Friday, October 29, 2010

Belat! Peklat!

Diyes sentimo sa binti...
Sa tuwing nakikita ko ang mala-diyes sentimo  na peklat sa binti ko ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako nagkaroon nito. Hindi naman masyadong halata ang pilat kasi mabuhok naman ang binti ko at maputi pero minsan may mga pagkakataon na nagpapapansin lang talaga siya upang maalalang muli ang nakalipas.

High School - Hilig ko na talaga noon pa ang pagkanta kaya sumasali na ako sa Glee Club ng school. Walang mintis yun mula unang antas hanggang sa ikaapat ay aktibong miyembro ako ng nasabing club. Dahil sa nasa pribadong paaralan kami na pinamumunuan ng mga pari ay kami na rin ang kumakanta sa tuwing may misa sa simbahan. Noon 'yung mga panahon na maigsi pa ang sungay ko at kaya pang lumusot sa pintuan ng simbahan. LOL. Dalawang beses kaming nagpapraktis  ng kanta sa isang linggo--tuwing Martes ng hapon para sa paghahanda sa Wednesday Novena Mass at tuwing Biyernes ng hapon para naman sa Sunday Mass. Madalas na venue namin ay sa simbahan. O diba?Sinong mag-aakalang alagad  pala ako ng simbahan dati. LOL.

Isang madilim na Biyernes ng hapon noon nang hindi sumipot ang musician namin sa pagtuturo. Unti-unti na din nagsilisan ang mga kasama ko. Nagpaiwan ang dalawa kong kaibigan kasi nagpa-praktis sila sa pagpipiano sa loob ng simbahan. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nagpaiwan din ako kasi may binabalak akong masama sa kanila. Oo, bibiruin ko sila. Kunyari mumultuhin ko. Bantog naman talaga kasi na maraming multo sa simbahan kaya pagmumulto ang naisip ko na panggulantang sa kanila. Madilim noon sa loob ng simbahan at hindi nila napansin ang pagpunta ko sa kanila. Tanging ang lampara lamang sa altar ang  siyang nagbigay ng munting liwanag sa buong simbahan. Nagtitipid din kasi ang simbahan sa kuryente. Habang abala ang dalawa sa pagtugtog ay inihanda ko na din ang sarili sa pangmumulto. Ikinubli ko ang aking katawan sa ilalim ng upuan ng simbahan habang gumagawa ng ingay na kunwari'y multong umiiyak. Narinig iyon ng isa kong kaibigan. Huminto sila sa pagtugtog at nakiramdam. Nagbubulungan pa kung parehas ba nilang narinig ang ingay na 'yon. Wala naman daw narinig itong isa kaya itinuloy nila ang pagtugtog. Gusto ko ng tumawa 'nun pero pinigilan ko lang kasi hindi pa ako tuluyang nagtagumpay sa ginagawa. 
.
Sa pangalawang pagkakaton ay nilakasan ko na ang pag-iyak-multo ko. Hindi naman ako nabigo kasi narinig ng dalawang kaibigan ko ang iyak na iyon. Bigla silang napatigil sa ginagawa at ang tanging nasambit na lang ay "Oh God" sabay karipas sa pagtakbo. Dahil sa sobrang takot, yung isa napadpad sa likod ng simbahan kung saan nakalagak ang mga life-sized rebulto ng mga santo. Mas lalong nakakatakot doon lalo pa't madilim hahaha...Yung isa naman ay safe na safe na nakalabas ng simbahan sabay uwi na  at iniwan ang kasama hahaha. Hagalpak ako noon sa katatawa habang nakaupo sa upuan ng simbahan mag-isa. Masarap sa pakiramdam na nakapangloko ako ng mga tao for fun sake. Ganun ako kabaliw noon. Haha!
.
Ngunit! Subalit! Datapwat! Akala ko'y waging wagi na ako sa prank na iyon. Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay may bigla akong nakitang taong naka-sotana na wlang mukha na nakatuntong sa ibabaw ng upuan sa di kalayuan. Gusto kong sumigaw pero ayaw lumabas ng boses ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Nanlalamig at pawis na pawis. Halos hindi makagalaw sa sobrang takot. Pero nagawa ko pa ring tumakbo  kasi  pakiramdam ko papalapit na siya sa akin. Dahil sa nag-freak out na ako noon, nadapa pa ako at tumama ang binti ko sa edge ng upuan. Pero hindi ko na inalintana ang sakit makabangon at makalabas lang  agad sa simbahang iyon.
.
Laking pasalamat ko nang nakalabas ako ng buhay sa simbahang iyon. LOL. Nang marating ko ang bahay ay biglang may naramdaman akong kumikirot sa aking binti. Naalala ko nadapa pala ako. Unti-unti kong itinaas ang aking slacks na pantalong uniporme upang tingnan ang  kumikirot sa bahaging iyon. What the %#&^;*! Ang noo'y puting puti kong medyas ay naging pula na. Ang daming dugong dumaloy sa binti ko. Itinaas ko pang lalo ang pantalon para tingnan ang pinagmulan ng dugo. What the %#&^;*! Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Laylay ang natuklap na balat with matching flesh na konting konti na lang ang kapit nito sa  binti ko. Kitang kita ko ang yummylicious na laman habang namamaga ang gilid ng sugat na noo'y nagkukulay ube na. Siguro konting kalkal pa sa sugat at maghe-hello na si  kumareng tibia (lower leg bone) sa akin pramis! Grabe ang talim pala ng edge ng upuan at pati ang pantalon ko ay napunit din. Oha! Oha! Ang saya saya! Ang bilis bumalik ng karma sa akin hahaha...Ewan ko ba, bakit kasi may mga nakikita akong mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwan. Or sadya lang akong adik kaya minsan nagha-hallucinate at kung ano ano na lang ang nakikita. Hays!

