagmasdan ang mga isdang noon ko lang nakita sa tanang buhay ko. May makulit. May parang tanga lang. At may nakakainis na isda. Nakakapanggigil hehe...


Me and Johjoh Def.
Pupunta na sana kami 'nun sa Intramuros nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya bumalik na lang uli kami sa Ocean Park. Mahaba pa ang oras kaya lumamon na lang muna kami bago tumuloy sa isang WATER SHOW doon  (Sorry nakalimutan ko ang tawag sa show na iyon). Basta ito yung palabas out of water display and all. Dahil overwhelming ang blessings sa amin, bumuhos uli ang malakas na ulan dahilan upang makansela ang show. O di ba ang swerte noh? LOL. Kunsabagay, pwede pa rin naman kami makapanood sa ibang araw, that is kung may oras pa kami. Sayang din naman ang ticket.

Bounce, bounce and away!
 Dahil sa wala ng magawa, sinubukan ko na lang ang magbungee fun. Haha. Ang sarap talagang lumipad. Kung ang mga kasama ko ay umayaw dahil nalulula daw sila, ako naman ay enjoy na enjoy. Nakakawala talaga siya ng Stress-Orena Drilon. At siyet! Hindi ko namalayan na dumarami na pala ang mga tao sa atrium na nagmamasid sa akin, nahiya tuloy ako. May humihiyaw kasi natatakot na sa pinaggagawa ko sa ere. Ang taas taas ko na kasi.

Di  nakuntento at tumambling pa.

Meron namang sumigaw na tumambling daw ako. At nagpauto naman . Natagpuan ko na lang ang sarili  na tumatambling na din hahaha. Yeah, I know ako na si Lito Lapid. LOL. Nagpalakpakan na ang mga palaka. Lalo akong nahiya. Gosh! Pero sulit na sulit naman ang P120 for a three-minute bungee excitement. Ayos!


Magandang exercise pala ang bungee fun. Para lang akong nag-gym. Sumakit ang buo kong katawan. Feeling ko lumabas ang mga pandesal ko sa tiyan at lumaki ang mga maskels ko. Feeling ko lalo akong naging hawt! Feelingero haha! 

Dahil sa pinaggagawa kong kalokohan sa katawan ay nagutom ako at nagyaya ng magdinner. Hindi ko na babanggitin ang restaurant na iyon kasi bukod sa hindi gaanong masarap ang pagkain ay mahal pa ito. Doon lang ako nakakain ng sisig na puro durog na chicharon at wala man lang kalaman laman. Pasintabi po sa may-ari at kamag-anak ng restaurant. Sorry naman.  

To sum it up, nag enjoy naman ako sa araw na iyon. May mga kaunting flaws pero masaya pa rin naman. Nakasama ko ang mga kaibigang matagal tagal ding di nakikita. At yun ang mahalaga sa araw na iyon. Nairaos ko din ang pangangati ng aking kuwan...ng aking mga paa haha (sa paggala)...Pero sana matuloy na ako sa Puerto Galera. Hays!

Life is short. Go lang ng go! Enjoy!



Extra: 

- I can say that God is always good. Last time, muntikan na akong maging biktima ng mugger. Katatapos ko lang magwithdraw 'nun sa  ATM. Didn't notice that someone is eyeing on me. Naglalakad ako nun pauwi na nang bigla kong naramdaman na may sumusunod sa akin. Nagduda ako kaya tumawid ako ng kalsada. Nang makalagpas na siya, ay kitang kita ko kung paano niya itinago uli ang kanyang balisong sa bulsa ng kanyang jacket at nahuli ko pa siyang tumingin uli sa akin. Kung nagkataong naabutan niya ako ay malamang may gripo na ako sa tagiliran at nabawasan na ang cute na blogger dito. LOL. Hays! Praise God for that! Ang dami na talagang masasamang elemento sa mundo. Mag-ingat na lang po tayo. Maging listo sa mga nakapaligid sa atin. Iwasan nating maglakad sa di-mataong lugar.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner