Hindi ko na talaga maintindihan ang klima ng Pilipinas. Kahit umuulan na ay banas na banas pa rin ako. 'Pag nag-climate change nga naman. Sighs! Naalala ko tuloy noong nasa unang taon ng mataas na paaralan pa lamang ako nang magkaroon ng diskusyion sa klase tungkol sa anong maaaring idulot pag nasira ang mothah' naychah'. Sabi ng titser ko, nagkakaroon daw ng GLOBAL WARNNNNING 'pag tuluyang nasira ang kalikasan. Akala ko nabingi lang ako pero nakumpirma ko nga na global warning nga ang sinabi niya nang sabihin niya sa buong klase na wrong spelling daw ang nasa textbook at palitan na lang daw namin ng "N" ang "M" sa salitang global warming. Ewan ko ba kung bakit napahalakhak ako ng ubod lakas ng marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko lang talaga napigilan ang aking damdamin noon. Sinita ako ni titser. Galit na galit. "Hoy! Jag! Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?", angil niya. Pinatayo niya ako at pinagalitan ng todo. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag kasi andami na niyang sinabi. At ang masama pa nun, pinalabas niya ako sa kanyang klase. Pahiyang pahiya talaga ako.
Dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa akin, pumunta ako sa principal's office at nagsumbong. Idinetalye ko ang nangyari. Naintindihan ako ng punong guro namin pero hindi niya din kinonsinte ang ginawa kong paghalakhak. Pinagalitan ako ng super slight lang naman hehehe... Hayun ipinatawag si titser matapos ang kanyang klase . Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero lumabas siya ng opisina na luhaan. Medyo na-guilty ako nang makita ko ang hitsura niya pero kailangan ko ding panindigan ang ginawa ko. At kinabukasan ding iyon ay ibang titser na ang nagturo sa amin. Nalaman ko na lang na sa section C classs na siya nagtuturo. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang section C...
Napag-usapan na din naman ang global warming, kaninang tanghali ay bigla ko lang naisipang gumawa ng something refreshing. Dahil sa medyo maalwan naman ang araw ko, ginanahan akong gumawa ng samalamig at kakanin. Matapos mabili ang mga kinailangang sangkap ay sinimulan ko na agad ang paggawa ng palitaw.
Inaamin ko wala talaga akong talent sa pagluluto. Sa kainan lang ako naasahan hehehe. Pero sa pagkakataong ito, hayaan 'nyo pong ituro sa inyo kung paano ko ginawa ang palitaw.
Mga hakbang:
1. Ihanda ang mga sangkap.
*1/2 kl Galapong (Giniling na malagkit na bigas) - kung sinisipag naman kayo, puwede ding kayo na lang ang ngumuya ng malagkit na bigas hanggang sa maging galapong ito. LOL.
*1/2 kl sapal ng bukonut
*White sugar
*Dahon ng pandan na nakaw sa bakuran ng kapitbahay
*Mani ni lola. Oo kasi doon ko binili ang Happy Nuts sa tindahan ni lola. Ang dudumi ng isip! LOL.
2. Magpakulo ng tubig sa kaserola. Ilagay ang dahon ng pandan na nakaw sa kabilang bakuran pagkakulo ng tubig. Ang pandan ay nagbibigay aroma sa galapong.
3. Pagkatapos mangungulangot, bilugin ang kulangot este ang galapong at i-flatten ito ayon sa laki at nipis na gusto mo. Please see picture above.Dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa akin, pumunta ako sa principal's office at nagsumbong. Idinetalye ko ang nangyari. Naintindihan ako ng punong guro namin pero hindi niya din kinonsinte ang ginawa kong paghalakhak. Pinagalitan ako ng super slight lang naman hehehe... Hayun ipinatawag si titser matapos ang kanyang klase . Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero lumabas siya ng opisina na luhaan. Medyo na-guilty ako nang makita ko ang hitsura niya pero kailangan ko ding panindigan ang ginawa ko. At kinabukasan ding iyon ay ibang titser na ang nagturo sa amin. Nalaman ko na lang na sa section C classs na siya nagtuturo. Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang section C...
Napag-usapan na din naman ang global warming, kaninang tanghali ay bigla ko lang naisipang gumawa ng something refreshing. Dahil sa medyo maalwan naman ang araw ko, ginanahan akong gumawa ng samalamig at kakanin. Matapos mabili ang mga kinailangang sangkap ay sinimulan ko na agad ang paggawa ng palitaw.
Inaamin ko wala talaga akong talent sa pagluluto. Sa kainan lang ako naasahan hehehe. Pero sa pagkakataong ito, hayaan 'nyo pong ituro sa inyo kung paano ko ginawa ang palitaw.
Mga hakbang:
1. Ihanda ang mga sangkap.
*1/2 kl Galapong (Giniling na malagkit na bigas) - kung sinisipag naman kayo, puwede ding kayo na lang ang ngumuya ng malagkit na bigas hanggang sa maging galapong ito. LOL.
*1/2 kl sapal ng bukonut
*White sugar
*Dahon ng pandan na nakaw sa bakuran ng kapitbahay
*Mani ni lola. Oo kasi doon ko binili ang Happy Nuts sa tindahan ni lola. Ang dudumi ng isip! LOL.
2. Magpakulo ng tubig sa kaserola. Ilagay ang dahon ng pandan na nakaw sa kabilang bakuran pagkakulo ng tubig. Ang pandan ay nagbibigay aroma sa galapong.
4. Ilagay sa kumukulong tubig na may dahon ng pandan na nakaw sa kapitbahay ang mga na-hugis na galapong. Antayin na lumitaw ang galapong bago ito kuhanin sa kumukulong tubig. Ibig lang nitong sabihin, luto na ang galapong at namatay na din ang germs na galing sa kulangot. Siguro naman gets mo na bakit PALITAW ang tawag sa pagkaing ito hehehe...
5. Budburan ng asukal ang nalutong palitaw para magkaroon ito ng tamis pleybor.
6. Bago pala ilagay ang sapal ng bukonut sa palitaw, pigain muna ang gata nito saka ibilad under the scorching heat of the sun, para ito'y matuyo. Ang purpose nito ay para hindi madaling mapanis ang pagkain at hindi maglasang langis-niyog.
7. I-Coat ang sapal ng bukonut sa nilutong galapong. Kung gusto mo namang manamis namis ang lasa ng sapal ng bukonut, puwede itong lagyan ng asukal.
8. Durugin ang mani ni lola. Please refer to the list of ingredients. Kung sinisipag ka naman, puwede mo din nguyain ang mani ni lola hahaha...Ibudbod ang durog na mani sa palitaw.
9. Para magmukhang sosy ang simpleng palitaw, lagyan ito ng disenyo kung gusto mo hehehe...
Ganun lang po kadali ang paggawa ng PALITAW. Puwede mo ng i-serve sa visitors ang yummyliciuos na palitaw mo ahihihi (tawang Boy Abunda) LOL...
82 comments:
kakainggit naman...nung isang araw ko pa gustu ng palitaw, naunahan mo pa ko gumawa hehe..[indi talaga ako marunong gumawa nito - salamat sa recipe;)]
salamat nga pala sa pagbisita..
:)
@ alingbaby: hehehe naku madam madali lang tlga gawin to pramis hehehe it's as easy as learning ABC hehehe...
Tyak napakasarap ng palitaw....lasang kamay mo jag!hahahha joke lang
Hala isa ka palang titador ng mga titser!tsk tsk tsk
ingat
Sige naa pa ba diha kay mangaon ta! hehehe..btw, palitao is one of my favourite snacks. I have tried making it here pero lain ra man ang lami kay dili man fresh and lubi. handum nalang ko sa suki namo sa palitao sa Cebu.
kalami sa imong palitao. maayo man kaayo ka ug food presentation.
@ Drake: wahahaha naghugas naman ako matapos kong mangulangot at magkamot ng betlog wahahaha kya masarap tlga hehehe...
heheheh dko naman sinadya un tsaka bata pa ako noon hehehe...oo na kasalanan ko! LOL.
@ eden: hahaha ali dri madam naa pa jud hehehe...salamat sa pag appreciate sa akong palitaw bisag wala p k katilaw hehehe...pero lami siya pramis! hehehe...
hai naku, nakakainis tlga, wala ka pa reng update sa blog list ko... asar naman... kung di ko pa binisita blog mo, di ko pa malalaman na may new post ka... anyway, I REALLY LOVE PALITAW, favorite ko kaya yan... hehehe
@ Ailee Verzosa:Wui super thank you for visiting friend. i really appreciate it. Hndi ko tlga alam bakit ganoon ang ngyayari sa blog ko...marami n kayong ngsasbi na wala ngang feeds ng update kahit may bago akong post hayz! hindi ko alam kung ano ang gagawin...
Nweiz, Halika dito marami pang palitaw hehehe...
hahaha sige ba, wait lng lilipad lang ako ha... nga pala, TAGA SAN KA NGA BA? wahahahah joke... hai naku... may BUG lng siguro ang blogger, don't worry, maaayos ren yan HOPEFULLY!!! hehehe
@ Ailee Versoza: Hahaha punta k talga dito? hahaha naubos n ang palitaw hahaha joke! Andito ako sa Laguna hehehe...sana nga mwala n ang problema ng blog ko hayz!
nga pala, wala ka ba twitter/plurk man lng.... hehehe reply ka na lng sa CBOX ko para makita ko agad... thanks!!!
tingnan mo, from LUCENA to LAGUNA pupunta ako dyan... wahahah kaw tlga... hai... don't worry, maaayos ren yan!!!
@ Ailee Verzosa: ahahaha sabi ko nga nasa Lucena ka hehehe...bago lang ako ngka Twitter at wala pang friends pero invite mo n lng Jaggedjagger83@yahoo.com hehehe...
wow, "may konek" ang global warning sa palitaw! sabagay, kapag lumala ito ay magiging "palubog" na ang mundo.
at kailan pa nagkaroon ng cooking lesson dito? in fairness, mukhang masarap. miss ko na yan kasi walang ganyan sa saudi. although maraming pagkain dito na itinitinda sa pamamagitan ng mga kamay na walang plastic gloves.
sarap! \m/
@ NoBenta: ahahaha that's what we call concatenation hahahaha...
Ngayon lng parekoy nagkaroon dito sinipg akong gumawa ng palitaw eh hehehehe nang maiba nmn hehehe...halika may mga palitaw pa dito oh? LOL.
Hirap akong iappreciate ang palitaw... I remember yung binigay mo... naku nilagyan ko lang ng asukal at mani... hehehhehehe... d q naman alam na kelangan pala may pandan.. hehehehhe
@ xprosaic: Hoy! Alin b ang ibinigay ko? yung ibinigay ko kay halimaw na ibinigay din sa inyo yung sticky rice from Japan yun ba ang sinasabi mo?
Iba kaya un sa palitaw adik! ang palitaw galapong kaya ang ginamit ko hehehehe...
Therefore d k p nktikim ng palitaw ahahahaha!
at kung hindi inilipat ng section ang teacher tiyak pag iinitan ka,hehe..masarap nga ang palitaw..dito sa amin ang tawag niyan ay PALUTAW..bihira na nga lang ako makakain niyan..madalas mag benta ng mga ganyan sa malapit sa paaralan ng mga elementary..
kaya pala palitaw hehehehe pwede rin na lagyan ng luya at asukal yang kumukolong tubig tapos instead na flattened e bilog na maliliit naman, kakainin mo sya kasama ng sabaw, masarap din yun hehehe
kaya pala palitaw hehehehe pwede rin na lagyan ng luya at asukal yang kumukolong tubig tapos instead na flattened e bilog na maliliit naman, kakainin mo sya kasama ng sabaw, masarap din yun hehehe
@ I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT:Uu masarap din yan! Pwede din ihalo sa ginatang halo-halo hehehehe...
Hahaha, kung ako sa principal, terminate ko ung teacher na yun eh...marunong pa sa textbook! lolz
Yummy! Happy Monday!
Di lagi k ngparamdam sa akoa. Buti p sa iba. Kahit mga emails ko di ka nmam ngcocoment. hahahahaha jowk! :p
yum yum!ang sarap naman pati yung side dish na kamote..^_^
Mmm..that looks so good!
Hanep ha. Anlaki talaga ng epekto ng palitaw sa Global WarNing. hahahaha!
wow naman ayos may instruction napakabait mo naman pero mas babait ka kung ikaw gagawa nyan at pakakainin mo nlang kami..ahehehehe......
on sekan tot magawa nga yan minsan.. :D
@ Arvin: ahahaha hindi ko alam kung sino ang nagrequest na lumipat si titser ng ibang klase, si principal o si titser mismo hehehe...
Oo masarap talaga ang palitaw pero may hinahanap hanap na pagkain pinoy ako ngayon yung baye-baye alam mo un? Ang sarap din nun...
@ Lord CM: ahahaha mabait lang si principal binigyan p ng chance si titser hehehe kumbaga under probation siya hahahaha...
@ Parts: Happy Monday pud! Wahahahaha luoran! Wala n kaayo ko naga check ug emails sa akong personal email ui ug kung forwarded emails mn galing xa chance n lng n mabsa nako xa hehehe...O cge n lng gud magcheck ko unya ug mag reply hahahaha!!!Busy lang jud kaayo ko lately...Da, muramag uyab kay nag explain jud ko hahahahaha....Adik!
@ superjaid: hahaha alam n alam n kamote ang side dish hehehehe...pero mauumay ka din kasi puro matatamis ang pagkain hehehe....
@ Alicia: You should try this one too...but I'm afraid you did not understand this post? God bless!
@ Ayie:Anak ng Palitaw! Oo nga noh? hehehehe...
@ Ayu:Baka kasi mautot ako pag pinigilan ko ang aking tawa hahahaha...ganun b un? pag sira na ang mundo saka pa lang magkakaroon ng warning? Kaya global warning ang tawag? hahahahaha...
Sayang naubos na ibinigay ko n sa kapitbahay ko you know naman friendly neighborhood ako hehehehe...next tym!
@ lady in advance: mabait nmn tlga ako khit walang palitaw LOL...oo gawa ka tas patikimin mo kami ng version ng palitaw mo hehehe...
Ingatz!
juz ko natawa ako sa recipe mo! with matching feelings talaga kada step! hahaha! ntawa ako sa mani at sa kulangot nyahaha!
Kuya Jag pengeng palitaw wala niyan dito eh huhuhu
Sobrang init na talaga dito nga at 5:25pm 44 ang temp.
Kaya ayos ang gulaman mo with palitaw
Dahil teacher ako I feel for your titser. Pero syempre 1 rule sa pagtuturo kailangan talagang alam ng titser ang subject matter maging ang N sa M. Basta importante alam natin ang global warming ay isang warning ni mother nature. naikonek na ahahahh!
@ Solo: ahahaha Adik! yun ang sikreto parekoy pra mas masarap ang luto...kailangan with feelings hahahaha...
@ Pong: Sure! Halika uwi ka na gawan uli kita ng palitaw! LOL. Grabe pla jan noh kahit patapos na ang araw eh sobrang init pa rin. Paano n lng kya pag tanghali? Shucks! Burning hell I guess...
Yung ngyari I guess nagdulot ng lesson pareho sa amin ...natuto n akong mag control ng feelings ko...at siya siguro pinag-ibayo niya ang knyang pagtuturo...
Hahaha Konek na konek sir! sir pla ang dapat itawag ko sayo hehehe...
wow, palitaw, favorito koyang kainin kapag meryendahan na sa hapon, naiisip konga date bakit ba name nitu palitaw? kaya pala kapag niluluto yan lumilitaw, kasi ilalagay sa mainit na tubig tapos lilitaw na siya kapag luto.. hehehe.. yung lang. :-)
yun ang nakakainis---maulan na nga---maalinsangan parin. pero okay lang---sanayan lang talaga....pero masarap talaga ang mag-food trip pag umuulan ---napapakain talaga tayo. at palitaw sa tag-ulan? hmmm....kala ko sa summer lang yan. hehe
@ len: Apir! Peyborit ko din ang palitaw hehehe...oo kya xa palitaw kasi lumilitaw siya LOL.
Slamat sa dalaW!
@ pusang kalye: Oo nga eh at kaya ko naisipang gumawa ng something refreshing ksi super maalinsangan talaga at tsaka ito lng kasi ang madaling gawin kaya hayun hhehe...
hahaha, oo nga kaya pala.. talagang super isip pako non bakit yun ang tawag hehehe.. yun pala..
welcome!
@ len: hehehe pero pwede din nmn i-steam ang galapong pero mas matagal nga lang maluto hehehe...
oo nga, peru mas maganda kung papalutangin sya, hehehe, para mas masarap.. lol
@ len: At saka kung steamed xa dapat hindi palitaw ang tawag kundi pa-steam hahaha hangkorni ko! LOL.
wwahaha, ok lang natawa naman ako ng slyt!hahahaha
oo nga naman, korek! :-)
ahahha. aba aba c kuya jag inaaway ang titser! ahahaa..
bka nman tlgang nagkamali lang xa ahihihi
at ang husay mo kuya ha.. kusinero ka din pla! :)
teka panay kuya ko sayo! ilang taon kna nb kuya? :)
lagi akong pinagluluto ni Lola ko noon ng palitaw,.. every uwian galing sa school..miss ko bigla si Lola ko..
Kuya.. kamukha mo si Bidam ko..=)
namiss ko bigla yung palitaw ni Lola ko.. =(
mainit dito sa lugar ko kuya.. hindi lang alinsangan ang makakasalamuha mo araw araw..
hawig mo si Bidam ko Kuya.. eheheh..
naks na parekoy, galing ah! mukhang masarap 'tong palitaw na to ah, penge naman :D
pwede na 'tong magka cooking show! WOK WITH JAG! (pwede!) hehehe :D
@ len:hahahaha atleast natawa ka kahit slight lang hehehe...
@ kayedee:ang lahat ng mga ngyari noon ay hindi tlga sinasadya cguro nga kasi bata p lng ako noon...pero mas malaki kasalanan niya, mantakin mo nagtuturo siya sa buong klase ng mali db? Pero I guess natuto din siya sa karanasang iyon...
So ibig sabhn mahusay k din sa kusina kasi may (DIN) eh hehehe...ako? uhmmm...hulaan mo hehehehe...kahit sa amin ung mga tita ko kuya ang tawag sa akin hehehe...
@ pulambuli:nakakamiss nga naman pag nawala sau anng nakagawian mo...ako, mga lola ko saglit ko lng nakapiling kaya wala maxadong bondng moments tulad ng sau...waaaah parang d ako mabubuhay sa Saudi ba yan? musta nmn pamumuhay natin jan?
Hahaha pero sino si Bidam sa buhay mo? Naintriga tuloy ako hehehe...
@ dylan: hahaha ginanahan tuloy akong gumawa p ng palitaw dahil sa mga sinabi mong yan LOL. Eh palitaw lng naman ang alam kong gawin hahaha...Natawa naman ako sa WOK WITH JAG hahaha...
sa Doha po ako..,
Bidam is a strong character in a tv series.. may hawig kase kayo sa feature ng face,, oh diba..parang adik lang ako...=)
@ lee: oic nsa qatar pla kau...ahahah ... hindi ko kc kilala si Bidam eh hehehe... qatar tv series b yan xa?
@ lee: ahahaha na-check ko na sino si Bidam , character pla siya ng isng koreanovela hahaha adik...sori naman hindi ako nahihilig manood nun hehhehe...
Ana ra diay kasimple Jag?Sus, naglaway ko kita sa imong pics.Thanks for the visit.
Sarap naman!!
@ A.M.I.N.A: Oo dali ra kaayo noh? hehehe...
@ braggito: Hehehe oo masarap siya hehehe...
hahahaaha! natawa naman ako! may presentation pa, parang kumakain lang sa mamahaling restaurant hahaha! namis ko tuloy ang palitaw paborito ko yan nung bata ako hehe
pahingi naman niyan parekoy... isa sa mga paborito ko ang palitaw eh. ikaw ah, bad ka dun sa titsermo... dapat winarming mo na lang muna. haha.
@ roanne:ahihihi syempre para magustuhan ng mga bisita ko like you ang palitaw hahaha...mukhang medyo matagal k n rin pala di nakakain ng palitaw noh? hehehe...
Ingat!
@ mr.nightcrawler: Naku ubos na ang tagal mo kasi LOL. Haha let's say it's just my sweet revenge for her LOL. Hindi, bata p kasi ako nun at pinagsisihan ko na din yun hehehe...sana hindi n lng talaga ako humalakhak...sana ni-raise ko na lang ang hand ko at nagsalita about it...hehehe...
yummy nga...pang global warNING! haha ...buti ka pa me nalalamang palitaw-palitaw haha
@ Sendo: Korek! Pang Globbal WarNNNning nga hahaha adik! Sayang naubos na kaya wala k ng palitaw hahaha...
kawawa namn yung titser. dapat kasi diplomasya nalang ginawa nya.,
in fairness sarap ng palitaw paborite ko yan pare.
Life Moto
sarap!
xoxoJoice
http://joice.isgreat.org
@ Life Moto: Kaya magandang ikontrol ang nararamdaman kc kung dere-derecho lang tau malamang may masasaktan tayiong dadamdamin...sana nga hindi n lng ako humalakhak...pero I know lahat ng ngyaring un ay may purpose din...
Same tau pare peyborit ko din ito hehehe....
@ joice: Ur welcome!
wala din akong alam sa pagluluto..haha. tnx sa pagtutro..
@ kiilabotz: sa aming pamilya ako lng tlga ang d mrunong mgluto hehehe...
Naku parekoy, grabe na tlaga ang Global warning... err.. warming ngayon... kahit umuulan na medyo maalinsangan pa rin ang panahon XD
At mukhang masarap yang palitaw ah... isa yan sa mga favorite kakanin ko... penge naman XD
@ fiel-kun: hahahaha korek! maalinsangan nga pa rin nabubuang na ang panahaon hayz! HUli k n pare ubos na...tinamad n akong gumawa wahahaha...
ang sarap!!
puto kutsinta...ok iyan..pinoy talaga..casavacake..puto bumbo..
@ Arvin: Ang sasarap naman ng mga binanggit mo bosing! hehehe...
@ Goyo: Tenks!
Hahaha for sure masarap yan dahil sa mani ni Lola OMG!!!
@ glentot: hahaha talgang masarap. Ang mani ni lola ang bumibida sa palitaw hehehe...nakatikim k n b ng mani ni lola? LOL...
i love palitaw, thanks for reminding me how to make it, i used to make this often back home and always enjoyed it. did you make that gulaman drink too? now i am getting hungry :)
@ betchai: I'm glad you liked it hehe...Yes I made the "samalamig" too hehehe...
wow, sinipag ka ah.ganda ng presentation ng palitaw.^_^
@ darklady: Oo halatang walang gngawa that tym kasi pinag abalahan tlga ang paggawa ng palitaw hehehehe...
ei jag, try mo nga baka sakaling maayos yung site feed mo...
>settings tab
>basic
>add your blog to our listing
>YES
pag ayaw pa rin gumana, hays di ko na talaga alam hehe
@ petitay: Sumaglit lng din ako sa blog ko balikan n lng kita ha hehehe...
Salamat sa dalaw Ingat!
@ Roanne: Pag may bago akong post, may site feeding naman at nkikita ko sa dashboard ko ang latest post ko...
Pero cge itry ko p rin hehehe...Maraming Salamat sa tip...hope this time it'll work...
Waah, wala na talagang natira? XD
Buti na lang kagabi naguwi ng palitaw yung kapatid ko ^_^ miss ko nang kumain nito hehe.
Nga pala, you've been tagged parekoy. check out my latest post :)
penge ako palitaw... !
I am extremеly imprеssed wіth уour writing skills and аlso ωith
the layout on yоur blog. Is this a pаiԁ
thеme or dіd yоu сustomize it yoursеlf?
Αnyway keep up thе еxcellent quality wгiting, it's rare to see a great blog like this one these days.
my website ... galaxys3.fr
Here is my page -
ӏ have fun with, causе І fοund exactly
what Ӏ was tаking a looκ for.
You've ended my 4 day long hunt! God Bless you man. Have a great day. Bye
Also visit my weblog - www.zulutradeonline.com
My web blog -
Hi, уuρ thіs article is in fact good anԁ Ӏ haѵe leaгned lot of thingѕ from it гegаrding blogging.
thanks.
Also viѕіt my weblog ... galaxy s3
My webpage -
Good dаy! Do you know if thеу mаke any plugins to protect against hackers?
I'm kinda paranoid about losing everything I've worked harԁ οn.
Any tips?
Stοp bу mу weblog :: pikavippi
my site >
Post a Comment