Simula 'nun natuto na ako.  Ayoko ng manakot. Or should I say paminsan minsan na lang hehe...Bali-balita pa naman sa buong eskwelahan nun ang akalang minulto ang dalawa kong kaibigan hahaha...Sa totoo lang hindi pa rin alam ng dalawa kong kaibigan magpahanggang ngayon  na ako pala ang minsan nanakot sa kanila. Ayoko kasing makantiyawan sa natamasang karma hehehe... Pero kung sakaling magkikita  uli kami ngayon, malamang puwede ko ng ikwento ang kahunghangan ko noon haha...Yun ang isa sa mga hinding-hindi ko makalimutang karanasan hehe... I thank you! Bow!

 Happy Halloween! Awoooh!


Monday, October 25, 2010

Partey! Partey!

Sus! Kung maka-pose ay parang siya ang nagpa-party eh nakilamon lang naman...tsk...tsk...
Dahil sa isa na akong palaboy at timawa, hindi ko na pinapalagpas pa ang mga pagkakataon kung saan may mga libreng kainan.  Kaya naman nang magyaya minsan ang isang kaibigan ay hindi ako tumanggi. Lolz. Kaarawan kasi ng isang kaklase namin. Ang layo ng venue nasa kaduluduluhan pa ng QC. Lugi pa ata ako sa pamasahe eh Joke! But seriously, noong nakaraang sabado ay iba dapat ang lakad ko. Doon sana ako tutungo sa Araneta  Colosyum Coliseom Colosse ah basta doon kung saan may concert nina David Foster and friends.  Pero dahil sa mga hinayupak na mga kaklaseng iyan with matching pakonsensiya effect sa akin at nagpa-guilty naman ako, mas pinili ko na lang ang maki-bertdey. Hays! Haha Joke lang...


Akala ko nga simpleng dinner lang ang magaganap at usap-usap lang sa mga existing na mga kaklase pero laking gulat ko ng makita kong PARTEY pala talaga ang pinuntahan ko. Ang daming tao. Marami akong hindi kilala...


At dahil party nga, hindi nawala ang mga malulupit na pagkain.




Sa dami ng kinain ko ay halos mabundat na ako...PG much lang ang arrive...



Nagpahinga lang saglit at bumarik naman kasama ang tropa. Nag-moderate drink lang ang bida that time kasi baka ma-discover nila ang super amazing talent ko 'pag nalasing hahaha...sa sobrang amazing nito ay siguradong maging million hit din ito 'pag in-upload sa youtube. lolz! Wag ng mamilit kung ano yun. Kasuklam suklam kasi hahaha...


Hindi nawawala siyempre ang pictorial ng mga taartits...

Beyond-sey to the tune of "Single Ladies".
Hindi nga ako nakadalo sa concert ni David Foster pero solb na solb naman ang gabi namin kasama ang isa pang exotic international artist...charaaan! Ang panghimagas...Beyond-sey. Bagay na bagay ang name niya kasi she's more than beyond. lol. Pramis pag kasama mo siya magla- lock jaw ka at magkaka-abs sa katatawa. I soo love her! lol.


Aba at itinodo na talaga ang party at may pa-confetti pa...


Teka ang dami ko ng dinadada  pero sino ba ang nagpalamon sa amin nagpabertdey?



Siyempre ang may birthday na gumastos ng bonggang bongga pra sa ikalabing isang kaarawan niya. Oo 21 na siya at ka-BATCH ko pa hahaha...wag ng umalma...lolz!Siya 'yung naka kulay asul na T-shirt na kaakbay ang chika bebe.

Happy Birthday Cris!

Thursday, October 14, 2010

Sayounara Dinner

" Jag kun, I believe you have a better plan, the reason why you're leaving the company. You see, I still wanted you to work with us but if that would be your decision, I respect that. Hope you can still keep in touch with us." - BOSS

Last Tuesday, my boss invited  the whole engineering team for a dinner. He wanted to eat *shabu-shabu so, that time he brought us to a Chinese shabu-shabu restaurant which is located at Pasay Road in Makati City (I forgot the name of the restaurant...uhmmm sounds like Thian Thian or something). And yeah,  the said dinner was intended for me 'coz it' was my last day of work in the company. Whew! Good thing he treated us, nakaligtas ako sa panlilibre sa mga officemates ko wahihihi. The food were awesome. Sorry, I wasn't able to take some pictures. I was too shy to take food photos while I'm with my boss. Otherwise, I would look silly to him if I did (or it's just me thinking that way) LOL.

I am  thankful that my boss was happy for my decision and finally accepted my resignation. He actually kept on asking  many times before if I can revoke my decision. He even "offered" me something but I could only answer him  a  smile lol (hindi kasi sapat ang offer niya haha joke lang). But I never rued working in the company. I am so blessed with the opportunities they'd presented me.  I am supposed to fly  for Thailand last August  but I declined. I guess many of you  thinks  that I am foolish eh? Well, I am haha. But seriously, I finally got tired. Hindi na masaya and no longer productive at work. Pinag-isipan ko nga ito ng matagal, consulted some people, minsan din bumyahe at nagpakalayo-layo mag-isa just to weigh things. And finally came up with this kind of decision--- to start anew. I know I'm burning bridges... and whatever repercussions I would have in the future, I am ready for it.
.

I know marami akong mamimis lalo na ang mga kaibigan sa trabaho. Pero kailangan ko lang gawin 'to. Wish me luck for my next career. Hope it would be nice and niche. :)

For now, I will leave you this video I made earlier today. Here you can see my favorite pictures I took in Japan in 2009. And hope you'll like my "Hey There Delilah" version too. Thanks! :)
.


* Shabu-Shabu- Japanese dish of thin slices of meat and vegetables cooked at table in a simmering pot of broth, then dipped into any of various sauces. 

Monday, October 11, 2010

People Part 2

Sa pagpapatuloy...

Kaya ako napilitang magpa-istayl at natutuong magpakulay ng buhok kasi pinulaan ako ng judeng (yung hairstylist) na ang super jologs daw ng buhok ko. Kung alam ko daw yung palabas na Doraemon ay ako daw yung bespren nitong si Novita. (Hindi ko alam kung aware siya na kamukha niya si  Petra.) Eh sabog nga ako 'nun hinayaan ko na lang siyang pagsamantalahan ako iistayl ang buhok ko. In fairview, naging kamukha ko na si Manny Pacquiao. LOL.

Here comes Saturday. Nangungulit sa akin si Michael V. John Lloyd na makipagkita kasama ang isa pang kaibigan na matagal ding hindi nakikita. Sabi eh LUNCHTIME daw kami magmeet. Kampopot siya! Ang lunchtime pala niya ay alas tres ng hapon. Busheet! Dumating ako sa MOA 11: 30 AM lang. Kumusta naman daw 'yun?  Kahit ganun pa man, pilit ko pa rin inunawa na ganun talaga ang sked ng mga taartis, sa sobrang hectic ng sked madalas late. LOL.

 

Sa wakas nagkita kita din kami after a long 3.5 hours of waiting. Sa Loco Pollo kami kumain. Nakakatuwa kasi kahit hindi man kami madalas magkitakita, same old pa rin ang approach sa isa't isa. Ang magbalahuraan hehe...


Dahil shuma-shining, shimmering, splendid ang nabiling DSLR, tinesting agad ni Bitoy Lloydie ang paggamit ng camera. Naubos ang araw namin sa paglilibot libot sa MOA. Sawa much! LOL. Pero panalong panalo pa rin ang walang humpay na kwentuhan at tawanan. Sayang lang at hindi tumuloy si Jeanne Grey na sumama sa amin  papuntang Laguna ayon sa napagkasunduan.


SUNDAY- Blogger's EB Day
.
Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay inabala na ang sarili sa pagpapatuloy sa naantalang trabaho (nag-uwi ng trabaho sa bahay).  Kailangang matapos na ito kasi kakailanganin na sa susunod na araw (Lunes) sa work. Inagahan ko talaga ang paggising para sa araw na iyon kasi marami pang dapat asikasuhin. Kailangan ko ding pumunta ng Calamba kasi may gagawin lang na mahalaga. Sa wakas natapos ko din ang lahat mga bandang 11:30...

Humabol ako sa EB. Hindi ko inasahan na ang excitement na nararamdaman ay mapapalitan ng lungkot. Nakatanggap ako ng tawag mula sa kapatid na may hatid na di-kaaya ayang balita habang ako ay papunta na noon ng MOA. (Sorry hindi ko kayang banggitin dito). Ganun pa man tumuloy pa rin ako sa pakikipagkita sa mga bloggers. Ang warm ng welcome nila lalo na si Jepoy na siyang unang sumalubong ng cheerful na pagbati. Sa totoo lang nahiya talaga ako sa kanila kasi hindi ako masyadong nakikipag-interact sa kanila. Madalas ako lutang at tahimik lang. Bilang na bilang ang mga sinasabi. Sadyang mahirap lang talagang magkunwaring OK ako sa nararamdaman pero hindi pala. Sa tuwing sinusubukan kong makipag-usap ay iba naman ang nasa isip ko. Ayoko din mang-spoil ng moment na iyon at mag-spread ng negative vibes sa grupo--kaya tahimik lang ako. Kung hindi pa rin mag-OK ang lahat ay baka mawawala muna ako DITO at uuwi muna sa amin. :(

Pero hindi ko pinagsisihan na dumalo sa munting event na iyon. Nakilala ko ang mga intellectual people. Ang mga taong responsable sa pagbibigay sa atin ng tuwa't saya, impormasyon ukol sa makabagong panahon , potograpiya at mga pananaw sa buhay sa pamamagitan ng kanilang blog. May mga pagkakataon lang din na nanghihinayang ako kasi hindi ko sila masyadong nakausap dahil pre-occupied lang. Pero pramis, masarap silang kasama. Makwela.

Hindi ko nga namalayang inabot na kami ng gabi. Pero bago ko tatapusin ang post na ito, gusto ko lang magpasalamat sa mga taong dumalo sa EB.

Rico de Buco- tahimik  pero malalim. Dinudugo ako minsan sa post mo. LOL. Gudlak pala sa exams...

Oliver- isa ka pa. Ikaw na ang genius. Makikita naman kasi ang kapal ng lente ng eyeglasses mo. LOL.Ikaw pala si Olyabut?

Anna- Isang magandang dilag. Marami akong natututunan sa'yo lalo na sa mga Chinese beliefs and also kung bakit nagkukulang ng oxygen ang tao tulad ni XP. Hangad ko ang iyong pagyaman lalo hehehe...

XP- Wala na akong sasabihin sa'yo masyado ka ng sikat. LOL. Pero salamat din pala sa treat!

Kumagcow- dapat ako ang nagsosori sa'yo at hindi ikaw hehehe...salamat sa add...ang ganda ng photography mo pramis! Cnxa talaga...

Glentot- we had a short chat too pero natuwa ako doon sa approach mo sa akin at bigla mo akong tinanong  kung sino ang (bleep) between (bleep) and (bleep) hahaha. Ako naman Joykiller I answered safely hahaha...Salamat parekoy! Pag gusto mo ng ipagbili ang SLR mo pwede ibgay mo na lang sa akin yun ng 75% off? lol.

