Friday, July 23, 2010

Traffic Kasi


Galing kami noon ng driver ko sa Cavite pauwi na. Putakelz! Sobrang trapik. Hindi ko alam kung anong meron bakit may traffic jam. Nasa EDSA Kamuning palang kami at ako'y yamot na yamot na nang biglang may kumatok sa bintana ng backseat ng sasakyan. Binuksan ko naman at biglang bumungad sa akin ang tanong na ito...

"Sir, kumusta po kayo bilang Pilipino?", tanong ng reporter na hindi ko naman kilala kung sino. "Ano bang klaseng tanong yan?" sa isip ko pero sumagot pa rin ako ng bongalore. " Ok pa rin naman. Still proud of being one". Nakatutok sa akin ang camera mga sampung segundo, alam ko, kasi habang iniinterbyu ako ay binibilang ko sa aking mga daliri kung gaano katagal nakatutok ang camera. (chance ko ng lumabas sa TV kaya. LOL.)

Dadagdagan ko pa sana ang sagot ko nang biglang umeksena si manong driver. Hindi din nagpaawat. "Ako naman ang interbyuhin 'nyo", sabi niya sa reporter. Inilipat ng reporter ang mic kay manong. Hindi ko na alam kung anong Q&A ang naganap kasi naging busy ako sa paghahanap ng camera ko sa bag. Buti na lang swift ako kaya nakuhanan ko pa rin silang nag-uusap. At napansin kong mas mahaba pa ang exposure ni manong kaysa saken. Syet!LOL.

Kaya sa pagkakataong ito, itatanong ko lang sa inyo kung nakita 'nyo ba ako sa TV? Telegenic ba ako? O baka hindi na din ipinalabas kasi mas pinili ng editor na kay manong driver ang ipalabas sa TV haha...

78 comments:

ALKAPON said...

Buti hindi ka tinatong ng..."Sir musta po kayo bilang Bisaya?".. hek hek hek

Poldo said...

walang pagbabago matrafic parin ang kamunying(with lambot sa dulo LOL)

parang nangyari e mas malaki ang exposure nung reporter dito sa bonggang bongga mong blog...


hihintayin ko yung interview sayo... dito sa ArabTV este sa internet nalang hehehe

ano kayang channel yan bossing?

EngrMoks said...

Isa yan sa dahilan kung bakit ayoko nang magtrabho ng manila, dito na lang sa bulacan solb na ko...

Jag said...

@ Alkapon: At sasagutin ko din siya ng bonggang bongga sa Bisaya wahaha...nawala k lng ng matagal may pahek hek hek k p jang nalalaman LOL.


@ Poldo: Cge nga say Kamuning once again...aba pre bakit pumipilantik ang dulo ng kamuning? LOL.

Wahaha sikat na xa LOL. RPN ata yung istasyon eh...


@ Mokong:Hayz! Manila! Worst traffic ever!Hayz!

fiel-kun said...

Waah parekoy! nakakatuwa naman yang karanasan mo. Too bad hindi ko yata nakita yan sa RPN 9 na pinalabas hehe. Meron ba sa youtube? haha xD

Jag said...

@ fiel-kun: haha hndi lalabas sa youtube yun kac insignificant xa LOL...

Xprosaic said...

Una, may driver...

yaman....


pangalawa, lumalabas na sa TV...

Sushyal! paburger ka naman... celebrity ka na! paotograph naman... lolz

mr.nightcrawler said...

ay grabe namang ka-yaman niyan. at kailangan talaga may driver? sosyal! haha. saang channel ba an parekoy at nang mapanuod naman :P

2ngaw said...

Hehehe :D artistahin!!!....si manong driver lolzz

Jag said...

@ xprosaic: may kasalanan k pa sa akin humanda ka!!! grrr!


@ mr.nightcrawler: ayaw ko kasing magdrive pag alam kong matagal ang byahe nakakapagod kaya...RPN 9 ata ung channel...wala na tapos n cguro ung episode na iyon hehehe kaya d mo n makikita kung lumabas man ako LOL...


@ LordCM: maganda na sana nung umpisa kaso kay manong driver pala ang mga katagang iyan tsk tsk tsk LOL...makikita nyo c manong driver sa salamin sa unang picture hehehe...

Pong said...

wow artistahin na si parekoy jag!
astig

kumusta ako bilang pilipino?
heto nasa banyagang lugar pa rin.

tinalo ka ni manong driver boss jag!

dun nga pala sa tanong mo ay hindi ako nakapanood ng balita eh

be blessed!

Jag said...

@ Pong:oo nga eh dinaig ako ni manong driver kaya duda ko siya ang lumabas sa TV instead ako kaenes! LOL...

fiel-kun said...

Haha, makikigulo na rin ako XD

Huwaw, ang yaman mo pala talaga parekoy! with matching driver pa talaga ha? susyal! ^_^v

Jag said...

@ fiel-kun: wahahaha at isa ka pa...hindi nga ako mayaman adik! hehehe...feelingero lang LOL.

kikilabotz said...

sabi ko na nga ba artista ka eh. hehe. huwag ka na mag deny. ..ahahaha...

pag traffic isisisi mo lahat sa mmda..ahem ahem

Jag said...

@ kikilabotz: wahahaha sasabihin ko n b ang totoo parekoy? LOL...

ang pangit kamo ng plano sa mga daan dinagdagan p ng mga tsuper na hindi marunong sumunod sa batas trapiko. Hopeless!

Arvin U. de la Peña said...

sa rpn 9 ba ang reporter..eh sa abs cbn ako lagi nanonood..

Jag said...

@ Arvin: wahaha malamng khit ipalabas sa tv d mo rin pla mapapnood...

Apir bosing madalas abs-cbn din ako nanonood hehehe...

NoBenta said...

naku, wala akong napanood sa teevee na kamukha mo. eh wala rin kasing channel 9 dito sa saudi. ang lufet mo, mukha ka kasing celebrity kaya ka na-interview. pero mas mukha yatang mas celebrity si manong dahil mas matagal siya sa camera! rakenrol parekoy! \m/

ROM CALPITO said...

sa dami na ng sasakyan tapos ang liit pa ng kalsada hirap na talaga mag biyahe sa atin.

napadaan lang po

Jag said...

@ NoBenta: next time pag may nag interview uli sa akin kakanta at tatambling n tlga ako pra mapansin na ng talent scout lol...


@ Jettro: araw araw gnito dito pre kya nkkaumay na hays...welcome pla dito sa kaleidos salamat at dinalaw mo ko dito...

darklady said...

anong network yung nag interview? ready naman ba ang porma nung ma interview?hehehe

Jag said...

@ darklady: RPN9 ata hehehe...oo ready kc nkapolo ako dat tym lol...

len said...

tsk,tsk.. si manong talaga ang ininterview, heheh

Jag said...

@ len: hahaha so parang lumabas na salimpusa lang ako? LOL.

More Than Words said...

Wow! I'll never complain about traffic again!

Jag said...

@ Alicia:Well I guess the traffic situation in ur place is good unlike here hehehe...

my-so-called-Quest said...

haha! when was this?
at ano ginawa mo sa Cavite?

Jag said...

@ my-so-called-Quest: Last week hehehe...may binisita lang akong client doon hehehe...

-Parts- said...

Di ko krelate gaano kheavy ang traffic sa manila... Basin sa radyo r to gbalita dili sa TV!.. nyahahahaha assuming kaau noh!? :P

DRAKE said...

Sabi na nga ba ikaw yung nakita ko sa 24 Oras! Dun sa segment nilang...WANTED

I knew it!

Ingat

my-so-called-Quest said...

ahhh! akala ko may bahay ka dun. hehehe! at sosyal may driver. ibang level ka talaga jag. hehe

braggito said...

Wow 10 seconds of fame!!! wala bang video clip?

Nortehanon said...

Dapat po pala, nag-blog ka agad-agad tungkol dito, pagkatapos na pagkatapos ng interview para nag-abang kami at na-enjoy din ang iyong exposure sa TV :)

Arvin U. de la Peña said...

abs cbn po talaga ako..kaya nga madami akong naisulat na tula na ang pamagat ay mula sa palabas ng abs cbn..........ikaw lang ang pagsabihan ko nito ha..next post ko ay baka ang tula na ang pamagat NOAH ang ipost ko..hehe..

Jag said...

@ Parts: Mas lalong d ako mkrelate sa lakad nyong dalawa dun sa islang yun...bitter much...

@ Drake: Naku hindi ako yun kasi matagl n akong nakapag pyansa parekoy LOL.

Jag said...

@ my-so-called-Quest: So tga Cavite ka Doc? Si manong driver lang ang kasa kasama ko everytime my fieldworks ako...ikaw kaya tong ibang level, a man who lives inside the golden world hehehe...


@ braggito: hindi ko nga alam kong lumabas yung interview n un sa tv hehehe...hindi ko n din nasubaybayan kasi madyado akong busy...

Jag said...

@ Nortehanon:Tama ka kaso wala akong time magblog noon eh pati din ngaun busy eh ... cge lang may next time p nmn hehehe...


@ Arvin:Loyal ka-PAMILYA ka pla bosing hehehe...ngaung cnabi mo dito na NOAH ang next post mo alam na din nila haha...

Ingat!

iya_khin said...

haha! pasensya walang RPN 9 dito sa dubai! sayang di ko nakita cute feys mo! (ehem....)

Jag said...

@ iya_khin: kahit meron dito wala din gaanong nanonood nun hehehe...wahaha cute daw? hahaha...enkyu enkyu!LOL.

definella said...

wow.. teka di ko pa nababasa post mo.. comment lang ako saglit.. ang ganda talaga kasi ng header mo =))
alayket

definella said...
This comment has been removed by the author.
Euroangel said...

wow galing naman talaga! salamat po sa visits...sori it seems that i ma always busy.tapos pc ko nababaliw na ata..lol!

webbloggirl said...

remember my visit in manila last January 2010...super busy and very traffic talaga!

Jag said...

@ definella: wui many thanks! na-appreciate mo header ko hehe...salamat din sa dalaw!


@ Euroangel: Naku madam ok lng yun...Salamat din sa pagbisita...


@ webbloggirl: Wala na atang pag-asa n masolusyonan ang trapik dito hayz! BTW, thanks for visiting here...

Jag said...

@ ayu: RPN9 po...hahaha wag mo ng alamin...it's a boys thing hehe...

FAye said...

taga asa man ka Jag? from visayas or mindanao? ako sa Cebu. musta!

glentot said...

Nakakagulat naman ang pagtatanong nya sa gitna pa ng traffic baka kung ako hindi ako makasagot agad ang masabi ko lang ay World Peace!

Jag said...

@ Faye: Sa Mindanao hehehe...Hi! Nice to know ur from Cebu hehehe...Ok ra man ko, maau man ang khimtang kahit papaano hehehe...Tnx!



@ glentot: Wahahaha! Hang hadik! Baka na-bored din sila sa trapik kaya napagtripan kami at kunwari iniinterbyu LOL.

pusangkalye said...

blessing in disguise tawag dyan. akalain mo. instant appearance ka sa tv. hehe

siguro umambon kaya trapik. ganun naman sa Pinas e. lol

Jag said...

@ pusangkalye: ang siste eh dko nga alam kung lumabas b tlga ako hehehe...

gnun b un prang gremlins ang mga sasakyan pag nabasa dumarami kya ngkakatrapik? lol.

Chubskulit Rose said...

Wow pang TV ana ang dating natin bro hehehe,.. sino naginterbyu sayo?

Jag said...

@ chubskulit: hahaha assuming lng madam heheh...wla jud ko kaila kiung si kinsa ang reporter heheh...

Superjaid said...

ako din naambush interview dati at my gawd!nuong baranggay ata namin sa pangasinan nakapanuod pati yung iba kong high school friends..tsk nakakahiya!

Jag said...

@ superjaid: naks naman! dati k n plang celebrity eh paautograph hehhe...sa akin hndi p nmn confrmed hehe...

ingat!

Unknown said...

galing at my driver pa.. hehehehe.. thank you pla sa comment mo sa bahay ko, inspired ako dun.. thanks man!

eden said...

Too bad wala akong Pinoy channel para ma check ko..hehehe..

Thanks sa visit. Really appreciate it.

kayedee said...

waaaa.. san kya pinalabas un at para mkita kta kuya! ahahha..

at mydriver! hang sosyal! nyahaha.

Jag said...

@ tim: hehehe ur welcome buddy...


@ eden: ok lng un madam baka hindi n din ako lumabas sa tv hehehe...assuming lng ako maxado hahaha...thanks! God bless!


@ kayedee: Basta ang nag interview sa akin ay tga RPN 9 ehehe...naku hindi ko nmn pag-aari ang driver n un hehehe...sa kumpanya un hehehe...

krn said...

kaya pala medyo familiar ang mukha mo. hehe. joke lang hindi ako masyado nanunuod ng tv e...

Jag said...

@ karen anne: nyahaha ako din hndi maxadong nanonood ng tv hehehe...

J. Kulisap said...

Ambush interview ba? hahaha. At least ikaw ang nakaswerte, lahat ng Pinoy gustong kumaway sa TV..ahahaha.

Jag, simula na ng pasiklaban. Salamat sa iyong interes.

-Parts- said...

Happy weekend! =)

Jag said...

@ Jkulisap: Maswerte ba? Hahahaha...ni hindi ko nga alam kung lumabas b tlga sa TV un hehehe...


@ Parts: Same here!

Abou said...

pa otograph po


:-)

CaptainRunner said...

He he he, ayos si manong driver :)

YOW said...

Hi. Perstaymer ako dito.
Natatawa ako sa post mo at pati picture mo. Parang ang yaman yaman mo koya. Haha. Kaibigan mo ba si Ariel and Maverick? Sikat ka na. Haha.

Null said...

naks! instant celebrity! hahaha! ikaw na ang maging jag!

Unni-gl4ze^_^ said...

tinalbugan ka ni manong driver~~
sosyal at may driver haha~~
twagan mo ang tv station kung pinalabas yung vid mo hehehe,,,
pwede papicture at pa autograph!!!viva haha

betchai said...

buti nakasagot ka, kung ako siguro, ma-shock na lang ako biglang may tumanong :) haha, but really good answer. me too, i am still proud to be one :)

Super Balentong said...

celebrity ka na pala. lumalabas ka na sa tv, pero nasapawan ka ni manong driver. hahaha.

Jag said...

@ Abou: saan ba ako pipirma? LOL


@ Captainrunner: oo nga eh nasapawan ako hahaha...


@ Yow: hahaha baka kamo feeling sikat lang LOL...oo friends kami nun sa katunayan nga magkatext kami ngayon LOL... salamat sa pagdaan...


@ roanne: hehehe sadyang ganun LOL...


@ Unni: naku wala n yun hehehe saan ba ako pipirma? LOL


@ Betchai: hahaha korek proud tayo! Mabuhay!


@ superbalentong: hahaha ang angas ni manong noh? sinapawan ako LOL.

Ayie Marcos said...

Sa tagal kong hindi nakakadalaw--hindi ko ala na artista ka na pala..!

Unni-gl4ze^_^ said...

bumalik ulit dito~~wait san ba magandang magpapirma heehhe ..sa palad ko nlng samahn ko ng money ha hahahha,,jokes lng
gandang gabi~

Jag said...

@ Ayie: Ikaw kasi eh busy sa jewel blitz na yan hehehe...

@ Unni: welkembek hehehe...cge padala k ng pera dito tas pipirmahan ko tas di ko na iababalik sayo LOL.

Unni-gl4ze^_^ said...

yung lumang 10peso bill papapirma ko sa iyo hahahaha,,,musta na ikaw nag adik adikan ang isang tao sa vid mo hahahah...at tinweeettt nya talaga yun hahaha

Dhemz said...

nyahhahaha....syet talaga...hahhahha...RPN ba yon? sayang d na focus sau ang camera...pagkakataon muna sana yon...lol!

Jag said...

@ Unni: hahaha...hndi ko pansin na may tweet about it hehehe...check ko later hehehe...

may old ten peso bill ka? collectible kaya un...cge akin na hahaha!



@ Dhemz: nyahahaha kainis nga si manong eh LOL...oo RPN hehehe...


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner