Noong mga nakaraang linggo ay masyado akong burned out sa trabaho. Kaya naman nung minsan magyaya ang kaibigan na gumala ay pumayag agad ako. Ay mali pala! Nagpapilit muna pala ako ng kaunti bago pumayag (para tumaas ang demand value) haha! Kasi naman ang lahat ay wala na naman sa plano. Basta bigla na lang naisipang magliwaliw. Ang destinasyon---CEBU.
Oo, sinunod ko ang madalas na payo sa akin ng mga katrabaho at kaibigan, ang magBREAK. Kaya kahit medyo laslas ang wallet ay sumugod pa rin ako sa kabisayaan. Hindi ko na din pinalagpas ang pagkakataong makasamang muli ang ilan sa malalapit na kaibigan.
Mula Maynila ay narating ko ang Cebu mga bandang alas singko ng hapon. Halos isang oras din akong naghintay sa paliparan bago kami nakompleto. Nang makompleto ay agad na tumulak sa bahay ng kaibigan para maglagak lang ng mga gamit at umalis kaagad para gumala. Pasensiya, sadyang makakati lang ang mga paa hehehe...
Unang tinahak namin ay ang IT Park. Pagdating dun ay nag-picture picture agad. Pero yung unang attempt ng pictorial ay 'di saksespol. Sa sobra daw kasing haytek ng camera ay hindi alam kung paano gamitin kaya ang kinalabasan ay parang mga anino lang na nagpapiktyur. Kaya ng maumay sa ginagawa ay naisipan na lang na kumain. Umorder kami ng baby back ribs. Pramis ang sarap! (Paanong di masarap eh libre kaya hehehe)
At dahil libre ang hapunang iyon ay nilubos lubos na namin ang pag-order hehe. Alam kong umiiyak na ang credit card ng kaibigan namin sa dami ng inorder pero hindi pa rin kami tinablan ng hiya. Umorder pa uli ang mga patay-gutom ng pang-finale. Isang BURGER. Take note hindi siya basta bastang burger kundi isa siyang BURGER hehehe...at sa sobrang laki nito ay hindi namin naubos...
Sa kabusugan ay naisipan na lang na maglakad lakad sa Ayala Mall at impernes, para lang siyang Greenbelt hehe...At para mas mabilis ang pagtunaw ng mga kinain ay nagtungo kami sa isang COMEDY BAR. Sabi nila madalas inookray ng mga comedy masters ay ang mga pogi (dahil mainit sa paningin ng mga baklang komedyante). At dahil nga mga pogi kami (O 'wag ng kumontra!) , minabuti na lang namin na umupo sa pinakasulok ng bar at nakikitawa na lang habang mangiyak ngiyak na ang isang tao sa pang ookray ng isang baklang komedyante hehehe...
Pasado alas dos na ng umaga kami nakauwi. Medyo duling na ako noon. Epekto na din siguro ng alak na nainom at inaantok na din. Nagtaksi kami pauwi. At dahil ako ang nakaupo sa harap, ako ang nagbayad (rule daw yun eh mga epal talaga ang nagpauso nun buwisit!). Ewan ko pero inatake na naman ako ng pagka-SHUNGA (pagka-tanga) that time, imbes na 130 pesos lang ang ibayad sa driver ay ginawa kong 310 pesos. O saan ka pa certified shunga diba? Humarurot na din bigla si manong driver matapos matanggap ang bayad kaya CASE DISMISSED na haha...
Pasado alas dos na ng umaga kami nakauwi. Medyo duling na ako noon. Epekto na din siguro ng alak na nainom at inaantok na din. Nagtaksi kami pauwi. At dahil ako ang nakaupo sa harap, ako ang nagbayad (rule daw yun eh mga epal talaga ang nagpauso nun buwisit!). Ewan ko pero inatake na naman ako ng pagka-SHUNGA (pagka-tanga) that time, imbes na 130 pesos lang ang ibayad sa driver ay ginawa kong 310 pesos. O saan ka pa certified shunga diba? Humarurot na din bigla si manong driver matapos matanggap ang bayad kaya CASE DISMISSED na haha...
Maaga kaming umalis kinabukasan noon. Alas-sais pa lang ng umaga ay laman na kami ng isang resort. Ang punterya lang talaga namin doon ay ang aquanaut kasi marami pa sana kaming kailangang puntahan pagkatapos. Pero dahil alas nueve na nang dumating ang mga staffs ay nilibang na lang muna namin ang mga sarili sa pag-peytyur peytyur hehehe...Maaga kasi kami ng 3 oras. Hindi halatang heksayted!LOL.
At sa wakas! Sumapit din ang oras kaya sinimulan na agad namin ang underwater adventure.
Hectic ang schedule naming mga artista that time. Kaya kahit gusto ko pang mag-stay sa Resort na iyon ay hindi puwede kasi may nakaabang na photo shoot schedule sa Fort Santiago...
San ka pa! Ang lakas! Haha...
Mamumundok pa sana kami kaso biglang sumungit ang panahon at alanganin na din sa oras kaya tumambay na lang kami sa isang sikat na kapehan sa Ayala Mall habang hinihintay ang iba pang mga kaibigan na matagal tagal na ding di nakikita.
At isa lang ang sumipot kasi hindi daw available ang iba. Masaya pa rin naman ang kuwentuhan kahit kokonti lang kami. Pero mas masaya sana kung marami hehehe...Dahil may kuwentuhan, di nawala ang chibugan. Napasarap sa kuwentuhan kaya hindi namin namalayang lumalalim na ang gabi...kaya hayun nang magkasawaan sa mga pagmumukha ay nagsiuwian na hehe...Lahat ay pagod. May umuwi ng Gensan at pumasok sa trabaho ng bangag, may nakaubos ng limang tasang kape habang gumagawa ng program tests...at may umuwi ng Maynila na kahit pagod ay solb na solb sa trip...ako 'yun hehe...
Kahit maigsi lang ang trip na iyon ay siksik na siksik naman ito sa magagandang alaala. At dahil inaantok na ako at tinamad na magsulat ay hanggang dito ko na lang tatapusin ang kuwento. Mga repapeeps, super pasensiya uli kung super dalang kong mag-update ng blog sa ngayon. Busy lang. Babuh! Mwah!
55 comments:
base! eheh. waw! lki ng hamburger ehehe.. kuya ang wafu u daw sb ng 2 sis ko! nyahha, my aswa knb daw at ilng taon kn daw! ahaha.
Wow panay ang eyebolan jan ah!
natawa naman ako dun sa comedy bar at talagang nagtago kayo kasi baka kayo okrayin dahil gwapo kayo! Hahahhaah Nagfeeling! Lols uli
Mukhang ang dami mong pera Jag, kaya katulad ng nasabi ko sa YM. PAUTANG NAMAN DYAN!!
Ingat
grabe parekoy, ang dami-dami mo sigurong pera! ang laki mong mag-tip sa taxi driver eh. hehehe.
gusto kong matikman yung dambuhalang burger! masarap ba siya? magkano ang isang order?
ang saya rin ng dagat na walang fish. nagmukha kayong mga shokoys. hahaha. joke lang.
sarap mo siguro katambayan! rakenrol! \m/
Ang ganda ng adventure basta biglaan. Naumay ako masyado sa burger, he he he. Sarap nga ng underwater, kaso mas maganda sana kung may fish fish fish :)
Hahahahaha Inamin talaga ang pagkatanga! TAMA!? hahahahaha
Pagadating ko ng ofis sabi ng ofismate ko ang laki2x daw ng eyebags ko... nyahahahahaha
Sagot ko "Pinagpaguran ko yan at pinagpuyatan!" hahahahaha
@ Kayedee: Congrats! Base ka hehehe...Naumay nga kami sa burger eh sa sobrang laki hahaha...at jinojowk jowk mo naman ako eh wala akong barya dito hahaha...pasabi sa sis mo baka naduling lng sila hahaha...
Certified bachelor ako hahaha...mid-20's na din hehehe...
@ glentot: Unplanned un parekoy hehehe...sa ngaun back to real world na namn hayz!
@ Drake: Baka kasi magkagulo ang show pag nasa unahan kami hahaha...ganito n lng parekoy i-assume mo na lang n mga pogi kami hahaha adik!
Naku mukha lang akong mayaman pero hindi! hindi! Hindi! Dapat ako ang mangutang este ako pla ang manghingi ng pera sau kasi ang laki ng sinasahod mo jan hehehe...
Ingat din!
@ Nobenta:Yun ang disadvantage ng katangahan hahaha...timawa na uli ako dito hayz!
Nasa 200 pesos lang ata yung Dambuhalang burger na iyon sulit kasi masarap siya hindi tinipid sa patty hehehe...
Walang lumapit na isda sa akin that time kasi wla akong hawak na dog food...oo dog food ang ang pinapangfeed sa mga isda doon hehehe...
Keep on rakenroling haha!
@ Captainrunner: Tama ka mas exciting nga pag wala sa plano hehehe...kaya pag umorder ka ng dambuhalang burger dalhin mo ang bong tropa para maubos hehehe...may mga isda naman kaso ayaw nilang lumapit sa akin takot ata hahahaha...
@ Parts:TAMA! (Kris) hehehe...at hindi ka pa talaga nakaget over sa linyang yan bwahahaha...Nice! naalala mo pa! hehehe...
Ayan mabuti naman at kinuwento mo ng buo... ahahahhahahaha... uu nga naman sana may isda... jowk! it was fun! super fun! saka ano ka... 1 oras lang kaya yun... hehehehheehe
Finally naka pag break ka na, kahit na medyo nabuslot ang bulsa mo..hehehe btw, you all look like had a great time. gimingaw ko ug samot sa Cebu oi tan aw sa imong mga pics. Ang dagat kanindot ilukso, sus dool pa lang molupad nako...hahaha.. pero tympa, giunsa man ninyo pag hurot ang BURGER. pwerte man dakoa ana oi..hahaha..dili man sad masulod sa bulsa..hahaha
Have a good week..
@ xprosaic:hahaha so dli na ka mag-update about it? LOL...nagsalig lang kay kay daghan ug fish ang sa imong pic hehehe...
Lingaw noh? Unsay 1 hr lng? Taympa, nadaun ba mo last weekend?
@ eden:hehehe nabati nako madam ang imong kamingaw sa imong lugar hehehe...makalaag ra ka puhon dadto ug balik hehehe...wa jud tawon namo nahurot ang burger hastang dakoa jud hehehe...
God bless!
hanep ang underwater adventure niyo..maganda nga ang ayala cebu..super laki po ang hamburger..di ko yata maubos iyan kung ako lang ang kakain,hehe..
ang laki ng BURGER!! sa TGIF meron din yatang ganyan.
Oh my gosh, that burger is CRAZY!!!!
@ Arvin:oo nga eh kakaibang adventure heheh...sguro kung ikaw lang magisang kumain ng BURGER 2 days mo ito mako-consume Joke heheh...
@ braggito: hehehe...parang meron nga doon....
wow! todo bakasyon ka pala! at ang burger! homaygawd! hahaha
gusto ko na din magbakasyon! :(
Hahaha demand value pala ha.. Sensya na kabayan at medyo busy ang nanay dito sa kabilang ibayo kaya madalang makavisit. Thanks you for always visiting. Wish I could liwaliw din, hay sarap ng buhay ng single pa noh kahit laslas ang wallet okay lang basta enjoy.
putang inang burger ba talaga yun? hahaha. Napamura ako sa laki grabe.hahaha.. Mukha ngang mapera tong si jag. Ang daming blogger na bigtime. Kailan kaya ako yayaman? :c
@ my-so-called-Quest:Nagbreak lng parekoy kac burned out hehehe...
@ chubskulit: hehehe...ok lng un madam hehehe...oo gala gala k din just like what i did hehehe...oo nga eh hndi n nkakapag ipon kac panay gastos lng hays!
@ goyo: hahaha OO BURGER un parekoy! naku mukha lng akong mayaman pero hindi talaga pramis! hehehe...yaan mo pag naging engr. k n yayaman ka na hehehe...galingan mo ang board parekoy!
While reading ur post, na stop tlga me sa pic ng burger! Is that for real? Woaaah! Magkano ung whole?
sir jag
na-F5 din ako sa tour mo
ang sarap nung burger, kaso hypertensive ako kaya hindi na ako hihingi ahahaha
natawa ako dun sa pag-upo ng mga pogi sa likuran ahahah
at walang fish kasi alam nila pupunta kayo sa karagatan diyan sa cebu.
be blessed sir jag.
ang gastos mo maburnout ah! haha. per well deserve naman ang bakasyon kaya Go lang! :D
hi kuya jag. ang pogi mo ah. ^_^
@ Jhiegzh: hahaha hindi mo tlga kayang ubusin yung BURGER mag isa hehehe...nasa 200 pesos lang ata yun parekoy sa casaverde resto sa IT Park Cebu hehehe...
@ Pong: hahaha may F5 ka pa jang nalalaman ha hehehe...masarap ang burger n yun parekoy magsasawa ka sa laki hahaha...kasi sure na kami pag umupo kami sa front ookrayin kami hahaha natakot ba? hahaha...
Nawala ang fishes kac inutusan kong wag umeksena sa picture hehehe...
Thank you! God bless din!
@ my-so-called-Quest:ikaw nga jan eh bigtym yakang yaka magbakasyon around the world hehe...
@ glen kun:ito pang isang to nang uuto wahaha...well salamat pa rin hehehe...
hahaha naranasan ko rin nung pumasok sa mga comedy bar.. pumwesto din kame sa pinakasulok para iwas okray hahaha...
grabe sarap naman ng ganyan adventure!! wow!
@ Poldo: wahahaha apir!ganun nga para iwas okray hehehe...
oo ang saya nga eh hehehe...magastos lang hays!
@ Ayu:pag umorder kayo dalhin mo ang buong tropa mo pra maubos hehehe...sadyang gnun ang pag-aaral pero mas nakakastress ang magtrabaho hays...kasi ikaw n ang bumubuhay sa sarili mo hehehe...kaya gudlak sa studies na lng hehehe...
I am from Cebu City and I miss it very much. Pag uwi ko babawi ako sa lakwatsa lalo na sa may lapu-lapu.
Taga Manila ka ba? Maraming magandang tanawin sa Cebu kung naikot ikot kayo.
@ edward: waw! tga Cebu k pla...tama, gala lng ng gala pag uwi mo hehe...i am just currently wrking here in mnila hndi tlga aq tga rito hehehe...
salamat sa dalaw!
sige sige kayo kayo nalang lumabas dahil mag kakaibigan kayo, fine. Go! LOL
Joke lang...
Nasuya ako sa burger! parang ayoko na mag burger ng one year dahil sobrang higante nyan LOL
@ Jepoy: Bitter? hehehe...gusto mo sumama next time? Hehehehe...
Nakakaumay nga eh sa sobrang laki...at talagang one year? weh? LOL...
gusto ko din ng ganyang break! tipong nasa ibang lugar ka na pag like mo mag rest. hayz!!
nga pala bakit sa blogroll ko hindi ko nakikita na nag aupdate ka? laging nandun sa dulo yung link mo? katulad lang din ba ng nasa bar na nasa dulo dahil gwapo?lol
salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko. ^_^
Waah! ang yayaman nyo naman haha xD (pamasahe pa lang sa airport noh, magkano na haha)
at si pareng Xprosaic ba yung isang kasama nyo?
Hindi ka man lang nagdala ng pasalubong parekoy haha!
@ darklady: oo nga eh kaya gala kng ng gala life is short hehehe...
I know there's something wrong with my blog andami nyo nang nagsasabi nyan hayz!
Pero tumama ka dun kaya siguro nasa huli kasi pogo hahahahaha Joke!
@ Fiel: Naku parekoy kaya mo din yan if I know bigtym k kaya hehehe...ang saya saya nga namin eh kc medyo mtagal tagal din kming di nagkasamang muli...hehehe...
pasalubong?ano un? hindi ko alam ang salitang iyon LOL...
ingat parekoy!
hello po!nakikigulo!saya nman ng lakwatsa nyo kakainggit...malapit lang sa amin ang cebu but once lang ako nakapunta at wala pang kwenta...haay....
by the way added you sa blogroll ko..
@ iya_khin: wui salamat sa dalaw hehehe...balik k uli dun para gumala now na! LOL heheh...
Ingat!
hahah!as of now not possible,dito po ako sa Dubai eh! pass muna ako! igagala ko muna sarili ko sa blog era,tagal ko din nawala...mga...4 months..ehehe!
@ iya_khin: Oo nga eh antagal mo ngang nawala hehehe...well cheers coz ur now back! hehehe...
oo na di na ako kokontra about dun sa comedy bar na ookrayin ang mga pogi kaya ka nagtago kasi pogi ka tama ba ?kaw na kaw na ang pogi jag hahaha,,,di n ako kokontra pwamis....
btw sad naman walang fish2 dun sa underwater adventure mo~~~,,,
next time pag shunga na siguraduhn ang figures ng di madale hahah
nice adventure anyway!!!!!!!!
@ unni: hahaha umiwas lng sa pang ookray hahaha...natakot ata ang mga isda sa akin hahaha...
Thanks sa dalaw! Ingat!
Jag, parang kang batang bata sa picture, di tulad sa profile pic mo sa blogger na medyo professional na ang dating :) tulog ka pa ata nang magbayad nang 310 kesa 130 :)
ang macho mo sa beach ah.. hehehehehe...
oh yeah! eyeball! :D
at nagtago pa sa sulok ang mga pogi...feeling!!! lolzz
@ betchai: kaya siguro ako tumanda dahil sa suit, sa shades at sa long hair hehehe...inaantok n nga ako nung mga oras n yun eh hehehe...
@ tim: nyahahaha macho ka jan! buti ngat walang mga aso dun baka habulin pa ako LOL.
@ LordCM: Hehehe napagkasunduan lang ng tropa bosing hehehe...wahahaha feelingero nga LOL...
Happy Weekend! =)
@ Parts: Happy weekend!
makano ung burger?
@ devil_under_light: nasa mga 200 pesos brad hehehe...thanks sa dalaw!
OMG, that's so big. Uhmmm wait, ndi pala big. It's GINORMOUS! LOL! Grabeng burger naman yun.
Natawa ko sa helmet diving na walang mga isda. Hahaha! Ano ba yun, ke malas naman :)
@ -=K=-:Exactly! Ginormous hahaha! Ewan ko ba bakit walang mga isda n lumapit hehehe...
Wow Cebu. Damo magaganda di ba?
Pasyal pasyal. Good, para naman maubos ang lapad.
Kamusta Jag?
Nagbi-visit ako sa sayt mo, di mo lang siguro alam. Di ako nag-iiwan ng bakas.
very nice images! puro poging ang mga models..haay i miss strolling in ayala mall saka sm pa...thanks sa visit!
enjoy your trips!
Ruby
@ Jkulisap: Damo mo lng gwapa dats y I love Cebu hehehe... hahaha matagal ng ubos ang lapad hehehe...
musta nko? heto tiguang maot ghapon LOL. Laag ko dra s imong site taud taud hehehe...
@ Redruby: hahaha pogi nga models? hahaha hangyo n lng hahaha...cge lng mkALAAG ra lagi ka balik puhon dadto hehehe...Tnx!
Post a Comment