Steph- sadyang isa kang diyosa at natameme ang lahat sa'yo kasama na ako dun haha...I will never forget you tapped my braso bago ka umalis hehehe...ang babaw ko noh?


At higit sa lahat, ang kaibigan ng bayan...siya na ang perfect at lahat lahat...JEPOY ...maraming salamat for keeping the conversation up and for making the EB possible. Pati na rin sa malupit mong panlilibre. Hang yoomoon yoomoon mo pala talaga. Hindi lang pala basta basta tsismis yun toomooo!!! hehe...Kung  sa umpisa pa lang  ay alam ko lang na libre yun dinagdagan ko pa sana ang order ko. LOL

Advance Happy birthday sa'yo brader! Hangad ko na makalipat ka na din sa SG para masaya ka na hehehe...confident ka naman na wala kang HIV right? LOL.

I hope it's not the last meet up. I am still looking forward to seeing  you again at makakilala pa ng maraming bloggers. : )


Until then! : )

People

I am done spending with my own company. And this time around, pakikipagsosyalan naman sa mga kaibigan ang inatupag ko. Nai-manage ko pa rin ang makipagkita sa kanila kahit medyo abala ang lolo 'nyo. Nag-resign na kasi ako sa kasalukuyang work and I have to polish everything for a smooth hand-over kaya subsob ako sa trabaho. Sa totoo lang excited ako na makawala sa hawla. Well, napagod na din ako and I want to try something new pero sa ngayon gusto ko munang magpahinga. And soon, I will be timawa na huhuhu...LOL.

Hindi biglaan ang desisiyon kong pagreresign...sa totoo lang nakatatlong attempts din akong nagrender ng resignation  pero dahil sa crirical ang situation sa opisina noon, ipinagliban ko muna ito. Tiyempo!Naka-timing ng maganda ganda  kaya tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis ko sa pinagtatrabahuan ko. YEY!

Andami ko ng sinabi. Balik tayo sa pakikipagsosyalan. LOL. Una akong nakipagkita sa college friends ko noong nakaraang linggo. Matagal-tagal din kaming di nagkikita kita kaya kahit medyo pagod from work ay inilipad pa rin ang sarili papuntang Esem Megamol. Nahiya nga ako kasi nahuli ako ng isang oras. Pero ok  lang 'yun kasi bata pa naman ang gabi 'nun. Orchard Road ang venue. Well, that time ako na lang ang lumalamon  habang sila naman ay nakatitig lang sa PG. LOL.


Akala ko doon na matatapos ang lahat pero umarangkada pa uli kami papuntang Eastwood. Hindi naman kami nahirapan pumunta doon kasi may sasakyan naman. Perstaym ko sa lugar kaya manghang mangha ako. Ignorante much lang ang arrive ko noon. 'Sensiya na taga-bundok lang me. LOL. Dahil sa masyado akong naexcite, ginawa ko lang na parang studio ang lugar at nagpictorial galore. Huli ko na ng mapansin na strolling place lang pala ng mga aso ang lugar?  LOL

Final destination namin ay sa Greenwoods kung saan nakatira din ang kapwa artista kong sina Bea Alonzo at Sam Milby pero dahil sa priority ko ang friends ko noon hindi ko na sila ininvite. LOL. Doon na kami naghapi hapi to the tune of Redhorse and Vodka sa bahay ng isang kaibigan. Siyempre hindi nawala ang biritan sa bidjuke...nilakasan ko ang pagkanta to the tune of Careless Whisper umaasang nandun at maririnnig ng manager ni Sam (kahit-bahay) at kuhanin din akong talent niya pero mga kuliglig lang ata ang nag-enjoy sa ginawa ko. Asa much!  6 AM  na akong nakauwi ng bahay...

Nagising ako bandang tanghali na at dahil medyo sabog pa ako nun naisipan ko lang magpagupit...

To be continued...next episode People 2 featuring closest friends and blogger friends (parang palabas lang sa TV ah?)...




Extra:

Maraming salamat kay idol Lord CM sa kanyang nagbabagang award na iginawad sa akin. Sorry di ako nakadalo sa awards night. LOL. Muli, maraming maraming salamat!





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner