Wednesday, January 5, 2011

Dose

Sadyang nakakatuwa 'pag nakakakilala  at nagkakaroon ka ng mga kaibigan  buhat lamang sa pagsusulat dito sa blogosperyo. Ewan, pero nae-excite talaga ako na makakilala ng mga tao coming from different walks of life na tumatampok sa bawat blog nila. Ang blog na sumasalamin sa pagkatao ng bawat isa. May nakakatawa. May nakakaawa. May matalino. May jologs. May mabait. May nakakainis. May pa-cute. May f***ing bullsh*t. May matino. May crackhead. May whiner. Mayroong steady lang naman. May parang utot lang na sumingaw at biglang humalo sa atmosphere. Meron din namang showy. May sosyal. Mayroon ding TH. May blue. May kulay pink. May masipag. May tamad. May puti. May batik-batik. Ang bawat isa ay may titulo sa kani-kanilang BLOGS. And it's how they're representing themselves kaya iginagalang ko iyon. At kayo na bahala mag-isip kung saan kayo nabibilang sa mga nabanggit ko haha...Sige na nga ako na lang lahat 'yun para wala ng gulo. LOL.

Akala ko noon wala ng mas sasaya pa sa pabasa basa lang ng mga sulatin at pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa mga taong nakikilala lamang sa world wide web. Ngunit meron pa pala. Mas masaya pala ang makadaupang-palad ang mga taong nasa likod nito. Oo. Mas masaya ang BEB kumpara sa SEB. Pramis! (Huweh?)

Noong Dec. 28, 2010, nagpatawag ng pagtitipon ang mahal kong nating kong nating si Roanne (haha baka magalit si Drake joke lang 'yun oops! hehe) sa mga super amazing bloggers (siyempre kabilang na ako dun).


Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya hindi lang sa dahil tatanggap ako ng premyo mula  sa pagkapanalo ko sa kanyang pakulo sa blog kundi magandang pagkakataon na rin iyon upang makakilala  at makita ang mga matagal na nating sinusubaybayang manunulat.

Naroon sa unang pagkakataon, nakilala ko si Kuya Chingoy kasama ang kanyang chikiting. Siya pala ang tinutukoy ni XP na ka-berts niya hehehe...Bigtime itong si kuya, nakatira ito dati sa pangmayamang subdivision sa Metro Davao. Oops! Me and my big mouth hehehe...Pero ito lang ang masasabi ko, marami talagang pugeh sa Davao di ba kuya? *double wink*

Nandun din si Bulakbolero. Tisoy (naks pasalubong ha from SG hehe). Liban kay Jepoy, isa rin sa siya sa mga naging inspirasyon ko na mag-pursue pa rin ng career sa SG kahit  bumagsak  ako sa application ko noon. Rich kid. Nag-iwan siya ng pang-toma namin hahaha...Salamat bosing! Pero pramis! Nahiya naman ako ng super slight 'nung sinabi kong ang ingay ingay niya sa tweeter knowing wala pala siyang tweeter account hahaha...sorry naman hehehe...Napaghalata tuloy hehehe...

Si Andy. Ang maniniyot* sa gabing iyon. Masaya. Makuwela. Siya na ang batang bibo. Cute daw siya 4 years ago. Anong nangyari ngayon? Haha joke lng parekoy...Ganunpaman, iboboto pa rin kita  for Laboyboy's 100 Handsome Pinoy Blogger. Naks! Suggestion, yung pang yearbook na photo mo ang gawin mong profile pic para mas marami ang buboto hahaha...But I really admire his photography...ang galing!


Si Ahmer ng WAIT. Kamukha niya yung RnB sensation ng GMA hehe...Binigyan niya ng kaunting twist ang dinner 'nun. Siya ang tumayong Santa Klaws 'nung gabing iyon. Namigay siya ng mga aguinaldo sa aming lahat. At ang natanggap ko mula sa kanya ay heto...


Kung ano daw ang natanggap ay magrereflect sa kung anong uri ng pagkatao meron. Sa tingin 'nyo bakit kaya gamot sa pagtatae ang natanggap ko? Hahaha...I really had fun parekoy! Hindi ko ito gagamitin. Ipapa-frame ko lang hehehe...Maraming salamat! Aba teka isa ka rin pala sa mga nominees ng top 100 handsome pinoy bloggers pati si Glentot. May kasunduan ba kayo? hahaha...joke lng...

Huli man daw at magaling nakakahabol din. Si Madz o Heartlesschiq . Sa second part na siya umabot, ang inuman session. Na-meet ko na siya noong PEBA night pero nitong huli lang talaga kami nakapag-usap...mayumi siya. Title pa lang ng kanyang blog ay may kakaiba ka ng mapapansin. Akala ko noon char char lang yung  dalawang "O" sa MOODSWINGS niya pero may kahulugan pala talaga yun hehehe...

Na-shockedness ako nang malaman kong BISDAK* pala itong si the unpure one  Khacai nung huli niya akong binati. Na-shy ako noong gabi sa kanya kaya hindi tuloy ako nakapagrequest na kantahin  muli ang Baby Baby hahaha...Pero ang hawt pala talaga niya sa personal hehehe...She deserves to have 4 pets in her life hehehe...

Charming. Maganda. Positive lang palagi. yan si Roanne .Isa sa mga matagal ko ng sinusubaybayang kuwento. Nasa Japan pa ako noon. Second time ko na din siyang nakita. Kakabalik niya lang sa MO land ngayon. Siya ang mastermind ng BEB. Para sa akin, inspiring ang kwento niya sa mga naging karansan niya bilang isang estudyante sa isang exclusive school noon. Kung ano man ang narating niya ngayon, she deserves it.  Maraming maraming salamat sa dinner, sa premyo at sa mga pasalubong mo. <---(Kaya naman pala puro papuri si Jag eh may natanggap palang pasalubong hahaha joke lang Roanne). Ibahagi ko lang ang mga binigay niya sa akin...

Congrats pala Roanne sa dot com mo hehehe...
Si Marvin the kikilabotz. Una ko ding nakilala noong PEBA night pero nitong pangalawang meeting ko lang din siya nakaututang-dila. Talented. Artistahin like me. Lamang lang siya ng 1/4 na paligo sa akin. LOLZ. Sa mga likha niyang kwento about the Ipis-ipis thing ay mamamangha ka talaga. Kaya naman pala, kasi may pinaghuhugutan. May kaunting touch ng kanyang personal experiences ang natunghayan natin sa seryeng gawa niya. Pero paumanhin talaga parekoy kung nung una ay hindi talaga ako naniwalang sa MMDA ka nagtatrabaho. Akala ko talaga nagbibiro ka lang nun.


Sila lang ang mga na-meet ko. Kthanksbye!

Haha!


Siyempre dumalo din ang mga dakilang writers natin. Si Ollie, Glentot at si Jepoy. Nakilala ko na sila before. Tinamad na akong gumawa ng review about them kaya 'wag na lang hahah Joke! Imposibleng hindi naiimbitahan ang mga ito sa tuwing may blogger na nagnanais na makakita ng bloggers sa personal... Nagawan ko na kasi sila ng review dati kaya magback read na lang kayo hehehe...Maraming salamat pala Jepoy sa cute na regalo mo sa akin. Bagay na bagay siya sa librong kakabigay lang din sa akin. Heto yun o mainggit kayong lahat...


Croc na bookmark pamasko ni Jepoy.

At bago ko tapusin 'to, pasisilipin ko muna kayo kung gaano kasaya ang sinasabi kong masaya sa BEB. Heto na...

Tampok ang mga sikat na bloggers: Kuya Chingoy and his kid, Roanne, Andy, Ahmer, Bulakbolero, Jepoy, Khacai, Glentot, Marvin, at Oliver...

Maraming Maraming Maraming salamat sa inyo guys! Masaya ako at naging bahagi kayo ng buhay ko sa 2010. Hanggang sa muling pagkikita.

Happy 2011 sa lahat!



PS:
Pasensiya kung ngayon lang uli nagparamdam si Jag. Marami lang siyang pinagkakaabalahan lalo pa't kakalipat niya lang uli sa trabaho. Hayaan 'nyo magkukuwento siya tungkol dito. Labia Majora! LOL.



* maniniyot- Visayan term for photographer.

*BISDAK- Bisayang Dako or simply means Visaya.

44 comments:

Bino said...

masaya talaga ang makipagkita sa mga bloggers. been in different eyeballs, saranggola, PEBA etc. at ang saya ! sana minsan mameet ko din kayo :D bino po ng damuhan.com

Xprosaic said...

Naks! nawiwili na sa BEB oh... ahahahahahahahaha... nice! nice! hehehehehehehe

DRAKE said...

at talagang aagawin mo pa sa akin si Roanne, hahaha!joke lang!

Sarap naman nyan , medyo inggit ako! Hayaan mo kita rin tayo sa pag-uwi ko! By April o May, intayin nyo ako! May pasalubong ka sa aking kilikili ng arabo

Ingat

Jag said...

@ bino: Sinabi mo pa kaso di ako nakapunta sa SBA hehehe...U were at PEBA last time? Maraming salamat sa dalaw sir! Dalaw back kita mamaya hehehe...


@ xp: noon lng yun kasi d pa maxadong busy...ngayon? i don't think so...


@ Drake: hahaha peace man! alam ko nmn yun eh hehehe...Hala! Grand BEB na ba dapat? lolz! Mukhang masaya yan! hehehe..ingat!

kayedee said...

HAPI NEW YR JAG! :D

-Parts- said...

Saya nman ng lyf! =)
Happy New Year!

analou said...

wow..talagang nag-enjoy c kumpareng jag. It is really nice to meet your blogger friends in person. haayyy kanus-a pa kaha ko maka-attend sa inanhe nga tapok-tapok....Happy new year Jag!

J. Kulisap said...

Sir Jag, Happy New Year. :)

May bagong trabaho, magandang panimula at talaga namang enjoy na enjoy ang BEB kesa sa SEB. :)

Unni-gl4ze^_^ said...

nyay nainggit ako saglit haha...
ang ganda talga ni roanne noh,,crush cya pwamis hehehe,,,
c marvin d talga mawawala sa eb ahihi~~

at kau na ang nagenjoy ng bongga,,,

viva jag~~
at taga davao pala c kuya chingoy?hhmmmm,,,parang alam ko san cya nakatira dati ahihi dahil sa clue mo,,,,

happy new year,,namiss kita ng isang drum hehe~~

Jag said...

@ Kayedee: Happy new Year! kumusta naman ang putukan jan?


@ Parts: Lipay lipay na lang ta ani bisag walay kwarta hahaha...Happy new year Borgy boy!



@ analou: madam happy new year! naglingaw lingaw na lang ko ani kay wala man ko nagpasko ug nag new year sa amoa...tambal sa kamingaw ba hehehehe...

ingats!


@ Jkul: Sir! Happy New Year din! Oo bagong panimula at totally lahat ay bago sa akin kaya adjust adjust na naman hehehe...Cge nga alin ba ang mas nakakaenjoy, BEB o SEB? hahaha



@ Unnie: Oo cute xa...hala crush mpo xa? marami na tayo LOL...pinag usapan k nmin ni KIKILABOTZ hahaha hindi ka ba nadapa jan? lol...dugay na man wala kauli si kuya Ching...nahisgot lng niya nga dati nagpuyo siya sa kabalo na ka kung asa hehehehe...

Happy New year!

Anonymous said...

wow... hehhe... sanan ngayong taong ito mapasama narin ang batman.. wahehehe... BEB

Jepoy said...

walang anuman Jag and happy new year to you :-D

2ngaw said...

bakit ba ang hilig nyong mang inggit?!!! lolzz

sana makasama rin minsan sa eb at sana may regalo rin :D

Jag said...

@ Kikomaxxx: Oo naman sama ka next time hehehe...BEB with batman hehehe...


@ Jepoy: Happy new year din po ser!


@ LordCM: uwi ka na bosing now na tas magpaulan k ng mga aguinaldo hehehe...happy new year!

EMOTERA said...

HUUUWWAAAWWW!!! EB ulit oh. =)

Nice photos. :)) Happy New Year :)

Jag said...

@ Emotera: Happy New Year din! Salamat!

Anonymous said...

ahahahaha. wala na, wala na, wala na akong pang gulat kapag may EB . alam n ng lahat n MMDA ako. haha

-kikilabotz

Jag said...

@ kikilabotz: hahaha maghanda k n lng ng iba pang pang gulat lol...at nagpapaka anonymous ka? hehehe...

eMPi said...

ayon oh... EB na pud. Hehe

Jag said...

@ empi: mao lagi hehehe...mabungahong bagong tuig kanimo part!

krn said...

natawa ko sa mga description mo sa kanila. hahah ang saya ng BEB nyo :)

labia minora!lol

Bino said...

yes i'm at PEBA kaso ako yung nagkokontrol ng slides kaya di ako nagkaroon ng chance makipagmingle sa mga bloggers.

Jag said...

@ krn: hehehe masaya nga..sana marami pang pagkakataon na may BEB...

Happy new year!


@ Bino: OIC...busy ka pla nun hehehe...sana din may chance ma-meet din kayo ser...

Jag said...

@ Ronster: Haha! Totoo yun!Alam mo yung kantang Maniniyot ni Max Surban? Dun ko nalaman ang term na iyon hehehe...Somedeay makakasama ka din sa BEB na yan hehehe...

Axl Powerhouse Network said...

whahaha ang kulit.. sayang wala ako.. ang saya-saya ninyo hehehe.. maganda yung richdad pordad na book hehehe :D

Yffar'sWorld said...

ang saya naman! XD nakakatuwa talagang makitang may nabubuong pagkakaibigan mula sa simpleng pagba-blog. XD

happy new year sa iyo pareng jag! XD

khantotantra said...

bigatin pala mga dumalo sa BEB. Ang mga famous sa blogosphere ay nagsama-sama. :D

Nishi said...

Makasali din nga sa ganito balang araw.

Anonymous said...

Хороший у вас блог! удачи в развитии

Pong said...

blessed new year sir jag
ikaw na ang EB King.

Ibig bang sabihin dating Ipis si kikilabotz hahaha?

mabait nga at pretty pa si mam roanne.

God bless tripod boy! =)

Ishmael F. Ahab said...

Haha! At natawa naman ako sa gift mo from Santa Klaws...gamot sa pagtatae.

Hmmm...baka nabanggit mu sa blog mu na may LBMka kaya nagbigay na siya ng ganong gamot sa iyo.

Rico De Buco said...

naks napapadalas ang eb ha hehehe happy new yeaR~~~

eden said...

Ang saya naman! Kanindot kaha kung maka attend sad ta ug ingon ana. Just wishing lang..

Happy New Year to you.

darklady said...

Ang saya naman nyan. ^___^
Bakit loperamide? kasi daw mahilig ka kumain.kaya para maging ready sa anumang pangyayari binigyan ka nyan.hehehe

Anonymous said...

wow ang galing ang dami mo ng nameet na blogger. hmmm ako 4 pa lang na bloggers nakikilala ko sabagay d naman kasi ako blogger hahaha.

ang galing ng pag kaka review mo sa kanila. si marvin lang kilala ko hahaha.

bakit may loperamide?

Arvin U. de la Peña said...

wow great.............di ko pa nasusubukan iyang pakipag meet sa may blog din..

MiDniGHt DriVer said...

YOWN EH.. at natuloy pala ang sinasabi na ito ni K.. saya saya naman! sama kami sa susunod ha:)

NoBenta said...

nakakainggit naman yan! pangarap ko ring makita sa personal ang mga artistahing bloggers na sinusubaybayan ko! \m/

stevevhan said...

ang cute naman nun, naku kung ako kaya sasali ako jan?medyo shy type ako!, ahaahahahah, as if naman may magiinvite sakin no!? :)

Enhenyero said...

Happy New Year Jag!

Emmaleigh said...

wow, meron pagtitipon ulet. :d

sana one day, tayo naman makapag-EB!

yun yun e. =))

Sendo said...

ansaya.,,exciting talaga makameet ng bloggers..kasi sa pagbabasa lang ng blog posts eh nakikilala mo na ang isang tao...parang me feeling na..basta me kakaibang feeling bwahaha..wow..sana makadalo rin ako na ganyan kabig time na EB ...big time kasi andami niyo haha...ang galing...tsaka sana ako rin padalhan ni roanne ng gift ahw hahaha

Webbloggirl said...

you seems to have a lot of fun! happy new year!

Anonymous said...

higher search engine rankings seo black hat backlink service backlinks free


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner