Friday, June 25, 2010

Pinaghalong Lungkot at Kilig

Mabigat na mabigat ang loob ko nang lisanin ang opisina. Walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid at ang utak ay nakasentro pa rin sa...uhmm sabihin na nating... sa rason kung bakit ako malungkot ngayon. Sa sobrang paglipad ng utak ay hindi ko na alam kung paano ko narating ang Sta. Rosa, Laguna galing Makati City basta bigla ko na lang namalayan na nasa Sta. Rosa na pala ako (to think dalawang sakayan pa ako bago marating ang bayang ito). Oo, may kinalaman ang trabaho ko kung bakit sobrang malungkot ako ngayon.
.
Siguro napagod na ako sa something. Minsan nga naiisipan ko nang magresign sa trabaho dahil lang dito. Maganda naman ang trabaho. Okay naman ang offer and opportunities they're presenting me. Ayos naman ang mga bosing. Pero pakiramdam ko may malaking puwang na kailangan i-fill-up. Alas! Alas! Napag-isip-isip kong kailangan ko na palang mag-grow. Alam kong mahirap maghanap ng trabaho sa ngayon pero may mga oras na gusto ko na talagang mag-quit.
.
Oo nga't kung hindi dahil sa kumpanyang ito ay hindi ako makakapag-aral at maging scholar sa isang Institution sa Japan. Malaking karangalan para sa akin iyon dahil globally recognized ang institution na iyon. Marami din akong naging kaibigang dayuhan na nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Pero...pero...pero...Ano na ba ang nangyayari sa akin ngayon? Para bang naging matamlay na ako sa trabaho. Nauumay na ba ako at gusto ko ng bumalik sa Japan? Hindi din! Kasi babalik pa naman ako ng Japan bago matapos ang taong ito. Kailangan ko lang magstay pa dito sa Pilipinas para ituro sa mga katrabaho at kaibigan kung ano ang natutunan ko doon sa Japan (Language-wise, Culture-wise, Technology-wise at partly ang magshare ng experiences maging dito sa blog ). Isa lang ito sa mga responsibilidad ko bilang isko kuno. Eh bakit ba ako nananamlay? Kulang lang ba ako sa inspirasyon?
.
Nang marating ko ang Sta. Rosa ay sumakay naman ako ng tricycle papunta naman sa isang mall para makapagpalamig kahit papaano. Dalawa kaming nasa likod ng driver. Dahil sa malalim ang iniiisip ko ay huli ko ng mapansin na maganda pala ang katabi ko. May kaunting hawig siya ni Donna Cruz pramis!Hindi ko pa siya mapapansin kung hindi pa bumuhos ang ulan.
.
Dahil sa ako ang nasa pinakadulong likuran, ako ang mabilis na nabasa ng ulan. F***********CK!!!!!Sigaw ng isipan ko. Kung gaano kasama ang nararamdaman ko ay siya ring sama ng panahon. Napansin ni bebot ang inconvenience ko. Dahilt hindi naman siya nababasa ay in-offer niya sa akin ang dala niyang payong para pantakip sa bahaging gilid ko para hindi ako tuluyang mabasa ng ulan. Dahil sa medyo matulin ang takbo ni manong driver ay kailangan ko ding suportahan ang payong niya para hindi ito liparin ng hangin. At hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang malambot na kamay. Iniwas niya iyon. Nag-sorry naman agad ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako. Gumanti din siya ng matamis na ngiti. Hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. "Ang bait mo naman, salamat pala sa payong ha!", sabi ko. "Ano pala pangalan mo?", singit ko. Ngumiti uli siya sa akin at nagsabing, "Claire". Ewan ko pero parang may romansang nangyayari sa likod ng payong na iyon. "Ang swerte ko pala at ikaw ang nakatabi ko kung hindi basang-basa na ako ngayon sa ulan", pagpapatuloy ko. "Hindi naman. Okay lang iyon",sagot niya. At sunod-sunod na ang pag-uusap namin...
.
Tumigil kami sa isang gasolinahan para maglagay si manong ng trapal sa sinasakyan naming tricycle. Nakakainis! Okay na sana ako sa payong ni Claire kaso kinakailangan na talagang magtrapal kasi lumalakas na ang ulan. Napansin ni Claire na medyo basa ang kaliwang braso at pisngi ko. Dumukot siya ng tissue sa bag niya at ...AHAHAY!...guess what? Siya mismo ang nagdampi dampi ng tissue sa braso ko hahahaha kinilig ako doon sobra! May pagka-ironic ýung mga nangyayari pero iniisip ko tutal friends na din naman kami kaya niya lang siguro nagawa iyon. Hindi din naman yung tipong talande- style yung pagdampi-dampi ng tissue sa akin. Basta ginawa niya lang.
.
Bumalik na kami sa pagkakaupo para tumuloy sa biyahe. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. This time tahimik lang kami. Pero bumalik ang kilig moments ng mahuli ko siya ng dalawang beses na nakatitig sa akin doon sa side mirror ni manong driver hahaha akala niya siguro di ako titingin sa salamin hahaha...agad naman niya ibinababa ang kanyang mga mata pag nagtama ang aming mga paningin sa salaming iyon. Pero ang bilis ng mga pangyayari at kinailangan ko ng bumaba kasi sinapit na namin ang mall. Ewan pero muling nakaramdam ako ng pagkalungkot. Inasam kong sa mall din ang kanyang destinasyon pero hindi pala. At ang tanga ko, hindi ko man lang nahingi ang kanyang numero para maimbitahan man lang siya sa isang dinner BILANG PASASALAMAT SA KABUTIHANG GINAWA NIYA SA AKIN at wala ng ibang intensyon Pramis! LOL.
.
Simula nun iba na iniisip ko. Sana magka-village lang kami...Sana magkita uli kami...Yung mga ganun hehehe...Natatawa na lang ako kasi napagtanto ko na ang galing ni Lord gumawa ng eksena (meganun? idinamay pa si Lord?)hehehe. Dahil sa ayaw niya siguro akong tuluyang malugmok sa kalungkutan ay binigyan naman niya ako ng kaunting kiliti sa buhay. Bahagya kong nakalimutan ang kalungkutan dahil kay...Claire.
.
At hindi na siya nawala sa isip ko sighs...THE END!

49 comments:

-Parts- said...

Binasa ko talaga hanggang dulo noh kala ko sa motel ang ending... nyahahahaha Kaya cguro ganun xa k sweet kasi naalala nya anak nya sau.. jowk! hehehehe

Jag said...

@ Parts: wahahaha hindi naman ako katulad mo na ganoon ka pervert LOL. So meaning baby face pa rin ako wahahahaha...In fairness, she's only 23, young professional din like us hehehe...

Jag said...

@ ayu: hahaha tama ka may sayad ako hahaha...but seriously, may mga times talagang ganun ang nararamdaman ko about my work...hayz ewan...maybe i just need self examination hahaha...

sana nga magkita pa kmi...

RE: para kasing bago sa pningin ko ang blog mo hehehe

Jepoy said...

Sows hindi pa kiuha ang number ng may happy ending...

Jag ang landi landi landi mo. hmp!

Jag said...

@ Jepoy: wahahaha meganun? bakt ikaw lang ba marnong lumande? hahaha!

Ruby said...

uy kakakilig! baka nga you need someone to inspire you! lol!

Euroangel said...

grabe binasa ko talaga lahat ng sinulat mo..remembering my younger days...hahaha!!

about sa trabaho naman...minsan dumating sa punto na para bang mawalan tayo ng gana sa work....i had been there...even left my job in Equitable PCIbank now BDO and begin a new life in Europe...I did not regret it..

and yes...keep dreaming, one day all your dreams will slowly come true..just like me..lol! ingat!

goyo said...

naks. mga eksena talaga sa sasakyan madalas ang mga nakakakiliti. ganyan din ako minsan, yung tipong lagi kayo nagkakatinginan at nagkakangitian, tapos mamaya magkakahiwalay din, at laging may regret na bakit hindi nakuha ang number.hahaha.

--sana nga magkita ulit kayo.malay mo sya na pala.hehe.

Jag said...

@ Ruby: Oo nga eh (sabay pamumula at kamot sa ulo) hehehe...


@ Euroangel: Actually madam naiinspire ako sa inyo sa kung ano na ang narating mo ngayon...panagarap ko din tlga makarating ng Europe...kahit saan man dun namamangha lang ako sa mga pictures nyo hehehe...

In God's time cguro...SIYA na bahala kung saan man ako mapupunta...

Ingat!

Jag said...

@ Goyo: Yun o! May ganoong experience din pala hahaha apir!

Sana nga magkita uli kami hehehe...

EngrMoks said...

Pang Pocket ang dating ah...bebenta yan...

betchai said...

your post brought tons of smiles though i know you are sad, somehow, it is so heartwarming reading your thoughts about your sweet encounter with Claire, too bad you forgot to get her number. hopefully, soon you or someone else who can make you smile will cross your path again. hope that whatever it is that bothers you right now and makes you sad will soon fade away. i've been through a lot of sad phase in my life but they are always followed with insurmountable joy, like a rainbow and beautiful lighting in the sky after a storm. life is like a hike anyway, we go through uphill and downhill, switchbacks and cross trails, and most of all, we also take a lot of surprising and scenic turns. haaaay, sorry, napa-share pa tuloy ako nang sobrang hilig ko sa hiking and comparing it with our life's trails. hope you have a good weekend.

Jag said...

@ Mokong: hahaha ganito ba ang nababasa mo sa mga pocket novels?
hahaha adik!

Jag said...

@ betchai: Wui thank you madam!Thanks din sa inspiring thoughts mo. Really appreciate it...

Sana malapit lang ako jan sa inyo para palagi akong makasama sa grupo nyo na maghiking. Namiss ko na din kasi ang mamundok LOL.

Take care and God bless!

NoBenta said...

hanobayan, hindi mo man lang kinuha yung number! sabagay, kung sabog ka talaga that time, talagang di ka makakpag-isip ng matino. \m/

Jag said...

@ NoBenta: kya nga eh tsk tsk tsk...hehe

Yas Jayson said...

cue: ironic by alanis morisette

Jag said...

@ Yas Jayson: exactly hahaha...

Xprosaic said...

Mahina... di nakuha ang number... wala nang second chances... mahina talaga! jowk! nyahahahhahahah

Jag said...

@ xp: wooo if i know d k nmn tlga ngbabasa woooohhhhh....lol...

enhenyero said...

it must be love?

Jag said...

@ enhenyero: could be hahahaha...

Ayie Marcos said...

Wheeee! San ka pa, sa haba nang post mo, naiklian pa ako. eheheh.

Kasi naman, kasi kasi--nasan ang diskarte? Ano beh?

Sayang di mo nakuha ang number--pero at least gumanda ang araw mong malamya.

Ska this time, tuwing sasakay ka ng motorsiklo--lagi kang lilingon sa kaliwa at sa kanan, kasi baka hindi mo namalayan, nandyan na pala sya sa tabi mo--kasabay mo uli.

Sayang talaga. hehe

Jag said...

@ Ayie: hahaha sayang tlga mami...ang purol ko hahahaha...nweiz, marami pa nmang tsansa kasi tga rito lang din siya. Next time tlga titingin n ako bka siya na uli hahaha parang telenovela lang ah hahaha...

braggito said...

@jag

I think I can relate to what you are feeling.. siguro you're homesick sa japan.. ganyan ako .. everytime magbakasyon ako sa Pilipinas, na mi miss ko bahay ko sa KSA.LOL.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

hahahahaha. ramdam na ramdam ko rin ang feeling mo kabababayan! murag na-burnout man ka gamay, hehe. pero kinilig din naman ako sa cheezy moments mo. sana magkita pa kayo ulit ni claire. azus!

Unknown said...

ay naku, nan dun na sana, bigla naman nawala.

teka anu bang something yan, that makes you sad?

Sometimes, we can feel that we are no longer happy in the place where we are right now, but knowing it sometimes a trap for us to overcome. It might be hard to stick, but try to listen to those people who needs you and who loves you.

But i love the short romance that happens. "the tricycle,the rain,the umbrella,the tissue, the titigan,and the end" hahahahahahaha... hehehehehehe.. tsk tsk tsk.. naku inlove na inlove ako! ingat ka parekoy, pray always ha.. i care you about you man.. you are one of the great person i've met here. I will pray for you!

DRAKE said...

yung tamlay tamlay kunwari ay lande moments lang pala yun! Yun pala may lab stori pala yan!hehehe

Ikaw ma ang habulin brod ikaw na! saka isa pa, hindi motorsiklo ang tawag dun TRICYCLE yun, hahahah

ingat

Jag said...

@ braggito: hahaha ganun ba yun? Nahomesick ako sa Japan? hehehe...May instance kasi na bored to death na talaga ang wrk ko dito hays! ewan! hehehe...



@ Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD: Wui! Fad'z ur back! Masaya ako weeeee!!! hehehe...

Cguro kung magkita pa uli kami destiny na tawag dun hehehehe...Salamat sa pagbisita Fad'z!

Jag said...

@ tim: Tanga kasi ako tanga hahahah...bsta parekoy related sa trabaho gusto ko n kasing mag quit kaso mahirap din wala pang malilipatan hehehehe...

Ur right man! Thank you for the wonderful thoughts...really appreciate it...

Take good care buddy! God Bless!




@ Drake: KOrek! Talande ako hahahah...joke!

Baka nabubulagan lang yung girl sa akin kaya ganun xa hahahaha...

Oo nga noh? Tricycle pla tawag doon. Mapalitan nga hahahaha...eh ano naman ang tagalog ng tricycle? trisikulo? LOL...

Arvin U. de la Peña said...

darating din siguro ang panahon na muli kayong magkikita niya..i hope natandaan mo talaga ang mukha ni claire..ang themesong para dito na nakaranasan mo ay ang inawit ng after image na TAG-ULAN.........hehe..kung nahingi mo ang cellphone number tiyak ay ibibigay niya..

Jag said...

@ Arvin: sana magkikita pa kami...tandang tanda ko pa mukha niya ewan nya lang sa kin hehehe...gusto ko ang kantang yan bosing hehehe...

salamat sa dalaw. Ingat!

analou said...

Pati ako Jag kinikilig..Hehehe..Torpe mo kasi but hindi mo hiningi agad ang number...sayang....But I have the strong feeling that you will meet Claire one of this day.... talagang masarap may inspiration Jag. Grabe na itong Jag.

Jag said...

@ analou: hahahaha...sana na madam magkita uli kami hndi ko n palalagpasin un hahahaha...Thanks sa dalaw!

my-so-called-Quest said...

did you get her number? haha
sayang moment na yun!

mga claire talaga! hihihihi

pag nagkita kayo ulit, kunin mo na number ah!

Jag said...

@ my-so-called-Quest: oo nga eh hahaha aba teka, Claire din ba name ng gf mo? hehehe...

eMPi said...

follow mo lang yong gusto mo kung sa tingin mo doon ka magtatagumpay. :)

Jag said...

@ MarcoPaolo: Thanks man!

Sphere said...

Cguro kasalukuyang nagpipaint si papa Jesus at ikaw ang subject nya nahirapan nyang ipaint ka ng nakasimangot at malungkot kaya binigay nya si Claire...

dumadating tlaga yang klase ng ganyang pakiramdam sa work nabubugnot ka lng ako minsan pagnarramdama ko ang ganyang pakiramdam nagleleave ako kahit 3days para makapagrelax tpos balik ulit sa work need mo lng magrelax cguro:-)

napadaan lng po at hug po kita sa blogroll ko:-)

Jag said...

@ Sphere: wow! thanks man!Icoconsider ko ang mga sinabi mo...hehehe...

salamat sa pagdaan...

God bless!

glentot said...

Malantod ka para-paraan hahaha pero tama yan OK sana lang yung pagkakilig mo eh hindi yung parang umihi lang hahaha

Jag said...

@ glentot: wahahahah....adik! Hanggang sa ngayon eh d pa rin maka get-over hahahaha...

my-so-called-Quest said...

my ex. who recently got married. hehe

Jag said...

@ my-so-called-Quest: Ouch!!! Sori parekoy about it...ingat!

Arvin U. de la Peña said...

puwede rin ang awitin na ULAN..ng rivermaya..hehe..sana nga lang ang babae na iyon hindi magparetoke ng mukha,hehe..

MJ said...

Para ka si hubby ko inabot nang 6 month bago nanghingi nang phone number.... ako naman pray every time na makita ko sya na sana tanong nya number ko hehehe!
Sana magkita kayo ulit...baka siya na ang kahati nang puso mo....

Understand your feelings siempre mas maganda sa Japan more challenging ang trabaho and more etc alam mo na yon.
Just take it easy ganoon talaga ang life...we can´t have everything we want or else perfect na ang life natin....

Jag said...

@ Arvin: Wow! I so love that song! Fan din ako ng rivermaya hehehe...sana nga d magparetoke ng mukha yun hahaha adik ka bosing hehehe...


@ Khim:hahaha napaghahalata bang torpedo ako? LOL. kakatuwa naman ang love story nyo madam hehehe...

Tama ka nga madam, life is not that exciting kung puro sarap lang sa buhay ang natatamasa...

Thank you!

petitay said...

madami pang claire na dadating sa buhay mo! :) nagtatago sa ibang pangalan. :) lol. take care chka ko na gagawin tag mo! meh migraine ako di ko rin alam bat ko pa nagawang mag online lol.

Jag said...

@ Petitay: KOrek ka jan! Malay mo nanjan lng pla sa tabi tabi hehehe...naku wag mong intindihin ang tag n iyon walang sapilitan un...I just tag u in recognition of u and ur blog hehehe...get enuf rest...


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Kaleidos © 2008 Template by:
SkinCorner